"GOOD morning, Teacher! Good morning, classmates!" sabay-sabay na sigaw ng mga nasa grade one student ko.
"Good morning, class. Take your book and open it on page nineteen. At ang pages twenty ay assignment niyo. Ayoko ng mayroong hindi gumagawa ng assignments."
"Yes po, Ma'am Celestine!"
Napangiti ako. Kaya gustong-gusto ko ang magturo ng mga bata. Nag-iisang anak lang ako. Sa mga bata ko naibubuhos ang pagmamahal ko sa dapat sanay sa kapatid ko.
My younger sister Caren died when she was one year old. Wala akong alam sa totoong nangyari sa kanya kung bakit siya nawala. Dahil nag-aral ako sa America noon. Nalaman ko na lang na wala na siya at pinauuwi ako ng Pilipinas.
Grade one teacher ako sa sarili naming school. Pag-aari ito ng aking parents. Ako rin ang namamahala sa buong eskwelahan. Ayokong iwanan ang pagtuturo sa mga bata dahil dito ako masaya. Besides, busy rin naman sina mommy at daddy sa kanilang kanya-kanyang kompanya.
Nang matapos ang klase ay isa-isa nang kinuha ng parents ang mga bata. Napalingon ako sa may pintuan natanaw ko agad si mommy na nakangiting nakatingin sa gawi ko.
"Hi, anak. How are you?" bungad niyang bati sa akin. Habang inililigpit ko ang mga gamit ko.
"Napasyal po kayo, 'Mi. Dito niyo pa sa school ako pinuntahan," sarcastic kong tugon. Wala naman silang oras para sa akin. We have everything that I want. Pero ang oras nila ay hindi nila maibigay ng buong-buo sa 'kin. Nakakatampo na nga rin minsan. 'Di nila maalala ang birthday ko at iba pang mga mahahalagang pangyayari sa buhay ko.
"I know na galit ka sa akin at sa daddy mo. Hija, we are doing what's best for you. Kasi mahal na mahal ka namin."
"Parang hindi ko naman po alam na para sa inyo 'yon. See, mom. How did you know that it was for my own good when you and Daddy want me to marry Marlou? Hindi ko nga gusto si Marlou. 'Di ko siya mahal, kaya 'wag niyo na siyang ipilit sa 'kin," Napalakas na ang boses ko. Nakakagalit at nagtatampo na bigla na lamang nilang napagpasyahan na ipakasal ako sa isa sa share holder ng kompanya ni daddy niya. 'Di ko pa nga nakikita ang lalaking 'yon. Naririnig ko na ang pangalan niya dahil bukam bibig nila dahil magaling daw pagdating sa negosyo.
Whatever! Wala naman akong pakialam sa kanya.
"We know because we are your parents. Kami ang dahilan kaya andito ka sa mundong ito. Celestine, gusto naming ma-secure ang future mo. Ayaw naming mawala sa mundong ito na mababahala kung sino ang titingin at mag-aalaga sayo."
Napailing-iling ako. "My future is secure. May trabaho ako, mayroon naman siguro akong makukuha sa lahat ng pinaghirapan niyo ni daddy. Ako ang mas nakakaalam kung sino ang gusto kong makasama sa buhay ko. Hindi iyong kung sino-sino ang inerereto niyo sa akin."
My life is so perfect. Kahit na wala akong nobyo at mag-isa lang ako sa buhay. Dadating din ako sa araw na lalagay ako sa tahimik. Kapag natagpuan ko na ang lalaking mamahalin ko. Iyong unang tingin ko palang ang lakas na nang kabog ng didbib ko. Not with someone, I don't know who he is. Dahil sa sinabi lang nina mommy at daddy na he is best for me. Siya na nga.
"Whatever you say, Celestine. Umuwi ka ng maaga mamaya sa bahay dahil pupunta sina Marlou ngayong gabi. Pag-uusapan ang tungkol sa kasal niyo."
"What if hindi po ako pumunta?"
"Then we will see..." Saka walang paalam na tumalikod si mommy sa 'kin.
Napabuga ako ng hangin sa sobrang pagkairita. Hindi naman siguro nalulugi ang kpmpanya ni daddy. At kung nalulugo man, wala na bang ibang paraan. Kasal kaagad.
LAURA'S POV
ALAS siete ng gabi, panay ang tingin ni Ceejay sa kanyang relo. Kitang-kita ang mga linya ng kunot na noo nito.
"Nasaan na ang anak mo, Laura? Sinabi mo bang paparito sa bahay ang mga magulang ni Marlou?"
Maging ako rin. Nainip na kay Celestine, magpahanggang ngayon ay 'di pa umuuwi. May usapan kami na uuwi siya ng bahay. Kung wala lang okasyon, walang problema. Pag-uusapan ang kasal nilang dalawa ni Mauro.
"Pinuntahan ko siya sa school kanina. Relax ka nga. Pupunta 'yon. Ayaw naman niya siguro mawala ang eskwelahan niya sa kanya. Alam ko kung gaano niya kamahal ang mga bata." Bulong na sagot ko kay Ceejay. Pinakiusapan ko na si Celestine na dapat siyang pumunta, pero wala pa rin siya r'to.
"Mr. and Mrs. Cruz, pupunta po ba si Celestine?" tanong ni Mrs. Perez sa akin. Mabait ang mag-asawa pero parang may mali. May napapansin lang ako sa ginang na katabi ko.
"Ah, yes. Baka na-traffic lang. Pero papunta na 'yon. Maybe you want desert?" sa halip ay inoperan ko sila ng desert na cake.
Tumango ang mag-asawang Perez sa akin. Saka kumuha ng knife to cut the cake at inilagay sa platito. Ibinigay ko sa mag-asawa ang desert.
Naiinip na rin kaming maghintay kay Celestine. Kanina pa dapat siya andito sa restaurant. Isang oras na wala pa rin siya.
Sobrang naiinip ang mga Perez habang ang asawa ko'y nagpipigil ng galit dahil andito pa kami sa harapan ng mga bisita. Hindi ko malaman kung ano ang tumatakbo sa isip ni Celestine. Ang sa amin lamang ay gusto naming mag-asawa na maayos ang buhay niya sa napili naming magiging asawa niya.
"Sa labas lang po ako. Ako na po ang maghihintay kay Celestine sa labas," pagpapalam ni Mauro sa amin.
"Maigi pa nga. Nang makapag-usap kayong dalawa. Mabait naman si Celestine. Matigas lamang ang ulo niya," saad ko kay Mauro. Kita ko naman na mabait na lalaki ang anak ng mga Perez.
Ang mga Perez ang may pinakamalaking shares sa Cruz Global Incorporated. Naggagawa kami ng mga furniture at ini-import sa labas ng bansa. Ang nagde-desinyo ng mga furniture namin sa factory ay si Ceejay. Ang anak naming si Celestine ay walang interes sa pagpapatakbo ng aming negosyo, mas gusto niya ang magturo kesa pamahalaanan ang kompanya.
Hinayaan namin siya sa gusto niya. At dahil doon nag-invest din kami na magpatayo ng eskwelahan para sa kanya. Nakita namin ni Brennan ang saya sa mukha ni Celestine, noong malaman na magpapatayo ang kanyang ama ng private school.
"Tawagan mo na kaya si Celestine. Kanina pa siya wala r'to. Naiinip na ang mga bisita natin," mahinang bulong ni Ceejay sa tenga ko.
"Ceejay, pupunta ang anak mo. 'Wag kang masuadong mainip. Ikaw naman kasi. Bakit kailangan na ipakasal mo si Celestine sa lalaking 'di niya kilala?"
Pangiti-ngiti lang kami at 'di napapansin ng mag-asawang Perez na nagtatalo na kami ng asawa ko. Kahit kailan talaga sakit ng ulo si Celestine. Ang gusto lang nito ang parating nasusunod. Pinayagan na namin s'yang magturo kesa pag-aralan ang pasikot-sikot ng kompanya. Pagkatapos pati ba naman ito ay susuwayin ng aming anak.
"Ibinibigay mo kasi kaagad ang naisin ng anak nating 'yan. Kaya lumalakong suwail." May diing sabi ni Ceejay sa akin. Ako pa ang nasisi dahil sa pagkalate ni Celestine.
"Huwag na tayong magsisihan, Ceejay. Hintayin na lang ang anak natin at pagsabihan mo. Kung makikinig sayo."
Parati na lamang naming pinag-aawayan ang tungkol kay Celestine. Ni 'di ko nga malaman kung bakit gustong-gusto niya si Mauro para sa anak namin. Kung ako ang tatanungin, ayoko sa lalaking 'yon.
Sa hitsura pa lang nito, mukha nang hindi pagkakatiwalaan. Gayunman, si Ceejay pa rin ang dapat masunod. Kaya wala akong magagawa.
"Ahm, Mr. Cruz, puwede naman nating i-cancel na muna ang pagme-meeting na 'to. Kung busy naman si Celestine," biglang saad ni Mr. Mauricio Perez.
Nagkatinginan kaming mag-asawa. "Baka andiyan na si Celestine. Baka nga nag-uusap na sila ni Mauro. Stay here for a while and let's talk about business," maagap na sabi ni Ceejay.
Ang asawa ko ay nagmamadalo masyadong ipakasal ang anak namin sa anak ng mga Perez. Napapailing na lamang ako sa pumapasok sa isipan ko.
Abala na sina Ceejay at Mauricio sa pinag-uusapan nila tungkol sa negosyo. Habang si Mrs. Perez ay tahimik lang na nakaupo sa tabi ng asawa nito.
"Ah, Mrs. Perez. Why don't you join me? Ipapakita ko sayo sa kitchen namin. Nakakabagot na kasama si Ceejay. Wala naman tayong alam sa negosyo," nakangiting yakag ko sa ginang.
"Maigi pa nga. Sumasakit na rin ang puwet mo sa kauupo. Wala pa rin si Mauro. Baka magkausap na nga sila ngayon ni Celestine. Maganda nga 'yon, balae. Nang magkakilala sila muna."
"Oo nga, balae. Tayo na," tumayo na ako at sumunod si Mrs. Perez sa akin.
Papunta kami ng kusina para hindi kami mainip sa tabi ng aming mga asawa.
"Wow! Ang ganda ng kitchen mo, Mrs. Cruz," buong paghangang sabi sa akin ng ina ni Mauro.
"Thank you. Si Ceejay ang nagparenovate ng kitchen namin. Luma na kasi ang bahay naming ito. Ancestral house ito na pag-aari ng mga magulang ng asawa ko."
"Sounds interesting. Balita ko, marami na kayong bagong tayong negosyo. Iba talaga ang yumayaman."
Parang hindi ko nagustuhan ang pakiwari ni Mrs. Perez sa sinabi niyang 'yon.