Episode 1

1651 Words
Paris, France April 10 [7:20 am] Salvador's Apartment Someone asked me, bakit ko daw ba hinayaan na iwan niya ako ng ganun na lang? Pagkatapos ng maraming taon naming pagsasama bilang magkasintahan, pinakawalan ko pa siya. But honestly, I really don't have a plausible answer to that. Kasi hindi ko naman ginustong maiwanan. Hindi man lang nga ako nabigyan ng pagkakataon na mapigilan siya, eh. It's like, I was pushed through the situation whether I liked it or not.  Sa mga ganitong pagkakataon, I really feel so pathetic. Anyway, I am Reese Ann Salvador. 24 years old. And this is where my life begins. "Nanay, I want to eat adobo." "Okay, sweetie--" "Nanay, me! I want you to take a picture of me!" "Sure, later, honey. I'll just get the---" "Nanayyy! I'm hungry. I want adobo." "Nanayyyyy. Please. My dress is beautiful! Look at me nanayyyy!!" Oh my gosh! Ayan na naman po sila. "Kids, STOP!" Sigaw ko kaya agad naman tumigil ang dalawa. "We're going to eat first our breakfast first, then, we'll go to the studio to take a picture of you. Is that okay?" I looked at them in their eyes. They both smiled at me and kissed my both cheeks. Wow. That's my whole world right there. They are my kids. Twins to be exact. Si Charlotte Reese o Charlie for short yung unang lumabas at sunod naman si Joseph Daniel, but I call him Dane. 4 years old na sila. Thankful ako kasi pareho silang malusog nang lumabas kaya hindi ako nahirapan sa pagpapalaki sa kanila. Well, except lang sa tantrums nila. Sometimes, I'm still in awe of how twins are the same yet different persons. Paano ba naman, sabay lagi silang umiiyak pero madalas, magkaiba ang dahilan. Sabay laging magsalita. Tulad kanina. Madalas sabay sa lahat kaya minsan, hindi ko alam kung sino ang uunahin kong patahanin. "Nanay, bakit po kulay itim ang adobo? Bakit hindi color blue?" - Dane "Nay, bakit po maliit ang hands ko? Hindi ko po mahawakan ng maayos ang camera niyo eh." - Charlie. Ayan na naman sila sa sabay na pagtatanong. Parehas pang nakapout. Ang cute, sarap tirisin ng mga batang ito. "Kids, what did nanay tell you?" "EEHHHHH! Gaya-gaya kasi siya eh!" They said at the same time. "Okay. Okay. Tama na. Eat your food na. Your dad is waiting." Sa halos limang taon ko dito sa Paris, marami na akong nakilala at naging kaibigan. At lahat sila, sinasabing kamukha ko daw ang dalawa lalo na si Charlie. Aba! Natural, ako ang nanay eh. Hindi naman sila mahirap alagaan. Mababait naman sila lalo na pag tulog. Saksakan kasi ng kulit yang mga yan. Nevertheless, I still love being their nanay. I think that's what I am most proud of. Pagkatapos naming kumain, umalis na kami ng bahay. Hindi nagtagal, nakarating na rin kami sa studio. Dito ako nagtatrabaho kasama ang co-owner ko na si Alvan Santos a 26 years old Filipino na nandito din sa Paris. Nung nagkakilala kami, kasalukuyan siyang nag-aaral ng photography. Ako naman, hidden talent at passion ko ang photography kaya ayun, napagkasunduan namin na magtayo ng isang studio. Pinangalanan namin siyang Captured. Okay naman yung simula. Nung una, kami pa lang dalawa, hanggang sa dumami na ang mga tauhan namin. Tipong pirma na lang ang ginagawa namin sa maghapon. 6 ang branches nito, kasama na ang main office at ito na nga yon. Ito kasi ang pinakauna naming office kaya ayun. As the studio expands, we decided to put up 3 branches in the Philippines. Si Van ang boss doon at ako naman ang dito sa Paris, pero pareho kaming nandito. Ewan ko diyan kung bakit ayaw mamalagi sa Pinas. "Mainit kasi doon eh. Baka mangitim ako." Yan lagi ang rason niya kapag tinatanong ko siya. Konti na lang talaga, iisipin ko ng bakla to eh. "Good morning kids. How's your sleep?" "Wow. Tapos yung nanay hindi binati? Eh mas malaki naman ako kaya mas madali akong makita ah!"  "Hahaha. Babies! Looks like someone is jealous." Sabi ni Van habang humahalakhak sabay akbay sa akin. Van is kind. Napaka-maalalahanin. Kumbaga, dream guy. Ewan ko nga lang sa tangang ex nito kung bakit nakipag-break noon sa kanya. Pero nagpapasalamat ako kasi kung hindi niya hiniwalayan noon si Van, hindi kami magkakakilala. He's been good to me since we've met. Inalagaan niya ako noong buntis pa lang ako at tinulungan niya ako sa pagpapalaki sa mga anak ko. He's good-looking pero di mo mapapansin yun agad. Tipong kailangan mo ng second-look para ma-love at first sight ka sa kanya. Matangkad siya. Maputi rin. Nakataas lagi ang buhok niya na mejo color brown. Pinkish lips at may abs!  Hindi ako manyak ah! Nakikita ko lang talaga. Sa tagal ba naming magkasama, not to mention, madalas din siyang nakikitulog sa apartment namin, hindi ko pa yun makikita? Aba! Unfair yan ah. Haha. Tapos ang pinakafavorite part ko sa body niya eh yung eyes niya. Mejo gray-ish kasi yun at nakaka-akit. May British blood kasi yan. Pareho silang mata ng mommy niya. Sayang nga eh. Kung dalaga pa sana ako, malamang napatos ko na to. Haha. Yun nga lang, mayabang. Kaya wag na lang pala. "Gago. Umayos ka nga diyan." Siniko ko siya sa tagiliran saka humarap ako sa mga anak ko. "Hey, kids. What do you want to do?" "Hoy. Wag ka ngang magmumura. Psh. Mamaya gayahin ka ng mga anak mo. Mabuti na lang at hindi sila nagmana sayo." Ngumisi siya. "Shut up." O kay sarap namang punitin ng mukha niya. Hayy. Tumawa lang siya saka binuhat si Charlie. "Charlie baby, don't be like your nanay, okay? She's bad." Charlie giggled which means she agreed. Tiningnan ko si Dane at binuhat ko rin. "Mabuti na lang, love ako ng baby boy ko. Hmp." Dane hugged my neck. Napaka-sweet naman talaga ng anak kong ito! Narinig kong tumawa na lang si Van habang naglalakad kami papasok sa main office ko. "Hoy. May problema nga pala tayo sa Pilipinas." Binaba ko si Dane at hinarap ko si Van. Naramdaman kong kusang kumunot ang noo ko. "Anong tayo? Diba ikaw ang namamahala doon? Kaya mo na yan." Tumawa ako para itago ang namumuong kaba sa dibdib ko. Sana lang hindi niya mahalata na pinipilit kong tumawa kasi parang kusang bumabagsak ang mga muscles ko sa mukha na parang pinipigilan nila ang pagtawa ko. "Yun nga ang problema ko eh. Kelangan kong umuwi doon pero hindi ako pwede. Bukas na ang defense ko para sa thesis. Kailangan pa namang mapirmahan yung pagpurchase ng mga bagong gamit natin dun. Agad-agad. Alam mo namang dumadami na ang mga customers natin sa Pinas, diba?" "Oy ha. Hindi ko gusto ang iniisip mo. Ayokong umuwi doon." "Teka nga. Wala pa akong sinasabi ah." "Pero yun ang gusto mong sabihin, diba? Lumayas ka nga dito. Dun ka sa office mo." Bago pa makapagsalita si Van, narinig kong may kumatok sa pintuan kaya pinapasok namin. Si Ayna pala. Yung secretary ko. "Excuse me Ma'am, Sir. A direct call from Philippines." Nagkatinginan kami ni Van bago niya kinuha at nagpasalamat kay Ayna. "Hello? Yes, speaking. Oh. I'm sorry to hear that. Yes. You can have your vacation. Of course. No problem. Bye." Narinig ko lang na sabi niya pero di ko marinig ang sagot ng kausap niya. "Sino yun? Ano daw sabi?" "Yung manager ng Captured sa Bicol, namatay daw yung asawa niya He's asking for a leave. Binigyan ko ng isang buwan na bakasyon para makarecover muna siya. Besides, magaling naman siyang magtrabaho, he deserves it. At isa lang ang ibig sabihin nito. You really have to go home." "T-teka. Hindi pwede. Nandito na ang buhay namin. Besides, hindi sanay ang mga bata sa pilipinas. Baka kung anong mangyari sa kanila doon. Hindi ko naman sila pwedeng iwanan dito! Ano ba Van! Hindi na ako natutuwa sa mga sinasabi mo." Nagsisimula ng tumaas ang presyon ko sa lalaking ito. Hindi pa kasi naming napag-usapan na uuwi kami ng Pilipinas. As in never. Ang usapan lang, siya doon, ako dito. Hindi na sumagi sa isip ko ang umuwi doon. "Sino ba talaga ang inaalala mo? Ang mga anak mo o ang sarili mo? Have you ever thought that your parents has the right to know about your life here and of course their grandchildren? Pero ano? Pinapa-iral mo yang takot mo! hindi ka ba naaawa sa kanila na baka lumaki silang walang ama at kinikilalang kumpletong pamilya? Hindi ka ba natatakot na baka maghanap sila at wala kang maisagot kasi natakot ka?" Lumaki ang mata ko sa mga sinabi niya. Unti-unti kong nararamdaman ang pamumuo ng luha ko sa aking mga mata. Tama siya. Apat na taon na sila Charlie pero hindi ko nasabi sa pamilya at kaibigan ko sa Pilipinas kung anong nangyayari sa akin dito. Kinokontak ko naman sila, oo, pero yun lang. Hindi nila alam ang buhay ko dito. "Kaya kong punan ang kawalan nila ng ama. Maiintindihan din nila ako pagdating ng panahon. Pero hindi ako uuwi doon." Tiningnan ko ang mga anak ko na pinipicturan ng isa naming photographer habang pinapanood sila ng iba pa. Pareho silang nakangiti at masaya. Hindi nila ako tinatanong tungkol sa tatay nila kaya akala ko okay lang yun. Hindi ko man lang naisip ang mararamdaman nila. Hinila ako ni Van at niyakap niyakap. "I'm sorry, okay? I just want you to know the truth. We both know it's for the best. Face your fears. Alam kong kaya mo. Susundan ko naman kayo doon eh. Isang linggo kaya yun! Ayaw kong mahiwalay sa mga bata. Masyado ko silang mamimiss."  Nagpahid muna ako ng luha saka nagsalita. "Sila lang ba ang mamimiss mo? Paano naman ako?" He chuckled. "Selos ka na naman. Oo na. Mamimiss din kita!" Kiniss niya ako sa noo saka niyakap ulit. Napangiti ako. Ang sweet talaga nito. Bakit kaya walang naiinlove sa kanya? ------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD