Papunta ako ngayon sa studio. Nagpaiwan ang kambal kina Mommy at mabuti yun. "Magandang umaga po, Ma'am Reese!" Bati sa akin ng mga empleyado pagdating ko. "Magandang umaga rin. Kamusta dito?" Tanong ko. Ngayong wala si Van, ako na muna ang pupunta dito. "Mabuti naman po. Wala pang masyadong customer pero okay lang." Sagot ng isa sa kanila. "Wala si Van ngayon kaya ako na daw muna ang bahala dito. Okay lang naman siguro, diba?" Nakangiting sabi ko. "Oo naman po, Ma'am Reese. Ikaw pa!" Ngumiti sila sa akin at nagpatuloy na rin sa kani-kanilang trabaho. ** Nag-angat ako ng tingin mula sa aking laptop ng kumatok si Anna sa office ko. "Excuse me, Ma'am Reese. A certain Joseph Torres is looking for you. Gusto ka daw pong makausap ng personal." Nagulat man, tumango pa rin ako. "Let him

