Mahigit 30 minuto na kaming nasa biyahe pero wala pa rin kaming imikan. Tanging ang kambal lang na nag-uusap sa backseat ang nagsasalita. Maya't-maya ko silang tinitingnan at kinakausap pero pagkatapos nun, tahimik na naman kami. "Dane! It's not like that! Ganito dapat!" "No, I won't do it!" "Noooo. Just do it! Just do it!" Napansin kong maiiyak na si Charlie kaya sinuway ko na sila. "Babies, what did Nanay say about fighting?" "Sorry po." Charlie said habang nakayuko. "Dane." Sabi ko ng mapansing walang balak magsalita si Dane. Nakatingin lang ito sa bintana habang nakasimangot. He looked at me then said sorry. "Uhm. Okay. Who wants Jollibee?" Biglang sabi ni Joseph para ganahan naman ang dalawang bata at mapigilang mag-away ng tuluyan. Nagtinginan naman ang kambal saka tuwang

