“CLASS, DISMISSED.”
Lunch break namin ngayon, nagsilabasan ang mga kaklase ko at huli kaming dalawa ni Louryze na lumabas.
Pareho kaming pinakikiramdaman ang isa't-isa habang naglalakad papunta ng cafeteria.
“Salamat,” usal ko sa mababang tono.
“How's your special day?”
Alam niya na ang sagot ko kaya nanatili na lamang akong tahimik.
Nang makarating sa cafeteria, agad na umupo ako. Sinundan ng mga mata ko ang papalayong bulto ni Louryze.
“Can I order first?” saad n'ya sa magsyotang nakapila.
Dahil kilalang-kilalang baliw si Louryze rito sa campus, walang pumansin sa kan'ya.
“Hindi n'yo ba ako naririnig? Masakit na ang tiyan ko, I'm so hungry. Kapag ba namatay ako, kayo mag papalibing? Kayo mag-iimbalsamo? No! Dahil kayo lang naman ang makikikain sa burol ko! Malaki kayong bangus, malaki! Hindi na kayo naawa! Wala kayong puso! Ang hirap-hirap na, ang sakit- sakit na, hindi n'yo ba nakikita na nasasaktan ako? Hindi n'yo ba nararamdaman na naghihirap ako?” Tumingin siya sa magsyota at dinuro-duro ang babae. “Ikaw babae, kapag hindi mo ako pinauna, itong boyfriend mong mukhang unggoy na bangus, gagawin kong sinabawan at ipapakain ko sa kap'wa n'ya bangus!”
Walang nagawa ang dalawa kundi paunahin si Louryze.
“Ang baliw nabuhay.”
“Mas nabaliw nga, e. Haha...”
“Kawawa naman.”
“'Yong lovers? Hahaha, they messed with the crazy girl.”
“Yeah, hahaha.”
“And the Crazy queen. Usap-usapan nga ang ginawa n'ya kanina.”
“What about it? Never heard of it.”
“Gosh gurl, hindi mo nabalitaan?”
“Of course, not. Kaya nga nagtatanong...”
“Prof Evere.”
“What about him? Tell me exactly, Zea.”
“Crazy queen told Prof Evere that he looks like Piolo, but a bangus version of him, a Piolongus to be exact.”
“What!? She said that?”
“Exactly...”
“She's crazy.”
“She is.”
Nakatingin lang ako sa mesa habang hinihintay si Louryze.
Naramdaman ko na may umupo sa harap ko.
Hindi si Louryze kundi si Shelley.
“Can I sit here?” Inangat ko ang paningin sa kan'ya.
“Why not,” tipid na sagot ko.
Malapad na ngumiti s'ya at umupo sa harap ko.
“I thought you wouldn't let—”
“Hindi ko ipagdadamot... ang bagay na hindi ko pag-aari”
“Thank you—”
“Ikaw na pusang bangus, what are you doing here, huh?”
Nilapag ni Louryze ang dalang pagkain at tinaasan ang kaharap ko ng isang kilay.
“Hey, Yiesha said that It's okay to sit here—”
“Aalis ka o gagawin kitang asong bangus—”
“'Wag naman ganda.”
Halos mabilaukan ako sa sarili kong laway.
Pangyayari 'to...
“Wait, wait, wait. Did I heard that I'm pretty?” Abot taingang ngumiti si Louryze.
“Yes, pretty.”
“Ulitin mo,” masayang ani Louryze.
“Pretty,” sagot naman ni Shelley.
“Again.”
“Pretty.”
“Again.”
Umayos ako ng upo saka tinapunan ng tingin ang pagkaing binili ni Louryze.
“So pretty.”
“That's it. I'm Louryze the pretty.”
“Agree.”
“From now on, you are now a member of my club. Welcome to the Prettiesngus club,” saad ni Louryze.
Napangiwi ang mga nakakarinig sa kanila.
Bumuntong-hininga ako 'tsaka walang pakialam na kumain sa harap ng dalawa.
“What the hell is that word?”
“Tss. Bingi ka ba? Prettiesngus Club daw.”
“Hahaha, my gosh what does it mean? It's look gross.”
“Don't know. Bakit 'di mo tanungin 'yang baliw na 'yan?”
Lumapit sa mesa namin ang presidente ng klase.
Si Zea.
“What's Prettiesngus mean?” mataray na tanong niya sa 'kin.
Hindi na ako nag-abalang tumingin pa sa kan'ya.
Nang mapansin niya yatang wala akong balak na sagutin s'ya, tumirik ang mata nito at lumipat sa kinauupuan nila Louryze at Shelley.
“You!” Turo niya sa mukha ni Louryze. “What's Prettiesngus?”
“You ka rin!”
“Hey, I'm just asking what club is that,” seryosong sabi ni Zea.
Tumayo si Louryze at kumapit sa braso ni Zea.
“Yehey! Magiging tatlo na kami.”
Humiwalay si Louryze kay Zea at kinuha ang atensiyon ng mga kumakain.
“Ano nanaman 'to?”
“Oh, did you see her?”
“Uminom ba 'yan ng gamot?”
“Mukhang normal ah. Naks. Anong brand ng gamot ang ininom niya?”
“Guys, listen...”
“Everyone, I just want to say na, kung gusto n'yong sumali sa club na ito, you are free. Mas maganda mas marami, right? If you're looking for a friend... then come with me and be part of this Prettiesngus Club. The prettiest girl in this campus. Ang magagandang bangus sa university na 'to.”
