CHAPTER 9

1242 Words
TINALIKURAN KO siya at akmang hahakbang ako nang bigla siyang nagsalita. Mag papanggap sana akong walang narinig subalit nakaramdam ako ng biglaang inis at habang lumilipas ang segundo,  mas naiinis ako. “I kissed you because I wanted to...” Awtomatikong pumihit ang mga paa ko. “Gusto mo?” Umangat ang mukha ko, madilim ko siyang pinukol ng tingin. “Damn, I kissed you because I'm mad at you. Galit na galit and if you keep your mouth shut, I will kiss you again, Yiesha. Now, answer me, where have you been?” Huminga ako ng dalawang beses, inayos ko ang pagkakatayo ko saka muli siyang pinukol ng tingin. “H'wag mo akong sigawan, Truce. Nakaapak ka sa sahig... na pag-aari namin. Wala ka sa posisyon. Wala ka ring karapatang taasan ako ng boses, wala kang relasyon sa pamilya ko, sa akin kaya kung maaari—p'wede ba... umalis ka rito.” “I waited for you—” “Nakalimutan mo ba... ang sinabi ko sa 'yo kahapon?” Umasta siyang nag-iisip, kumunot pa ang noo nito. “Hindi tayo magkakilala. H'wag kang umastang... nag-aalala ka—” “Hija, saan ka ba galing, hah? A-atakihin ako kahahanap sa iyo.” Naramdaman ko ang papalapit na yapak ni Aling Elena mula sa likuran ko kaya wala na akong nagawa. Kusang sumara ang bibig ko saka hinarap si Aling Elena. “Sabi ni Eddie nagpaalam ka sa kaniyang aalis. Saan ka ba pumuntang bata ka?” Bumaba sa inaapakan ko ang mga mata ko. “Sa... bago ko hong kaibigan. May kalayuan ho kasi ang bahay nila, kaya ho ginabi ako ng uwi...” Napabuntong-hininga ito, hinawakan niya ang gilid ng mukha at kunurot-kurot ito. “Lagi ka na lang umaalis nang hindi nagpapaalam sa akin. Sa susunod magpasama ka sa kasambahay rito, para naman hindi ako mag-alala ng ganito.” “Wala hong... problema.” Muling lumapit si Aling Elena sa akin. Nakangiti siya pero napakalungkot ng mga mata nito. “Mas mahalaga ba iyang lakad niyo ng kaibigan mo kaysa sa araw na ito, hija?” “Oho,” tipid na tugon ko. Tumango si Aling Elena at naglakad patungong hapag-kainan. Nakita sa gilid ng mata ko ang bultong nakasandal sa pintuan. Ano'ng ginagawa niya... hindi ba siya aalis? Sumunod ako kay Aling Elena. Dumapo ang mga mata ko sa mga pagkaing nasa hapag, hindi ito nagalaw, ganito rin ang ayos mula nang umalis ako kanina. “Hindi na ho dapat kayo naghanda ng ganito, Aling Elena.” Hindi kumibo si Aling Elena. Napatingin ako sa kaniya, walang ingay na tinatanggal nito ang mga pagkaing nakahain pa. Lumapit ako 'tsaka tumulong sa pagligpit ng pagkain. “Hindi ho kayo sinabihan ni Mom?” Hindi pa rin kumibo si Aling Elena. Hindi na ako nagsalita, mukhang wala naman akong kausap. Minabuti ko na lang na ligpitin ang mga dapat na ligpitin. Masasarap ang mga ito, na sayang lang. Gustuhin ko mang kainin wala naman akong gana. “Hijo, rito ka na magpalipas ng gabi,” rinig kong sabi ni Aling Elena. Nahinto ako sa pagliligpit sa sinabi niya. Bakit niya naman papatulugin dito ang isang estraherong lalaki? “Hindi na po, Nay,” ngiting sagot ni Truce. Nay? “Maghapon kang naghanap sa kaniya, hijo. Alam kong pagod ka, kaya rito ka na muna.” Napatingin ako sa platong hawak ko. Hindi niya responsibilidad ang hanapin ang isang taong wala naman pakialam sa kaniya. Naramdaman kong naglakad si Truce pa punta sa amin. Hindi ako lumingon, hindi rin ako gumalaw. “Tulungan ko na po kayo, Nay,” wika niya. “Naku, hijo! Hindi na kailangan.” Nakangiting pinigilan ni Aling Elena ang kagustuhan niyang tumulong. “Nay, kanina pa kayo rito. Kaya ako naman,” ngiti ring tugon ni Truce. Nag-init ang ulo ako. Nainis ako. Walang ganang pinagpatuloy ko ang ginagawa ko. “Yiesha, may delivery para sa 'yo,” saad ni Sonya. Si Sonya ay isa sa kasambahay rito, mas matanda lang siya ng anim na taon sa 'kin. Siya ang pinaka-batang kasambahay rito. Sa pagkakatanda ko, wala akong alam na may delivery para sa 'kin. Hindi kaya... “Delivery?” nagtatakang tanong ko. “Kanina pa 'yon, Yiesha. Sabi ko nga wala ka namang na bilin tungkol do'n, kaso ayaw tumigil. Para raw sa iyo 'yon. Tinanong ko nga rin kung puwedeng malaman kung ano ang laman ng malaking kahon pero ayaw ng delivery boy—” “Paalisin mo na.” Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Dadalhin ko na sana ang mga plato sa lalagyan pero pinigilan ako ni Aling Elena. “Bakit hindi mo muna tingnan, hija—” “Hindi na ho kailangan.” Napatingin sa akin si Aling Elena pati na rin ang lalaking nagliligpit ng mga ulam, si Truce. “Hija, anong nangyayari sa 'yo? Bakit ka ganiyan?” nagtatakang tanong ni Aling Elena. Tumingin ako sa kaniya, masyadong nagpadala ako sa emosyon ko. Kailangan kong kumalma... Nakakunot ang noo ni Truce nang magtama ang mga mata namin. Nagtatanong din ang mga mata nito. Binitawan ko ang mga plato at pumihit tumalikod. “Aakyat na ho ako,” paalam ko kay Aling Elena. Nagsimula akong maglakad paakyat. Napahinto lang ako dahil sa sinabi ni Sonya. “Yiesha, ayaw umalis. Pagod na raw, ayaw nang bumalik pa rito. Naka-ilang balik na kasi 'yong kanina pa. 'Yon malaking box, galing daw sa bestfriend mo.” Nakahinga ako nang maluwag. Tinanguan ko si Sonya tanda na papasukin na ang delivery boy na tinutukoy nito. Pumasok ang delivery boy dala-dala ang malaking kahon. “Yiesha Avila po?” Nilapitan ko ito. “Ako 'yon.” “Ma'am, paki-pirmahan na lang po dito,” Turo niya sa pipirmahan ko. “Salamat.” Sinundan ko ng tingin ang likod ng delivery boy saka tiningan ang malaking kahon sa harap ko. “Yiesha, bubuksan ko na 'to, hah—” “Don't.” Natigil ang kamay ni Sonya, nabigla siya sa sinabi ko. Awang ang bibig nitong tumingin sa 'kin. Napatingin sa amin sina Aling Elena. Binabasa niya ang bawat galaw ko, ang bawat salitang lumalabas sa bibig ko at ang mababakas na emosyon sa mukha ko pero nasisiguro ko na hindi niya malalaman kung ano man ang nararamdaman ko. Alam kong pati si Truce gano'n din ang ginagawa pero wala akong pakialam. Lalo na sa kaniya... Kinuha ko ang kahon at nagsimulang maglakad pa puntang kuwarto. “Tulungan na kita,” rinig kong saad ni Truce. Hindi naman mabigat ang kahong ito, hindi ko na kailangan ang tulong niya dahil kaya ko naman. “Kaya ko.” Umakyat na ako sa kuwarto at ibinaba ang malaking kahon sa kama ko. Binuksan ko ang kahon. Nanlaki ang mga mata ko. Laglag din ang panga ko. Isang napakalaking stuff toy na bangus; nakataas ang isang kilay, may malaking nunal sa gilid ng nguso, naka-itim na lipstick, nakataas ang buntot tila ba ipinapakita na malaki ang kaniyang puwet. May konting blush on, kulay rosas ang kulay nito. At nakasuot itong itim na sexy dress na hapit na hapit ang kurba ng katawan ng bangus. Halos mapamura ako sa bangus na ito. Pangyayari 'to... Kinuha ko ang bangus at nagmartsa pa labas. Itatapon ko na sana kaso may napansin akong nahulog na papel. Kinuha ko ito at kunot-noong pinalandas ang mga mata ko sa sulat kamay ni Louryze. Bestfriend, 'wag na 'wag mong itatapon 'tong bangus ko, alam mo bang dalawang buwan ko 'yan ginawa? Ang sakit ng kamay ko. Kung hindi lang kita bestfriend hindi ko 'to bibigay sa isang tulad mo. Isa kang malaking bangus, malaki! I made this stuff toy for you and for only you. I love you, my friend and... Nabitawan ko ang hawak na papel. Nag-uunahang lumabas ang mga luha ko. Happy 18th birthday.                          —Louryze The Pretty Paanong... maaalala ko, kung mismong magulang ko kinalimutan ang kaarawan ko? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD