“I THOUGHT we're going na,” maarteng usal ni Louryze.
Walang ingay na humakbang ang mga paa namin palabas ng cafeteria.
“Hindi naman sila mukhang bangus, Louryze the pretty...”
“Duh, look at them, mukha silang machong bangus kaya bangus pa rin, prettingus.”
“Hehe. Sabi ko nga.” Hindi ko pinansin ang dalawang nasa likod ko.
Papalapit na kaming makalabas nang harangin kami ng grupo ni Reeve.
“Yesh, why are you with them?”ani Reeve.
Pinagkrus ni Louryze ang mga braso sa dibdib nito at matiim na tinitigan si Reeve.
“You, machongus, why are you with them?” Panggagaya ni Louryze sa sinabi ni Reeve saka itinuro ang mga kasama ni Reeve.
Nakangising bumaling si Reeve sa bultong nasa likod ko.
“I'm not talking to you, b***h,” saad ni Reeve.
“Pre', relax babae 'yan, 'wag mong patulan,” saad ng katabi niya.
Si Kart.
“Kart, don't tell me. That crazy b***h is the girl you're talking about?” saad naman ng Iver.
“Hahaha. You idiot. Maghanap ka na lang ng pangit, makakausap mo pa nang matino,” ani Tyne.
Humalakhak ang mga kasama ni Reeve p'wera kay Truce.
“I'll support you, bro. Malay mo dahil sa isang Kart magtino ang baliw na 'yan,” tumatawang saad ni Kace.
Nalukot ang mukha ni Kart nang pagkaisahan ito ng mga barkada niya.
Lumapit si Louryze sa kanila at binulyawan ang mga ito.
“Ang lalansa ng mga amoy n'yo, lalo ka na.” Turo niya kay Reeve. “Akala mo gwapongus ka, hindi—machongus ka lang.”
“Tama, Louryze the pretty,” sang-ayon naman ni Shelley.
Napailing si Kart nang humalakhak ang mga kasama nito.
“Tumigil na kayo, wala akong gusto d'yan,” aniya.
Napatingin ako sa kan'ya, kay Truce.
Nakangiti ito at nawiwiling nakatingin sa direks'yon ko.
Ano'ng... iniisip niya?
“Kartngus, akala mo may gusto rin ako sa 'yo? Don't be confident. Hindi ako mag kakagusto sa maliit ang T, duh.”
Hindi ko na hinintay si Louryze. Umalis na 'ko at lumabas ng cafeteria.
Sinundan ko ang kaninang nakamasid sa akin.
Nang magtama ang mga mata namin ni Truce, alam ko na may nagmamasid.
Isang pigura ng lalaking pamilyar sa 'kin, napansin niya yatang naramdaman ko ang presens'ya niya kaya pasimple itong tumalikod at umalis.
Naabutan ko siya at p'wersahang hinawakan ang laylayan ng suot niyang jacket. Hinila ko siya sa tagong sulok. Sa gilid ng hagdanan, luch break ngayon at walang estudyanteng dumadaan.
“Ano'ng... kailangan mo?”
Tinanggal nito ang hood ng jacket n'ya, bumakas sa mukha niya ang sakit at pagdadalamhati.
“A-anong nangyari?”
“Hindi ito ang tamang lugar para pag-usapan ang bagay na 'yan, Byron...”
“Kung gano'n saan—”
“Purple EVER café. Alas-singko empunto,” mahinang saad ko na siya lamang ang makakarinig.
Iniwan ko siya at umakyat ng hagdanan. Natigil ako sa huling hakbang, umangat ang mukha ko saka deretsong tumingin sa kaniya.
“Ms. Avila.”
Hinubad ni Proof Evere ang salaming suot nito. Seryoso siyang tumingin sa mukha ko.
“Alone? Tamang-tama, I want to talk to you before your class starts, but you're here. So let's talk, Ms. Avila.”
Sandaling tinitigan ko ang mukha niya.
“Tungkol ho saan?”
Nagtaka ako nang mas sumeryoso ang mukha ni Prof.
“It's about your grades, Ms. Avila. This past few days your scores are always failed.”
Umayos ako ng tindig at hinintay ang sunod na sasabihin ni Prof.
“And. I want to talk to your parents. It's that clear, Ms Avila?”
“Hindi ho...” agad na sagot ko.
Gumalaw ang magkabilang kilay ni Prof, halos magkasulubong na ang mga ito.
“Ms. Avila, you might fail the first semester—”
“Salamat ho... But you don't have to worry, I can take care of it, Prof... Evere.”
Iniwan ko ang bagong propesor at pinasok ang classroom namin.
Mas'yado siyang nababahala sa grado ko.
Bakit gano'n siya kung mag-alala?
Umupo ako at inilapag ang mga gamit ko.
“I never thought na gagawin niya 'yon.”
“Me too.”
“Pero mali pa rin 'yon.”
“She deserves that.”
“Haha, baka nakalimutan n'yong baliw 'yon. She can't feel anything even sort of shame.”
“Speaking of crazy b***h, I think it's time to make her life miserable as hell.”
“Are you kidding me? Make her life miserable? Don't be stupid, Zea. Don't mess with that b***h, she's crazy.”
“Agree. She's crazy, she might make you inihaw na bangus. Hahaha.”
“Enough, girls.”
“Baka pagsisihan mo 'pag nagkataon, Pres.”
“Hmm. She's right.”
Nagsidatingan na ang mga kaklase ko. Panghuling pumasok sina Louryze at Shelley. Nagtatawanan ang dalawa.
Halakhak lang nila ang naririnig namin.
Ang kaninang maingay na grupo ni Zea ay tikom ang mga bibig ngayon.
“Ang galing-galing mo talaga, Louryze the pretty.”
“Am I?”
“Yes. Yes. Yes. Super.”
“Ikaw rin, prettingus.”
“Of course. Because, we are Prettiesngus!”
“Prettiesngus!.”
Hindi nahihiwalay ang upuan ni Louryze sa tabi ko, subalit ngayon magkatabi na sila ni Shelley.
Ano kayang dahilan kung bakit ang bilis niyang kaibiganin si Shelley?
Umupo sa tabi ko si Nathaly.
Mataray niya akong tinitigan bago iniwas ang tingin.
“From now on, this chair is my permanent—”
“Hindi mo na kailangang sabihin...” Napatingin muli ito sa 'kin. Taas ang isang kilay.
“You, b***h—”
“Good afternoon,” bati ni Prof Gweny.
Siya ang nag-iisang dalagang propesor sa unibersidad na ito.
Kakaiba siya kung magturo, detalyado pero nakakabagot pakinggan ang mga sinasabi niya.
Napatingin ako sa dalawa, hindi nakikinig ang mga ito, tudo bulungan lang habang nagsasalita si Prof Gweny sa unahan.
Dalawang oras na ang lumipas hudyat na tapos na ang klase para sa araw na ito.
Hindi ko na hinintay si Louryze, umalis na ako at lumabas ng campus.
Maaga pa 3 p.m. pa lang, alas-singko ang usapan namin ni Byron.
May humintong sasakyan sa harap ko pero hindi ang sasakyang susundo sa akin.
“Hop in, Yiesha,” nakangiting saad niya.
Hindi ako sumunod.
Lumabas s'ya at lumapit sa kinatatayuan ko.
“I called her, Nay Elena. I will drive you home.”
Nanatili ako sa kinatatayuan ko kahit pa pinagbuksan niya ako ng pinto.
“You're pretty, kanina pa kita tinitingnan and you are damn hot in your uniform.”
Pinukol ko lang siya ng nakakabagot na tingin.
Pinara ko ang taxi'ng dumaan.
“Yiesha, wait.”
Hindi ako lumingon.
Binuksan ko ang pinto ng taxi, akmang papasok ako ngunit nagsalita siya.
“I have something to tell you...” Awtomatikong humarap ako sa kaniya.
“Manong... hindi na ho ako sasakay,” wika ko habang seryosong nakatingin sa mukha niya.
Sinundan ko ang likod niya nang naglakad siya at pumasok sa sasakyang pag-aari niya.
“I-I like you, Yiesha....” Hindi ko pa nailapat ang puwet ko sa upuan nang bigla siyang nagsalita.
Hindi maproseso ng utak ko ang mga katagang sinambit niya.
Ano'ng... pinagsasabi niya?
“Ito ba ang... sasabihin mo, Truce?”
Walang k'wenta ang lumalabas sa bibig niya. Sinasayang niya lang oras ko.
“I transfered to your school, because I wanted to be with you...” Umupo ako saka tumingin sa unahan.
“Look at me, Yiesha. Please...”
Hindi ko alam kung bakit ganito na siya kumilos, ginagamit niya ang boses na talagang kung marinig mo ito ay tiyak na mabablanko ang isipan mo.
Dahan-dahang ibinaling ko sa magkabilang palad niya ang mga mata ko.
Walang kahit na anong bagay akong nakita na ginamit niya kung bakit bigla na lang nawala ang kakayahan ng utak kong makapag-isip.
“Please. Be mine...”
Ramdam ko ang ngiting gumuhit sa mga labi ko, pero hindi ako sigurado kung ano ang ibig sabhihin nito.
Inangat ko ang mukha ko, deretsong tinitigan ko ang mga mata niya.
Ano nga bang... ibig iparating ng biglaang pag ngiti ko sa 'yo, Truce?