CHAPTER 2

1118 Words
HUMINTO ANG sasakyan sa gilid ng gate ng bahay namin. Wala pa akong balak na bumaba, malalim ko pang iniisip ang lalaking may hawak ng litrato ko kanina. Sino s'ya... at ano'ng kailangan n'ya sa 'kin? “Hija, nasa loob ang mommy mo naghahapunan, kasama ang lola mo,” pagbibigay-alam ni Mang Larry. Tango lang ang itinugon ko. Wala akong kapatid, tanging ako lamang ang anak nila. Mahirap ang walang kapatid, wala akong makausap, lagi akong mag-isa. Laging wala si Mom, maging si Daddy. Si Lola naman, may sariling mans'yon. Kahit matanda na ito, gusto pa ring mamuhay nang mag-isa. Salungat sa nais ko. “Hindi ho ba... papasok ang sasakyan sa loob?” Tumingin ako sa bukana ng gate namin. “Aalis din agad si Ma'am, hija. Hindi rin iyon magtatagal, may pupuntahan pa.” Hindi na ako sumagot. Bumababa na lang ako at pumasok ng bahay. Nakangiting sinalubong ako ni Aling Elena, ang tumandang kasambahay rito sa bahay. Tipid ko lang itong nginitian saka tinapunan ng tingin ang nagtatawanang sina Mom at Lola. Parehas silang nawalan ng imik nang lumapit ako sa kanila. “Mom, La.” Hinalikan ko ang pisngi ng dalawa. Naglakad si Aling Elena papunta sa 'min na may dalang pagkain. “Kumusta ang araw mo, hija?” ani Aling Elena, araw-araw niya itong sinasambit. Hindi yata nagsasawa sa parehong sagot ko... “Wala naman hong... bago.” Bumuntong-hininga si Aling Elena at naglakad na patungong kusina. “We're going out, Yiesha. You can't come with us. It's a business matter.” Tumingin ako kay Mom, pagod na ngumiti ako sa kan'ya. “It's okay, Mom.” Sinasanay ko pa ang sarili ko sa ganito.  Parating sinasabi ni Mom ang katagang 'yon, na hindi ako puwedeng sumama kahit alam kong walang koneks'yon ang paglabas sa trabaho nila. Ayaw lang talaga nila akong makasama... 'Yon ang totoo. Hinila ko ang upuan malapit kay Lola, walang ingay na nilagyan ko ng pagkain ang plato ko. “What do you think of Mr. Sega, Nancy?” rinig kong tanong ni Lola. “He is nice, Mama.” “Really? How 'bout his company?” “His company is huge. Maraming nagsasabi na malalaking tao ang investors nila. Maganda ang pamamalakad ng company niya. He is good when it comes to business. Mahirap kalabanin.” “That's good to hear.” Pinakikiramdaman ko ang paligid habang walang imik na kumakain. Parang masaya ang mga tao sa harapan ko. Parang may mali sa kanila. Kadalasan busangot ang mga mukha nila pero ngayon iba. Pagkapasok ko pa lang kanina, ramdam ko na may iba... “How is she?” “Mama, she's talented. She was chosen to represent her school,” masayang wika ni Mom. “She is?” gulat na tanong ni Lola. “Yes, Mama. I'm proud of her.” “She deserves it,” nakangiting saad ni Lola. Masaya silang nag-uusap na parang walang Yiesha'ng nasa paligid. Halata sa mukha ng dalawa ang saya, hindi rin nila pinapansin ang mga mata kong nanonood sa bawat galaw nila. Sino'ng... pinag-uusapan nila? Wala akong balak sumabat sa usapan nila pero hindi natiis ng sistema ko. Parang may gustong makawala sa loob ko, umayos ako ng upo 'tsaka sumingit sa usapan nila. “Mom, si Dad... ho?” Tumingin sa 'kin si Lola. “Busy.” “Busy,” walang ganang saad ko. Nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Lola. Pero nanatili pa rin sa mukha nito ang paningin ko. “I'm done eating. Nancy, hihintayin kita sa labas,” malamig na saad ni Lola. Bagot na sinundan ko ng tingin ang papalayong likod ni Lola. Kanina ang saya ng mukha niya tapos ngayon, para siyang nalugi sa negosyo? Pangyayari 'to... “All right, Mama.” Naiwan kaming dalawa ni Mom. Wala ni isa sa amin ang gustong magsalita. Ni ayaw niyang tumingin sa mga mata ko. Hindi siya ganito, hindi ka ganito, Mom... “Ilang... linggo na hong hindi umuuwi si Dad.” Binitawan ko ang hawak na kutsara saka uminom ng tubig. “He is busy. May project na tinatapos ang Dad mo—” “You... sure, Mom?” “Yiesha, I'd told you. Fidel is busy,” depensang ani Mom. Isinadal ko ang likod ko sa upuan, tinitigan ko ang pagkain ko habang pinakikiramdaman si Mom. “You can tell me, Mom.” Ramdam ko ang biglaang pagtingin niya sa akin. Hindi ko pinansin ang pagkabigla niya sa sinabi ko. “Your dad is busy, I don't think... uuwi pa siya rito—” “Hindi... ho 'yon ang gusto kong marinig, Mom.” Inangat ko ang mukha ko. “T-then what do want me to tell you—” Tumunog ang cellphone ni Mom. Sabay kaming napatingin dito. Bumakas sa mukha ni Mom ang lito at taranta. Halatang hindi niya inaasahan ang tawag ng kung sino man. Apat na ring na ang tumunog subalit hindi pa rin ito masagot ni Mom. Sandali kong tinitigan ang cellphone bago itinuon sa pagkain ang atens'yon ko. Nakita sa gilid ng mata ko ang pagpindot ni Mom sa cellphone nito kaya biglang nawala ang tunog. Bakit... ganito ang ekspresyon mo, Mom? “Yiesha...” Dahan-dahang inangat ko ang mukha ko. Deretsong tinitigan ko ang mukha ni Mom. “Two weeks akong hindi uuwi, just call me or your father kung may kailangan ka—” “Kayo... ho ang bahala.” Tumayo ako saka nagpaalam na aakyat na ng kuwarto ko. “Aakyat na ho ako.” Dalawang linggo s'yang hindi uuwi? Gusto kong magtanong kung bakit at saan siya pupunta. Subalit alam kong tulad ng dati, negosyo ang sasabihin niya. Negosyo ang idadahilan niya. Akmang pipihitin ko pa bukas ang pinto ng kuwarto nang marinig ko ang ingay sa baba. Hindi kalakasan ang tinig ni Mom subalit abot pa rin ng tainga ko ang sinabi niya sa kausap nito. “Nah. It's her 18 birthday. Hijo, kung ano ang gusto ng anak ko, then iyon ang susundin natin— Tumahimik nang ilang sandali bago ulit nagsalita si Mom. “No, no. Two weeks preparation is not enough, hijo. You know her, mapili ang anak kong iyon. You two are bestfriends, I'm sure alam mo na ang ugali niya kapag hindi niya nagustuhan... Just be careful, hijo—” Ako ba... ang pinag-uusapan nila? Hindi ko na narinig ang sunod na sinabi ni Mom. Naglakad na ito palabas ng bahay. Susundan ko sana siya ngunit nadikit ang mga paa ko sa sahig. Napayuko ako nang marinig ko ang pag-alis ng sasakyan nila. Anong... 18 birthday ang tinutukoy mo, Mom? Ginalaw ko ang mga paa ko, namasa ang palad ko nang hawakan ko ang doorknob ng kuwarto ko. Pumasok ako ng kuwarto na walang ibang iniisip kundi ang mga salitang sinambit kanina ni Mom. Nagpalit ako ng damit tapos humihaga sa kama. Napakaaga pa para matulog kaya tumigin na lang ako sa kisame. Habang nakatunganga, narinig ko ulit ang mga katagang sinambit ni Mom kanina. Kundi hindi ako nagkakamali sa pagkakadinig ko, two weeks preparation is not enough... Dalawang araw na lang bago ang 18 birthday ko. Kaya bakit maghahanda pa siya ng dalawang linggo? Nakalimutan ba ni Mom ang araw ng kaarawan ko, o baka naman... Ibang birthday ang naalala niya? Naalala ko ang huling narinig ko sa sinambit ni Mom kanina. “You know her, mapili ang anak kong iyon. You two are bestfriends, I'm sure alam mo na ang ugali niya kapag hindi niya nagustuhan... Just be careful, hijo.” Mapili? Wala akong natatandaang may gano'ng ugali ako. At sinong... bestfriend ang tinutukoy niya? “Sino?” mahinang usal ko bago ipinikit ang mga mata ko. Ang... anak na tinutukoy mo, Mom?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD