CHAPTER 5: Exact Measurement

2463 Words
Lalabas na sana ako ng silid nang bigla niyang hawakan ang braso ko, na siyang nagpabigla sa'kin. "Wait-" "Don't touch me!" Kaagad ko siyang hinarap at nasigawan. Nakita ko siyang nagulat. Ngunit napahinto naman ako nang makita ang nanglalambot niyang mukha. "I'm sorry.... I'm sorry. " Ilang ulit niyang banggit at napayuko. "Yeah, you better be." Inis kong wika sa kanya. "Can you please sit down? Please? Let's talk," Paki-usap niya sa akin. Napahinto naman ako. Hindi ko maintindihan, tila nagpapakumbaba siya ngayon? Sandali akong napatitig sa kanya. Parang gustong-gusto niya akong maka-usap ng maayos sa nakikita ko sa kanyang mukha. Pinagbigyan ko siya at umupo sa sofa. Umupo din naman siya opposite sa'kin at pinagkatitigan ako. "Look, I know why you' re being like that to me because of what I did yesterday." Simula niya. Napalakpak naman ako. "Good! That relieves me. Alam mo naman pala, eh. Edi tapos na tayong mag-usap." Kaagad akong tumayo at tinalikuran siya. "That is why I wanted to apologize for what I did." Ngunit napahinto naman ako sa sinabi niya. Ramdam kong nakatayo na rin siya. Totoo ba iyong narinig ko? Kaagad akong humarap sa kanya at pinagkatitigan siya. Nakikita ko ang sincerity sa kanyang mga mata. Nakikita ko sa kanyang ang ugali ni Daddy pero iba pa rin si Daddy sa kanya. Dahil si Daddy, hinahayaan niya lang akong ma-disappoint at masaktan. Pero siya, sincere siya sa paghingi niya ng tawad sa'kin, na kailan man ay hindi magagawa ni Daddy. "I'm so sorry for shoving your luggage. It's unforgivable and inexcusable, but believe me, I didn't mean for it to happen. It's just that my mind was blurry at that time, and I didn't know what to think in that moment." Yeah, it's very unforgivable and inexcusable behavior. "Hindi mo dapat binaling sa akin ang galit mo, lalo na't hindi naman tayo magkakilala. Did you even think about what I would think of you and the effects of what you did?" "Like I said, I wasn't thinking at that time. I'm sorry." Nanlamlam ang kanyang mga mata. Hindi ako makapaniwala. Hindi ko rin maintindihan kung bakit tumitibok ng malakas at mabikis ang puso ko sa mga sandaling ito. Parang buong buhay ko, ngayon pa lamang ito nakaramdam ng gaan. Huminga ako nang malalim at nakaramdam nang ginhawa. It's like my heart is smiling. "I believe may trabahong magaganap sa'tin." Bahagya na akong ngumiti sa kanya. "Really? I mean, all I want is to be on good terms with my co-workers and the person who will be my boss." Nakita ko ang surprise sa kanyang mukha. "Yup. Medyo nabawasan ang galit ko sa'yo. And thank you for apologizing. Anyway, the anger I felt towards you no longer matters. I forgive you, and let's forget about what happened yesterday." Ngiti ko sa kanya. It's like he healed my heart. Ganyan lang. Ganyan ako kadaling ma-uto. Char. Madaling magpatawad. Ganyan ako kalambot. Kung magso-sorry lang si Daddy, mapapatawad ko naman siya. "Again, I wanted to say sorry." Parang lumambot ang puso ko sa kanya nang mag-sorry siya ulit. Gosh, ang sarap pala sa pakiramdam ng pagpatawad. "Okay na 'yon! Tara! Susukatan pa kita." Ngumiti ako sa kanya. Nakita ko naman siyang ngumiti. Tumalikod na ako sa kanya, ngunit napahinto naman ako. Teka? Nakita ko ba siyang ngumiti? Gusto ko ulit siyang makita na ngumiti! Muli akong humarap sa kanya, as expected, nakabandara na naman ang seryoso niyang mukha. Ang hirap naman pangitiin nito. "Before that, hindi kaba marunong ngumiti? Ang mga team ko, palaging may ngiti sa labi. Ayaw kong may taong matapang kung tumitig sa team ko, baka kong anong isipin nila sa 'yo. So, pakita nga ng ngiti mo." "What?" Mahina naman siyang napangiti. "Ngiti pa," utos ko sa kanya at dahan-dahang lumapit sa kanya. Umiling naman siya at napapikit habang may munti pa ring ngiti sa kanyang labi. Pero hindi pa ako satisfied. "Laparan mo pa." Tuluyan na akong nakalapit sa kanyang at hinawakan ang magkabilang niyang pisngi. Inangat ko ang gilid ng kanyang labi gamit ang dalawang thumb nail ko. Napangiti siya at mas lumawak pa ang pagkakangiti ng labi niya dahil do'n. Nakapikit ulit ang kanyang mga mata sa tuwing ngumingiti siya. Ang cute! "Ayan, oh! Ang pogi mo naman pala 'pag nakangiti, e!" Lumawak na rin ang pagkakangiti ko sa kanya habang hawak-hawak ang magkabila niyang pisngi. "Really?" "Yup!" Ngunit napahinto din ako nang titig niya ako sa mga mata. Narealize ko din ang posisyon namin ngayon. Sobrang lapit na pala ng mukha ko sa kanya at kulang na lang ay magdikit ang aming noo. Bahagya kasi siyang yumuko sa'kin dahil sa tangkad niya. Para kaming mag-jowa na naglalandian! Kaagad akong bumitaw sa kanya at dumistansya. Hindi naman tuloy mawala-wala ang ngiti sa mga labi niya. Lagot! Kaagad akong nag-iwas nang tingin sa kanya. "I-I mean, gwapo ka naman talaga. Mas nadagdagan pa. So, just keep that up. " Hindi pa rin nawala ang lawak nang ngiti sa labi niya. Kaagad naman akong tumalikod sa kanya. "As you wish." Nahimigan ko ang tuwa sa boses niya. Itinago ko naman ang reaksyon ko doon. "Tara na. Ipakilala muna kita sa team ko." ** Kaagad kaming nagtungo sa office ng team ko. "Everyone, meet the newest member of our team: our new model, Lance de Vera." Pakilala ko kay Lance sa kanila. "Hello." Bahagya lamang ngumiti si Lance sa kanila. Okay na rin, atleast ngumiti siya. Natulala si Mia at Sofia habang nakatitig kay Lance. Kalaunan ay nagtilihan din at naghiyawan sila. "Gwapo!" "Ieekk! Aaack!" Kaagad silang lumapit kay Lance at nagtutulakan pa. "Hi, pogi! I'm Sofia! " "Ako naman si Mia! Pwede akong mag-apply sayo!" "Na ano?" tanong naman sa kanya ni Sofia. "Asawa! Aaack!" "Malandi!" Natawa na lamang ako sa kanila. Mahina din namang natawa si Lance sa kanila. "Mr. Lance?" Pumasok si Desire. Lumingon naman si Lance sa kanya. "Hi, Desire," Bahagyang nginitian ni Lance si Desire. Nakita ko naman ang pagkatulala at gulat nina Sofia at Mia. "What the!" sabay nilang hiyaw. "Close kami ni sir! Bleeh!" "Hindi pwede!" Napailing ako sa kulitan nila. Napalingon naman ako sa likuran ko at doon nakita si Carlos na lumapit sa aking gawi habang sandaling tumitig kay Lance. "New member in our team, huh?" "Yup, you should meet with him." Ngiti kong saad sa kanya. Muling bumalik ang paningin ko sa kanila. Ngunit napahinto naman ako nang makita ko si Lance na nakatitig sa gawi namin. Seryoso siyang nakatitig...kay Carlos? Ngumiti naman ako sa kanya nang lumipat ang paningin niya sa'kin. "Okay. But this doesn't mean that I like him. This is only for you." Nilampasan na ako ni Carlos. Napataas naman ang kilay ko sa sinabi. Problema no'n? Lumapit siya kay Lance at naglahad ng kamay. "I'm Carlos, man. Nice to meet you." Tinggap naman ito ni Lance at sandali silang nagkamay. "Lance de Vera" "You don't have to rub your last name in my face, man." Hindi ako makapaniwala sa sinabing iyon ni Carlos kay Lance. Wala namang mali sa sinabi ni Lance, ah. "Do we have a problem, man?" "Nothing at all." Nakaramdam ako ng tensyon sa pagitan nila kaya kaagad din akong pumagitna sa kanila. "Okay, enough introductions. I believe we have to go. Bye, everyone! Desire, come with me." Hinawakan ko na sa braso si Lance at uginiya palabas. "Sure, miss." "Where are we going?" tanong ni Lance sa akin habang naglalakad na kami sa hallway. "To the fashion house of Luxanna. Doon kita susukatan. That place belongs to the Luxanna Gray fashion company. I'll just email his measurements to you, Desire, okay?" "Copy, miss. " "Tara na." Kaagad kaming sumakay ng elevator at dumiretso sa underground. Sumakay kami ng kotse at kaagad na bumyahe. Ilang minuto lang ang byahe namin at dumating din kami sa house of Luxanna. Around Makati lang naman kasi ang location ng fashion house. Bumungad sa amin ni Lance ang 3 storey house kung saan huminto ang kotse namin. Makikita sa glass wall ang mga magagarang damit doon na nasa mannequin. "Here we are." Sa fashion house, nandito ang haute couture, ready-to-wear, at accessories na mga product namin. Minsan ay dito ako namamalagi. May office naman ako dito, nasa itaas. Tita Almira almost give me full control of everything that mommy had. Sabi niya nga, sa'kin naman talaga mapupunta ang lahat ng ito. But for the meantime, patunayan ko raw muna sa kanya na kaya ko na talagang manahin ang kompanya. Hindi niya nga pinaalam sa publiko na siya ang temporary CEO ng Luxanna. Pumasok na kami sa loob. Kaagad naman kaming sinalubong ng empleyado namin. "Good afternoon po, Ma'am Lirah." bati sa akin ni Ate Merna na isa sa sales associate ng fashion house. "Good afternoon. By the way, I'd like you to meet our new model. The new face of Luxanna. Lance de Vera." Bumati naman siya kay Lance. "Good afternoon po, sir." "Good afternoon." "Tara, do'n tayo sa 3rd floor. Nando'n ang office ko." Kaagad kaming umakyat sa itaas gamit ang hagdan. Sa 2nd floor may sales area, display area at fitting room din katulad sa 1st floor. Umakyat na kami sa 3rd floor. Nasa 3rd floor ang workplace ng mga designer at tailor namin. Puno ng drafting table, mannequins and sewing machine and malawak na hall dito sa 3rd floor. Dito kasi nag-de-design at nagtatahi ang nagtatrabahong designer at trailor employee namin na gumagawa ng ready-to-wear na mga gamit. Sandali lamang kaming bumati kina Ate Juliana, ate Stephe, kuya Ronnie, Ate Elizabeth at Kayrie. Ang mga fashion designer at tailor namin. Pumasok na kami sa office ko. "Umupo ka," ani ko kay Lance. Sandali namang lumibot ang paningin niya sa paligid. "Your place is quite impressive. Maraming tao ang pumupunta sa fashion house niyo." "Yup. It's also well-known because of its high-quality products." "My new manager advised me to work in the workplace." "You'll actually work in the workplace from now on since you're the new face of Luxanna's menswear. Now then, nasaan ba ang measuring tape ko dito?" Kinalkal ko ang container ng table ko pero hindi ko makita ang measuring tape ko doon. Nasaan na 'yon? "Labas muna ako, ah. Maiwan muna kita. " Paalam ko kay Lance at kaagad na lumabas sa silid. "Guys, pahiram ng measuring tape," ani ko sa kanila. Kaagad naman akong inabutan ng measuring tape ni Kayrie. Si Kayrie ay 20 years old, at designer namin. Nag-aaral din siya ngayon sa college. "Hi, ate Lirah!" Tatalikod na sana ako nang marinig ko naman ang boses ni Lora. Isa rin sa mga batang employee namin dito. Kaagad ko siyang nilingon at nginitian. "Hello, Lora," "May client po pala tayo sa baba, si Mrs. Smith! " Tuwa niyang balita sa akin. "Really? I want to see her! Tara." Kilala si Mrs. Smith bilang asawa ng CEO ng Smith Company. Negosyante rin siya at mahilig sa mga mamahaling fashion item. She is one of our VIP customer. Sandali akong suminyas kay Lance na baba muna. Nakikita ko lang kasi siya sa glass wall ng office ko, na prenteng naka-upo at nakatitig sa aking banda. Kanina ko pang naramdaman ang mga mata niyang nakatitig sa akin, hindi ko lang pinansin. Pagkababa ko sa 1st floor ay nakita ko kaagad si Mrs. Smith, na nagtitingin ng mga damit. "Mrs. Smith. How may we serve you?" Ngiti akong lumapit sa kanyang gawi. Lumingon naman siya sa'kin at ngumiti rin. "Hello hija. I'm looking for a new bag for my collection." "Oh, we're happy to assist you with that. Lora, please escort Mrs. Smith to the private viewing room so she can see the exclusive pieces from our new collection." "Sure, miss. This way, Mrs. Smith." Kaagad din silang umalis. Sa paglinga ko sa paligid ay naagaw naman ng aking pansin ang babaeng nasa labas na nakikita ko ngayon sa glass window. Mangha siyang nakatitig sa mga damit na nasa loob. Hindi ko naman maiwasang mapatitig sa kanyang mukha. Napahanga ako sa puti ng kanyang kutis, namumulang pisngi at labi. Parang si Snow White! Hindi maipagkakaila ang angkin niyang ganda. Pwede ko siyang kuning model! Agad akong nagtungo sa pinto at lumabas. "Hi!" Kaagad kong bati sa kanya. Medyo nagulat pa siya ngunit kalaunan din ay bahagyang ngumiti. "Hello po." Yumuko siya tila nahihiya. Napangiti ako lalo. Ang hinhin naman. "Want to come in?" Medyo nagulat siya sa sinabi ko, pero kalaunan ay ngumiti din siya at tumango. Iginiya ko siya papasok. Doon ay nagtititingin siya sa mga magagarang damit. Kitang-kita ko ang paghanga niya sa bawat damit na dumapo sa kanyang paningin. "You like the dresses?" tanong ko sa kanya habang sinusundan siya. "Magaganda po siya." Sandali niyang tinitingnan ang mga size ng damit kung saan nakalagay din doon ang brand and logo ng Luxanna. Dalawang L ang logo ng Luxanna, representing for 'Lirah Luxanna'- name ko. Huminto siya sa isang damit na color white spaghetti strap at may black short, suot ng mannequin. Tila nagustuhan niya ito. Sa pagkahinhin niya, gusto niya din pala ng sexy na mga damit. Hindi masyadong halata sa kanya dahil naka-white t-shirt at jeans lang siya ngayon. "You want to try this on?" tanong ko sa kanya. Mabilis naman siya lumayo at umiling. "Wala po akong pambayad. Sige po, aalis na po ako." Madali siyang tumalikod ngunit kaagad ko naman siyang sinundan bago siya makalabas. "Wait, I want to know your name," Huminto siya at humarap sa akin na may munting ngiti sa labi. "Kara Perez po. Salamat po sa pagpapasok sa'kin sa loob. Aalis na po ako." Tuluyan na siyang umalis. Napasimangot naman ako. Good sana siya for model. Ang ganda niya, e. Masyado nga lang mahiyain at medyo kulang sa height. 5'4 I think? Hindi nga siguro marunong mag-pose 'yon. "Hey." Napalingon naman ako sa likuran ko nang marinig ang boses ni Lance. "Oy, sumunod ka pala." "Who's that?" tanong niya at may hinabol ang kanyang mga mata. Nakita niya siguro ang babaeng kausap ko. "A beautiful snow white. Maganda sana siya for model kaso wala siya sa height. Tara na sa itaas." Pag-aya ko sa kanya. Kaagad din kaming bumalik sa itaas. "Susukatan na kita, ah." "Okay." Nakalikod pa ako sa kanya dahil kinuha ko ang aking big notebook kung saan ko ililista ang measurements niya. Lumingon din ako sa kanya. Ngunit kaagad na nanlaki ang aking mga mata at napanganga ako nang masilayan ko siyang nakahubad sa aking harapan at tanging tight boxer na lamang ang suot niya. Gosh! "Hoy, bat ka naghubad!" Kaagad kong tinakpan ang mga mata ko. Pero sa kaliwa naman ay bahagya kong inawang ang daliri ko para makita ko pa rin siya. Nakita ko naman ang malawak niyang ngiti sa kanyang labi, tila masaya pa siya sa kanyang ginawa! "For exact measurement."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD