KABANATA DALAWA

966 Words
Mahigit dalawang buwan na akong nag-aaral dito sa Gregory Academy at ngayong buwan na daw ang Intramural's Day! Nakakainis! "Bakit nakabusangot ang mukha mo?" tanong sakin ni Daphne. "Pano ba naman, mag i-Intramural's na" "So? What's the Problem with that?" "Diba sa Intrams na ang Search for Miss Campus Sweetheart?" "Oo nga pala. GoodLuck" nakangiting sabi ni Daphne sabay kindat "Nakakainis talaga ang Ivo na 'yan! Pinagtritripan ako bakit ba kasi pinasali sali pa ako sa mga ganyan!?" Tumawa lang si Daphne, tiningnan ko siya ng masama na ikinatahimik niya. "Hi Girls" bati ni Lance. "Anong kailangan?" tanong ko! "Wala lang puwede makitambay? Wala kasi si Zach, may sarili siyang mundo ngayon" "Hoy!" Napatingin kami sa sumigaw! Si Ivo yun nagsitinginan ang mga estudyante sa kanya nandito kasi kami sa Canteen. Umupo si Ivo sa tabi ko. "Anong ginagawa mo dito?" kunot-noong tanong ko. "Wala kang pakialam! School ko to kaya manahimik ka!" sabi nito at inirapan ako. "Bawal magtanong?" "Ang ayoko sa lahat yung palatanong, nakakaboyset kasi!" "Haneeepp! Iba ka rin eh no?" Tumingin sakin si Ivo at kinurot ang braso ko. "Aray!" Tiningnan ko siya masama at kinurot ko rin siya. "ARAY!" sigaw niya napatingin ulit ang mga estudyante samin. Tiningnan ito ni Ivo ng masama. "Anong tinitingin tingin niyo?!" sigaw niya umiwas ng tingin ang mga estudyante. "Hoy! ALTHEA!" "Bakit ba?!" "Yung usapan natin ha?" "Alam ko na yun" binulongan ko si Ivo. "Siguro pangarap mong makasali sa mga beauty constest kaso hindi mo magawa,kaya ako nalang ginamit mo para sumali. Ayieeh kunwari kapa" Natatawang bulong ko sa kanya. Palayo na sana ako ng bigla niyang hawakan ang batok ko at tumingin sakin. Nanlaki ang mga mata ko dahil sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa. "What do you mean by that? Na bakla ako?" "I-ikaw ang m-may s-sabi niyan h-hindi ako" nauutal na sagot ko sa kanya. "Baka naman gusto mong mahalikan?" sabi nito at nagsmirk. Tinulak ko. "H-hoy! Ang kapal ng mukha mo ha?" Ngumiti lang ng nakakaloko si Ivo. Napatingin ako kay Daphne at Lance na kanina pa tahimik, tulala silang nakatingin kay Ivo Nakanganga pa. Kumunot ang noo ni Ivo. "Anong problema niyong dalawa?" "Ikaw ba talaga yan Ivo?" Tanong ni Lance. "Ngumiti kana? Ang tagal kitang hindi nakitang ngumiti,ah" "Shut up" inis na sabi ni Ivo. Natatawa at napapiling na ipinagpatuloy nina Lance at Daphne ang pagkain nila. Kumain narin kami ni Ivo. ~••~••~••~••~••~••~••~ GAVIN's POV "Im Sorry Gav, i love you as a friend. I hope you'll understand?" "Yeah it's okay" sabi ko at Malungkot na ngumiti sa kanya. "Im really really sorry. Alam kong nasasaktan ka, si Ivo kasi ang mahal ko. God knows i don't want to hurt anyone else specially you. You've been a Good friend to me." "Im okay Stacey, ayokong pilitin ka. Isa pa kabarkada ko naman si Ivo I know he will take care of you, alam na ba niya?" "Honestly, natatakot akong umamin sa kanya" (flashback po yan ) Hanggang ngayon naaalala ko pa rin ang usapang yun namin ni Stacey. Yeah! She's inlove with Ivo that time, at tinanggap ko yun! Kahit Mahal na Mahal ko siya, I chose to let her go. Tiwala kasi akong aalagaan siya ni Ivo. But damn! Namatay siya dahil kay Ivo kaya hindi ko siya magawang patawarin! Pinabayaan niya ang kauna unahang babaeng minahal ko! Dapat pala hindi ko ipinaubaya si Stacey sa kanya. Wala siyang kuwenta! "Good Evening Kuya" bati ni Daphne kararating lang nito. "Kanina pa ang out niyo ah?" "Hinatid ko pa kasi si Thea" "Kumusta si Thea?" "She's okay parang close na sila ni Ivo" Napatingin ako sa kanya. "I'm sorry Kuya" "matutulog na ako, kumain ka nalang diyan" Sabi ko at umakyat na para matulog. Ng humiga ako sa kama naalala ko si Thea, Her eyes kapareho nung kay Stacey, they both have those Gray eyes. And Thea, may pagkakapareho sila ni Stacey! ABBY's POV Hi readers ako yung Magandang Bestfriend ni sandy remember? Pareho talaga kaming makapal ang mukha, pero yun kasi ang Totoo haha! So eto nga nandito ako ngayon sa Mall may bibilhin ako para sa project. Hindi ako sinamahan ni Sandy langya busy-busyhan siya eh sarap bigwasan hehe.. Nandito ako ngayon sa Bookstore may bibilhin akong Libro! matalino kasi ako Habang hinahanap ko yung libro may napansin akong lalake. Ang guwapo niya. Singkit ang mata, matangos ang ilong, maputi, matangkad, mamula mula ang mga labi niya. Yummy! Pasimple akong lumapit sa kanya. Napatingala pa ako. Bakit ba kasi hindi ako nasuwertehan sa height mabuti pa si Sandy matangkad! "Ah Miss may problema ba?" "Uhmm hehe,wala naman! Ang tangkad mo lang kasi" Ngumiti lang ito at bumalik sa pamimili ng libro. Hinanap ko nalang din ang kailangan kong libro. Napalingon ako sa lalake napansin ko kasing katulad ng kay sandy ang uniform niya. "Sa Gregory Academy kaba nag aaral?" "Yeah, why?" "Hehe wala lang" Tipid ulit itong ngumiti at umalis. Sinundan ko lang siya ng tingin. ALTHEA's POV "Kyaaaaahhhhh! Anubeyeen kinikilig talaga ako! Bat ba kashi ang gwapo niya" sabi ni Abby, mababasag na eardrums ko sa kakatili niya. Hindi pa yan umuuwi sa bahay nila dito agad dumiretso para lang ikuwento yung lalake daw sa Mall. "Ang ingay ingay mo" "Kyaaaahhhh! Kyaaahhh!" Napatakip ako sa dalawa kong tenga. "Sandali!" sigaw ni Abby na parang may naalala. "Sa School niyo pala siya nag aaral Sandy" "Eh ano naman? Anong gusto mo magtumbling ako?" "Pwede naman" Binatukan ko siya. "Aray ko naman Sandy" "Tumigil ka nga" "Hanapin mo siya para sakin sandy" "Baliw ka ba? Pano ko siya mahahanap ni hindi ko alam ang pangalan niya." "Basta Chinito siya!" "Maraming Chinito sa Gregory , duh!" "Pano ko siya makikilala?" "Ewan ko sayo!" "Malalaman ko rin ang pangalan niya at makikita ko siya ulit tandaan mo yan Cassandra" "Nababaliw kana Abbygail" Inirapan lang ako ni abby, mukhang tinamaan ang Bestfriend ko ngayon lang siya nagka interest sa isang Lalake. Nangangamoy Love at first sight. Totoo naman kaya ang Love at first sight? Ay ewan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD