Tanghali na ako nagising kinaumagahan. 11 am to be exact. Agad akong bumangon sa kama nang mapansin ko na wala ang kambal sa kwarto. "Shit." Napahawak ako sa ulo ko dahil sa biglang pagsakit nito. Hangover. "Dane! Charlie!" I called them. Bababa na sana ako ng hagdan ng makarinig ako ng hagikhikan sa isa sa mga kwartong nadaanan ko. Bumalik ako para siguraduhin kung sa mga anak ko ba ang boses na naririnig ko. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto kaya unti-unti ko ring naririnig ng malinaw ang mga boses. "Nanay!" Bahagya pa akong nagulat sa sabay na pagsigaw ng kambal kasabay ng pagtakbo nila papunta sa kinatatayuan ko. "Good morning, babies." I smiled then kissed them. "What are you doing here?" Iginala ko ang paningin ko para malaman kung sino ang kasama nila dito. "Tito Joseph sai

