NATAPOS ANG klase na hindi kami nag-imikan ng katabi ko.
Maybe she realized that I don't want to be friends with her...
Walang buhay na pumasok ako ng bahay. Lumakbayang mga mata ko sa bawat sulok nito. Kahit saang sulok walang mababakas na saya.
Walang masayang memorya kasama sila...
Hinanap ng mga mata ko si Aling Elena pero hindi ko ito makita. Siguro bumili ng lulutuin dito sa bahay, kaya minabuti kong sunduin ito.
Sabado bukas, walang pasok.
Umakyat ako ng k'warto at nagbihis. Tatawagan ko sana si Mang Larry, subalit naisip ko na kasama nga pala nila Mom. Lumabas ako ng bahay, agad na may humintong taxi. Nagdadalawangisip pa akong sumakay pero mag gagabi na, kailangan ko nang puntahan si Aling Elena.
Sumakay na lamang ako rito.
Panay ang sulyap sa 'kin ng Mamang driver. Kunot-noo ko itong tinitigan. Nag-aalinlanganako pero tinanong ko pa rin ito.
“May problema ho... ba, Manong?” Mas lalong kumunot ang noo ko nang hindi ito sumagot.
Ramdam ko ang kabang biglang pumasok sa sistema ko. Kinapkap ko sa bulsa ang cellphone para kung sakali mang tama ang pakiramdam ko, makakahingi ako ng tulong.
Pero naisip ko... Sino ba ang tatawagan ko?
Ibinalik ko na lang ito sa bulsa ng damit ko. Hindi ko ipinakita ang takot ko. Pekengngumiti ako at tumingin sa driver.
Hindi ko gawain ang magk'wento pero susubukan ko...
“Alam n'yo ba, Manong? 'Yong daddy ko hindi umuuwi. Ano ho... sa tingin n'yo, mahal pa ho kaya ako ng daddy ko?” Nahihirapan akong ngumiti hindi dahil may takot sa loob ko kundi,
talagang... 'di ko sinasayang ang ngiti ko sa walang kuwentang bagay.
May masamang balak ang mamang ito. Wala akong magagawa, wala akong laban sa kaniya.
“Ikaw ho ba, Manong, may anak ka ba? Ano'ng pakiramdam na iwan mo ang anak mo? Ano'ng pakiramdam na makita n'yong nasasaktan at nahihirapan ang pamilya niyo? Masakit ba?” Hindi pa rin siya sumagot.
Kinuyom ko ang kamao ko, balewala lang sa kaniya ang salita ko. “'Yong pakiramdam na balewala ka lang sa pamilya mo, na wala silang pakialam sa iyo. Ang sakit no'n...”
Walang lumalabas sa bibig ng driver. Tuloy pa rin ito sa pagmaneho.
Pabilis nang pabilis ang galaw ng sasakyan.
“Bakit, Manong? Bakit hindi n'yo masagot ang tanong ko? Siguro 'yon din ho ang ginawa niyo?” Tumingin siya sa mga mata ko gamit ang side mirror ng taxi.
Nahihirapan ang nakikita ko sa mga mata niya.
“Ang gano'ng ama, Manong. Walang kakuwenta-kuwenta at 'di karapat-dapat na maging ama—”
“Tumigil ka bata,” inis na saad niya.
“Bakit, Manong? Naramdaman niyo na ba?” panunuyang tugon ko.
Nag-iba ang hitsura niya, kita rito ang galit at sakit.
“Ano'ng alam mong bata ka!? Wala kang alam!” May bahid ng galit ang boses ng driver.
“Masakit ba, Manong? Masakit ba'ng itakwil ka ng sariling mong pamilya—”
Tumigil ang sasakyan sa isang madilim na lugar. Hindi ko alam kong saang lupalop kami naro'n. Masangsang na amoy ang malalanghap dito.
Nakakatakot at walang taong dumadaan...
“Labas!” sigaw ng driver.
Walang lakas na bumababa ako ng taxi. Inilibot ko ang paningin ko, masasayang lang ang boses ko kung sumigaw ako rito dahil wala namang makakarinig.
“Gawin n'yo na, Manong... Gawin niyo na ang binabalak niyo.” Nanlalaki ang mga mata niya. Humalakhak ang driver at tumingin sa mga mata ko.
“Ang tapang mo, hija, sayang ka. Maaga ka lang mawawala,” nakangising saad niya.
“Bakit hindi niyo na lang gawin? Patayin niyo na ako,” walang ganang saad ko.
Kitang-kita ng mga mata ko ang galit sa mukha ng driver.
“Talagang papatayin kita,” ngising saad niya.
Tinutukan niya ako ng patalim. Hindi ko alam ang gagawin ko. Pinasok ng takot ang sistema ko.
“Bakit natatakot ka na ba, bata?” mala-demonyong saad niya.
Pinagpapawisan ako.
Umamba siyang sasaksakin ako pero umiwas ako. Sinipa ko ang p*********i niya at tumakbo nang tumakbo.
“Akala mo makakatakas ka! Papatayin kita! Papatayin kita!” malakas na sigaw niya.
May tumulong butil mula sa mga mata ko. Hindi ko inaasahan na ganito ang magiging katapusan ko.
Ang kamatayan ko...
Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa wala na akong matakbuhan.
Tinawagan ko si Dad, si Mom, maging si Lola. Dalawa, tatlo, apat. Walang sumagot. Nanginginig ang kamay kong itinapon ang cellphone ko.
