bc

FALLING FOR MY BESTFRIEND'S HUSBAND (SPG)

book_age18+
249
FOLLOW
2.8K
READ
forbidden
reincarnation/transmigration
HE
doctor
heir/heiress
tragedy
mystery
loser
soul-swap
like
intro-logo
Blurb

⚠️ Warning: R18

Busog si Celestine sa pagmamahal mula sa kanyang mga magulang. Ngunit biglang gumuho ang kanyang mundo nang mamatay ang mga ito. Subalit, nakasaad sa huling testamento ng kanyang ama na kailangan niyang ikasal kay Mauro Perez. Sa paglipas ng mga taon ay natutunan na rin niyang mahalin ang kanyang asawa. Ngunit may mga nakatagong lihim sa pagkatao ni Mauro na hindi alam ni Celestine. At ang isang ikinasama ng kanyang loob ay yaman lamang ang habol nito sa kanya. Paano kung isang araw gigising ka na lang sa ibang katawan? At ang isa pang nakakagulat ay nagpakasal ka sa lalaking hindi mo inakalang magagamot ang iyong pusong nasaktan.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Disclaimer: Ang istorya po na ito ay pawang fictional lamang at likha ng malikot na imahinasyon ng manunulat. Mayroon pong mga salita, scene na hindi angkop sa mga batang mambabasa. Read at your own risk... Prologue DAHAN-DAHAN kong iminulat ang talukap ng aking mata. Pakiramdam ko ang haba ng itinulog ko— parang taon akong nakatulog. Inaninag ko pa ang kisame na unang nasilayan ko. Patay na ba ako? Nasa langit na ba ako? Napatakip ako agad ng aking mata. Nang masilaw sa liwanag na nagmumula sa sinag ng ilaw. Doon ko napansin ang nakakabit na dextrose sa kamay ko at masakit din ang katawan ko. Buhay pa ako. Napasapo ako sa akin noo. Buhay pa ako. Hinawak-hawakan ko pa kung mayroon akong tama ng baril. I feel relief, wala akong kahit na anong sugat sa katawan. Maliban lang talaga sa iniindang kirot sa kung saang parte ng katawan ko. Pero nasaan ako? Inilinga ko ang aking mata at napaupo sa kama. Unang bumungad ang lalaking nakatalungko ang ulo sa gilid ng hospital bed na hinihigaan ko. Pilit kong inaninag ang kanyang mukha. Pero hindi ko siya makilala. Mahimbing ang tulog nito, ni hindi man lang nito naramdaman na gising na ako. Siya siguro ang tumulong sa akin at nagdala sa ospital. Ang laki ng utang na loob ko sa kanya dahil buhay pa ako. Hindi ako napuruhan o nasaktan ng malala. Naalala ko sina mommy at daddy. Nasaan sila? Magaan kong hinaplos ang buhok niya. At biglang naiwan sa ere ang kamay ko nang kumislot siya. Unti-unting umangat ang kanyang ulo at nagtama agad ang mga mata naming dal'wa. "Ninong?" nanlalaki ang aking mata na nausal sa isip. "Gising ka na, honey," nagtaka ako sa itinawag niya sa akin. "What do you feel? I'm sorry. I'm too busy sa mga negosyo ko. Hindi kita halos nabibigyan ng oras. Pero alam mo naman na para iyon lahat sayo at sa future natin," tumayo siya at agad niya akong kinabig ng yakap. Tila nakaramdam ako ng kapayapaan sa kanyang mainit na yakap. At ramdam na ramdam ko rin ang kanyang pag-aalala sa 'kin. Ngayon lang rumehistro ang mga sinabi niya. Naestatwa ako sa aking kinauupuan. Tama ba ang dinig ko? Baka naalimpungatan lamang ako na tinawag ako ni ninong na honey. Baka nagkakamali siya. Nang bumitaw siya ay hinalikan niya ako sa aking noo. Napatitig ako sa mga mata niyang sobrang nag-aalala sa 'kin. Napailing-iling ako. Baka nagha-hallucinate lang ako o baka gawa ng mga gamot na ininom ko. Napa-praning na ata ako sa mga ikinikilos ni Ninong Lauren. Ninong ko siya. Si Ninong Lauren Brown, matalik siyang kaibigan ni daddy. Ayon kay