ELEVEN

1326 Words
"HI, Celestine." Nasira na ang araw ko. Si Mauro agad ang bumungad sa akin sa pagpasok ko sa school. "Wala ka bang pasok sa kompanya? At talagang aaraw arawin mong buwistin ako, Mauro. Ang aga aga, e. Sinisira mo ang araw ko," pagtataray ko rito. Kumukulo talaga ang dugo ko sa tuwing nakikita ko si Mauro. "Masama bang puntahan ang fiancee ko? Ikakasal ka na sa akin, Celetine! Ang mga magulang mo mismo ang may gusto, kaya wala kang magagawa kundi sundin ang bilin nila." 'Di ko maitatanggi na inilagay mismo ni daddy sa Last Will and Testament niya, kay Mauro nila ako gustong ipakasal. Kahit siguro tanggihan ko ay mawawala sa akin pati na ang eskwelahan na pinaghirapan ko na palaguin. "Hindi pa ako naikakasal sayo kaya 'wag ka munang magdiwang." Tumaas ang sulok ng labi ni Mauro at napailing iling. "I'm not rejoicing at the thought of marrying you. I'm happy because you'll be mine, Celestine. So, whether you like it or not, you'll see this face every day." Napakuyom ang kamao ko. Hinding hindi ako magiging kanya. Ang puso ko ay para kay Ninong Lauren lamang. "Ma'am, good morning po," biglang nagbago ang reaksiyon ng mukha ko nang marinig ko ang isang estudyante ko. Napaharap ako rito, kasama ang kanyang ina na hawak ang kamay nito. "Good morning po, Miss Celestine. Inihatid ko lang po ng maaga ang anak ko. Iiwan ko na siya sa inyo," bati sa akin ng nanay. "Ah, sige po, mommy. Ako na po ang bahala sa kanya." Kinuha ko ang kamay ng bata mula sa ina at umalis na ito. Napatingin ang estudyante ko kay Mauro. "Teacher, 'di ba po siya 'yong nagbigay ng breakfast natin? Boyfriend mo po ba siya?" Mga tanong nito na itinuro si Mauro. Nasa gilid lang ito at nakatingin lang sa amin. Nanlaki naman ng malaki ang mga mata ko. "Yes, kiddo. Fiance ako ni Teacher Celestine. May breakfast din akong dala para sa inyong lahat," magiliw na sagot nito. Inirapan ko lang ito sa sinabi nito sa estudyante ko. "Let's go inside. 'Wag mo na lang siyang pansinin." "Pero, teacher. He's nice po. At bagay kayo." Natigilan ako at napatingin kaagad kay Mauro. Ngiting ngiti ito na akala mo ay tumama sa lotto. "Kunwari lang 'yon. Sa loob na lang tayo ng classroom maghintay sa mga kaklase mo." Ayaw ko sa bata na hawak pa rin ang isang kamay nito. Gaya ng sinabi ni Mauro kamina. Dumating ang mga pagkain para sa mga bata at sa akin. At may kasama pang bulaklak. Mabilis na tumulin ang mga araw, dalawang linggo na rin ang lumipas. Araw araw na lang bago pumasok si Mauro sa Cruz Industries ay dumidireto siya sa school para makasabay ako sa breakfast. Sinasamahan din niya ako 'pag binibisita ko ang ginagawang nasunog na dati naming bahay. 'Di ko maikakailang nakikilala ko siya ng mas malalim pa. Pero hindi pa rin ako sigurado sa kanya. At 'di ko rin alam kung ano ang totoong nararamdaman ko para sa kanya. "Thank you, hija. At pinaunlakan mo ang imbitasyon namin sayo na magdinner kasama namin dito sa bahay," sabi ni Tita Susan. Inimbitahan ako ni Mauro na magdinner kasama ang parents niya. Pumayag na rin ako para ibalik sa kanya ang pabor sa araw araw niyang pagdadala ng pagkain sa eskwelahan. "Mahirap pong tanggihan si Mauro. 'Di rin naman po niya ako titigilan." Sagot ko na natatawa. Napatigil silang lahat saka napatingin sa akin ng matiim. At mayamaya pa'y sabay na tumawa ang mag asawa, pati na rin si Mauro. Nang matapos ang dinner namin ay nakipagkuwentuhan pa ako kay Tita Susan. Napalagay ang loob ko sa kanya. "Thanks, Celestine. Sana magtuloy tuloy na maging okay tayo. Hindi ka na galit sa akin at 'di mo na ako tinatarayan," sabi ni Mauro. Pagkalipas ng isang oras ay nagpaalam ako sa mag asaeang Perez. At inihatid ako sa condo ni Mauro. "Basta araw araw mo pa rin akong dadalhan ng breakfast sa school, baka sakaling maging mas maayos tayo," biro ko kay Mauro. "Tumawa siya ng malakas. Napatulala ako sa mukha ni Mauro. Suddenly, my heart started beating so fast. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla ko na lamang naramdamang kinakaban bigla. Dapat kay Ninong Lauren ko lang ito nararamdaman at 'di kay Mauro. "I can treat you to lunch or dinner. Basta makasama lang kita, Celestine," sabi ni Mauro, na may ngiti sa labi. Nagtaas ako ng kilay. "Ano naman ang tingin mo sa akin, matakaw?" "Hindi naman. Mas nakikilala kita sa tuwing magkasama tayo," sagot niya sabay nakangiti. "What if..." Napalunok ako at inabangan ang sasabihin niya. "What if?" sambit ko, puno ng pagtataka. "What if I courted you? Will you allow me, Celestine?" tanong niya, na ang mga mata ay taimtim na nakatingin sa akin, nag aabang ng sagot. Nahihirapan akong mag isip ng sagot sa tanong niya. Parang biglang nawala ang aking kakayahan na makapagsalita, at walang anumang salita ang lumabas mula sa aking bibig. "Ang seryoso naman ng tanong mo," sagot ko, habang binabalikan ang kanyang mga matang tila naghahanap ng kasagutan. "I am, I'm serious about courting you. Patutunayan ko sa iyo na totoo ang nararamdaman ko, na mahal na kita, Celestine," mariing sinabi niya. "Hindi ba masyadong maaga para sabihin mong mahal mo na ako? Dalawang linggo pa lamang tayo nag uusap, Mauro. Baka magbago pa ang nararamdaman mo para sa akin." "Then, allow me, Celestine. Please. Hayaan mong patunayan ang bawat salita ko. I want us to be formal. I will court you and will try my very best to win your heart in a way that you will fall in love with me. Gusto kong paghirapan ka, hindi dahil gusto ako ng mga magulang mo para sa iyo," seryoso nitong sabi habang ginagap ang aking mga kamay. May bahagi sa akin ang may pag aalinlangan. Pero, bakit hindi ko subukan na makita kung ano ang magagawa ni Mauro para sa akin? Baka nga tama ang mga magulang ko na si Mauro na lang ang dapat kong mahalin. TWO weeks have passed. Tinotoo ni Mauro ang kanyang mga sinabi. Niligawan niya ako, at walang araw na hindi niya ako inihahatid at sinisundo sa school. Sabay pa rin kaming kumakain ng breakfast. Madalas na rin akong magdinner sa bahay nila. I felt happy. After a month of my parents passing. Ngayon lang ulit ako sumaya ganito at pati ang puso ko. Pakiramdam ko mabilis kong nakalimutan ang mga pangungulila ko sa kanila. Dahil andiyan si Mauro palagi at nagkaroon din ako ng mga bagong magulang sa katauhan nina Tita Susan at Tito Mauricio. "Oyy, mukhang inspired ka, ah. Anong bago, Celestine?" nandito si Joy sa classroom at kinukulit na naman ako. "Matagal kang nawala tapos ngayon magtatanong ka." May himig ng pagtatampo sa boses ko. Hindi ko na siya madalas makita at makasama. Siya lang naman ang nag-iisang kaibigan ko. "Sorry na. E, marami lang akong trabaho at saka isinama ako ng boss ko sa out of town niya." "Ano ba talagang work mo?" Nagtataka na rin ako kay Joy. Bihira ko na siya makita, madalang pa itong magkuwento sa akin ng tungkol sa nangyayari sa kanya. "Sa isang kompanya. Malalaman mo rin. Teka nga, ako ang nagtatanong sa'yo. Bakit sa akin napunta ang usapan? Ano, sinagot mo na ba si Mauro?" Nanunukso ang mga tingin nito sa akin. "Hindi pa. Dalawang linggo pa lang nanliligaw. Sasagutin ko agad." Kailangan na paghirapan ni Mauro na makuha ang 'Oo' ko. At kung may mapatunayan na totoo ang hangarin niya para sa akin. Baka mapabilis na sagutin ko siya. "So, hindi mo na crush ang ninong mo?" Biglang sumagi sa isip ko si Ninong Lauren at kinapa ang puso ko. "Hindi naman mabilis mawawala ang pagka-crush ko kay Ninong Lauren. Siyempre magkaibang level sila ni Mauro." "Puwede nang matuloy ang kasal kung sakali. I'm happy for you, Celestine." Kumikislap ang mga mata ni Joy na sinabi sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD