"Sino bang may sabi na naghiwalay kami?" Biglang sabi ni Joseph bago pa man ako makasagot. I closed my eyes to prepare myself from their inquisitions. "Nanayy. I want to pee." Sabi ni Charlie bago pa man sila makapagsalita. Thank God! "Okay." Naghugas ako ng kamay bago ko ibinababa si Charlie. Hindi naman gumalaw sa pwesto niya si Joseph at hawak pa rin si Dane. Pinapanood niya lang akong alalayan si Charlie. Nakita ko sa peripheral vision ko na nakatingin sila sa akin, waiting for my answer. Sinamahan kong umihi si Charlie. Si Dane naman, nakipaglaro na sa mga anak ni Nin at Kyla. Sinadya kong tagalan. Baka sakaling makalimutan na nila yun. At palagay ko, nagtagumpay ako. Hinayaan kong makipaglaro muna ang kambal sa mga bata bago ako bumalik sa kusina. Wala na si Joseph pagbalik ko.