Nakita kong papalapit na ang driver sa akin.
Umatras ako nang umatras, hanggang lumapat ang likod ko sa malamig na bagay.
Tuwang-tuwang inilapit niya ang patalim sa leeg ko.
Hindi ako gumalaw.
Hindi ako nagsalita.
Hindi ako nagmakaawa...
Dahil kung hanggang dito na lang ang buhay ko, hindi ko na kailangang magmakaawa pa.
“Akala mo makakatakas ka!? Nagkakamali kang bata ka,” nakangising saad niya.
Sinalubong ko ang mga mata niya. “May anak... ka ho ba?”
Unti-unting nawala ang ngisi niya.
Wala na akong pakialam kung mamatay ako ngayon. Pero hindi ako papayag na basta na lang akong mawawala, sisiguraduhin kong buhay man ang katawan niya, patay naman siyang mabubuhay.
Hanggang siya na mismo ang kumitil sa sarili niyang buhay.
“Dahil kung mayroon, hindi mo mararamdaman ang pagmamahal nila. Hindi mo mararamdaman na may pamilya ka. Hindi mo mararamdaman ang masayang buhay. Mamatay kang mag-isa. Mamamatay kang walang may pakialam sa 'yo. Mamamatay kang hindi mo naramdaman ang mahalin ng iba, lalo na ng pamilya mo. 'Yon ang nararapat sa 'yo... Ang mamatay na walang taong masasaktan dahil sa paglisan mo. 'Yon ang dapat sa 'yo, Manong.” matigas na saad ko.
Nabitawan niya ang patalim na hawak niya. Unti-unti siyang umatras. Mas lumawak ang ngisi ko.
Hindi man ako marunong makipaglaban gamit ang katawan ko, magaling namang lumaban ang utak ko.
'Yon ang lamang ko sa kanila, 'yon ang tatalo sa kanila.
Walang silbi ang husay mo sa pakikipaglaban kung wala kang utak, dahil simula pa lang talo ka na.
“Umalis ka na. Tumakas ka na. Ako na'ng bahala sa kanila!”
Sinong kanila.... ang tinutukoy niya?
Wala akong ginawang bagay na magbibigay motibo para patayin ako.
“Ano'ng... ibig niyong sabihin?” Naglakad ako palapit sa kaniya.
Mula nang makita ko ang mga mata ng driver ramdam ko na ang pangungulila nito sa pamilya niya, alam ko ring ayaw niya 'tong gawin.
Nahihirapan siya.
Akala ko kailangan niya lang 'yon gawin dahil kailangan niya ng pera.
“Hija, patawarin mo ako. Hindi ko ginusto ito.” Nagmakaawang lumuhod sa harapan ko ang driver.
Tinitigan ko ang mga mata niya. “Sino?”
“'Iyong anak ko puwede bang hanapin mo? Ito ang larawan niya...” umiiyak na saad ng driver.
Lumuhod ako sapat na para matitigan ko ang mga mata niya.
“Bakit ho... kayo pumayag—”
“Hija, takbo na! Tumakbo ka na!” Hinawakan niya ang balikat ko.
Pagsisi at takot ang mababakas sa mga mata niya.
“Manong, A-anong pinagsasabi niyo—”
“Takbo na, hija. Takbo!” pagmamakaawang saad niya.
Nilagay ko ang litratong binigay niya sa bulsa ko at walang pag-aalinlangang tumakbo.
Habol-hiningang tumigil ako nang may marinig akong tatlong putok.
Tatlong putok ng baril.
Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa nakita ko ang taxi ng driver.
Walang pag-aalinlangang sumakay ako rito.
Nakikita kong magmaneho si Mang Larry, kaya makakapagmaneho ako pero nanginginig ko.
Subalit.. .susubukan ko pa rin.
Dahil kung hindi ko gagawin 'yon.
Baka sa katawan ko na iputok ang tirang bala ng baril nila.
Umiiyak na pinagana ko ang taxi. Wala akong alam sa nangyayari ngunit kailangan kong makaalis dito.
Hindi ko alam kung nasaan ako.
Patuloy pa rin ako sa pagmaneho hanggang sa makita ko ang maliwanag na kababahayan. Basang-basa ang pisngi ko at nanginginig ang mga kamay ko habang nagmamaneho at panay rin ang lunok ko.
Sino... ang gustong pumatay sa 'kin?
Nanlabo ang paningin ko, hindi ko makita ang dinadaanan ko. Hinawi ko pakaliwa ang manibela at dahil do'n muntik na akong maaksidente.
Huminto ang sasakyan.
Hindi ako makahinga, pinagpapalo ko ang dibdib ko.
“Damn! Do you want to kill me? Damn it!” rinig kong sigaw ng lalaki.
Nanghihinang tumingin ko sa labas.
“Out! I will sue you for this. Damn you!” Galit na pinagsisipa niya itong sinasakyan ko.
Nanghihinang bumaba ako ng taxi. Nanginginig pa ang mga kamay ko sa nangyari.
“I said, out—”
Malabo pa ang mga mata ko nang tumingin ako sa kaniya.
“P-Pasens'ya na.” Yumuko ako.
Dahan-dahang tumingin ako sa suot niyang itim na T-shirt.
Lumapit siya sa kinatatayuan ko.
“Pasens'ya na—”
“What happened to you... Yeisha?” Natigilan ako.
Unti-unting inangat ko ang mukha ko saka tinapunan siya ng tingin.
Sino siya? At bakit... alam niya ang pangalan ko?