Naramdaman ko ang biglang pagbabago sa paligid ko. Parang nawala ang kalasingan naming lahat dahil sa narinig at nakatutok lahat ng mata sa amin. Sa akin. Naramdaman ko rin ang paghigpit ng pagkakahawak ko sa baso ng alak na hawak ko. Napailing ako sabay biglang lagok sa tequilla at sinipsip ang lemon na kanina ko pa pala hawak. Masyado yata akong nalibang sa asaran namin. Kasabay ng paghupa ng pait sa aking dila ay ang pagsagot ko sa tanong ni Joseph. But before I can utter a word, tumunog ang baby monitor ko, a sign that one of my kids has been disturbed from a deep slumber. "Sorry to say this, but I need to go." Tulala pa rin sila sila sa akin but I need to get into our bedroom. Baka kung ano na ang nangyayari sa kanila. And the moment I stepped inside the house, I heaved a deep bre

