CHAPTER 2: Can't Forgive

1787 Words
"Mamimiss ka namin, Senyorita," naluluhang saad sa akin ng aking Nana Mercy. Ngiti ko naman siyang nilapitan at hinaplos ang likod niya. "Bibisita naman po ako rito. Kailangan ko lang po talagang gawin ito. Alagaan niyo po si daddy, ah. Sana magiging masaya na siya ngayong wala na ako rito." Mapait kong ngiting sabi. "Mahal ka ng ama mo, " Hinarap ako ni Nana Mercy tila gusto pa akong kumbinsihin. Napailing na lamang ako. Lumapit na ako sa kotseng maghahatid sa akin sa condominuim na lilipatan ko. Binuksan ko na ang pinto at muling nilingon si Nana Mercy, ang aming gardener at tatlo pang kasambahay. "Mag-iingat po kayo rito. Paalam po, " "Mamimiss ka namin, Senyorita, mag-iingat po kayo sa byahe." "Ingatan mo po ang sarili mo, Senyorita." "Hanggang sa muli, alaga ko." Tumango ako sa kanila at madali nang pumasok sa loob ng kotse dahil parang iniipit naman ang puso ko habang nakikita ang malulungkot nilang mukha. Napahinga ako ng malalim pagkapasok sa loob. Mamimiss ko sila. Tinuring ko na rin silang pamilya. Sila iyong nag-aalaga sa akin dati, nakakausap at nakakalaro ko. Mas malakas pa nga ang nararamdaman ko sa kanila kesa kay Daddy. 'Wag niya lang talagang sisantehin sila, magkakagulo talaga kaming dalawa. Well, hindi naman mangyayare iyon. Wala na siyang katulong sa bahay kung ganon. "Tara na po, kuya Paye." "Sige po, Senyorita." Naramdaman ko na ang pag-andar ng kotse. Unti-unti na din kaming gumalaw palabas ng gate. Napatitig naman ako sa malaki naming mansyon. Kung may mamimiss man ako sa malaking bahay na iyan, ay iyong masasayang alaala, kasama si mommy. I promised Mommy that I wouldn't leave our house no matter how bad the situation dahil karapat ko ang bahay na iyan. I'm sorry, Mommy. I couldn't keep my promise to you. I just can't endure this anymore. Binaling ko na sa ibang direksyon ang paningin ko. Tuluyan na nga kaming umalis ni kuya Paye. *** Ilang minuto lamang ang byahe namin. Dumating kaagad kami sa condiminum kung saan bumili ako ng unit. Around Makati lang naman ang binili kong unit, just 10 minutes away from Forbes park. Malayo na din kay Daddy. Malapit lang din sa kompanyang pinagtatrabahuan ko ang condo unit na nabili ko. *** Mabilis na kaming umakyat ni Kuya Paye sa 35th floor kung saan ang unit ko. "Senyorita, tulungan na po kitang ipasok ang mga ito sa loob," Tukoy niya sa mga maleta kong nasa luggage carrier. "Maraming salamat, kuya Paye. Pero kaya ko na pong buhatin iyan sa loob. Umuwi na din po kayo at baka aalis si Daddy. Walang magda-drive sa kanya." "Sigurado po kayo, senyorita?" "Opo. Salamat po. Ingat po kayo sa byahe." "Kayo din po, senyorita. Hanggang sa muli nating pagkikita." Tumango lang ako sa kanya. Kaagad na siyang tumalikod at lumiko sa gilid nitong unit ko sa kanan kung saan ang hallway na pinanggalingan namin kanina. Napatitig na ako sa pintuan ng unit ko. Nakalagay doon ang unit number ko. Room 3505 Nalipat naman ang paningin ko sa kaliwang bahaging pinto na katabi lang ng unit ko. Hindi nagkakalayo ang distansya ng pinto ng unit ko at pinto doon. Ang unit number naman noon ay 3504. Napatingin naman ako sa kanang bahagi kung saan may unit din doon na pinagitnaan ng hallway ang layo. Room 3506 ang nakalagay doon. Tumango-tango ako sa aking sarili. Sana mababait ang mga kapitbahay ko rito. Isa-isa ko nang binaba ang aking mga maleta sa lugagge carrier at nilagay ito sa gilid. Medyo mabibigat ang mga ito. Tatlo ba naman at marami ang laman. Pero kaya ko naman. Napangiti rin ako nang matitigan ang color maroon hardside luggage bag ko na bigay sa akin ni mommy. Dyan ko nilagay ang mga damit na bigay niya sa akin, na kasya pa naman sa akin hanggang ngayon. Kung nagtataka kayo kung bakit binigyan niya ako ng luggage, it's because we had planned to leave Daddy before. Apparently, it didn't happen. I think Daddy convinced Mommy not to leave. Oh, well.. Sandali ko nang tinalikdan ang mga ito at binuksan ang aking bag para hanapin ang susi ng unit room ko. Naka-ilang kalkal ako sa bag ko. Ngunit hindi ko mahanap ang susi. Shocks! Asan na iyon?! Kinalkal ko muli ang laman ng bag ko. Kung hindi ko iyon mahanap, itong card na lang ang gagamitin ko. Sandali kong naramdaman ang taong dumaan sa likuran ko ngunit hindi ko naman iyon nagawang pansinin. Ngunit, para namang nagslowmo ang paligid ko dahil sa paglingon ko sa kaliwang bahagi, doon ko nakita na malakas na tumalsik sa sahig ang mga maleta ko at umingay ang paligid. "f**k! Stupid manager!" Napanganga ako at sandaling natulala habang nakatitig sa dalawa kong luggage na nakahiga na sa sahig. Nakita naman sa gilid ng aking mata ang matangkad na tao na alam kong siyang sumipa nang malakas sa mga maleta ko. Ngunit hindi ko pa siya nagawang lingunin. "Mga gamit ko!" Mabilis kong nilapitan ang mga ito. Agad ko itong itinayo at sinuri. Nakita ko ngang nagka-crack ang isang luggage. Mabilis ko namang sunuri ang isa at napahinto ako ng ang bigay sa akin ni mommy na luggage ang siyang isa sa nasipa niya. Nanlumo ako ng makita ang crack nito sa gilid. Kahit hardcase luggage ito, malakas ang impact nang pagkakasipa niya sa mga ito. What a devil! "What have you done to my luggage!?!" Mabilis akong tumayo at hinarap ang lalaki. Malakas ko siyang sinigawan at pinakita ko ang abot-langit kong galit sa kanya. Ngunit napahinto naman ako nang mas matalim at lampas pa siguro hanggang langit na galit ang nakikita ko sa kanyang mukha. "Your things blocked my way!" Malakas din 'yang sigaw pabalik. Bwesit na lalaki! "Anong blocked your way! Ang layo ng mga gamit ko sa sa iyo! Ang sabihin mo, sinandya mong sipain ang mga 'yan!" "It blocked my door!" "Anong door?!" Mabilis naman akong lumingon sa sinabi niya. Narealise ko ang ibig niyang sabihin. Nakaharang ang mga gamit ko sa pintuan ng unit niya? So sa kanya pala itong unit 3504. E, ang alam ko, nilagay ko sa gilid ang mga luggage ko. Kaunting na nga lang para magharang sa pintuan ng unit niya pero malayo pa rin! "Ang alam ko, nilagay ko sa gilid ang mga luggage ko pero hindi nakaharang sa pintuan ng unit mo!" "Well, I don't care! I hate things, people blocking my way!" Galit niya pa rin sigaw. Teka, parang ako ang pinagbubuntungan niya ng galit niya, ah. "You arrogant! E, kung mag-sorry ka na lang sa ginawa mo, mapapatawad pa sana kita!" "Why would I do that? You are the one who's blocking my way!" Matalim pa rin siyang nakatitig sa akin habang sinisigawan ako. Hindi ako makapaniwalang napatitig sa kanya. Parang si Daddy lang kung magalit. Nananaliksik ang mga mata sa galit. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili. "Look, sir, my luggage has a crack because you tossed it like a ball! Mag-sorry ka na lang para maibsan naman ang galit ko sayo!" Frustated kong sigaw sa kanya. Mas lalo pang dumilim iyong anyo niya. "Never. Stay away from me!" Tinalikdan niya ako at tangka niyang pumasok sa loob ng unit niya. Ngunit dahil inubos niya ang pasensya ko, walang pag-alinlangan kong tinadyakan nang malakas ang paa niya, pinagsisipa ko ang tuhod niya dahilan para mapadaing siya. "What the!" Mabilis siyang humarap sa akin at gaganti sana ngunit malakas ko naman siyang sinampal sa pisngi. "Never?! Hindi mo alam kung gaano kahalaga sa akin ang gamit na sinira mo! Wala kang puso!" Hindi ko namalayan na kumawala na pala ang mga luha sa aking pisngi. Namigat din ang dibdib ko sa mabigat na emosyong nararamdaman ko. "I can buy you a new, more expensive, and luxurious piece of luggage!" Hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi. Wala talaga siyang puso at pagpapahalaga! Mabilis ko siyang nilapitan at hinawakan ang kwelyo ng kanyang damit. Naglaban ang apoy sa aming mga mata. "Hindi mapapalitan ng ibang gamit ang bigay sa akin ng mommy ko!" Mariin kong wika sa kanya at malakas ko siyang tinulak. Kaagad ko siyang tinalikdan at kinuha ang aking mga gamit. Mabilis kong kinuha ang card ko at mabilis na ni-swip ito. Bumukas naman kaagad ang pintuan ng unit ko. Isa isa ko nang hinila papasok ang mga luggage ko. Bago ko pa isirado ang pintuan ay nakuha naman ulit ng lalaki ang atensyon ko. Nakatayo pa rin siya sa labas ng hallway habang nakatitig sa akin. Nawala na iyong galit sa kanyang mukha at napalitan na ito ng lambot pero may tapang pa rin ito kung tumitig. Bilis naman magpalit ng mood nito. Parang babae lang? O baka naman na kunsensya. Buti naman may kunsensya pa. Pero hindi niya na ako madadala sa paganyan-ganyan niya. Mataas ding pasensya ang binigay ko sa kanya. Para sigawan ako ng gano'n kahit siya naman itong may kasalanan, may angry issues din siya. Binigyan ko siya nang matalim na titig. Hindi naman siya naglabas ng anong reaksyon sa kanyang mukha. "Masunog ka sana sa impyerno! Multuhin ka sana ni mommy!" Malakas kong sigaw sa kanya bago malakas na sinirado ang pinto. Ngunit binuksan ko naman ito ulit at nakita ko pa rin siya doong nakatayo at nakayuko bago nag-angat muli nang tingin nang buksan ko ang pinto. "At paki-balik na rin ng luggage carrier sa baba! Kahit dyan man lang ay mapatawad kita! Arogante!" Sinirado ko na ulit ang pinto at hindi na ito binuksan. Hays! Akala ko matatapos na ang stress ko pagkatapos kung umalis sa mansyon. E, mas nadagdagan pa yata itong stress ko, lalo na't kapitbahay ko lang pala ang lalaking iyon! Napahinga ako nang malalim at napailing. Sa pagiling ko ay dumapo naman ang aking paningin sa aking mga gamit. Mabilis akong umupo sa sahig at sinuri muli ang crack ng dalawang bagahe. Nalipat din ang mga mata ko sa luggage na bigay sa akin ni mommy. "Ikaw pa talaga ang nasira," Napahikbing ako. "Buong buhay ko, ngayon lang ako nakatagpo ng gano'ng lalaki. And what's worse ay hindi ko siya kilala. Akalain mo iyong sinabi niya, papalitan ka raw niya ng mas expensive at luxurious. E, kahit nga buhay niya, hindi ka niya mapapalitan." Hinahaplos-haplos ko ang luggage at kinakausap ito. "Hindi kita mapapalitan ng bago. Hindi ko alam kung mafi-fix itong cracks mo. Hindi talaga ako tatantanan ng mga taong may panget na ugali. Pagkatapos nang pagtitiis ko kay daddy, magtitiis na naman ba ako sa aroganteng kapitbahay ko? Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niyang ito! Ni hindi ko na makakalimutan iyong pang mamamaliit niya sa akin at kung paano niya ako sigawan. Humanda siya sa'kin. May araw rin siya sa'kin. Pipilayan ko siya!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD