Nagising ako na parang binibiyak ang ulo ko sa sakit. I groaned in pain. Gusto ko pang matulog pero gising na gising na ang diwa ko. D@mn it. Gumalaw sa likod ko si Van at niyakap ako palapit sa kanya. Ipinikit ko muna ang mata ko, baka sakaling mabawasan ang pagkirot ng ulo ko. 5:30am pa lamang at tulog pa ang kambal na magkayakap pa. Magkakatabi kaming natulog dito sa kwarto ko. Sa kabilang kwarto ko sana pinatutulog si Van kagabi pero ayaw niya. Tatlo lang kasi ang kasya sa kama ko. Kesyo natatakot daw siya at baka may biglang humawak sa paa niya. O baka naman daw naiilang akong katabi siya kasi may lihim daw akong pagnanasa sa kanya. Oh eh di sige. Lampas tuloy yung paa niya sa kama at hindi siya makagalaw ng maayos kasi masikip. Dahan-dahan akong umalis sa pagkakayakap ni Van at