daddy, since grades school ay magkaibigan na sila. Hanggang sa magsipag-asawa na silang dalawa ay nanatili pa rin ang kanilang friendship. Kaya nga siya ang naging ninong ko. Pero si Ninong Lauren ay nahiwalay sa asawa. Wala akong alam sa naging asawa nito dahil hiwalay na sila noong isilang ako. At wala ring naging anak si ninong sa dati niyang asawa. "Joy, are you alright? Tatawagin ko lang ang doktor mo. Sandali lang," paalam niya na natataranta. Tatayo na sana ito. Nang agad kong hinuli ang kamay niya at pinigilan siyang umalis, sa pag-iling. Nakuha naman niya ang ibig kong sabihin. Napaawang ang labi ko. Kasabay ng panlalaki ng mga mata ko sa gulat. Nang tinawag niya akong 'Joy'. Teka si Celestine ako. Bakit niya ako tinawag na Joy? Kilalang-kilala niya ako dahil siya ang tumayong pangalawang ama ko. Napagkalaman lamang niya akong si Joy. Madalas siya sa bahay, isinasama ni daddy mula sa kanilang out of town business trip. "J-Joy? Bakit niyo po ako tinawag na si Joy?" parang hirap na hirap pa akong banggitin ang pangalan ng best friend kong si Joy. Totoo ba ang narinig ko? Siguro'y mali lang ako ng narinig. Epekto rin siguro ng matagal kong pagkakatulog. At dahil sa mga natamo ko kaya ako nasa ospital ngayon. Kanina tinawag niya akong honey. Tapos ngayon, Joy. Ano bang nangyayari? "Are you alright, Honey? Ikaw si Joy, ang asawa ko," Napansin niya siguro ang pagpanic ko. Parang biglang sumakit ang ulo ko. "Joy, ano bang nangyayari sayo?!" Naghe-hysterical na ako sa aking nalalaman simula kaninang magising ako. Wala akong matandaan, wala akong maalala. Ang huling natatandaan ko lang ay nasa malalim ako na dagat. Nalulunod at bigla na lamang akong nawalan nang malay dahil sa kinapos na ako ng hangin. Papaanong ako si Joy? Napahawak na ako sa ulo ko. At mariing ipinikit ang mata. "Ang s-sakit ng ulo ko.." Bigla akong nahilo at nandidilim ang aking paningin. Malalakas na sigaw ni Ninong Lauren ang huling narinig ko. Hanggang sa panawan ako ng ulirat. "MOMMY... Daddy... No! 'Wag po kayong umalis... 'Wag niyo po akong iwan dito. Bumalik kayo. Balikan niyo ako, please," panay ang panaghoy ko habang nakikita ko ang parents ko na naglalakad palayo sa 'kin. Iniwan nila ako sa isang madilim na lugar. Wala akong makita, halos mangapa ako para lamang habulin sila. Puting-puti ang kumikislap sa kanilang katawan. Nakatalikod sila sa akin habang parang sabay silang lumulutang sa hangin. Napaupo na lamang ako habang panay ang hagulhol ng malakas. "Please, huwag niyo po akong iwanan—! Hintayin niyo po ako, sasama ako sa inyo. Huwag po kayong umalis!" malalakas na sigaw ko hanggang sa 'di ko na sila nakita. Panay pa rin ang paghagulhol ko. Nagising ako sa malakas na yugyog sa balikat ko. Napamulat ako ng aking mata. Agad na bumulaga sa akin ang nag-aalalang mukha ni Ninong Lauren. "Honey, calm down. I'm here..." Mabilis niya akong niyakap para mapakalma. Hanggang ngayon ay hindi pa rin rumerehistro sa aking utak ang mga itinatawag niya sa akin. "Masyado mo akong pinag-aalala. 'Wag mo ng uulitin na mawawalan ka ng malay. Akala ko mawawala ka na sa akin, Joy." Ramdam na ramdam ko ang sinseridad sa kanyang mga pananalita. Pero hindi ako si Joy. May kirot akong naramdaman sa puso. Hinawakan niya ako sa aking balikat at iniharap sa kanya. Hindi ko maintindihan kung para saan ang mga masaganang luhang pumapatak sa mata ko. Pinupunasan niya ang mga luhang pumatak sa aking mga mata ko. Ang marahan niyang haplos ay tila nakagaan ng aking pakiramdam. Hindi ko gusto ito. Ayoko.... "Are you okay? Kanina ka pa kasi umiiyak habang tulog." Tinulungan niya akong makabangon at nilagyan ng unan ang aking likod. Agad kong hinawakan ang gilid ng mata ko. May mga luha nga ako. Dali-dali ko iyong pinunasan ko at hirap si Ninong Lauren. