Natapos ang selebrasyon ng may bulong bulungan sa ginawa ni Violet. Isa pa ang kaniyang pinakilalang kasintahan ay isang Hare na dapat ay wala na dahil sa pgpatay sa kanilang lahi. Pagkatapis umalis ng mga bisita iniwan nya ang kanyang mga anak at si Bunny sa loob ng silid, nangingitngit sa galit si Haring Dominic.
Pagkarating sa kanyang silid nagpalakad lakad sya sa loob nito.
( Paano? Paanong may nabubuhay pang tulad nya? Ano ba ang pinaplano ni Violet at ipinakita nya ang Hare sa harap ng ibang lahi? Paniguradong maraming magtatanong sa akin)
Samantala, si Bunny ay nakahinga ng maluwag ng makaalis na ang mga bisita.
" Kabadong kabado ka ha? Kulang na lang wasakin mo ang aking suot sa higpit ng kapit mo. Hindi mo din napansin ang itsura ng hari mg makita ka nya" pang aasar ni Violet kay Bunny
" Manahimik ka, di na nga ako nakakain dahil sa dami ng mata na nakatitig sa akin." sagot ni Bunny kay Violet
Paalis na sana si Bunny upang bumalik sa silid ngunit napahinto at humaral kuli kay Violet.
" Alam kong hired ako para protektahan ka, pero ang weird lang yung itsura ng hari ng makita ako, hindi sa hindi ko napansin ang itsura nya. Sa totoo lang nailang ako sa kanya dahil parang nakakita sya ng multo"
" Hahaha, ganun din naman ang ibang bisita" sagot ni Violet
" Hindi kakaiba yung kanya. Parang may takot sa mga mata nya" winika ni Bunny
"......... "
" Di bale na nga baka di ko lang talaga napansin sa sobrang kaba ko, " dagdag ni Bunny at umalis na sya
Kinabukasan, pinatwag si Bunny ni Haring Dominic. Agad tumugon si Bunny, pagkarating nakita nya ang hari na abala sa kanyang trabaho.
" Maupo ka" wika ng hari kay Bunny
Umupo si Bunny ng tahimik, tumayo naman sa kinauupuan si Haring Dominic at umupo sa harapan ni Bunny.
" Hindi ko inaasahan ang ginawa ni Violet" wika ng hati habang tinititigan si Bunny
" Saan kayo nagkakilala?" tanong ng hati kaya Bunny
" Sa labas ng bansa ako naninirahan, nagkakilala kami duon noong naglalakbay sya." sagot ni Bunny
" Hindi ko inaasahan na makakita ng Hare, nabalitaan ang pagkamatay ng lahi niyo ilang taon na rin ang nakalipas" winika ng hari
" Ang aking pamilya ay humiwalay sa aming mga kalahi noong bata ako pagkat ang aking ina ay may sakit at naglalakbay kami para makahanap ng lunas sa sakit nya. Sa kasawiang palad hindi kami nakahanap at namatay ang aking ina" kwento ni Bunny sa hari
"..........., Nasaan ang iyong ama?" tanong ng hari
" Sya ay pumanaw na dahil sa sakit" sagot ni Bunny
" Alam mong prinsipe si Violet ng bansang ito, ang pagpaoakilala nya sa iyo bilang kasintahan sa nakakarami ay magdadala ng mga tanong at pagdududa sa aking pamumuno"
" ............... "
" Nais kong iwan mo ang palasyo" dagdag ng hari
" Ngunit, iniibig ko ang iyong anak" pagkontrani Bunny sa hari
" Ibibigay ko ang kahit anong nais mo umalis ka lamang dito"
" Hindi po ako aalis" tumayo si Bunny at nagpaalam na sa hari
Lumipas ang ilang araw ng makarating sa kaharian ang isang balita.
Humahangos at takot na sinabi ng isang sundalo ang nagyari.
"Kamahalan ang halimaw na si Yacu ay nagwawala sa karagatan. Marami na syang nasira sa ating mga sasakyang pandagat."
" Si Yacu? Hindi ba sya ay matagal nang naikulong at napatulog?" wika ni Veridian
" Ipatawag ang mga light elves at water spirits, siguradong magpapakita sila Unkteh at Kampoi kasama ng mg alagad nila" utos ni Haring Dominic sa sundalo
" Veridian lumipon ng mga mandirigma natin na gumagamit ng elemtong apoy, pamunuan niyo ni Violet." wika naman nang hari kay Veridian na umalis upang puntahan si Violet
"Violet" tawag ni Verdian ng buksan nya ang pjnto at nakita nya si Violet kasama si Bunny.
" Ano ang problema?" tanong ni Violet
" Si Yacu ay nagising, pinatawag na ni ama ang mga dating nagpatulog at nagkulong sa kanya. Kailangan tayo sa may dalampasigan upang tulungan ang mga taong naninirahan malapit dito." paliwanag ni Verdian
" Naiintindihan ko,"
" Sasama kami ni Asral baka may maitulong kami" pag prisinta ni Bunny
Umalis at naghanda ang apat ng mga sandatang dadalhin. Sakay ng kabayo dumiretso agad silang nagtungo sa dalampasigan kung nasaan ang kalakalan ng pandagat. Totoo nga na nagising na si Yacu, isang halimaw na may apat na braso, mukha stulad ng sa isang pating, katawan tulad ng sa tao at buntot ng isda; siya ay kasing laki nang isang maliit na bundok. Sinisira niya ang bawat barko at ninanais na magtungo sa kalupaan. Ang mga tao ay inililikas na ng mga sundalo subalit, ang mga taong nasa karagatan ay nangangailangang ng agarang pagtulong.
" Kami na ang bahala sa mga nasa tubig" wika ni Violet sa kapatid
" Pipigilan namin ang isang ito" sagot ni Verdian
Isa isang pinatakbo sa karagatan ang mga kabayo sakay ng mga sundalo. Isa isa nilang inihaon at dinala itosa dalampasigan. Si Bunny at Asral ay tumutulong din sa pagpapalikas. Samantala si Yacu ay nagsimula nang magtungo sa dalampasigan gamit ang kadenang lubid ipinaikot ng mga sundalo at ni Verdian ito sa katawan ni Yacu.
Pagkatapos maitali ito kay Yacu isang spell ang pinakawalan ng grupo ni Verdian upang hindi ito makaalis sa pwesto. Ang kadema ay pampabigat at ang spell ay isang harang na salamin. Pinipilit ni Yacu na makawala ngunit dahil sa kadena ay hindi ito makakilos, ang grupo ni Violet ay sinamantala naman ang pagkakataong ito upang mailikas lahat at maligtas ang mga tao na malapit sa kaguluhan. Bigla na lamng isamg nilalang ang umatake sa isa sa mga sundalo na nagpapagana ng salamin na harang. Si Kampoi isa sa mga alagad ni Yacu na umalis at tumakas nang makulong si Yacu. Si Kampoi na ang pantaas ng itsura ay tulad ng sa isang toro at may katawan ng isda, sya rin ay kulay pula, may taas at laki tulad ng isang pangkaraniwang toro ngunit may kakaibang bilis at lakas, nagagawa din nyang kontrolin ang kidlat.
" Ang halimaw na si Kampoi" wika ni Asral
" Inaatake nya ang mga sundalong nagpapanatili ng harang" dagdag ni Violet
Sinenyasan ni Violet ang mga sundalong kasama upang tulungan at saklolohan ang grupo ni Veridian. Subalit habang papunta sila sakay ng mga kabayong nakakapaglakad sa tubig lumabas si Unkteh isang makaliskis na halimaw na may wangis ng itim na ahas, may dilaw na mata at may braso ito tulad ng tao, may 100 kilometro ang haba ni Unkteh.. Nagagawa ni Unkteh na bumuga ng apoy, sya din ang naghahari sa mga Warglan mga halimaw na isda na may matatalas at malalakas na ngipin,kasing laki ng isang tatlong taong gulang na bata at may bilis tulad ng sa kabayo.
" Kamalas naman" wika ni Violet habang kinakamot ang kanyang ulo
" Sino naman ang isang yan?" tanong ni Bunny
" Si Unkteh ang isang iyan, bumubuga ng apoy ang ahas na yan. Yung malilit na isda Warglan ang mga iyan, mag ingat kayo dahil mabibilos at malalakas ang ngipin nila na kayang pumunit ng bakal." paliwanag ni Asral
" Kami na ang bahala sa isang ito, puntahan mo ang kapatid mo." wika na Bunny
" Gagawa kami ng paraan para makadaan ka" dagdag ni Asral
Sinubukang pagyelohin ni Asral ang paligid at si Unkteh upang makakuha ng pagkakataon si Violet na makalagpas. Dadaan na sana si Violet ngunit nawasak ni Unkteh ang yelo. Humiyaw ito sa galit at pinasugod ang mga Warglan.
" Tsk, di man lang ako nakalagpas akala ko pa naman maaasahan kita" wika ni Violet na may halong pang aasar ka Asral
" Pasensya ha, magkaaway ang elemento na ginagamit namin eh isa pa walang buwan" pagtatanggol ni Asral sa sarili
" Subukan pa muli natin" suhestyon ni Bunny
Ang mga sundalo ay humaharap sa mga Warglan, at ang tatlo ay nag iisip ng paraan kung paano si Violet ay makakalagpas kay Unkteh, habang inaatake sila nito at bumubuga ng apoy. Sinubukan muling pagyelohin ni Asral si si Unkteh subalit nakawala ito, pagkawala nito sa yelo tumalon at sinipa sya ni Bunny sa mukha at nasaktan sya sa lakas ng sipa na ginawa ni Bunny ngunit gamit ang braso nito hinablot nya si Bunny na pababa sa ere. Ngunit agad agad nya rin itong nabitawan ng hiwain ni Violet ang kanyang mga kamay. Nagpatuliy ang labanan sa grupo ni Violet hang si Verdian ay nahihirapan dahil iilan na lamang silang nagpapanatili ng harang.
" Prinsipe Veridian nahihirapan na kaming panatilihin ang harang" wika ng mga sundalo habang isa na naman sa mga kasama nila ang inatake ni Kampoi.
" Makakagawa rin ng paraan sina Violet" sagot nito habang ibinubuhos nya ang kanyang kapangyarihan upang di masira ang harang
( Bilisan niyo, paubos na ang enerhiya ko sa katawan) hiling ni Veridian
" May naisip ako, kailangan ko tulong niyo. Kailangan na ako ng kapatid ko pagkat humihina na ang enerhiya nya sa katawan. Paubos na ito, oras na lang at mawawasak na ang harang" wika ni Violet sa dalawa