THREE

1055 Words
"GOODBYE, class," nakangiting paalam ni Celestine sa kanyang mga estudyante. "Goodbye, Ma'am. See you tomorrow," sigaw ng kanyang mga estudyante. Saka nagsitayuan na ang mga ito. At kanya kanyang labas na ng silid-aralan. Naiwan ako sa loob ng classroom ko. May mga aayusin akong report card ng mga estudyante ko. Nalalapit na naman ang PTA meeting at ibibigay ko na rin ang mga report card. "Good afternoon, soon-to-be Mrs. Perez," napairap ako nang marinig ko ang boses ng lalaking kinaiinisan ko. Walang gana akong tumingin sa kanya. "What are you doing here in my classroom?" Naglakad ito palapit sa akin at prenteng umupo sa bakanteng upuan na nasa harapan ko. "Tatlong araw mo na akong iniiwasan, Celestine. Hindi ko alam kung saan ka hahanapin. Kaya nagbakasakali ako na tanungin ka sa mommy mo. Luckily, ibinigay niya sa akin kung saan mo ginugugol ang buong oras mo. Nasa eskwelahan ka lang pala." Napataas ang kilay ko, para bang umasta siyang boyfriend ko. Ayaw niya akong tantanan. 'Di pa ata nalinaw kay Mauro na ayaw ko siyang makita o makausap. "Wala akong pakialam kung magkandahirap hirap ka hanapin ako. Hindi mo ba nararamdaman na ayaw kitang makita? Kaya puwede ka nang lumabas sa classroom ko." Tiningnan lang niya ako at naglakad palapit sa akin. Naiinis ako sa kanya. And I hate all of him. I don't know what he does para makuha ang loob ng mommy at daddy. "Celestine, whether you like it or not, you will gonna marry me. And I will make sure na mababaliw ka sa'kin," madiing bitaw nito. Kumibot ang labi ko. Saka napataas ang kilay. Malakas ang loob niya dahil kakampi niya ang mga magulang ko. May pagkasalamangkero siguro ito para mapa-oo ang mga magulang ko sa lahat ng gusto niya. Hindi naman ako patatalo sa kanya. At kahit na ikasal man kami, sisiguraduhin kong siya mismo ang makikipaghiwalay. "Masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo, Mauro. Marami naman d'yan. Bakit ka nagtitiyaga sa isang babaeng boring na katulad ko? I don't have any special traits that will make you fall in love with me." Ngumisi ito ng nakakaloko. "Sa nakikita ko, meron naman. At hindi ka boring. Ikaw lang ang nag-iisip niyan." At gusto pa nitong matuwa ako sa mga mabulaklak niyang salita. "Huwag mong bilugin ang ulo ko, Mr. Mauro Perez. Hindi ako ipinanganak kahapon lang para maniwala sa'yo." Napa-tsk si Mauro habang umiiling iling ng ulo. "Bakit hindi ka na lang maging mabait sa'kin? Sa'yo na nanggaling na malakas ako sa parents mo. Kaya napapaisip ako. Ano kaya ang gagawin mo? Or should I be frightened, future Mrs. Perez?" Nang-aasar pang sabi nito. Napakuyom ko ang kamao. Galit na galit siya sa akin. "Can you shut your f*cking mouth? And leave my room! Wala akong panahon para magsayang ng laway sayo! Can't you see, I'm busy?" Padabog akong naupo sa lamesa ko at muling itinuon ang mata sa ginagawa. 'Di ko na naringgan ng salita si Mauro nang sumigaw ako sa kanya. Inuubos niya ang pasensiya ko. At pasensiyahan kami kung nagiging bastos ako. Siya rin naman ang may gawa. Patuloy lang ako sa ginagawa ko at hindi ko na tiningnan si Mauro. Bahala siyang mapanisan ng laway. Hindi ko talaga siya papansinin. Mas maganda nga na umuwi na lang siya. Sinira na niya ang magandang araw ko ngayon. "Celestine..." Napatigil ako nang marinig ko ang boses ng babae. Puta! Naging babae na ba si Mauro? Agad akong napaangat ng tingin at nanlalaki ang mata nang makita ko ang kaibigan kong si Joy. Ang best friend kong parang kabuti kung sumulpot. "Joy!" Napatayo ako at sinalubong siya ng yakap. At nang bumitaw kami ay pinaupo ko siya sa upuan saka ako tumabi sa kanya. "Namiss kita. Ang dalang mo ng magpakita sa 'kin," nagtatampo na ako sa kaibigan ko. Hindi na kami madalas magkita kagaya ng dati. "Sorry. Masyado lang busy sa work. Alam mo na, working girls na ang peg ko. Kailangan na magseryoso sa buhay at kumayod para maiahon ko sa hirap sina papa at mama." "Mag asawa ka na lang ng afam. Magiging isa ka na sa mga Pinay na umahon sa hirap," biro kong sambit. Pinapatawa ko lang siya. Alam ko kung anong klase ng buhay mayroon ang kaibigan ko. Muntik na siyang mamatay noon. May sakit siya na cancer. Buti na lang at sinagot ng daddy nila ang gamutan ni Joy. Masaya ako na unti-unting bumabalik na ang dating sigla ng katawan nito. May trabaho na ito sa isang malaking kompanya sa Makati. Kinukumbinsi ko siya na sa eskwelahan na lang namin siya magtrabaho, pero tinanggihan niya. Marami na raw kaming naitulong sa kanya. Hindi pa raw siya nakakabawi sa utang na loob sa amin. Wala siyang utang na loob na dapat bayaran. Ginawa ko lang ang tama para kay Joy. Mahal ko ang kaibigan ko at hindi ko hahayaan na mawala siya. "Maiba ako, sino 'yong lalaking nasalubong kong lumabas ng classroom? Guwapo siya, ha. Boyfriend mo ba?" Usisa ni Joy. Tumaas ang kilay ko saka humalukipkip. "Hindi ko 'yon boyfriend. Pero si Mauro siya. Ang lalaking gusto nilang daddy at mommy na pakasalan ko." Biglang nanlaki ang mga mata ni Joy. Napatakip pa ito ng kanyang bibig dahil pinipigilan nitong sumigaw. Bago pa ito magsalita, inunahan ko na siya. "Alam ko na ang sasabihin mo. Hindi ako magpapakasal sa mayabang na 'yon. Kita mo naman kung gaano kalakas ang bilib niya sa sarili niya. I am not gonna marry him. Over my dead body!" Napa-ismid si Joy sa akin. "Baka kainin mo 'yang mga sinasabi mo, Celestine. 'Wag kang maging judgmental. Kilalanin mo muna 'yong tao. Malay mo, mabait pala siya at saka pasok sa standards mo." Marahas akong napabuga ng hangin. "Hindi ako judgmental. Nagsasabi lang ako ng totoo. Saka, iyong lalaking 'yon, mabait. Parang ang layo niya sa standards ko." NBSB ako. Mayroon din namang mga nanliligaw. Pero wala ni isa ang sinagot ko. Ang gusto ko sa lalaki ay mature. May sariling negosyo, hindi naman 'yong mayamang mayaman. Puwede na rin may magandang trabaho. At higit sa lahat malaki ang puso—malaki ang pagmamahal sa akin. "Kahit kailan ka talaga, Celestine. Masyado kang rebelde. Subukan mo lang, wala namang mawawala kung susubukan mong makilala ang fiancé mo. Malay mo, siya na pala ang right guy for you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD