bc

Bunny

book_age18+
19
FOLLOW
1K
READ
others
brave
confident
another world
friendship
superpower
like
intro-logo
Blurb

Si Bunny na hinahanap ang prinsipeng magliligtas sa kanya ay may ibang mahahanap sa paglaki. Ano ang nangyari sa kanya at sino ba ang makakatulong sa kanya? Maililigtas pa ba sya ng prinispeng binanggit sa kanya ng kanyang ina noong bata pa sya? Ano ang haharapin nilang mga pagsubok at sino sino ang kanilang makikilala sa mundong mapupuno ng kadiliman.

chap-preview
Free preview
Bunny
" Bunny! Bunny! " sigaw ng isang babae Patakbong lumapit si Bunny at niyakap ang kaniyang ina na hinahanap sya. " Tee hee" " Ikaw talaga, saan ka na naman nagpunta bata ka?" tanong nito kay Bunny " Sa gubat" sagot nito " Pag nagkataon kakainin ka ng halimaw sa gubat" tukso ng kanyang kapatid na si Rabbi " Hindi, mabilis ako tumakbo at mataas tumalon nakalimutan mo na ata" sagot ni Bunny sa kanyang kapatid " Isa pa kung magkakaproblema ka paniguradong ililigtas ka ng prinsipe mo" dugtong ng kanyang ina " Prinsipe?" tanong ni Bunny " Siya ang taong magliligtas at magmamahal sa iyo. Sa akin iyon ang Papa mo. Noong makita ko sya tumigil ang t***k ng puso ko" sagot ng kanyang ina na kinikilig " Tumigil t***k ng puso mo Ma dahil sa kilig kay Papa? Ganun ba sya kapogi noon?" tanong ni Rabbi " Huh? Ah... Hindi. Tumigil ang t***k ng puso ko noon dahil nahulog kami sa isang bangin.. ahhaha akala ko talaga noon mamamatay na ako eh" paliwanag ng ina sa dalawang anak na nadismaya " Sabagay sa itsura ni Papa malabong ma-love at first sight si Mama" sagot ni Rabbi " Magandang lalaki Papa niyo, mas mahal ko lang talaga buhay ko noon" paliwanag ng Ina nila sa kanila " Kahit mukhang pugad ng malaking ibon yung buhok, balbas at bigote ni Papa?" tanong no Bunny " Hahahaha, tumatanda na kasi sya kaya nagiging lamigin" sagot ng kanyang ina " Ma, di mo naman nasagot yung taning ni Bunny" sabi ni Rabbi sa Ina " Di mo na ba mahal si Papa?" tanong muli ni Bunny "Mahal pa din mula noon hanggang ngayon, pero meron akong mas mahal ganoon din si Papa niyo" " Sino?" muling tanong ni Bunny " Si Rabbi na mapangasar sa kapatid pero seryoso kapag nakikipag usap, at si madaldal na Bunny. Kaya hanapin mo ang prinsipe mo at hahanapin ni kuya ang reyna niya dahil ikaw ang prinsesa namin. Mahal na mahal namin kayo ng Papa niyo." sagot ng ina habang yakap yakap ang dalawang magkapatid " Tama!!!! Mahal namin kayo kaya payakap din ako" biglang sagot ng Papa nila na kakauwi lang. Tumakbo ito at niyakap ng ama nila silang mag-iina. Nagising si Bunny sa kanyang mahimbing na pagkakatulog, naalala nya din ang mga panahon noong bata pa sya. ( Naalala ko pa noong tinutukso ako ng aking nakatatandang kapatid na kakainin ako ng halimaw sa gubat, ipinagmalaki ko pa na mabilis ako tumakbo at mataas tumalon dahil sa lahi namin. Kami na mga Hare, mga taong may tenga at buntot ng kuneho meron din kaming bilis at malalakas na binti, kilalang kilala din kami dahil sa aming pulang mga mata at puting mga buhok. Kaming mga hare ay nasa iisang pamayanan, nagtutulungan ang mga lahi namin sa lahat ng oras. Sampung taon nang nakalipas at labing siyam na taong gulang na ako, Mama at Papa) " Bunny! " sigaw ni Rabbi sa kapatid " Pababa na" sagot nito Pagbaba ni Bunny nakahain na ang mga pagkain sa lamesa, mula sa likod binayukan sya ng kanyang kapatid. " Tinanghali ka na " sabi nito sa kapatid Si Bunny na lumaking maganda tulad ng kanilang ina, may hanggang balikat na haba ng buhok at mga pulang mata na sinasabing pinakamaganda sa lahat ng mga Hare. Lumaking malusog, malakas at kumpleto si Bunny na kabaligtaran naman ng kanyang nakakatandang kapatid. Mga malalim na kulay pulang mga mata, maikling puting buhok, may tamang lakas na katawan sa kabila ng kanyang kaliwang bulag na mata na natatakpan ng tela at putol na kanang binti kaya nakasaklay ito ngunit sa kabila ng lahat di pa din nya pinababayaan ang kapatid. Si Bunny na noong bata ay masiyahin, magulo at makulit ay lumaking tahimik, seryoso at malamig sa pakikitungo sa ibang tao maliban sa kapatid. Si Rabbi na lumaking mapagbiro ngunit may seryosong pananalita ay naging madaldal at mas nagpapakita ng ekspresyon. Pagkatapos kumain kinuha ni Bunny and ang kanyang mga gamit, palaso at pana. " Balitaan mo ko" pagpapaalala ni Rabbi sa kapatid " Alam ko, di ko makakalimutan na sabihan ka kung anong klaseng misyon at hanggang kailan ako mawawala. " sagot ni Bunny sa kapatid " Mag-iingat ka, kung magkakaproblema pwede kang tumakbo at magtago. Di natin kailangan ng malaking pera" paalala ni Rabbi " Nag-aalala na naman ang aking Mama hm? Alam mo naman na pinag iipunan natin ang pagpapalagay ng binti sa'yo di ba? " sagot ni Bunny na may halong pang-aasar " Tch, sabi ko naman di ko kailangan di ba? At tigilan mo nga pagtawag sa akin ng Mama." Inis na sagot ni Rabbi habang nakanguso ang bibig " Pft... Aalis na ko" paalam ni Bunny sa kapatid " Mag-iingat ka" muling sabi ni Rabbi sa kapatid, niyakap niya ito at hinalikan sa noo. Dumiretso si Bunny sa bayan at dumiretso sa guild ( kapisanan). " Magandang umaga Bunny" bati ni Chi and receptionist ng guild. Si Chi, isang harpy na may kulay rosas at mahabang buhok, dilaw at bilugan naga mata. " Magandang umaga" sagot ni Bunny at dumiretso sa board kung saan nakapaskil ang mga misyong di pa natatapos. Isa isang tinignan ni Bunny ang nakapaskil at may nakakuha ng kanyang atensyon. Kinuha nya ito at tinanong kay Chi. " Scam ba ito?" diretsang tanong ni Bunny kay Chi Nagulat sa Chi sa tinanong ni Bunny di nya alam kung tatawa sya o magtataka kung bakit ganoon ang tanong ni Bunny, " ah" " Chi?" tanong ni Bunny " Hindi, hindi panloloko ang nakapaskil dyan. May proprotektahan ka lang tapos bibigyan ka nya ng isang libong ginto" sagot ni Chi na nakangiti kay Bunny " Eh, bakit hindi pa ito nakukuha? " muling tanong nito kay Chi " Dahil mapili ang nagpapaskil ng misyong iyan. Kung gusto mo puntahan mo sila dito ngayon" sagot ni Chi kay Bunny at iniabot ang kapiraso ng papel. " Salamat" " Teka, dalhin mo din ito." pagpigil ni Chi kay Bunny at iniabot ang isang sulat. " Ano ito? " tanong ni Bunny " Basta, ibigay mo na lamang iyan" sagot niyo sa kanya Umalis si Bunny at pinuntahan ang lugar kung saan naroroon ang nagbigay ng misyon. " Isang inn?" sabi ni Bunny sa sarili at pumasok na sa loob. " Magandang araw, may maitutulong ba ako sa iyo?" tanong ng matandang babae namamahala ng inn " Ang taong nagpagawa ng miston sa guild nasaan sya? Maaari mo bang sabihin na narito ako para sa misyon? " sagot ni Bunny Makalipas ang ilang saglit bumalik ang matanda at sinamahan sya nito sa isang kwarto. Kumatok ang matandang babae at binuksan ang pinto, pumasok si Bunny at iniwan na sya ng babae. Tinignan ni Bunny ang paligid at nakita ang dalawang lalaki. Ang lalaking nakatayo ay may kulay asul na buhok at mga mata, matikas at may malakas na pangangatawan. Samantala ang lalaki na nakaupo ay may ginintuang buhok ngunit ang mukha nya ay natatakpan ng maskara. " Isang babae naman ngayon?" sabi ng lalaking nakatayo na tila minamaliit si Bunny " Ipinabibigay ito ni Chi, ang receptionist ng guild" sagot ni Bunny at iniabot ang sobre sa lalaking nakatayo " Ah, tama isa ka sa mga Hare, may natira pa pala sa inyo" sabi ng lalaki kay Bunny " tinatanggap niyo ba ako para ihatid kayo sa lugar na pupuntahan niyo? " tanong ni Bunny " Tinatanggap namin, sa kapital kayo pupunta. Ihatid mo sya doon ng ligtas. " sabi ng lalaki " Kayo? Kaming dalawa lang?" tanong ni Bunny " Oo, may kailangan akong puntahan. Ihatid mo ang aking master ng ligtas. Kung di ko lang kailangan pumunta sa lugar na iyon di ko ipagkakatiwala sa iyo ang buhay nya kaya, hindi dapat masaktan ang tao ito." paliwanag at pag papaalala ng lalaki sa kanya " Naiintindihan ko, kailan kami aalis? " tanong ni Bunny " Bukas ng umaga" sagot nito " Ako si Bunny" pakilala ni Bunny sa dalawa " Ako si Eugene, at ang aking master ay si Vi" sagot at pagpapakilala ni Eugene kay Bunny Kinagabihan sumulat si Bunny para sa kanyang kapatid, nakasaad dito ang kanyang misyon at ang araw kung kailan sya maaaring makabalik. Kinabukasan maagang nagising si Bunny at inihanda ang kanyang mga gamit. " Chi, maaari mo bang iabot ito sa aking kapatid?" pakiusap nito kay Chi " Naiintidihan ko, mag iingat ka" sagot ni Chi at kinuha ang sulat na nasa kanyang kamay. Pagkatapos ay dumiretso si Bunny sa inn duon ay hinihintay na sya ni Eugene. " Tatawagin ko lang ang aking master" wika ni Eugene at bumalik sya sa loob ng inn para tawagin si Vi " Hindi ko nasabi ngunit nais ng aking master na sa gubat kayo dumaan. Ayos lang na tumagal ng ilang araw ang paglalakbay ang mahalaga ay ligtas ang aking master" paliwanag ni Eugene at nagpaalam na ito sa kanila. Bago umalis tinignan muna ni Bunny si Vi at nagbuntong hininga, " Dapat sinabi nya kaagad na maglalakbay tayo ng walang sasakyan. Paniguradong mag aalala sya." Nagsimula ng maglakad si Bunny at sa likod naman ay sinusundan sya ni Vi. Pumasok sila ng gubat at sinundan ang mapa, walang imikan ang dalawa at patuloy lang sa paglalakad. Sumilip sa likod si Bunny upang malaman kung ano ang kalagayan ng sumusunod sa kanya. " Kung pagod ka na senyasan mo lang ako" sabi ni Bunny kay Vi na tumago lang Magtatanghalian na at napagpasyahan ng dalawa na magpahinga at kumain sa silong ng isang malaking puno. Umupo si Bunny at si Vi naman ay may kinuha sa kanyang singsing, inilabas nya ang bag nang iba't ibang klase ng tinapay. Iniabot nya ang dalawang piraso kay Bunny. " Salamat (Kung ganoon isang space storage ring ang dala nya, kaya naman pala wala syang bitbit)" Pagkatapos kumain at magpahinga ng ilang oras ay nagpatuloy ang dalawa sa paglalakbay hanggang abutan sila ng dilim. Dahil malayo pa sila sa pinakamalapit na nayon napagpasyahan nila na magpahinga sila sa ilalim ng puno. Kumuha si Bunny ng panggatong at nagsimula ng apoy, naglabas naman ng kagamitang panluto at ilang sangkap si Vi sa kanyang singsing. " Mukhang ayaw mong magutom, akin na ako na ang magluluto. May pwede kang isapin para upuan at higaan natin? Ilabas mo na din." sabi ni Bunny kay Vi Pagkatapos magluto ay kumain ang dalawa at natulog. Sa kalagitnaan ng gabi nagising si Bunny sa kaluskos na narinig. Bumangon sya kaagad at tinignan amg kasama na tulog. Lumukso si Bunny paakyat sa puno at ginamit ang kakayahan nyang "search" at hinanap ang mga gumagalaw sa paligid. Di nya sigurado kung ano ito pero gumagalaw ito ng dahan dahan paikot sa kanila, alam na din nilang wala na sya sa higaan. Biglang bumilis ang kilos ng mga ito, " lima... hindi pito" sabi ni Bunny at biglang umatake ang isa sa mga ito sa natutulog na si Vi, itinutok agad ni Vi ang kanyang palaso at tinamaan ito sa ulo. Nakita ni Vi na mga ito ay ang mga Tatzel mga halimaw na parang butiki na may mahabang katawan, dalawang pares ng maikling binti sa likuran at isang pares ng mga mahahabang binti sa unahan. Isa isa sumugod ang mga ito sa kanya at isa isa rin nyang pinatamaan ito ng mga palaso ngunit may isang papalapit kay Vi, nakita ito ni Bunny at sinipa ang huling sumugod sa kanya sabay pintamaan ito ng palaso. Bumaba sya sa pinagtutulugan ni Vi at sinpa pataas ang Tatzel at pinatamaan nya din ito ng palaso. Nararamdaman nyang may mga Tatzel na nakapaligid at dumating pagkatapos nyang mapatay ang una sa mga ito, subalit sa takot sa kanya isa isa itong umalis at di na nagparamdam. Tinignan ni Bunny si Vi at wala ito ni isang galos at di rin ito nagising. " Bilib din ako sa iyo, di ka talaga nagising sa lahat ng ingay?" sabi ni Bunny sa natutulog na si Vi. Upang maging alisto hinayaan na lamang ni Bunny na nakabukas ang search. Humiga si Bunny at tumingin sa itaas upang masilayan ang langit, ( May mali, ang mga Tatzel ay hindi dapat narito. Ang gubat na ito ay pinangangalagaan ng nimpa na si Droa.) " Di bale na nga ang mahalaga ay ang kaligtasan ng taong ito." Sabi ni Bunny sa sarili at unti unti nyang ipinikit ang kanyang mga mata. Kinabukasan, maagang nagising si Bunny at Vi pagkatapos kumain ay nagsimula na muli sila sa paglalakbay. Habang naglalakad tinanong ni Bunny si Vi, " Sarap ng tulog mo kahapon, wala ka bang napansin?" Umiling lamang at sumenyas si Vi na wala syang napansin. " Sa susunod talasan mo pakiramdam mo." Paalaala ni Bunny sa kanya

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ZACH HOFFMAN

read
225.7K
bc

YOU'RE MINE

read
894.3K
bc

AGENT KARA_SERIES 1(R-18-SPG)

read
199.6K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K
bc

That Billionaire Is My Husband

read
439.8K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
456.1K
bc

His Cheating Heart

read
41.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook