“FLORYCE, LET'S go.” Sinuri ko ang bawat sulok ng kaniyang mukha, hindi ako puwedeng magkamali,
magkatulad na magkatulad...
Mula nang magtama ang mga mata namin, sobrang pagkabigla ang nakita ko sa kaniya.
Parang hindi niya inaasahan ang pagdating ko...
“Let's go, Nott,” mahinang bulong ni Floryce pero rinig ko pa rin.
Hindi niya sinagot ang tanong ko. Lumabas itong hindi na muli akong tinapunan pa ng tingin.
Inaayos ko ang sarili ko bago tumingin kay Byron.
Kahit sobrang nagtataka ako, pinilit ko pa ring maging normal sa paningin niya.
“Can we talk?” Kumunot ang noo nito.
“May trabaho ako,” walang siglang saad niya.
Ayoko man mabigla siya pero kung papatagalin ko pa saka sasabihin sa kaniya ang nangyari sa tatay niya
magsasayang lang ako ng oras...
“Your father,” deretsong usal ko.
Mas lalong kumunot ang noo nito saka tinalikuran ako. Nagpaalam siya sa manager at nagyeyelo ang mga matang sinulyapan ako.
Naglakad ito palabas kaya sumunod ako.
“Sino ka?” Galit itong tumingin sa kinatatayuan ko.
“Isa ka ba sa mga taong ginawan ng masama ni Papa?” Napatingin ako sa mga mata niya.
“Magkano?”
“Wala akong ipinagbibili...” kalmadong tugon ko.
“Puwede ba, sabihin mo na lang kung magkano, may trabaho pa ako,” nanyayamot na saad niya.
Kung hindi lang ako naaawa sa isang 'to kanina pa ako nawala sa paningin niya. Kung magsalita siya parang manungutong ako sa kaniya.
Pangyayari 'to...
“Hindi 'yan ang ipinunta ko rito,” seryosong saad ko.
“Kung gano'n, ano?”
Nakagat ko ang ibabang labi ko.
“Pakibilisan, Miss. Naghihintay ang trabaho ko—”
“Your father... is dead.”
Kitang-kita ko kung paano nagbago ang hitsura niya. Dapat siguro hindi ko binigla pero hindi ako puwedeng magtagal dito.
“A-anong s-sabi mo—” Natigil siya sa pagtatanong at nakangising hinarap ako.
“'Wag mo akong lokohin, Miss. Siguradong pinadala ka niya rito para pauwiin ako sa amin. Sabihin mo sa magaling kong ama, hinding-hindi ako uuwi kahit pa magkatotoo ang sinasabi mong patay—”
“Patay na ang tatay mo,” matigas at nawawalang pasensiyang saad ko.
Mukhang hindi pa rin kumbinsido si Byron. Hindi ito ang tamang panahon para sabihin ko sa kaniya ang tungkol sa tatay niya.
Nilabas ko ang wallet ko at kinuha ang I'D ko noong highschool ako.
Wala na akong panahon para makipag-usap pa sa kaniya.
Binigay ko na lamang ito sa kaniya. Wala akong cellphone, mabuti nang alam niya kung saan ako nakatira para 'pag nagbago ang isip niya,
alam niya kung saan ako mahahanap...
“Nakalagay r'yan ang address ko. Puntahan mo ako pag naniwala ka na...” Tinitigan niya ito at tumingin sa akin, sa mga mata ko.
“Bakit naman ako maniniwala—”
“Wala akong pakialam,” malamig na saad ko.
Hindi ko ugali ang gawin ang lahat mapatunayan lang na nagsasabi ako ng totoo. Wala akong pakialam sa maniwala sila sa hindi. Ang akin lang,
ginawa ko na ang dapat kong gawin...
Kung nagdududa siya sa mga kilos ko, wala na akong magagawa.
Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya, tinalikuran ko na ito at sumakay ng taxi.
“Manong, sa sakayan ho pa puntang Laguna.”
Hinatid ako ng Mamang driver sa terminal ng bus.
“Salamat ho.”
Bumaba ako matapos magbayad.
Pumasok ako ng bus at magalang na tinanong ang konduktor.
“Kuya, anong oras na ho?” Tumingin sa akin ang konductor na tila sinasabi niya na, wala ka bang orasan?
“Alas kuwatro na.” Tango lang ang itinugon ko.
Nagsimula nang umusad ang bus.
Wala akong lakas pa para mag-isip ng kung ano-ano. Hinayaan ko lang na mulat ang mga mata ko.
Madilim na nang huminto ang bus sa terminal. Nag inat-inat muna ako bago bumaba ng bus.
May humintong taxi sa harapan ko. Sinuri ko muna ito bago naghihinang sumakay dito.
“Saan ka, hija?” tanong ng driver.
“La Per-Evere subdivision ho, Manong.”
Tulala akong nakatingin sa labas.
Masiyadong napagod ang katawan ko, maging ang utak ko.
“Dito na lang ho, Manong.”
Hinang-hinang bumaba ako ng taxi at pumasok sa gate.
Humihikab na pumasok ako ng bahay. Nawala ang antok ko sa bultong humarang sa daan.
Galit na galit siya nang makita ang mukha ko.
Kinunutan ko ito ng noo.
“Where have you been, Yiesha?” Hindi ko sinagot ang tanong niya.
Akmang lalampasan ko siya pero hinawakan niya ang laylayan ng damit ko saka iniharap sa kaniya.
Ramdam ko ang nag-aalab niyang mga mata. Humihigpit din ang pagkakahawak niya sa braso ko, hindi na lamang ako nagprotesta.
Sino ang nagpapasok sa kaniya rito?
Dahan-dahang ginalaw ko ang mukha ko paharap sa kaniya.
"What... are you doing here?”
Hindi siya nakasagot. Bumakas sa mukha niya ang sakit at lito.
Bakit ganito ang ekspresyon ng mukha niya?
“What are you doing here?” ulit kong tanong na may bahid ng inis sa boses ko.
“Where have you been?” balik tanong niya.
Pagod ako, ayoko sanang makipag-diskusyon sa kaniya kaso ang ingay ng bunganga niya.
Tinanggal ko ang suot na sombrero at hinarap siya.
“Bakit ko naman sasabihin?” sarkastikong usal ko.
Kinunutan niya ako ng noo.
“Kanina pa kami kahahanap sa 'yo, Yiesha. Don't be selfish, damn it!” Bakas sa mukha nito ang pagpigil na masigawan ako.
Hindi ako kumibo.
Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya.
Gusto kong sagutin siya pero hanggang buka lang ang bibig ko, wala nang lumalabas dito.
Maganda sa loob ang malaman na may nag-aalalang tao sa 'kin pero masakit kapag,
alam kong ang ipinapakita niyang pag-alala ay wala namang... katotohanan.
Lumapit siyang muli sa 'kin, lumunok pa ito ng ilang beses bago binitawan ang braso ko.
“Hindi nila alam, Yiesha. Wala silang alam tungkol sa nangyari sa 'yo kagabi. Tell me, Why are you in that taxi? Where have you been that time, huh?” Hindi ko siya nilingon.
Bakit ko naman... sasabihin?
Wala siyang karapatan sa 'kin, wala siyang karapatang malaman kung saan ako galing kagabi at kanina, walang dahilan para sabihin ko ito sa kaniya.
“Tell me, Yiesha,” matigas niyang saad.
Hindi pa rin ako sumagot.
Mas lumapit siya sa 'kin, hinawakan niya ang mukha ko at hinarap sa kaniya.
Mulat ang mga mata ko nang ilapit niya ang mukha niya sa mukha ko, wala rin akong naramdaman nang dumampi ang labi niya sa labi ko.
Tinitigan ko lang siya nang humiwalay siya sa akin, hindi ako natutuwa sa inasta niya.
“Yiesha—”
“Bakit mo... ginawa 'yon?” Lumalim ang titig ko sa kaniya.
Hinalikan mo ako na walang permiso ko, bakit mo... ginawa 'yon, Truce?