CHAPTER 1

1205 Words
“GOOD MORNING,” lalaking-lalaking saad ng propesor. Halos mangisay sa kilig ang mga kababaihang kaklase ko.  Eskuwelahan 'to, dapat hindi nila dinadala ang gano'ng klaseng ugali. Ang pangit lang tingnan... Matamang sinundan ng mga mata ko ang bawat kilos ni Prof Darwell. Ang linis... kaya hindi halata. Walang emosyong dumako si Prof sa unahan. “Start the presentation.” Napatingin ako sa katabi ko.  Bakanteng upuan ni Louryze.  Kinakabahang tumayo ang kaklase kong nakaatas na mag-present ngayong araw. Nanginginig ang mga kamay na inayos nito ang mga gamit na gagamitin niya. Halos madapa siya sa paglakad. Hindi siya handa. Bakas sa mukha niya ang kaba at namumuong takot. Tumingin ako sa mga mata n'ya.  Nahihirapan s'ya. “Ms. Hidalgo, you are wasting my time. Get out. I don't need you. I don't need a student... like you,” walang emosyong ani Prof. Nanlalaking mata na tumingin ang kaklase ko sa walang emosyong propesor. “Sir—” “Out,” walang pakialam na saad ni Prof Darwell. Hiyang-hiya siyang tumalikod. Nakayuko at halos maiyak sa kahihiyan.  Walang nagawa ang kaklase ko. Sinundan ko ito ng tingin habang palabas ng classroom.  Lumabas na ito pero hindi sumara ang pinto. Kumunot ang noo ko nang makita ang babaeng si Louryze. Tumitingin sa kaliwa at kanan, habang gumagapang papasok. Nagtama ang mga mata namin.  Nangungusap ang mga mata nito, tila sinasabing 'wag akong maingay.  Iniwas ko sa kaniya ang paningin ko. Halata na napansin ni Prof Darwell ang ginagawa niya kaya pasimpleng naglakad si Prof saka tumigil sa harapan ni Louryze. “Miss Ortega...”  “Sir?” Bumuntong-hininga ako saka tumingin sa unahan. “What do you think you're doing?” mahinahong tanong ni Prof. “Sir, late na po ka—” “I know. What I'm asking is, what are you doing? Why are you crawling?” Hindi nagbago ang mahinahong boses ni Prof Darwell.  Nanatili itong kalmado. “Sir, alam mo ba 'yon? 'Yong feeling na alam mo nang mali ka pero ipagmumukha pa sa 'yo? Alam mo ba 'yon, Sir? 'Yong ginawa ko na lahat para umabot pero wala pa rin, tapos ipagmukukha n'yo pa sa 'kin? Sino ka para saktan ako nang ganito? Hindi mo alam kung ano'ng pinagdaanan ko. Hindi, dahil d'yan kayo magaling, ang ipamukha ang mga mali ko. Gan'yan naman kayo, eh. Hindi n'yo ba alam na ang sakit-sakit na? Wala kayong karapatan na lapastanganin ako. Wala kayong karapatan! Wala kayong alam! Wala kang alam! Wala!” Bumalik kay Louryze ang paningin ko. Nakahawak sa dibdib si Louryze na parang totoong nasasaktan. Hindi na ako nagulat sa inakto niya. Kadalasan gan'yan naman siya, baliw... Subalit kahit saan tingnan, mali pa rin ang sigawan niya si Prof Darwell. “Oh! My gosh...” “She's crazy.” “She's not even thinking.” “Yeah. She's dead.” “Hey, stop it. Baka pati tayo pagalitan.” “Why? Hindi naman tayo ang sumigaw kay Prof Darwell, duh.” “Kahit na, crush ko pa naman si Prof.” “Bigyan natin ng leks'yon, girl.” “I agree. Dapat sa mga baliw pinapatapon sa mental.” Tumingin ako kay Prof na nanlalaki ang mga mata sa sobrang galit.  Bumuntong-hininga ulit ako 'tsaka sumandal sa upuan. Dalawang taon na kaming magkaibigan ni Louryze. Pero hindi ko pa rin alam ang daloy ng isip niya. Masiyado s'yang malihim, at hindi nagtitiwala sa iba. Mahirap siyang basahin, mahirap ring paniwalaan ang emosyon sa mukha niya. Sadyang, hindi niya lang ipinapakita ang tunay na kulay niya... Hinawakan ko ang kaliwang tainga ko, ramdam ko ang galit sa loob ni Prof Darwell.  Unti-unti na ring nag-iiba ang kulay ng mukha nito. “Bakit, Sir? Na-realize mo na, mali ang ginawa niyo?” Kumalat na sa mukha ng propesor ang pula na sanhi kung bakit bigla itong sumigaw. “You! Get out, now!” Tinuro-turo pa ni Prof ang mukha ni Louryze. “Sir—” Ito ang unang beses na sumigaw si Prof Darwell.  Hindi naman sa nakakabigla pero hindi pa rin inaasahan... “I said, out!” sigaw ulit ni Prof. Unti-unting pumihit patalikod si Louryze pero hindi ito humakbang pa labas.  “Sir, bakla ka raw po?” Napakurap ang mata ko. “What?!” Mas lalong pumula ang pisngi ni Prof Darwell.  Lumabas ang lahat ng ngipin ni Louryze. Kumislap pa ang mga mata nito.  Pero alam kong, wala pa ring makikita sa mga mata niya.  “Sir, may nagsabi lang po.” Ngumuso si Louryze, dahan-dahang ibinaba ang mukha.  Umayos ako ng upo, pakiramdam ko may ibang balak si Louryze, nasisiguro ko 'yon.  Dahil gano'n siya palagi... Nakangising umangat ang mukha ni Louryze. “Sir, sabi niya po.” Napaiwas ako ng tingin. “Miss Yiesha Avila, out! And you, out!” Walang ganang tumayo ako.  Tulala at awang ang bibig ng mga kaklase ko. Nabigla yata sa nangyari.  Sino ba naman ang hindi?  Lumabas ako ng classroom, agad namang naramdaman ko ang mga yapak ni Louryze sa likuran ko. “Kailan ko 'yon... sinabi, Louryze?” utas ko nang humarap ako sa kaniya. Nangangati na ang kamay ko pero pinanatili ko pa rin ang kalmado kong mukha. Tumingin si Louryze sa 'kin na parang naka-jackpot.  “What are friends for?” Lumalim ang titig ko sa kaniya, ngunit ngumisi lang ito. “You are crazy, Louryze.” Tinitigan niya ako.  Tumaas ang isang kilay niya at parang wala sa sariling sumagot. “What?” inosenteng tanong niya. “Stop it, Louryze. Don't pretend to be Innocent. Alam naman natin na baliw ka. Pasalamat ka't pinag-titiyagaan kita,” mahina pero may diing wika ko. “Because, I'm your bestfriend and you love me.” Kinunutan ko siya ng noo. Ano'ng... pinagsasabi niya?  “Hindi kita bestfriend, Louryze—” “Ow. Sad. Pero bestfriend pa rin kita.” Bago pa mandilim ang paningin ko, tumalikod na ako sa kaniya. Wala siyang kuwentang kausap. Kinuha ko sa bulsa ang cellphone, tingnan ko ang oras. 01:19 PM Masiyado pang maaga... Bumaba ako ng hagdan at nilakad ang palabas ng campus. Pumuwesto ako sa gilid ng poste. Tinawagan ko na si Mang Larry, ang family driver namin para sunduin ako. Isang oras na akong nakatayo, wala pa ring sasakyang humihinto sa harapan ko. Pangyayari 'to... May na pansin akong itim na mamahaling sasakyan na nakahinto sa harap ng university namin. Hindi tinted ang sasakyan kaya tanaw ko ang nasa loob nito. Pasulyap-sulyap ang lalaki, parang may hinahanap pero iba ang ekspresyon ng mukha niya. Nakakunot ang noo nito habang sumusulyap sa labas tapos tititig sa hawak nitong litrato. Bahagya akong umabante para matanaw ang babaeng nasa litrato. Napako sa suot na kulay maroon na jacket ng babae ang mga mata ko. Sino... ang lalaking may hawak na litrato ng babaeng kilalang-kilala ko? Pinanood ko lang ang paglingon at pagsulyap ng lalaki sa labas at litrato. Hindi naman siya mukhang holdaper o r****t.  Mamahalin ang sasakyan nito, makinis din ang batok at braso niya. Hindi mapagkakamalang kriminal pero, bakit... ngayon, mukhang gagawa siya ng krimen? Lumipas na ang isang oras, nakatingin pa rin ako sa lalaki. Dahil wala pa 'yong sundo ko, wala akong nagawa kundi ang tumingin sa lalaking halatang may binabalak. Tumuwid ako ng tayo nang buksan nito ang sasakyan niya.  Sandali siyang natigilan. Ilang sandali lang, pumihit na ang mga paa nito paharap sa akin. Mabilisan kong sinuyod ang kabuuan niya.  Suot pa lang nitong damit halatang anak mayaman na. Hindi na man siya kaguwapuhan, pero mukhang magnet kung makahatak ng atensy'on. Naglakbay ang mga mata ko sa bawat sulok ng mukha nito. Ang mukha niya, hindi simple, hindi rin mukhang mapagkakatiwalaan. Nagtama ang mga mata namin. Lumalim ang titig ko sa kaniya kaya napaatras siya. Bumaba ang tingin ko sa hawak nitong litrato bago ibinalik sa mukha niya ang mga mata ko. Biglaang pumasok ang lalaki sa sasakyan niya. Sinundan ko pa ng tingin ang pagharurot ng sasakyan. Sino... ang lalaking 'yon? Nang mawala sa paningin ko ang sasakyan ng lalaki, nakita ng gilid ng mata ko ang paghinto ng sasakyang susundo sa 'kin. Dalawang oras akong naghintay, bakit ngayon lang? Bago ko buksan ang sasakyan at pasukin ito, sinulyapan ko muna ang kalsadang hinintuan ng sasakyan ng lalaking iyon. Ano'ng... kailangan niya sa akin, bakit niya... hawak ang litrato ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD