TWO

1203 Words
Celestine's POV TINITINGNAN ko ang sarili ko sa harap ng salamin. Napabuga ako ng hangin. Kuhang kuha nila ang inis ko. Paano nila ako ipapa-arranged marriage sa lalaking 'di ko naman kilala? Naririnig ko na ang pangalang Mauro. Pero 'di ko matandaan kung saan ko siya nakilala. But I'm sure na pangit ang lalaking 'yon. Sakay ako ng kotse ko papunta sa bahay. I do live alone, all by myself. Mas gusto ko 'yon kesa naman nasa bahay ako at palaging pinapakialaman ng parents ko ang buhay ko. Kagaya ngayon, pati ang lalaking pakakasalan ko. Gusto nila sila rin ang pipili. Wala na talaga akong karapatan para magdesisyon sa sarili ko. Nang nasa tapat na ako ng bahay namin ay pinagbuksan ako agad ng gate. Naipasok ko ang kotse ko sa loob at naipark sa may parking space. Sa pagkalabas ko ng sasakyan, may naanag akong tao na nakatayong paharap sa akin. Napahinto ako sa gagawin ko sana pagpunta sa pintuan ng bahay namin. Nang marinig ang yabag palapit sa gawi ko. "You're late, Celestine," sabi ng baritonong boses. 'Di ko pa nakikita ang kanyang mukha, kung sino. Nasa dilim kaya hindi ko maaninag ang mukha niya. "Sino ka?" Humakbang ito palapit sa 'kin. "I'm Mauro Perez, ang fiance mo," pakilala nito sa sarili niya. "Ah, so you are the one whose daddy arranged my marriage. It's a pleasure to finally meet you, even under these unusual circumstances. Hindi na pala ako kailangan magpakilala sa iyo, dahil kilala mo na ako. Tinawag mo nga akong Celestine kanina." Tumango tango ito habang nakangiti. May itsura rin naman si Mauro, hindi ito pahuhuli sa ibang mga lalaking nagpapakita ng interes. Matangkad, moreno, at may ngiting makapagpapabighani. Tunay na lalaking lalaki ang dating nito. "Alam kong hindi mo gusto ang ideyang ito. Dahil 'di mo pa naman ako lubos na kilala. But you can give it a try. I will not cause any trouble to you. At kilala kita noon pa, Celestine. Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Gusto kita kaya nga ako pumayag na magpakasal sayo. Knowing you, pambihira kang babae na dapat mahalin," litanya nito. Ang bulaklak ng sinasabi. Akala niya siguro ay makukuha niya ako sa mga ganong pambobola niya. "Hindi kita magugustuhan, Mauro. At kung magpapakasal man ako sayo, 'yon ay dahil sa sinusunod ko lang ang gusto ng parents ko. Kaya 'wag kang umasang sasabihin kong gusto rin kita. Idaan mo pa ako sa mga pambobola mo. Marami nang nagsabi sa 'kin n'yan. Hindi ako marupok na babae na mapapasunod mo," matapang kong tugon sa sinabi niya. Ilang sandali na natahimik si Mauro. Parang sa klase ng tingin nito sa 'kin ay tila kinakabisa ang bawat galaw ko. Hindi ako magpapatalo sa kanya at hindi ako patitinag. 'Di ako kailanman magkakagusto kay Mauro Perez. Never! "Hindi ko kailangan na patunayan ang sarili ko sayo, Celestine. But I will wait until the day you love me too. Just be casual and act like we do like what they want for us. 'Wag kang mag-alala. Anytime na gusto mong makipaghiwalay sa 'kin. I will let you go. Kahit na hindi ko gusto," nanunuot sa akin ang mga sinabi niya. Parang bigla akong kinabahan. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon habang nakatitig sa itim na mga mata ni Mauro. Hindi ko malaman kung paano ako napapayag nito sa sinabi niya. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na naglalakad sa tabi niya papunta sa dining. "Oh, andito na pala sila. Celestine, anak," narinig kong sabi ni Mommy at mabilis na tumayo para lumapit sa akin. "You're late. Bakit ngayon ka lang? Kanina pa nagagalit ang daddy mo," pasimpleng dagdag niya na kunwari'y ngumingiti sa akin. Saka ako hinalikan sa pisngi. Nakita ko na lamang si Mauro na lumapit sa mag asawa. Tiyak akong iyon ang parents nito. "Sorry, mom. I will explain it to Daddy later." "Make sure that your dad will accept your alibi this time, Celestine. Hindi na kita kaya pang pagtakpan sa ama mo," panenermon niya na ako lang ang nakakarinig. I rolled my eyes. Pati ba naman sa ganitong okasyon, sesermunan niya ako. Sila naman ang may gusto nang pagpapakasal kay Mauro. Why don't they let me do what I want? Ang gusto ko maikasal sa lalaking mahal ko. Hindi ko mahal si Mauro, kaya hindi ko siya puwedeng pakasalan. "Mom, please. Ako na po ang bahala," mahinang sagot ko. Saka umupo sa bakanteng upuan katabi ni Mauro. "Mauricio, she is my only daughter— Celestine Cruz. Pasensiya na nalate siya ng dating," si daddy na ang nagpakilala sa akin. Galit ito sa akin dahil hindi pa rin ito ngumingiti sa akin. Ako na anv lumapit sa kanya para halikan ito sa pisngi. "Hi po. Sorry, po. Medyo natagalan ako. Nainip po ba kayo sa paghihintay?" magalang ko pa ring untag. Napatingin ako sa katabi ko. Tiyempo na nagtama ang mga tingin naming dalawa. Pero ako ang nagbawi ng tingin at bumaling sa pagkain na nakahain sa aking harapan. Umiling si Mr. Mauricio. "No, hija. You're just on time. Di ba, honey?" Baling na tanong nito sa ginang na kalapit niya. Napatingin naman ang asawa nito sa kanya. "Ah, yes, hija. Come on. Kumain ka na. Alam kong hindi ka pa kumakain." Paanyaya ng ginang sa akin. "She is my wife, Celestine— Mrs. Susan Perez." Pakilala ni Mr. Mauricio sa asawa. Ngumiti lamang ito saka tumango at ginantihan ko rin ng pilit na ngiti. "Kumain na muna tayo. At pagkatapos ay pag-usapan na natin ang kasal ng mga anak natin," singit na sabat ni Daddy. Walang reaksiyon na tumingin ako kay daddy. Pero hindi ako pinansin nito. Paano ba ako makakaligtas sa kasla na ito? Hindi ko kailangan ng lalaki para maging stable sa buhay. May marangal akong trabaho at negosyo. Sariling bahay at hawak ko ang oras ko. Pagkatapos ay bibigyan lang ako ng sakit sa ulo nina Daddy at Mommy. Makahulugang tingin ang ipinukol ni Mommy sa gawi ko. Alam na alam na niya ang magiging reaksiyon ko sa gabing ito. Napipilitan lang akong umayon sa gusto nila. Magiging sunod sunuran sa anuman ang naisin nila. PANAY ang panakaw na sulyap ko kay Mauro. Guwapo naman ito. Pero naangasan ako sa kanya. Ang yabang ng dating. He's not my type. Gusto ko 'yong may slowmo. Titig pa lang niya pinangingidan na ako ng kalamnan. Tumatayo ang mga balahibo ko sa tuwing nagkakadikit ang mga balat namin. I am not a hopeless romantic. Pero, I have an ideal guy na pinapangarap kong makatuluyan at makasama habang buhay. "Celestine, why didn't you touch your food? Sinabi mo kanina gutom ka na. Nakatunganga ka lang d'yan," biglang nasabi ni Mama. Masyadong lumalim ang iniisip ko, hindi ko napansin halos sumpong minuto akong nakatulala lang. "Sorry po. May naisip lang po ako." Payak akong ngumiti saka kinuha ang spoon para umpisahan ng kumain. Panay ang kuwentuhan nila tungkol sa negosyo at ako naman ay walang pakialam sa paligid ko. That is why I don't want to take over our business. Wala akong tiyaga na makipag usap. Pero kung sa mga bata, puwede pa. I love kids. Dahil nag iisang anak ako ay gustong gusto ko na napapaligiran ng mga bata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD