Episode 2

1175 Words
Lagi kong kasama sa trabaho ang mga bata. Wala naman kasi akong kinuhang nanny. Mahirap makakuha ng mapagkakatiwalaan dito sa ibang bansa kumpara sa Pilipinas. Isa pa, nandiyan naman si Van. Malaki ang naitulong niya sa akin simula ng maipanganak ko ang kambal. Sa studio, binibigay niya ang trabaho na kaya ko lang. Nung nagsimula ng maglakad ang kambal, saka pa lang kami nagsimula na magbukas ng mga branches sa iba't ibang lugar dito sa Paris at sa Pilipinas. Hindi ko muna sinabi sa mga bata ang pagpunta namin ng Pilipinas. hindi ko nga sinabi sa kanila na doon ako lumaki kasi hindi pa naman nila maiintindihan yon. Sa totoo lang, gusto ko na rin silang ipakilala sa mga magulang at mga kaibigan ko sa Pilipinas. Gusto kong makilala nila ang pamilyang kinalakihan ko. Pero pinangungunahan ako ng takot. Takot na ipagtabuyan at hindi nila tanggapin ang mga anak ko. "Sweetie, sleep na muna kayo, okay? Bukas may surprise ako sa inyo. Kapag hindi natulog, walang surprise. Deal?" Nakangiti kong sabi sa kanila habang binibihisan ko. Mabuti na lang at pinakain ko na sila kanina sa office bago umuwi. Agad naman silang nagunahan sa pagpunta sa mga kama nila. Ang kwarto nila ay iisa lang. Dalawang bed na pink and blue pero pinagtabi ko, so parang magkatabi lang sila pero magkaibang bed. Nung napansin kong tulog na sila, nagsimula na akong magempake ng mga gamit nila na dadalhin namin para bukas. "Reese." Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa sahig ng marinig ko ang boses ni Van. He showed his apologetic smile. Nandito na ako sa kwarto ko para mga gamit ko naman ang iempake ko. "It's fine, really. Mag-eenjoy naman ang mga bata dun, panigurado. At siguradong hindi mo naman kami papabayaan dun diba?" Parang bata kong sabi sa kanya. He's the brother I never had. Pakiramdam ko, kapag kasama ko siya, bumabalik ako sa pagkabata. Binibaby niya ako eh. Umupo siya sa kama ko sabay tap sa lap niya. I sat on his lap just like a child and buried my face in his neck. "Gago ka talaga! Pasalamat ka, mahal kita kundi kanina ko pa nasipa ang kinabukasan mo." Sabi ko. I can feel the rumble in his chest as he chuckled. He wrapped his arms around my waist, pulling me closer to him. "Akala ko pa naman, hindi ka na galit saakin." Wala kaming relasyon ng lalaking ito. Ewan ko ba, hindi nagwork eh. Sinubukan namin yan noong unang taon namin na magkakilala. 3 months pa lang ang tiyan ko nun. Sabi niya kasi, baka daw pinagtagpo kami sa Eiffel tower nun kasi kami ang destined for each other. Humagalpak nga ako ng tawa nun pakasabi niya. Sa laki niyang tao, naniniwala siya sa destiny? Hahaha. Pero yun nga, sinubukan namin. We pretended like we started over as lovers. Yes, we do love each other that time kaya hindi na namin kinailangang magpanggap sa bagay na yan. We acted as if we are the sweetest couple in town. Binibigyan niya ako ng flowers and chocolates, pati yung mga pinaglilihian ko, siya ang bumibili. Pero nung '1st monthsary' namin, pumunta siya ng sobrang aga sa apartment ko. Nasa banyo pa nga ako nun dala ng morning sickness ko na wagas magparamdam. Nakapasok siya sa apartment ko dahil meron siyang duplicate key. Binigyan ko siya. I shouted that I was in there kaya kumatok siya sa banyo saka nagsalita. "Reese, hindi ko na yata kaya. Parang may mali eh." Hindi ako makasagot nun. Panay na ang suka ko eh. Hindi ko na nga masyadong maintindihan ang sinasabi niya. "Sorry pero hindi kita kayang mahalin tulad ng pagmamahal mo. Sorry kung pafall ako. Pero kapatid lang talaga ang tingin ko sayo. Yun siguro ang mali kaya parang naasiwa ako sa tuwing sinasabi ko sayong mahal kita. Feeling ko, i****t tayo eh." Narinig kong sabi niya nung naghihilamos na ako. Kumatok na naman siya ulit. "Uyy, Reese? Umiiyak ka ba? Wag mong sasaktan ang sarili mo ah, marami pang lalaki diyan. Maawa ka naman sa anak mo, hindi niya man lang masisilayan ang mundo kung papatayin mo ang sarili mo!" Palakas ng palakas ang katok niya kaya binuksan ko ang pinto sabay suntok sa tiyan niya. "Di mo ba naririrning na sumusuka ako? At ang feeling mo naman para magpakamatay ako para sayo. Mahal ko ang baby ko, no. Pero di nga, di ka man lang nahulog sa akin? Sa ganda kong to?" "Kapal mo ah." "Teka. Baka naman alam mo na?" Tanong ko habang kumekembot-kembot pa "Hoy, di ko nagugustuhan ang nasa isip mo ah. Baliw! Lalaki ako! Tss. Halikan pa kita diyan eh!" "Sus. Halikan para matikman mo ang kinaiinggitan mong labi ko. Gusto mo rin kasing maachieve ang lambot kaya kailngan mong maramdaman. Wag ka nang magdeny. Secret lang, promise!" "Kadiri ka. Sumuka ka diba? Kaya wag na lang. Isa pa, baka pagnasaan mo pa ako. Sige na, pasok ka na ulit sa banyo." Sabay walkout. Mula noon, naging mas sweet na kami sa isa't-isa. Lalo na nung nasa kalagitnaan talaga ako ng paglilihi. Lahat ginagawa niya para masunod ang gusto ko. Kaya sobrang mahal ko yang si Van. Feeling ko, iisang pusod lang ang ginamit namin noon. Kaya lahat ng gawin namin, walang malisya. Tulad nito, nakaupo ako sa lap niya habang siya nakasandal sa headboard ng kama ko at yakap ako. Pero syempre, hindi kami nag aano. Yung ginagawa ng mag-asawa? Hahahaha. Walang kiss sa lips. Sa cheeks lang. Hehe. Landi. Ang gwapo niya kasi eh. Saka ang bango, sarap yakapin. "Hindi na po. Basta sumunod ka dun. Papatayin talaga kita kapag hindi ko nakita ang anino mo doon!" Banta ko sa kanya. Kumalas siya sa yakap namin saka hinalikan ako sa noo. "Oo na. Tss. Ang brutal mo, pero ang magpakita sa pamilya mo, sobrang takot ka." "Speaking, gusto ko sanang sumama ka pag uwi namin sa bahay. Balak ko na kasing magpakita sa kanila. I got your point and well, I am doing this for my kids, not for myself. Please, samahan mo ako. I need my strength and you know that it's you. And the kids, of course." "Aww. Ang sweet naman. Haha. Okay. I'll be there right after my defense tomorrow. Wala ng atrasan yan ah. And just so you know honey, I'm so proud of you." He sincerely said as he kissed my hair. I hugged him back. I don't know for how long pero nagsalita siya. "Honey, ang liit mo pala talaga. Para kang 18 years old lang." "Naks. Thank you sa compliment, honey." I said sweetly. Nasanay na kami na tawagin ng ganyan ang isa't-isa kapag nasa mood kami. Tulad ngayon. "Tapos yung boobs mo, pang 12 years old lang sa liit." Agad akong kumalas sa yakap namin at sinapok siya. "Ang bastos mo talaga!" Nakasimangot kong sabi. "Ikaw kasi eh! Masyado kang nakadikit! Yan tuloy, nafeel ko! Tss." "p*****t! Ang sabihin mo, may pagnanasa ka talaga sa akin! Tss." Okay na sana yung moment eh! Sinira lang ng manyak na to. Tsk. ---------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD