“GIRLFRIEND!? HINDI, asawa ko. Ang asawa ko, Nay!” pasigaw na saad ng maikli'ng buhok.
“Okay lang sa 'kin, kaysa mapunta sa Lisang 'yan, pweh!”
“Hindi ba talaga kayo titigil? Hindi na kayo nahiya.”
Tumingin sa akin ang Ali na humihingi ng pasensiya at masuyo itong ngumiti.
“Ganon ba, hija?” Tipid na ngumiti saka tumango.
“Gano'n nga ho. Alam niyo ho... ba kung nasaan siya?”
“Naku, hija, hindi ko alam pero nabalitaan kong pumasok sa isang resto ang batang iyon, hindi ko alam kung saan sa maynila."
Maynila?
“HansWRIGHT Resto ang pangalan ng pinagtratrabahuhan ni Ex Loves Byron,” mataray na saad ng Lisa.
“Sigurado ka ba, Lisa?” ani ng mahaba ang buhok.
“Oo naman! Asawa ko dati 'yon, kaya alam ko!” depensang sagot ni Lisa.
Sapat na sa akin ang mga nalaman ko kaya nagpaalam na ako sa kanila.
“Salamat ho. Aalis na ho ako.”
“Ingat ka, hija, ipapahatid na kita rito kay Lisa baka pagtripan ka riyan sa daan.”
”Salamat ho.”
Magrereklamo pa sana ang nagngangalang Lisa pero sinamaan ito ng tingin ng Ali kaya wala ring nagawa.
“Aaminin ko na mas maganda ka kaya ikaw ang pinili niya,” rinig kong saad niya habang papalabas kami ng eskenita.
“Hindi naman,” tipid kong tugon.
Ramdam ko ang madilim na titig niya mula sa likuran ko.
“Siguro ang ganda ng bahay niyo, ang paaralan na pinapasukan mo? Kung gano'n siguro ang buhay ko baka nagustuhan na ako ni My labs Byron.”
Tumingin ako sa kaniya, nahinto kami sa paglalakad.
“Hindi mo gugustuhin ang buhay na mayroon ako 'pag nagkataon...”
“Hah? Bakit naman? Mas gusto ko nga 'yon.”
“Hindi mo magugustuhan... ang mabuhay sa madilim na k'warto. Siguradong hindi mo nanaisin ang mabuhay sa gano'n,” makahulugang saad ko sa kaniya.
“Hindi kita ma-gets. Oh, hayan!” Turo niya sa humintong bus, “d'yan ka sasakay. Halika, ihahabilin kita sa driver.”
Sumakay ako ng bus.
Malalim na tinitigan ni Lisa ang driver ng bus.
“Manong, itong kapatid ko.” Turo sa 'kin ni Lisa, “ihinto mo sa tapat ng HansWRIGHT Resto, wala ng tanong-tanong, kung hindi itong bus mo hindi makakadaan ulit dito! Gets mo?” mataray na saad ni Lisa sa driver.
“Oh, sige,” anang driver.
“Mabuti!”pasigaw ni Lisa.
Tinapunan ko ng tingin si Lisa. “Salamat.”
Mataray siyang tumingin sa akin.
“Ito number ko. Ipadala mo riyan ang bayad. Nagpagod ako kaya dapat lang malaki at dagdagan mo 'tutal ibinigay ko na sa 'yo si Byron. Gets mo?”
Kinuha ko sa kaniya ang papel na naglalaman ng number niya.
“Naintindihan ko. Pero nakakabagot maghintay... lalo na kung wala ka rin namang mapapala.”
Hindi ko na narinig ang sinabi ni Lisa dahil nagsimula nang umandar ang bus.
“Ms. Bayad?” anang konduktor ng bus.
Binigay ko sa kaniya ang bayad at tumingin sa labas. Pinikit ko ang mga mata ko at hinayaang kainin ako ng pagkaantok.
Nakatulog ako sa gutom, naramdaman ko na lang na sumigaw ang driver.
“Iyong bababa rito sa HansWRIGHT Resto, bumaba na!"
Tumayo ako at bumaba ng bus.
Papasok na sana ako nang mahagip ng mata ko ang sasakyan ni Dad sa parking lot.
Ano'ng... ginagawa mo rito, Dad?
“Good noon, Ma'am,” anang g'wardiya.
Tango lang ang isinagot ko.
Habang kumakain narinig kong nagsitilian ang mga kustomer. Pati empleyado gano'n din ang inasta.
“Ang guwapo niya, Sis.”
“Yah. May girlfriend kaya?”
“Ano ba kayo? Kumain na nga kayo.”
“Ang bitter mo kasi.”
“Hey, handsome.”
“Marry me, baby.”
“Kyah, anong lahi ba niya?”
“Aso kamo.”
“Shhh. Baka marinig ka niyan.”
“Is that Nott?”
“Yeah...”
“Ang g'wapo talaga ni Sir.”
“Sobra.”
“Ayan na...”
Napabuntong-hininga na lang ako saka inubos ang kinakain ko
“Have a good lunch everyone,” anang lalaki.
Tumayo ako at nagtanong sa babaeng serbidor na dumaan.
“Miss, 'asaan si Byron?”
“Si Byron ba?” wala sa sariling tanong nito.
Hinintay ko ang sagot niya pero wala.
Ano'ng... ginagawa niya?
Panay ang tingin nito sa itaas tapos maya't-maya ngumingiti.
Pangyayari 'to...
Iniwan ko na lang siya at naghanap ng matatanungan.
“Hey, Miss.” Napatingin ako sa nagsalita.
“P'wede bang... makaraan?” seryosong usal ko.
Tinaasan ako nito ng kilay.
“Hindi mo ba ako kilala?” nakangising tanong niya.
“Hindi,” tipid na tugon ko.
Umangat ang bibig niya sa sagot ko.
“Hindi? Come on, sa guwapo kong 'to? Hindi mo kilala? Don't get me wrong, Miss. Saang bundok ka ba galing?” panunuyang sabi niya.
“Hindi ako taga-bundok,” walang siglang sagot ko.
“What?”
”Hindi ako taga-bundok,” ulit kong saad.
“What the hell? I'm Nott Wright the owner of this restaurant. This handsome face?” Turo niya sa mukha niya. “Gaganyanin mo lang?”
Napangiwi ako sa pangalan niya.
Nott Wright?
“Guwapo? Bakit parang hindi naman?”
Awang ang bibig na kumurap-kurap ang mga mata niya.
“What did you just say?”
“Mismong pangalan mo na ang nagsasabing hindi.” Muling umawang ang bibig niya.
“You're impossible.”
Pagod na tumingin ako sa kaniya. “Wala akong pakialam.”
“Ano'ng ginagawa niya? Kapal ng mukha.”
“Hindi niya ba narinig? Nott is the owner of this resto.”
“Papansin lang 'yan.”
Walang pakialam na tinapunan ko sila ng tingin.
Papansin?
Hindi ko gawain ang bagay na 'yan...
“You should respect me.” Tumingin ako sa kaniya.
“Why would I?” usal ko sa kaniya.
“I'm the owner.” Ngumisi ako.
“Ano naman... kung ikaw?” Sumilay sa labi nito ang ngiti.
“Nah, forget it. Mas'yado kang highblood. By the way, may I know your name, Miss?” ngiting tanong niya.
“Hindi mo na kailangang malaman,” sagot ko.
“But, why? Masama bang malaman ko?”
“Hindi naman,” simpleng sagot ko.
“'Yon naman pala—”
“Dapat kasi tumingin ka sa dinadaanan mo! Pathetic! You ruined my dress, bakit ba kasi may tangang employee rito!?” Napatingin kami sa babaeng sinisigawan ang lalaking empleyado rito.
Nakayuko lang ang serbidor tila hiyang-hiya.
Sinundan ng mga mata ko ang papalayong bulto ng may-ari nitong resto.
“Floryce, what brings you here?” tanong ng may-ari sa babae.
Tumaas ang isang kilay ng babae.
“Really, Nott? 'Yan talaga?”
“Don't be stupid, Floryce.”
“Stupid? How dare you, Nott!”
Nagbubulong-bulungan ang mga kumakain pati mga empleyado sa sagutan ng dalawa.
“Girlfriend yata?”
“Ang ganda naman ng girl.”
“May misunderstanding yata?”
“Baka nagloko si boyie.”
“Tingnan niyo, galit na galit si Ate gurl.”
Nakayuko pa rin ang lalaking sinigawan. Hindi makita ang mukha nito.
“Stop it, Floryce.” Tumirik ang mata ng babae. Galit nitong tinuro-turo ang lalaking serbidor.
“You, out! This is your damn fault!” Tumingin ang babae sa may-ari saka tinaasan ito ng boses. “I don't want to see his face, Nott.”
Napabuntong-hininga na lang ang may-ari.
“It was an accident, Floryce. Hindi na kailangang umabot sa ganito. Later, I will talk to him.”
“No, Nott. Kung ayaw mong palabasin ang walang k'wentang employee na ito. Ako ang gagawa!” matigas na sabi nito.
Walang nagawa si Nott nang hawakan ng Floryce ang suot na damit ng serbidor at akmang niyang kakalad-kadin pero natigil ito.
Naglakad ako pa punta sa kanila.
Hindi ko gawain ang pakialaman ang away ng iba pero parang pamilyar ang mukha ng lalaking serbidor.
Ito na siguro ang taong hinahanap ko.
Si Byron...
Tinanggal ko ang kamay ng babae sa kaniya.
“What do you think you're doing!?” sigaw nito sa mukha ko.
Hindi ko siya pinansin at tinuon ang atens'yon sa taong hinahanap ko.
“Mag-usap tayo...”
Tumitig siya sa mukha ko, hindi ko maipagkakaila na mas may hitsura siya sa litratong binigay ng tatay niya.
“Hindi mo dapat ginawa 'yon,” saad niya.
“Gagawin ko... ang gusto ko—”
“You, b***h!” Walang siglang tumingin ako sa mukha niya.
Parang may kamukha kang babae ka.
Parang...
“Sino ka?” mahinang tanong ko.
Nanlaki ang mata na tumingin siya sa 'kin. Napalunok ito at hindi makapaniwala sa nakita n'ya.
Nagtatanong na tinitigan ko ang mukha niya.
Who are you... woman?