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung ano ang itatawag ko sa kanya. Nasanay kasi akong Ninong Lauren ang itinatawag ko sa kanya. Ang sabi niya asawa ko siya. LUMIPAS pa ang dalawang araw. Wala pa rin akong maintindihan kung paano ako napunta sa ospital. Kung paano akong nagising sa katauhan ng bestfriend kong si Joy. Nanatili akong nakatulala kay Ninong Lauren sa tuwing makikita ko siyang nagbabantay sa akin sa ospital. Halos buong araw niya ay nasa tabi ko. Paminsan-minsan siya ay nagkukwento, subalit wala akong maalalang anumang mga detalye. Joy Walter, best friend ko siya simula noong mga bata pa kami. Best friend ko na noong pqreho kaming nasa grade one. Classmate kaming dal'wa at magkapitbahay pa. Hindi naman kami pareho ng ugali. Pero nagkapalagayan kaagad kami ng loob noong umupo siya sa tabi ko sa loob ng classroom. Sakitin si Joy at nagkaroon pa siya ng cancer— acute lymphoblastic leukemia. Tinulungan siya ng parents ko na sagutin ang pagpapagamot niya. Mahirap lang sila at ang parents niya ay mga parehong government employee. Nakakagulat lang na ang isang tahimik at payat kaibigan ko ay may relasyon kay Ninong Lauren. Sa kaguwapuhang taglay ni Ninong, ang mga babaeng gusto nito ay walang itulak kabigin sa ganda. Kaya nga nagtataka ako kung paanong sila ni Ninong Lauren. Bumalik lang ako sa ulirat nang maulinagan kong magsalita si Ninong Lauren. "Lalabas na tayo ng ospital, honey. Mayroon ka pa bang ibang masakit na nararamdaman? Mas maigi na sabihin mo para alam ng doktor. Nang hindi na ako mag-alala pa sayo. Baka mamaya king kailan nakauwi na tayo. Saka naman may mangyari sayo," nilingon ko si Ninong Lauren. Abala siya sa pag-aayos ng mga damit na nasa built in cabinet. Inilalagay niya iyon isa-isa sa isang maletang kulay itim. Tinanggal na ang dextrose sa kamay ko. Ayon sa doktor ko ay maayos na ang kalagayan ko. Ang sakit ng katawan ko ay buhat siguro sa mga bugbog bago ako napunta sa katawan ni Joy. "No-- I mean, h-honey. Paano ba ako napunta sa ospital?" nakailang lunok ako pagkatapos. Para kasing may nakabara sa lalamunan ko. Asawa ko na pala siya ngayon. Hindi pa rin ako sanay na asawa ko ang ninong ko. Parang kailan lamang ay ikinasal ako kay Mauro. Teka, nasaan na ba ang lalaking 'yon? Siya ang dahilan ng lahat ng ito. Kung paano ako napunta sa sitwasyon na ito? Maghihiganti ako. Gagawin ko ang lahat para pagbayaran ni Mauro ang mga ginawa niya. Napasulyap si Ninong Lauren sa akin. Sala matamis na ngumiti sa akin. "Wala ka bang maalala?" Umiling ako bilang sagot. "Tama lang na wala kang naalala kung bakit ka na-ospital. Baka magalit ka pa kapag nalaman mo ang lahat." "Ha?"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Wife For A Year

read
70.4K
bc

Mang Julio (SSPG)

read
44.3K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
20.0K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.5K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.9K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
15.0K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook