Hindi ko na malayan na sobrang sama na pala nang pagkakatitig ko sa bago naming modelo. Alam kong siya ang bago naming modelo. Bukod sa bago siya sa paningin ko rito sa opisina, siya lamang ang nagmistulang higante sa loob ng silid dahil sa angkin niyang tangkad.
Hindi ko pa rin binitawan ang masama kong titig sa lalaki. Nanggagalaiti naman ako sa galit nang maalala ko ang ginawa niya sa mga maleta ko kahapon. Gusto ko siyang pigain at tirisin na parang kuto.
"Darling, Lirah? hey,"
"Miss Lirah?"
Napukaw ako at bumalik sa realidad nang bahagya nilang ginalaw ang aking balikat. Bumilis ang pintig ng puso ko dahil sa gulat. Namalayan ko na lamang na nasa harapan ko na si Tita Almira.
Napailing ako at ilang ulit na pinikit ang mga mata ko. Nag-numb kasi ito dahil sa laki nang pagkadilat ko rito habang nakatitig sa lalaking iyon.
"Are you okay?" tanong sa akin ni Tita Almira.
Kaagad naman akong bumaling sa kanya at ngumiti.
"Oo naman, po." Pilit akong ngumiti kay Tita at hindi masalubong ang kanyang mga mata. Hindi rin ako makatingin ng diretso sa mga taong naririto dahil alam kong nakatitig sa'kin ang kanilang mga mata.
Nakatitig pa rin sa'kin ni tita Almira tila nagtataka, ngunit kalaunan rin ay binaliwala niya ito.
"Okay. Anyway, bakit naman gano'n ka kung makatitig sa bago nating modelo. Baka matakot siya sa 'yo at umalis sa'tin. Siya pa naman ang suprise ko sa 'yo, " ani tita sa'kin habang umiiling at mahinang tumatawa.
Pilit ko namang sinabayan ang mahina niyang tawa.
Sana ibang tao na lang ang surprise mo, Tita, at hindi ang lalaking 'yan.
"Nabigla lang po, siguro. Ang tangkad, e. Parang kapre. Akala ko kalaban. Nag-imagine akong may laser na lalabas sa mga mata ko para bumulagta ang kapre." Sarkastiko kong pagdadahilan. Narinig ko ang mahinang tawanan ng mga kasama namin dito sa silid.
Napangiwi naman si tita Almira sa'kin, na tila mas lalo pang nadagdagan ang pagtataka.
"Okay. Well, I would like you to intruduce our new model, Mr-"
"Lance!" Bigla kong nahiyaw ang pangalan niya. Nakita ko naman silang lahat na napataas ang kilay sa'kin. Awkward!
"Lance. Lance pala ang pangalan niya. Nasabi na sa'kin ni Desire. Nice to meet you." Para akong tangang ngumingisi sa harapan nila. Nakakahiya itong pinaggagawa mo, Lirah!
Ito lang kasi ang naisip kong paraan para takpan ang nangingibabaw namang galit sa aking dibdib. Nagtitimpi pa ako nito, ah. Kung ako lang ang masusunod, sinipa ko na palabas ang lalaking 'yan, katulad ng ginawa niya sa mga maleta ko.
Dahan-dahang lumapit sa aming gawi ni tita Almira ang arrogante kong kapitbahay na nagngangalang Lance. Bahagya ko siyang tiningnan. Seryoso pa rin ito kung makatitig sa'kin at hindi talaga mawala-wala ang tapang sa kanyang mukha. Normal ekspresyon niya na siguro 'yan.
Kung may matatakot man sa'min, ako siguro 'yon dahil sa tapang nang pagkakatitig niya sa'kin. Parang may galit sa mundo, e. Pero hindi naman ako matatakot sa kanya, mas lalo pa nga sigurong madagdagan ang galit ko sa kanya.
"Nice to meet you too, Miss?"
Naglahad siya ng kamay sa aking harapan. Napatitig naman ako doon. Pumasok sa isipan ko natanggapin ang kamay niya at pigain ito! Pero hanggang sa isipan ko lang naman iyon.
Hinawakan ko gamit ang thumb finger at point finger ko ang kamay niya at ibinalik ito sa kanya.
"Let's skip that for now. I'm Lirah Gray. " Peke akong ngumiti sa kanya at nagpakilala.
Hindi naman siya sumagot at nanatiling nakatitig sa'kin. Sandali ko pang nabanaag ang emosyon sa kanyang mga mata, na hindi ko naman maintindihan. Medyo lumambot din ang kanyang itsura. Pero bumaling na ako sa ibang bahagi dahil hindi ko matagalan na titigan pagmumukha niya. Susurok lang ang dugo ko sa kanya.
"Anyway, highway. Aalis na po ako, tita, babalik na po ako sa trabaho. Later everyone!" Nagpaalam na ako sa kanila at kaagad nang tumalikod at lumabas sa meeting area.
Mabilis akong bumalik sa office ko. Napahilamos ako ng mukha pagkapasok ko ng silid.
Bakit ba kasi ang lalaking iyon ang bago naming modelo! Nakakainis naman!
"Miss Lirah?" Pumasok si Desire. Buti at nakatalikod ako sa kanya para hindi niya masaksihan ang nangungunot kong mukha dahil sa inis.
"What? "
"Miss Almira is here."
"Hija?" Pumasok si Tita sa office ko. Kaagad ko naman siyang hinarap at lumabas naman si Desire.
"Tita.." Bati ko sa kanya bago ako magtungo sa aking lamesa at upo sa swivel chair.
"What was that behavior earlier, darling? Natakot ako sa inasta mo kanina, baka lumipat ang bago nating modelo. Malaki siyang kawalan kung mangyare iyon. Nagdahilan na lang akong may regla ka. Hindi mo naman kasi ugali iyon."
I'm sure, alam ng lalaking 'yon kung bakit gano'n ang trato ko sa kanya.
Napahinga ako nang malalim.
"Siya po ang kapitbahay ko, " aniko kay tita.
Napasinghap si Tita at nanlaki ang mga mata. Tumango-tango ako sa kanya pahiwatig na totoo ang sinabi ko.
"Yup. Siya ang nagtulak sa mga maleta ko, tita. Ang arogante kong kapitbahay. May anger issue ang lalaking 'yon, tita. Baka nga ay mahirap katrabaho 'yon, e. Hindi siya kawalan kung gano'n din ang ugali niya. Umasa ako, nang lumayas ako sa bahay ni Daddy, magiging peaceful naman ang paligid ko. Pero hindi, dahil kapitbahay ko at magiging katrabaho ko pa talaga ang lalaking 'yon. Hindi talaga ako tinatantanan ng mga taong magpapasakit sa ulo ko. Masaya ako dahil hindi ko na po-problemahin si Daddy, pero ano 'to? Bagong kaaway na naman? Hays! I'm so done dealing with those kinds of men." Frustated kong turan kay tita Almira sabay sapo ng aking ulo.
"Are you sure it's him?"
"Hindi ko po makakalimutan ang pagmumukha no'n. Galit na galit nga sa'kin 'yon. Wala naman sana akong ginagawang masama sa kanya. At siya ang may kasalanan sa'kin. "
"But... his background says nothing like that."
"Then that background of his is fake, Tita. I've witnessed his short-tempered behavior. Ngayon pa lang, gusto ko na siyang ibalibag sa sahig sa tuwing naaalala ko ang nasira kong gamit na bigay sa akin ni Mommy."
"Can't you two work this out?"
"I don't know. But I can remain professional as possible. Wag niya lang subukan ang pasensya ko."
"He seems nice naman, Hija. " Pangungumbinsi pa rin ni Tita Almira. Hays! Silang lahat na lang ang nababaitan sa lalaking 'yon! E, panget nga ang ugali no'n! Ang sama pa kung tumitig!
"Akala niyo lang po 'yon. Pero panget ang ugali ng lalaking 'yon." Medyo tumaas ang boses ko.
"Okay, I don't want to argue with you anymore. I need to go back there. I still have to talk to him for orientation and briefing. In fact, I was actually planning for him to walk the runway for our upcoming fashion show and make him the new face of Luxanna's menswear."
"Kayo po ang bahala."
"Later, darling."
***
Itinutok ko na lamang sa pagtatrabaho ang sarili ko sa nakalipas na apat na oras para mabawasan rin ang inis ko.
Bumukas naman ang pintuan at pumasok si Desire.
"Miss Lirah?"
"Yes?"
"Meeting with the team?"
Napahinto ako sa sinabi niya. Shocks. May meeting pa pala kami at kailangan ko pang pumunta ang workshop sa baba para i-check ang mass production namin.
Napahilot ako ng sentido.
"Oh, yeah. I completely forgot about that. Let's go."
Kaagad kaming nagtungo sa meeting area kung saan gaganapin ang meeting namin ng team ko.
"Good morning, Lirah." Napahinto ako sa labas ng pintuan nang sumalubong sa akin si Carlos. Ang lalaking masipag kung manligaw ng mga babaeng empleyado dito sa opisina. Pinopormahan niya din ang tatlong babae sa team namin. Siya lang kasi ang nag-iisang lalaki sa team. Siya at si Mia ang in-charge sa styling at accesories. He had that kind of good taste.
Nginisihan ko siya. Nililigaw niya din ako, but he is not my type. Masyadong friendly sa babae at chick magnet. May itsura din kasi siya.
"Hello, Carlos." Kaagad ko siyang nilampasan at pumasok ng tuluyan sa loob. Narinig ko naman ang mahinang niyang tawa.
"Ayaw mo talaga sa'kin, ah. Loyal kaya 'to sa 'yo." Sumunod siya sa likuran ko. Hindi ko naman siya pinansin at nagpatuloy lumakad patungo sa harapan.
"Don't believe him, Miss Lirah. Kagabi lang, kung kani-kanino siya kung sumayaw sa mga babae sa bar." turan ni Mia.
Umupo na ako sa swivel chair, sa gitna at pinakadulo ng mahabang lamesa. Sa kaliwa ko, nakaupo doon si Mia, sa kanan naman ay si Desire at ang katabi naman niya sa unahan ay si Sophia, ang event coordinator namin.
"Hey! Wag mo naman akong ibuking sa loloves ko!" Umupo na din si Carlos sa tabi ni Mia.
"Lahat loloves mo, no!" Sininghalan naman siya ni Mia.
"Tsk!"
Napailing na lamang ako sa kanila.
"Let's proceed to our meeting."
Kaagad naming sinimulan ang meeting. Napag-usapan namin ang pag-review ng summer collection namin. Ako na ang nagrepresenta na pumunta sa workshop para i-check ang mass production ng collection namin.
Napag-usapan din namin ang styling at accessories para sa mga models. Nagbigay naman ng pahayag si Mia at Carlos dahil iyon ang trabaho nila.
Nag-finalize na rin kami ng mga models na isasali sa runway. Dahil wala naman akong planong isali ang Lance na 'yon, hindi ko na lamang siya isinali sa discussion kahit nag-open sila ng topic tungkol sa kanya. Para akong demonyong humalakhak sa aking isipan.
Napag-usapan na din namin ang venue logistic na nagbigay naman ng ideya si Sofia dahil siya ang event coordinator. Gaganapin ang event sa isang hotel sa batangas malapit sa beach. Pinakita niya sa'min ang layout ng venue.
Nag-usap na rin kami sa gagawing rehearsal. Ako ang nagtakda ng schedule na gagawin ito sa mga susunod na araw. Gaganapin ang reheasal sa mismong hotel na paggagamitan namin ng venue para masanay sila sa paglakad.
Overall, pasok naman sa budget ang mga plano namin. Ipapasa rin ni Desire ang napag-usapan namin kay Tita Almira para i-approved niya ito.
"I think that's all settle? "
"Yup! Tayo na lang ang hindi pa-settle. Kailan mo ba kasi ako sasagutin?" Lumapit si Carlos sa'kin at dinala pa niya ang upuan niya para tumabi sa'kin. Sinamaan naman siya nang tingin ni Mia dahil doon.
Nilingon ko si Carlos at nginisihan siya.
"Joker ka talaga." sagot ko sa kanya sabay irap.
"What the?" Kita naman sa gilid ng mata ko ang paghaba ng nguso niya. Mahina na lamang akong natawa.
"Lirah?!" Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Tita Almira. Nagulat ako dahil doon.
"Tita?" Ngunit sumama naman ang aking timpla nang makita ang arogante kong kapitbahay sa likuran niya. Nakatitig ito sa akin, inirapan ko naman siya.
"Good you're here! I have a new assignment for you!" Magiliw na wika sa'kin ni Tita Almira.
"Ano po 'yon? "
"Gusto kong ikaw ang mag-manage kay Lance! Help him know your way of fashion!"
"W-What?" Napatanga ako sa sinabi ni Tita.
"Yes! What way ma-a-assist mo siya sa mga gagawin lalo na sa upcoming nating runway! Susukatan mo din siya mamaya, okay? But before that, may promotional photoshoot muna siya sa summer collection natin. Ba-bye!" Kaagad din silang umalis ni Tita at naiwan akong nakanganga.
"What just happened?"
Bakit ako ang biglang magha-handle sa lalaking 'yon?!
***
Lumabas na ako sa meeting area. Naglakad ako sa hallway. Hindi pa rin ako makapaniwala na ako ang gusto ni Tita Almira na mag-assist sa lalaking 'yon! Alam niya namang galit ako do'n, e.
Habang naglalakad ay naagaw naman ng aking mata ang isang silid. Naka-window glass ang pinto ng silid na 'yon kaya malaya kong makikita ang nasa loob. Naagaw kasi ng atensyon ko ang mga ilaw doon na nang gagaling sa camera.
Pinagkatitigan ko mga taong nasa loob at isa na nga doon ang arogante kong kapitbahay. Nag-po-pose siya doon habang nakaharap sa camera.
Maya-maya lang ay bahagyang nanlaki ang aking mga mata nang maghubad siya ng pang-itaas na damit. Napalunok ako nang makita ang namumutok niyang katawan.
Napahinto naman ako nang bumaling bigla sa aking gawi ang kanyang mga mata at nagtama ang aming paningin.
Agad akong nag-iwas nang tingin. Nanggigigil ako sa kanya! Ngunit muli din akong bumalik nang tingin sa kanya. Hindi na siya nakatingin sa aking gawi dahil muli siyang kinunan ng camera.
"Do you like what you see?"
Halos mapatalon ako sa gulat nang may bumulaga sa'kin sa likuran.
"Huh! Carlos, ano ba!" Kaagad ko siyang nahampas sa balikat niya nang makita ko siya sa aking likuran. Nakapamulsa siya habang tumatawa.
"Kidding."
Muli kaming tumitig sa loob ng studio. Nagpatuloy ang liwanag ng camera doon. Maraming pose na rin ang nagawa ni Lance. Tinuturuan din siya ng isang tao doon kung paano siya mag-pose.
"So, his the new model, eh?" saad ni Carlos sa aking gilid habang nakatitig din sa loob.
"Yea, what do think?"
"Wala akong masabi lalo't magiging karibal ko siya."
Agad akong napalingon sa kanya dahil sa sinabi niya. Nangunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan iyong sinabi niya.
"What?"
Ngumisi lang naman siya at tumalikod.
"Later, Lirah." Tuluyan na siyang umalis.
Naiwan akong nakataas ang kilay habang naghabol nang tingin sa kanya. Problema no'n?
***
Bumaba rin ako sa workshop para i-check ang mass production namin. Nasukat at na-adjust na rin ang mga damit na ito sa mga susuot dito. Ipapasukat ko ulit ang mga ito para ma-finalize.
***
Bumalik na ako sa itaas. Pagkabukas ko ng pinto ng office ko ay nagulat ako nang makita si Tita Almira at si Lance doon.
Naka-upo silang dalawa sa sofa at nag-uusap. Nalipat naman kaagad ang paningin nila sa'kin.
"There you are! Kanina pa kaming naghihintay sa 'yo. Ikaw na ang bahala sa kanya, ah. Good luck, and be professional." ani Tita Almira sa'kin at kaagad na tumayo at mahina pa niyang tinapik ang aking balikat. Tuluyan na siyang lumabas sa aking office.
Sandali naman akong hindi nakagalaw sa aking kinatatayuan at dumapo ang aking matalim na paningin sa lalaking prenteng naka-upo sa aking harapan.
Ba't nandito ang lalaking 'to?!
Hindi ko siya pinansin at lumapit ako sa aking lamesa.
"I was waiting for you for 40 minutes."
Napahinto ako nang magsalita ang aroganteng lalaki. Hindi ko naman siya nilingon. Niligpit ko na lamang ang mga papers na nasa ibabaw ng aking lamesa.
"Kung nabagot ka, dapat lumabas ka at nakipag-usap sa mga empleyado namin. Naglalaway pa naman ang mga 'yon sa 'yo." sagot ko sa kanya pero hindi pa rin siya binalingan.
Or might just leave for good. Sabi ko sa aking isipan.
Naramdaman ko ang pagtayo niya at paglapit niya sa aking table.
"Look-" Kaagad akong tumingala sa kanya para maputol ang sasabihin niya.
"Look, Mr. De Vera. I don't like seeing you here and working with you. Hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa mo sa'kin kahapon. Sana lumipas man lang ang mga araw bago tayo nagkita ulit, but then you're here. Wala akong magagawa. I hate you. Dagdag ka sa stress ko." Prangka ko sa kanya. Napahinto naman siya at tila hindi inasahan ang mga sinabi ko.
"I believe, It's not really nice to say that about your newly hired model in your company, Miss Gray." Seryoso niyang turan sa'kin.
"I don't care. Kung gusto mong umalis sa kompanya namin, then go. That's better for me." sagot ko sa kanya habang mariing nakatitig sa kanya.
Sandali siyang natahimik at hindi siya makapaniwala sa aking mga sinabi.
"You are taking this personally, Miss Gray. I believe malaki ang mawawala sa inyo kung aalis ako. I should know. Mrs. Reyes would not be this eager to convince me kung hindi niyo ako mapapakinabangan."
Nagpinting ang tainga ko sa sinabi niya. Mas lalong sumama ang titig ko sa kanya.
"Nagmamataas ka?"
"No, I'm just stating the facts, and you should remain professional in your work."
Ilang segundong naglaban ang mga mata namin bago ako nag-iwas nang tingin at huminga nang malalim.
"I'd better find another person to handle this because I can't tolerate your behavior."