Ilang linggo na rin ang nakalipas mula nung birthday party ng anak ni Nin. Nakatira kami ngayon sa bahay ng mga magulang ko dahil na rin sa kahilingan nila. Sa ngayon, magaling na si mommy pero hindi pa rin namin siya pinapayagang magtrabaho. Madalas din kaming dumadalaw sa bahay nina Van, kasama ang kambal at nakilala na rin namin ang Papa nito. "Mag-ingat kayo ah. I'll be back in two weeks." He said habang sinasara niya ang zipper ng bag niya. "Oh, wag nang sumimangot. We both know that it would be better if you stay here with your parents, Reese. Makakasama sa mama mo kung malulungkot yun." He added. Nandito kami sa bahay nila. Kasama ko ang kambal dahil na rin sa request ng parents niya. Babalik na kasi siya sa Paris dahil may mga bagay siyang kailangang ayusin doon. Biglaan niya ka