“Pfftttttttt.”
“Hahahahahaha.”
“Magagandang bangus? What the heck?”
“Hahaha, she's crazy.”
“Duh, maganda ako pero hindi ako bangus,” saad ni Zea at iniwan si Louryze na ang haba ng nguso.
Tumingin siya sa 'kin, nakanguso at nagmamakaawang ipagtanggol ko s'ya sa kanila.
Madilim ko lang siyang pinukol ng tingin.
“Hey, pretty. Why so sad?” rinig kong sabi ni Shelley.
“Ayaw nila...” Umastang naluluha si Louryze.
“Pretty, ako. I'm willing to be part of your Club.”
“Really?”
“Yes,” masayang sagot ni Shelley.
“What is the magic word?” tanong ni Louryze.
Ngumiti si Shelley at sinagot ang tanong ni Louryze. “Louryze the pretty.”
“Then, it settled.”
Hindi ko na pinakinggan ang pinag-uusapan nila.
Walang ka kuwenta-kuwenta ang mga lumalabas sa bunganga nilang dalawa...
“Ginawa mo 'yon, Louryze the pretty?”rinig kong tanong ni Shelley sa kan'ya.
“Of course, prettingus.”
Tumuwid ako ng upo.
Binitawan ko ang kutsarang hawak ko, nakakawalang ganang kumain.
Sino ba ang gaganahang kumain sa eksena ng mga baliw sa harap at gilid ko?
“I'm so proud of you, Louryze, the pretty,” saad ni Shelley.
“Naman. Alam mo sinabi ko pa sa kan'ya na, 'Akala mo ba Raven hahabulin pa kita. Asa ka! Hindi ako maghahabol sa malaking bangus at napakaliit ng T'. Kala niya, siya lang ang bangus na may nunal sa puwet. Tse!”
“Dapat lang Louryze the pretty, tayong magaganda hindi nagpapatalo, because we are the... Prettiesngus!”
Sumandal ako sa upuan.
Madilim ko silang tinitigan, hindi man lang natinag.
Si Louryze pa ba? Kahit patayin mo na sa tingin walang pakialam.
“Cheers,” anang dalawa.
“Dalawa na ang baliw. Mukhang dadami pa sila.”
“As if naman papayag ako, No. I'm the president and I won't let that happen. Never!”
“Dapat lang gurl, pati mga hotties inaagaw pa nila. Look, pati si Reeve nakatingin din sa kanila.”
“Sumali ka kasi sa kanila, baka mapansin ka pa n'ya. What do you think, Sis? Be crazy like them.”
“Prettiesngus kamo.”
“Hahaha. Exactly girl.”
Pinag-uusapan na ang dalawa nag susubuan pa.
Pangyayari 'to...
“Hmm. Yummy,” nakatingin sa taas na saad ni Shelley.
“Sabi ko sa 'yo eh,” sagot naman ng isa.
Tatayo na sana ako para umalis ng cafeteria pero umupo rin ako.
Tumingin ako sa dalawa.
“Bilisan niyo—”
“Girl, he's so handsome.”
“Oo nga. Marry me, pogi.”
“Kyah. Ang g'wapo.”
“It's that him?”
“Yeah. He's in fourth year na. Sayang nga, e.”
“I heard sumali raw s'ya sa team nila Reeve."
“Really? This is the best year.”
“Hey, do you know what his name is?”
“Nope. Malalaman din natin.”
“Agree.”
Natauhan ang dalawa dahil sa tsismis ng kabilang mesa.
“Sino 'yon?” tanong ni Shelley.
“The Broken Boys. Mga bangus na ghoster na mahilig sa sports,” sagot ni Louryze.
“Hey, man. Welcome to the team.”
“Pre, Reeve nga pala.”
“Call me, Tyne. The most handsome creature.”
“Iver.”
“Ako naman si Kart.”
“And Sigh.”
“Kace, here.”
“How about you? What's your name, Pre?”
Sila ang mga sikat dito.
Nasa fourth year na sila.
Si Reeve Montalvo ang pinakamapera sa kanila. Rinig kong s'ya ang nag-iisang taga-pagmana ng mga Montalvo. Tintawag din s'ya bilang Baseball King.
Tyne Vezuela, ang pinakamahangin sa kanila. Wala akong alam sa kan'ya kundi kahanginan lang.
Iver Laforteza, ang apo ng nagmamay-ari ng school na 'to. Sa lahat, siya ang pinakamaraming taga-hanga. Ang cold daw kasi. Mahilig din s'ya sa basketball.
Si Kart Villena, ang MVP ng basketball.
Sigh Zuela ang pinakasikat na modelo sabi ng iba.
At Si Kace Aero Eleazar ang pinaka-malihim. Wala kaming alam sa kan'ya bukod sa pangalan n'ya.
Natauhan ako at umayos ng upo.
“Aalis na tayo,” bigay alam ko sa dalawa.
“I'm not done yet,” nakangusong saad ni Louryze.
“Let's go,” seryosong saad ko.
“Louryze the pretty, let's go.”
“Fine!” bulyaw ni Louryze.
Tumayo na kami at nagsimulang lisanin ang cafeteria.
“May boyfie ka na, Louryze the pretty?”
Natigil ako sa paghakbang, hindi dahil sa dalawa kundi sa baritonong boses na narinig ko.
“Salamat mga Pre'. Truce Valeza nga pala.”
Hindi ako nakagalaw.
Nagkataon lang bang... nandito siya?