"Oh my gosh! Put your clothes back on!" Pumikit na ako at tumalikod sa kanya. Nakatakip pa rin ang mga palad ko sa magkabilang mata ko. Marinig ko naman ang mahina niyang tawa. "You're crazy!" sigaw ko sa kanya habang pinakiramdaman siya sa likuran. "Fine. I'll just let someone measure me up." "No!" Mabilis naman akong humarap sa kanya. Muli ko na namang nakita ang hubad niyang katawan. Nasilayan ko pa ang nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi. Nag-iwas na lamang ako nang tingin sa kanya. Nabaling naman ang paningin ko sa glass wall. Ngunit kaagad ding nanlaki ang mga mata ko nang masilayan ko ang mga tao roon, na nakatitig sa kinaroroonan namin! s**t! Mabilis kong hinila ang curtina para hindi na nila kami makikita pa rito sa loob. Nakakahiya! Baka kung ano pa ang isipan nila!

