HINANG-HINA ANG katawan ko subalit nagawa ko pa ri'ng kilalanin ang mukha ng kaharap ko.
Siya ang lalaki kahapon, ang may hawak ng litrato ko sa harap ng university namin.
Nagkataon lang ba na nandito siya... o baka isa siya sa gustong manakit sa akin?
“You okay—”“
“Anong... kailangan mo sa 'kin?”
Hinintay ko ang sagot niya ngunit wala akong narinig.
“Hindi tayo... magkakilala. H'wag kang umastang... nag-aalala ka.” Iniwas ko sa kaniya ang paningin ko.
Humakbang ako papalapit sa taxi 'tsaka nilampasan siya. Akmang bubuksan ko ang pinto nito nang marinig ko ang mga katagang sinambit niya.
“I'm Truce Valeza, 20. My family owns Danton University. I don't have any siblings and I have lots of damn villain friends—” Walang siglang tinapunan ko siya ng tingin.
“Sa tingin mo... may pakialam ako sa sinasabi mo, sa 'yo?” Lumapit siya sa kinatatayuan ko saka malalim na tinitigan ang mga mata ko.
“And do you think... maganda ka dahil nilapitan kita—”
“Umalis ka sa... harap ko,” seryosong saad ko.
Wala akong panahon sa katulad niya. Pero kung may plano siyang gawin sa akin, kailangan kong malaman ang rason niya.
“What happened to you?” Tumingin siya sa taxi bago sa akin.
Tumitig lang ako sa kaniya.
Hindi ko siya kilala, kaya wala akong sasambitin na kahit ano sa kaniya.
“I'll drive you home. Let's go."
Hindi ako gumalaw, lumalim pa ang tingin niya sa akin. Bumuntong-hininga siya tapos hinawakan ang braso ko.
“Bitiwan mo ang braso ko,” seryosong usal ko.
Hindi siya tumalima, p'wersahang hinila niya ako papasok sa nakahintong sasakyan na pag-aari niya.
“P'wede kitang kasuhan—” Kusang sumara ang bibig ko.
Dapat nag protesta ako... Pa'no kung isa nga siya... sa gustong pumatay sa akin?
'Kita sa gilid ng mata ko ang biglaang pagkawala ng emosyon sa mukha niya.
Tumingin ako sa unahan nang umandar ang sasakyan niya.
“'Yong taxi na sinakyan mo... ipapakuha ko na lang. Don't worry, no one will knows it.” Hindi ako sumagot.
“I want to know what happened, why are you looks scared? But if you don't want to tell me, then I will shut my mouth like I didn't saw anything—”
“I-liko mo pakaliwa, ang ikatlong gate, ang bahay namin,” walang ganang saad ko.
Ginawa niya ang sinabi ko.
Wala ng salitang lumabas sa bibig niya.
Natanto niya sigurong wala akong pakialam sa kaniya...
Huminto ang sasakyan sa tapat ng gate ng bahay namin. Nauna siyang lumabas at pinagbuksan ako ng pinto.
“Salamat,” tipid na ani ko.
Bumuntong-hininga siya at tumitig sa mga mata ko.
“I don't know why are you mad at me—”
“Hindi ako galit.”
“Why are you being like this? You are cold—”
“Tumigil ka. Wala akong pakialam... sa opinyon mo.”
Tinalikuran ko siya at akmang bubuksan ang gate ng bahay nang muli siyang magsalita.
“Maybe... I'm just nothing to you, but I'm really worried. I'm worried, Yiesha. Kanina galit na galit ako dahil muntik na akong maaksidente because of that taxi you've driving... but, when I saw you scared and trembling, worries filled my system. Nasaktan ako nang makita kitang gano'n. And I want to beat the person who did that to you—”
“Sino ba ako... para mag-alala ka?”
“Yiesha—”
“Huwag mong... babanggitin ang pangalan ko,” matigas na wika ko habang nakatalikod sa kaniya.
“Can you please let me—”
“Let you what?” Umayos ako ng tayo saka pumihit paharap sa kaniya. Deretsong binato ko siya nagdududang tingin.
“Alam mo ang pangalan ko. Hawak mo ang litrato ko kahapon. At ngayon nag-aasta kang... nag-aalala ka?”
Napalunok siya sa sinambit ko.
Hindi ko alam kung ano ang dahilan niya...
Umiwas siya ng tingin.
“I don't know... what you are saying—”
“Hindi mo alam...” Kinuyom ko ang mga kamao ko.
Hindi ako naniniwalang hindi mo alam. Alam mo ang rason kung bakit hawak mo ang litrato ko kahapon.
Kaya bakit magsisinungaling ka pa kung... alam mo simula pa lang?
Sinandal ko ang likod ko sa malamig na bukana ng gate namin.
Lumapit siya sa 'kin at masuyong hinawakan ang kamay ko.
“I will not hurt you if that's what you think... I won't, Yiesha,” panunuyong saad niya.
Padarag na binawi ko ang kamay ko sa kaniya.
“S-sorry. I didn't mean to—”
“'Wag mong... hahawakan ako ulit—”
“I won't,” mabilis na saad niya.
Alam kong wala siyang balak sabihin kung ano'ng kailangan niya sa akin, kahit tanungin ko pa siya nang tanungin,
wala akong makukuhang sagot...
“I'm going off now. Take a rest,” malamig na saad niya.
Tumalikod na siya at sumakay sa sasakyan niya.
Kunot-noong sinundan ko ng tingin ang palayong sasakyan niya.
Bakit gano'n siya kung umasta?
Wala akong imik na pumasok ng bahay. Agad bumungad sa mga mata ko ang sasakyan ni Dad.
Akala ko ba busy ka, Dad?
Inayos ko ang sarili bago pumasok sa loob.
Nag-aalalang mukha ang sumalubong sa akin.
Si Aling Elena...
"Saan ka ba galing, hija? Alam mo sobrang nag-alala ako! Sabi ng mga kasambahay umalis ka raw, saan ka ba nagpunta, hija? Akala ko may nangyari na sa iyo. Nandito pa naman ang daddy mo..." Bumuntong-hininga ako.
“Tinapon ko ho kasi ang cellphone ko kaya hindi ako nakatawag...”
“Bakit mo naman ginawa iyon, hija? Pagagalitan ka ng daddy mo. Paano na lang kung may nangyari sa iyong bata ka?”
“Kung may nangyari mang masama sa 'kin... Ikaw lang naman ho ang magluluksa—”
“Susmaryusep na bata ka! Bakit ganiyan ka magsalita, hah—”
“Yiesha, where have you been!?” Tumingin ako sa kaniya.
“Why are you here, Dad? Hindi ho ba... kailangan kayo ng negosyo niyo?” Imbis na sagutin, ito ang lumabas sa bibig ko.
Galit na lumapit sa kinatatayuan ko si Dad.
“Sige na ho, Aling Elena,” saad ko.
Nag-aalalang tumango at naglakad paalis si Aling Elena.
Dahan-dahang tumingin ako kay Dad.
Dapat nagagalak ako ngayon dahil umuwi si Dad pero bakit parang... lalo ko lang naramdaman ang pagkukulang niya sa akin?
“What have you done? You kissed your man? You f****d him?” Kuyom ang kamaong tumingin ako sa mga mata niya.
Ano'ng alam mo sa nangyari sa 'kin... Dad?
“Hindi pa ho ako... nasa tamang edad para ho gawin 'yan, Dad—” Bumaling pakaliwa ang mukha ko.
This is the first time you slapped me, Dad...
“Hindi kita pinalaking ganito, walang mudo at lumalaking marumi—”
“'Yon ho ba... ang tingin niyo sa akin, Dad?” Pinigilan kong tumaas ang boses ko.
Mas lalong nagalit si Dad sa inasta ko. Umangat sa ere ang kamay nito at akmang sasampalin muli ako subalit pumasok si Mang Larry.
“Sir, nakahanda na po ang sasakyan.”
Tumingin sa labas si Dad.
Bakit umuwi ka pa, Dad... kung aalis ka rin naman?
Mapait akong ngumiti at tumingin kay Daddy.
Go, Dad. Leave me like you always... did.