"Sus. Noon nga, wala kang hiya at kahit anong maisipan mong gawin, ginagawa mo!" "Ha?! Kailan yan nangyari!? Ikaw ah. Wag mo kong ipahiya sa asawa at mga anak ko!" Nagtawanan kami dahil sa sinabi ni Nin. Kanina pa kasi kami nag-aasaran sa loob ng sasakyan habang papunta kami sa rest house na pagbabakasyunan namin. Nasa iisang van kami. Sa unahan si Nin at ang asawa naman nito ang nagdadrive. Kalong niya ang 11 months old niyang bunso. Sa likod nila ay si Tricia kasama ang friend nya daw na si Tristan na kanina pa naglalampungan at nagbubulungan. Sus! Kaibigan daw! Sa likod nila kami nakapwesto, kasama ko ang kambal ko na nakikipaglaro sa panganay na anak ni Nin. At sa pinakahulihan naman sina Kyla at ang dalawa nilang anak. 20 minuto na ang lumipas matapos naming bumyahe. At sabi nila,

