CHAPTER 10

1312 Words
“ALING ELENA, aalis na ho ako.” “Hija, kumusta ka—” “Ayos lang ho. Aalis na ho ako, Aling Elena.” Bumuntong-hininga si Aling Elana saka tipid na ngumiting tumango. “Si Larry ang maghahatid sa iyo, mag-iingat ka, hija.” Lumabas na ako at sumakay sa kotse. “Kumusta ka na, hija?” tanong ni Mang Larry nang makapasok ako sa sasakyan. “Ayos lang ho...” Umusad na ang sinasakyan namin patungo sa Bergstrom University. Nakatingin lang ako sa labas, ramdam ko na pinakikiramdaman niya ako at minsan ay sumusulyap siya sa kinauupuan ko. “May problema ka ba, hija? Kahapon pa ako umuwi, hindi kita nakitang lumabas. Nabalitaan ko rin na kaarawan mo ng nakaraang araw, pasensiya ka na, hija, hindi kami nakauwi—” “Wala ho... kayong dapat ipaliwanag, Manong. Nabanggit ho sa 'kin ni Mom na hindi sila uuwi, kaya... naiintindihan ko ho.” “May nangyari ba? Napakalamig mo, hija. Nang sabihin sa akin ni Elena ang inasal mo ng Sabado, hindi ako naniwala, pero sa nakikita ko ngayon, hindi ko na nakikita ang Yiesha namin...” Hindi ako umimik. Huminto ang sasakyan sa b****a ng gate ng B.U. “Salamat ho sa paghatid, Manong,” usal ko bago lumabas ng sasakyan. Naglakad ako pa puntang classroom, narinig ko ang mga pinag-uusapan ng ilang kaklase ko. “Guys, I saw her...” “Who?” “Our classmate, 'yong baliw.” “Really? Baka naka-inom na ng gamot, haha!” “My ghad, dapat hindi na 'yon pumasok.” Kunot-noo kong pinakinggan ang mga pinagsasabi nila. “You! Anong karapatan mong sabihin 'yan? Nakalimutan mo 'ata mas maganda pa rin ako sa 'yo! Alam mo, isa ka lang malaking bangus, malaki!” Hindi pa nga ako nakakapasok, umalingawngaw na sa tainga ko ang sigaw ni Louryze. Pagpasok ko sa loob, umuusok na mga ilong ang bumungad sa akin. “You're crazy. Bakit ka pa pumasok!? Dapat sa mental ka na lang!” ani Zea. Si Zea Cildez ang presidente namin. Magaling siya humawak ng klase pero iba ang ugali, may pagkamaldita ito. “What, president? Mental? Ang sakit mo namang magsalita. Alam mo ba ang pinagdaanan ko? Alam mo ba na... sobrang masakit? Alam ko naman na isa lang akong classmate sa paningin mo, but president, tao rin ako katulad mo. You should treat me well. Pasalama't ka presidente ka kung hindi isusumbong kita kay Daddy, gagawin kong uling ang negosyo niyo dahil 'yon naman ang nararapat sa 'yo. Nararapat lang sa isang bangus na katulad mo na ihawin dahil isa kalang hamak na malaking bangus sa paningin ko. Wala kang karapatang husgahan ako dahil... in the first place, mas maganda ako sa 'yo, and second mas mabango hininga ko, and lastly mukha kang bangus. Bangus!” bulyaw ni Louryze. Bagot na umupo ako sa upuan. “Hindi ko alam na may baliw pala tayong kaklase,” anang katabi ko. Tumingin ako sa gawi niya. “Lumipat ka ng ibang upuan,” seryosong utos ko. “Yiesha, alam kung ayaw mo sa 'kin. But what you want is too much—” Napatingin sa gawi namin si Louryze. “Who are you?” mataray na tanong ni Louryze sa katabi ko. “Move,” seryosong saad ni Louryze. Kunot ang noong tumingin ako kay Louryze. “Bulag ka ba? 'Kita mong naka-upo ako,” inis na saad ni Shelley. Kumunot ang noo ni Louryze, mukhang hindi na gustuhan ang inasal ni Shelley. Nakapameywang na umirap si Louryze at taas kilay na binulyawan ang katabi ko. “Alam mo bang nakakapagod na? Pagod na ako... lalo na itong puso ko bakit kayo gan'yan, hah? Umalis lang ako pagbalik ko may iba na. Puwede ba, 'wag niyo namang gawin sa 'kin 'to. Masakit maghintay kaya umalis ka sa upuan ko, kung ayaw mong pritohin kita! Umalis ka, alis!” Taas ang isang kilay na hinarap ni Shelley si Louryze. “You're crazy. Find another chair. That's your fault, kung hindi ka lang umalis, edi sana hindi ka nawalan. Look, I'm sorry kung nasaktan kita, but I won't give it back to you. Dahil simula nang umalis ka, nawalan ka na ng karapatan dito. Ako na, ako na ang may ari nito, so back off!” Tumingin ako sa dalawa. “H'wag kayong... magsigawan sa harap ko—” “You! Ang kapal ng mukha mo, pero mas makapal pa rin sa 'kin. 'Di ba bestfriend tayo, Yiesha? Pero bakit? Alam mo dapat matagal na kitang itinakwil bilang bestfriend ko. Pero nangako ako sa 'yo na, no matter what... I will stay with you, dahil mahal kita. Sabi ko rin kailangan mo ang magandang mukhang ito, kaya kahit nasasaktan ako... I'm willing to stay for you, bestfriend. Isa lang naman ang pakiusap ko, Yiesha. Ang pahalagahan mo rin ako tulad sa pagpapahalaga ko sa 'yo,” mangiyak-ngiyak na saad niya habang hawak ang dibdib nito. Napakurap-kurap ang mga mata ko. Iniwas ko ang tingin sa kaniya at halos tumirik ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Shelley. “Dapat lang 'yon sa 'yo. Dahil kung mahal mo... hindi mo iiwan, at lalong mas kumapal ang mukha mo dahil bumalik ka pa at inaangkin ang 'di naman dapat sa iyo. Sabi nga nila, kapag mahalaga ka, hindi ka mawawala sa isipan ng taong mahal mo. And look, Yiesha already forgot you and that's because she doesn't love you.” Sagutan nila ang tanging naririnig namin. Nagtaka nga ako hindi ko akalain na may ugaling ganito si Shelley, parang ibang tao na ang katabi ko, dati lang para siyang maamong tupa tapos ngayon, mukha siyang mabangis na aso? “What did you just say? Anong alam mo, hah? Isa ka lang namang bangus na nasusuka sa malansang amoy mo. Kung magsalita ka akala mo ikaw ang gumawa ng dagat hindi naman dahil nakikitira ka lang!” “You b***h!” Patakbong lumapit sa amin ang kasamang baguhan ni Shelley. Si Nathaly. “Shelley, stop it. Umalis ka na lang,” matigas na aniya. Humalakhak si Louryze nang nagsimulang lumipat ng upuan si Shelley. “Bakit mo ginawa 'yon?” tanong ko habang sa unahan nakatingin. Umupo sa tabi ko si Louryze. “This is my seat, Yiesha—” “Prof Darwell,” putol ko sa kaniya. “Why?” inosenteng tanong niya. “Bakit mo 'yon ginawa?” Tumingin siya sa 'kin at misteryosong ngumiti. “He deserves it.” Hindi na ako nagtanong pa. Dahil hindi siya matinong kausap. Napunta sa dalawang bagong kaklase namin ang mga titig ni Louryze. “We have new classmates, huh? Do you feel what I feel, Yiesha?” “Hindi ko alam ang sinasabi mo—” “Don't be idiot, Yiesha.” Tumingin ako sa mga mata niya. Paano niya... nagagawa 'to? “Hindi kita maintindihan,” seryosong saad ko. “Tss. Akala ko ba, magaling ka pagdating sa kanila, basahin ang sinasabi ng mga mata nila? How come na hindi mo naramdaman ang nararamdaman ko?” Iniwas ko ang paningin ko sa kaniya. “Hindi lahat, Louryze. Hindi lahat ng nararamdaman natin... pareho.” 'Kita sa gilid ng mata ko ang pagtaas ng kilay ni Louryze. Akmang sasagutin niya ako pero pumasok si Prof Evere. “Good morning—” “Is that you, Piolo?” Tumayo si Louryze at kumikembot na lumapit kay Prof Evere. “Oh, are you Ms. Ortega?” “Yes, Prof. The pretty,” malanding saad ni Louryze. “I'm Prof Evere, your new professor, Ms. Ortega. I'm pleased to meet you,” ngiting saad ni Prof. Tumango si Louryze at ngumisi ito sa propesor. “Are you?” Ngumiti si Prof na parang proud na proud sa pangalan nito. Nilibot niya ang paningin sa buong classroom. Hindi pinansin ang kalamigan ng tono sa boses ni Louryze. “Akala ko si Piolo na ang bagong professor namin. Si Piolongus lang pala. Ang bangus version ni Papa P, Prof.” “Pfffft.” “Hahaha!” “My gosh, Piolongus daw.” “Baliw talaga 'to, matapos niyang ipahiya si Prof Darwell, ipapahiya niya pati ang bagong professor natin.” “Agree. Masyado na siyang pa-epal, b***h talaga.” “Makakatikim na talaga sa 'kin ang baliw na 'yan.” “You're funny, Ms. Ortega,” saad ni Prof. “And pretty,” saad ni Louryze saka umupo sa tabi ko. Lumapit si Louryze at mahinang bulong, sapat na para marinig ko. “Don't. Trust... anyone.” Kinilabutan ako sa sinabi niya. Should I pretend I did not heard what she said?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD