Hindi ko na lamang masyadong inaalala ang bagay na nasira sa'kin. Binaling ko na lamang ang aking atensyon sa pag-asikaso ng mga gamit ko.
Bago pa ako pumasok sa loob ng kwarto ay sandali naman akong luminga sa paligid.
Halos kompleto na rin ang mga gamit ko rito sa condo na kailangan ko, lalo na sa trabaho. May malaking kusina at kompleto na ito sa mga gamit. May malawak ding sala kung saan may sofa at malaking tv kahit hindi naman ako nanonood ng balita. For movie trip lang. May isang C.R ding luxurious ang style. Located lamang dito sa may sala.
At ang panghuli ay ang kwarto ko. May balcony dito sa loob at tanaw ko ang naglalakihang building sa Makati. Oh, at may balcony din naman sa sala.
Isa-isa ko nang hiniga sa sahig ang mga maleta.
Napagdesisyonan ko namang magbihis muna ng damit pang-bahay. Naka-plain white loose long sleeves shirt kasi ako at nakabukas lang ito para makita ang sports bra na suot ko sa loob. Sexy, isn't it? I also wore a white baggy, high waisted jeans to match. Parang maghahatid ng patay pero po-porma. Char, lang. It's fashion!
Summer collection ko talaga ang mga ito. Ni-promote ko rin kasi. Magaganda ang telang ginamit ko rito. Lenin fabric for the shirt, polyester blends fabric for sports bra at cotton fabric naman sa jeans, and I selected these fabrics myself.
I'm actually a fashion designer, and now I'm the head designer at my mom's company, Luxanna Fashion Company.
Bata pa lamang ako ay nakitaan ko na ng kagandahan ang art ng fashion design. Mommy was a fashion designer and Illustrator, kaya sumunod lang ako sa yapak niya. Hangang-hanga ako sa mga drawing niya. Binibigyang buhay niya ang mga damit na drawing niya. Not only that, she has this skills and characteristics, and keen eye for quality materials. She enhances her ability to produce outstanding and lasting work. Kaya nga napalago niya ang kompanya.
Biniyayaan din naman ako ng talentong katulad sa kanya. Though I acknowledge I can never quite match her.
Since childhood, my appreciation for the art of fashion design has only deepened. I even make more money from it.
18 years ako nang magtrabaho sa kompanya ni Mommy, months after she passed away. Her good friend helped me cope with my grief para hindi ako malugmok sa bahay dahil sa pagkawala niya. This friend of hers lifted my spirit at pinasok niya ako sa kompanya ni mommy, for experience and part-time job while I was still in college.
Nag-aral ako ng mabuti, without any support from my father, and it continues to this day. At the same time, I worked hard with the hope that someday, all my hard work would pay off, and run mommy's company. She didn't build this company for herself, but for me. I won't let her down.
It's just sad that I never had the chance to work alongside her and show her that I've followed in her footsteps, that I idolize her and wanted to make her proud of who I've become.
Then, at the age of 21, I graduated from college. After a year, I became the head designer and made enough money.
Oh, alam niyo na kung bakit malakas ang loob kong umalis sa poder ni daddy. Noong nakapag-ipon ako, lumipad agad ako palayo sa silent house na iyon.
Nagsuot na ako ng spaghetti strap, plain mini A-line dress with flower designs on it. Bago ako nagtungo sa kama ay kinuha ko naman ang ironing board.
Nagtungo na rin ako sa kama at umupo. Isa-isa ko nang binuksan ang mga luggage ko at kinuha roon ang mga damit ko.
Dahil tinupi ko ang mga ito, kailangan ko siyang plantsahin para hindi gusot na i-hanger.
Mabilis na akong kumilos at isa-isa ko nang pinlansa ang mga damit ko bago ito i-hanger at ilagay sa loob ng cabinet. Ang mga pang-bahay naman ay hinayaan ko lang na nakatupi. Good thing, malaki ang cabinet ko rito.
Ilang damit na ang na plantsa ko. Naputol naman ang ginagawa ko nang mag-ring ang cellphone ko.
Umupo ako sa kama at inabot ang cellphone na nakalapag lang din doon. Tiningnan ko muna kung sino ang tumawag bago ito sinagot via video call.
"Hi, Hija!" Napangiti ako sa high spirit na bati sa akin ni Tita Almira.
"Tita Almira, good morning po."
Tita Almira is Mommy's close and good friend. She's also the one Mommy entrusted to temporarily run her company while waiting for my turn to manage it. Tita Almira was the one who helped me get through my grief.
"How are you? Nakalipat kanaba?" Nakangiti niyang tanong sa akin sa kabilang linya.
"Yes, po, tita. Nandito na po ako sa condo ko." ngiti kong sagot sa kanya.
"Good! Puntahan kita dyan!" Tuwa niyang saad. Napangiti naman ako.
"Wag na po, tita. Hindi po ba, may mga meetings ka pa po? "
"Oh, yeah. But I wanted to see you!"
Napailing ako sa pamimilit niya.
"Sa ibang araw na lang po. Medyo masama din po ang loob ko ngayon,"
"Sa'kin?!" Medyo gulat niyang tanong. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil doon.
"No! Wala po akong sama ng loob sa inyo. I just met an arrogant guy. " Sandali akong napairap sa hangin. Ayaw ko sanang alalahanin pa.
"Ohh...an arrogant guy, you say? Saan?"
"Kapitbahay ko lang po ng unit. Pinagsisipa niya po ang mga luggage ko. Nag-crack nga po ang dalawa. Isa doon ang bigay ni mommy," Malungkot na boses kong kwento sa kanya. Nakita ko naman siyang nalungkot sa narinig. Alam niya kasi kung gaano ko pinapahalagahan ang mga gamit na bigay sa akin ni mommy.
"Well, that's awful. Did you get that person's name?"
"Hindi po. Parang nabaling lang sa'kin ang galit niya sa ibang tao. May nabanggit kasi siyang manager, "
"Kahit na. Hindi pa rin maganda ang ginawa niya. Sige na, puntahan kita dyan at para tulungan na rin kita."
Napangiti muli ako sa pamimilit ni tita. Gusto niya lang makichika sa'kin, e.
"Okay lang po. 'Wag na po kayong mag-abala, tita. Ako na lang po ang pupunta dyan sa opisina. "
"No, it's all right. You can rest for the day. Bukas ka na lang pumasok. And tommorow, I have a surprise for you!" Tuwa niyang sabi.
Napangiti ako.
"Ano naman po 'yon?"
"Secret! Surprise nga, e. Oh, sige na. Ayaw mo talaga akong pumunta dyan, ah. May nakalimutan din pala akong gawin. Sige, bye, bye na. Muwaah. Take care, hija!" Nag-flying kiss siya sa camera. Kumaway naman ako sa kanya at nag-flying kiss din.
"You too, tita. And just give my regards to ate Alena, kuya Richie and Tito Richard. "
"Sure will!"
Agad na ring naputol ang tawag. Napahinga naman ako ng malalim at napailing. Mahina din akong natawa. Ang daming tanong ni Tita at ang lakas pa ng boses. She seems energetic today and has a lovely smile on her face.
Pero ganyan naman siya lagi, surrounding people she loves. Nakakalungkot lang na sa likod ng matatamis niyang ngiti ay nakatago ang nagluluksa pa rin niyang puso dahil sa pagkawala ng kanyang bunsong anak. To my count, mag-21 years na siguro ngayong taon ang pagkamatay ng bunso nila. Oh, kung namatay ba talaga. Hindi kasi naniniwala si Tita na wala na ang anak niya. The last time we talked, they reopened an investigation to find their missing daughter again.
Kung buhay man siya, hope they find her son para matapos na rin ang paghihirap ng pamilya nila.
Napahinga muli ako ng malalim. Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako ng ilang minuto. Makabalik na nga sa gawain.
***
Inubos nang pag-paplantsa at paglalagay ng mga damit ko sa cabinet ang apat na oras. Kaloka! Namalayan ko na lamang na mag-aalas dos na ng hapon. Buti na lang at natapos din ako sa wakas.
Nagluto at kumain din ako. Pagkatapos kong kumain ay nagpahinga ako sa kama at nakatulog dahil sa pagod.
KINABUKASAN, maaga akong pumasok sa opisina. Agad akong umakyat sa 15th floor kung saan ang office ko.
Habang naglalakad ako sa hallway ay napansin ko naman ang nagbubulungan naming mga empleyado. Ang aga naman talaga nang tsismisan.
Hindi ko na lamang sila pinansin at nagpatuloy ako sa paglakad hanggang sa makarating ako sa aking opisina.
May office ako bilang ako ang head designer ng company.
Agad akong nagtungo sa table ko at umupo. Madami pa akong trabahong gagawin dito sa office tulad ng strategic plan for the new collection, managing my design team, reviewing and approving the prototypes and samples they made, at marami pang iba.
Ilang minuto ang lumipas ay pumasok naman ang aking sekretarya.
"Good morning, Miss Lirah!" Magiliw na bati sa akin ni Desire.
Binigyan ko naman siya nang munting ngumiti.
"Good morning, Desire. Natapos mo na ba ang pinapagawa ko sa 'yo?"
"Yup, miss! Nandyan na po ang lahat ng kailangan ninyo." Inilahad niya sa aking harapan ang mga documents na pinagawa ko sa kanya noong mga nakaraang araw pa.
"Good. I'd also like you to set a short meeting with our team later."
"Copy that. Anything else you'd like me to do, Miss?"
"We're going downstairs to the workshop. I need to check if our mass production is already finished. After that, our models can start rehearsing for our upcoming fashion show. I don't want any hitches. We've spent five months preparing for this day. With good quality and a successful fashion show, the value of our products will surely rise." Ngiti kong wika sa kanya.
Ngumiwi naman siya at nagkamot ng ulo. Napataas naman ang kilay ko dahil doon.
"I'm glad you brought that up, Miss Lirah, 'cause about that, we have a bit of a tight schedule to catch up on."
Agad namang nangunot ang noo ko sa sinabi niya.
"What do you mean?"
"Hindi pa po ba nasabi ni Ma'am Almira sa inyo?"
"Spill it already."
"We have a new model, Miss Lirah. A famous one! Half Filipino and half Australian. At gusto ni Ma'am Almira na sumali siya sa runway. Kaya baka ma-extend ang date ng fashion show. Pero huwag po kayong mag-alala, Miss. Maaayos ko po ang lahat. Magkakaroon po tayo ng agadang fitting at mabilisang production sa loob ng tatlong linggo before the date of the fashion show. Kaya po natin 'to! Marami naman po tayong dedicated workers."
Mahaba ang kanyang sinabi pero ang pumasok lang sa isipan ko ay ang bagong model na sinasabi niya.
"A new model and a famous one, huh?" Biglang nanumbalik sa akin ang pag-uusap namin ni tita Almira kahapon. Ito ba ang sinasabi niyang suprise? Hmm...Interesting. Na surprise talaga ako.
"If she's from the Philippines, I should know her. Who is this famous model? Nandito na ba siya? If she's our new model, I'd like to meet her."
"It's he, Miss Lirah." Ngisi niyang pagtatama.
"He?"
Tumango siya at mas lalong lumawak ang ngiti sa kanyang labi. Kinikilig at hindi mapakali.
"A guy?" Muli kong tanong. Muli din siyang tumango at hindi pa rin mawala-wala ang lapad niyang ngiti.
Hays. Kapag lalaki nga naman ang pinag-uusapan, parang tinatanggalan sila ng panty.
Huminga ako ng malalim at tumayo sa upuan.
"Okay. Let's meet him then. Nasaan siya ngayon?"
"Kasama niya po si Ma'am Almira sa meeting room. They are currently signing a contract para hindi na siya maagaw pa ng iba. Good thing he chose us first."
Napatango ako sa kanyang sinabi at napangisi.
"Wow. Then, let's go."
Lumabas na ako sa table ko at nauna nang lumabas sa silid. Sumunod naman si Desire sa likuran ko.
Napalinga ako sa paligid habang naglalakad. Nakikita ko pa rin ang nagbubulungang mga empleyado at halatang kilig na kilig sa pinag-uusapan nila. Parang walang trabaho, ah? Free time?
Napangisi ulit ako.
"So, ang lalaking 'yon pala ang latest tsismis ng opisina," aniko kay Desire.
"Yes, po! Wait until you meet him in person, Miss. Malalaglag po ang panty niyo. Eeeik! Sobrang gwapo niya po kasi at sobrang tangkad! 5'10 yata. And based on a quick background check, he's actually a model from Australia, but he returned to the Philippines and plans to continue his modeling career here. His reason? A change of plans and to be with his mother."
Oh, so, model pala siya sa Australia. Kaya naman pala hindi ko siya kilala. Or is he really famous? Dapat kilala ko siya kung famous siya. Sino kaya ang lalaking 'to.
Interested much, Lirah?
Natawa na lamang ako sa aking isipan.
"Kaya pala hindi ko siya kilala. What's his name again?"
"Lance. Lance de Vera po. "
Lance, huh.
"Sana hindi mayabang," dagdag kong sabi.
"Sobrang bait po!" Depensa naman niya.
Pag-gwapo, mabait agad? Gwapo din naman 'yong salbahi kong kapitbahay.
Nang makarating kami sa meeting area which same floor lang ng office ko, kaagad din kaming pumasok sa loob.
Pagkapasok ay kaagad na dumapo ang paningin ko sa mga pamilyar na tao tulad ni tita Almira at ilan sa mga board members ng kompanya na nag-uusap. May ilan ding tao ang bago sa paningin ko.
Ngunit ang mas nagpaagaw ng atensyon ko ay ang isang matangkad na lalaking nasa gilid. Nakatalikod ito habang nag-uusap sa isa sa board members namin.
Hindi ko mapigilan ang mapatitig sa lalaking ito. Hindi ko maipagkakaila na napahanga ako sa ganda ng inverted triangle shape niyang katawan.
Ang suot niyang plain white V-neck long-sleeved shirt ay talagang bagay sa kanya. Dahil malaki at toned ang katawan niya, kumapit nang maayos ang suot niyang shirt na nagpapakita ng magandang build ng katawan at lapad ng balikat niya. Naka-denim black pants din siya at branded black shoes.
Sandali namang ngunot ang noo ko. Hindi ko alam kung bakit, tila pamilyar sa akin ang presensya ng lalaking ito.
"Hija! You're here! Surprise!" Napukaw ako sa nangingibabaw na boses ni Tita Almira. Iyon din ang naging dahilan para malipat ang paningin nilang lahat sa'kin, na siyang nagpahinto naman sa'kin.
Ngunit mas lalo pa akong napahinto at tila binuhusan ako ng malamig na yelo nang tuluyan kong makilala ang matangkad na lalaking kanina lang ay nakatalikod at hinangaan ko!
Kung ako ay nagulat na makita siya, pati rin siya ay nagulat at medyo nanlaki pa ang mga mata nang makita ako. Tila hindi rin niya inasahan na magkita kami rito.
Ang liit naman talaga ng mundo!
Ilang segundong naglaban ang aming mga titig. Naningkit ang mga mata ko sa tindi ng kanyang pagtingin. Ang tapang talaga tumitig ng kapitbahay na 'to. Wala siguro itong kaibigan.
Ang kaninang lamig na bumalot sa aking katawan ay unti-unti na ring napalitan ng panginginig. Panginginig ng pagtitimpi.
Iyan ba ang tinatawag nilang 'nakakalaglag panty'? Nakakakulo siguro ng dugo.