CHAPTER 3

970 Words
MAAGA AKONG nagising kaya maaga rin akong pumasok. Habang naglalakad papasok sa classroom namin, umalingaw-ngaw na ang satsatan ng ilang kaklase ko. “Kapal ng mukha niya!” “Pagkatapos ipahiya nila si Prof Darwell.” “Totoo kaya?” “Hindi naman 'ata...” “Gurl, the slut is here!” “Hindi na nahiya.” “Yeah. 'Asan 'yong baliw?” “Mental, I guess...” “Dapat wala 'yong baliw na 'yon dito. School 'to hindi mental, duh.”  Bumuntong-hininga ako saka umupo sa upuan ko. Laging ganito ang eksena. Kung hindi tsismisan, landian naman. Wala naman akong magawa.  Sila 'yon, hindi ako... “Gurl, you can't believe this...” “Why?” “Si Prof Darwell!” “Bakit? Hindi raw ba papasok?” Nakatunganga lang ako habang pinakikinggan ang mga tsismis ng mga kaklase ko.  “Si Prof...” “Bakit ba? Para kang baliw!” “Kasi wala na si Prof Darwell.” “What?!” “Anong Wala?” “Umalis na si Prof, lumipat ng ibang school...” “Lumipat? Bakit naman?” “Siguro totoo 'yon, kung hindi bakit siya aalis 'di ba?” “Stop it, will you?” “Hindi bakla si Prof Darwell, tumigil ka.” “Bakit? totoo naman, ah.” Nagsi-upuan ang mga kaklase ko nang pumasok ang bagong mukha ng propesor. First year college kami sa kursong may kinalaman sa negosyo. Hindi ko alam kung ano ang gusto ko kaya hinayaan ko na lang ang nais nilang gawin at aralin ko. “Class, I'm your new professor in Business Ethics. I'm called, Prof Evere. And by the way, you have new classmates,” wika nito. Mabait siya kumpara sa dating propesor, palangiti rin ito. Pansin ko sa kaniya, parang may iba sa kaniya. Kung tititigan mo ito. Hindi bagay sa kaniya ang propes'yong ito. Masyado siyang mabait at masiyahin. Hindi naman sa kinikuwest'yon ko ang paraan niya, pero parang may iba sa kaniya. Hindi pangkaraniwang propesor ang galaw at pagsalita niya... Nakatingin ako sa kabuoan ng bagong propesor nang pumasok ang sinabing bagong kaklase namin. Naglakad sila sa harapan. “Hi, I'm Shelley. I'm glad to see you, guys,” saad ng may kaputian at maikli'ng buhok. Nakangiting inayos ng isa ang hibla ng kaniyang buhok para mas makita ang kabuoan ng mukha nito. “Hi, classmates! call me, Nathaly. I'm eighteen and single,” saad nito sabay kindat. “Pare, chicks.” “Tumigil kayo.” “Ang papanget naman, tss.” “Insecure ka lang girl mas maganda kasi sa 'yo, 'no?” “Oh, shut up!” “Mukhang okay naman sila.” “What? Okay? That bitch...” Umayos ako ng upo saka tinapunan ng tingin ang dalawang baguhan bago ibinalik sa propesor ang paningin ko. “Class, be nice to them. I will give all of you a plus points if you'll treat them well, okay?” nakangiting saad ni Prof Evere. “No, prob. Sir.” “Alright, Prof Evere.” “Plus points? Iba rin...” Naglakad sila at naghanap ng upuan. 'Yong isa na unang nagpakilala ay tumungo sa bakanteng upuang katabi ko. Bakanteng upuan ni Louryze. “Can I?” nakangiting tanong nito. Inangat ko ang paningin ko sapat na para matingnan siya. "Why not? “W-Wala bang nakaupo rito?” “Wala ka naman nakikita... 'di ba?” balik tanong ko sa kaniya. “Ah—wala.” Tumingin ako sa unahan. “Can we be, friends?” anang katabi ko. “Friends?” Naalala ko ang unang pagkikita namin ni Louryze. Noong una, akala ko baliw siya pero nang tumagal mas napatunayan ko na baliw talaga siya.  She's crazy. Is she? Naglalakad ako noon nang umalis silang lahat. Si Aling Elena lang ang natira. Simula noong gabing 'yon nalaman ko na nabubuhay ako sa kasinungalingan. Nagalit ako ng sobra kaya mas pinili ko na lisanin ang madilim na mundong kinagisnan ko. Pait, sakit at galit. 'Yon ang nararamdaman ko. Wala akong ibang iniisip kundi ang mawala sa mundo. Sinubukan kong tumalon sa napakalalim na tulay, ipinikit ko ang mga mata ko at akmang tatalon na pero nabigo ako. Isang boses ang pumigil sa akin. “Ahh! Huhu! Heh, maganda naman ako—huhu. Mas maganda pa nga ako sa higad na 'yon, ah. Mas malaki ang boobs ko ng konti, pero bakit? Lovable naman ako, hah? 'Tsaka maganda rin boses ko pero bakit? Lino bakit, ha? Handa naman akong ipaglaban ka pero 'wag lang p*****n! Handa naman akong maghintay, ah, pero bakit? Bakit? Bakit, hah? Sabihin mo, may kulang ba sa akin? Ano? Sabihin mo, Lino! Kung ayaw mo sa akin, peste ka! Mas ayaw ko sa 'yo! Malaki kang bangus, malaki! Feeling mo naman. Maliit ang T mo, maliit!” Laglag ang panga ko. Nawala sa isipan ko ang dapat sanang gagawin ko.  Awang ang bibig na tinitigan ko siya. Kinuha niya ang cellphone at kinuhaan ang sarili. Kasabay nang click ng camera ang lumabas sa bibig niya. "Ganda ko 'no?" Napakurap-kurap ang mga mata ko.  Naglakad siya patungo sa akin, nakangiti niyang sinalubong ang mga mata ko.  “I'm Louryze the pretty,” masayang saad niya. Tinitigan ko ang mga mata niya. Masayang mukha ang ipinakita niya pero ang mga mata niya, sakit at kalungkutan ang nakita ko rito. “You don't have to kill yourself. Come with me and let's live... together.” Naging magkaibigan kami ni Louryze. Subalit hindi nagbago ang pakiramdam ko. Mag-isa pa rin ako...  Naramdaman kong tinitigan ako ng katabi ko. Wala naman akong pakialam sa kaniya. Wala siyang mapapala sa 'kin... Inayos niya ang pagkaka-upo at binasa ang kaniyang labi.  Alam kong binabasa niya kung ano man ang iniisip ko pero mahihirapan siya, sigurado ako do'n. “Class, see you again tomorrow,” rinig kong saad ng bagong propesor. Inaayos ni Prof Evere ang mga gamit niya at naglakad paalis. Nakangiting huminto siya sa harap ko. “You must be... Yiesha Avila?” Tinitigan ko ang mga mata niya bago sumagot.  “Ako... ho, Prof,” magalang na sagot ko. Nakangiting tumango siya at naglakad palabas. “Hey, Yiesha, right? Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko,” ani ng katabi ko. Binalik ko sa kaniya ang tingin ko. “Kinumperma ko na kanina,” walang buhay na sagot ko. Parang sanay na sanay na siyang makipag-usap sa mga tao.  Hindi siya naapektuhan kahit insultuhin mo pa... “Yiesha, I just want to know you. May masama ba do'n?” Makilala ako? “Are you sure?” nakangising tanong ko. Parang batang nabigyan ng lollipop na sumilay ang malawak na ngiti niya. “So... friends?” “Friends?” balik na tanong ko. Nabigla siya pero mabilis ding nakabawi. “Sorry, ayaw mo ba?” malungkot na saad niya. Kunot-noo ko siyang tinitigan.  “Halata bang... gusto ko?” Nawala ang kaninang malawak na ngiti niya. “Why, Yiesha?” “H'wag mong... babanggitin ang pangalan ko,” malamig na saad ko. Kitang-kita ko kung paano nagbago ang hitsura niya. “Ang sakit mo namang magsalita. I just want to be friends with you—” “Stop it, Miss. Stop pretending that you just only want to be friends with me. You can't... fool me.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD