IKATLONG KABANATA

2101 Words
Audition na ngayon para sa Miss Campus Sweetheart, busy ang lahat para sa nalalapit na Intramural Week. One week kasi ang Intramurals, sa Day  1 to Day 2, Float Parade, Cheerdance Competition at Mascot competition. Day 3 naman Pageant Night at start ng mga Booth and sa Day 4 to Day 6 for sports na yun at continuation ng mga booths sa last day yung Awarding as usual. One week kaming walang pasok ang saya lang. Nandito kami ngayon sa Gym kong saan gaganapin ang Pageant, marami marami din kaming mag au-audition  3 representative each pero sa tatlo isa lang ang pipiliin. Lahat ng  Course and Year kasali. Isa ako sa representative ng Year namin. "Magbaback out nalang ako" "Gusto mo tadyakan kita palabas ng School?" sabi ni Ivo na nandito nakaupo sa tabi ko. "Bakit kaba kasi nandito? Mag au audition karin ba? Sasali ka? sasali ka?" pang iinis ko sa kanya! Tiningnan niya lang ako ng masama. Nininerbiyos na talaga ako. Kung hindi lang para sa Scholarship at sa mga pangarap ko hindi ko talaga gagawin to. Pinagdikit ko ang mga palad ko ikinikiskis na parang nilalamig, pero nilalamig naman talaga ako sa nerbiyos. Nagulat ako ng hawakan ni Ivo ang mga kamay ko. Napatingin ako sa kanya. Tumingin rin siya sa akin. "You can do it" nginitian niya ako. Nginitian ko rin siya. Parang nawala ang nerbiyos ko. Lumakas ang loob ko tama si Ivo, kaya ko to, ang Ganda Ganda ko kaya, Hindi nagtagal tinawag narin ako, pumunta ako sa may stage. Pinasuot nila ako ng Heels, at nung ipinatugtog ang kantang "FOCUS" by Ariana Grande nagsimula na akong rumampa with a smile on my face, nagsigawan at nagpalakpakan ang nasa loob ng gym ng matapos ako rumampa naka pose nalang ako sa harap ng mga judges para malaman kung nakapasa ako. Napasulyap ako sa kinaroroonan ni Ivo nakatingin siya sakin at nakangiti nag two thumbs up pa siya. Nginitian ko lang siya "Althea Cassandra Mendoza?" Nakangiting nilingon ko yung mga judges, ngumiti rin sila at sabay sabay na sinabing  "You're in," Napangiti ako at tumingin kay Ivo na pumapalakpak at nakangiti naka microphone kasi yung mga judges so pag nagsasalita sila maririnig ng lahat. Napakunot ang noo ko ng mawala ang ngiti sa mukha ni Ivo at tumalon siya mula sa ikalawang bleacher na inuupuan niya at tumakbo papunta sakin. Napatingin ako sa itaas at nakita ko ang isang spotlight na malapit ng mahulog. Napapikit ako at narinig ko nalang ang sigawan ng mga tao sa loob ng gym. Nagulat ako at napadilat ng mata ng maramdaman kong may humila at yumakap sakin natumba kami parehas. Nadaganan niya ako at nanlaki ang mga mata ko. Parehong nanlalaki ang mga mata namin ni Ivo. Shit! Magkalapat ang mga labi namin. We accidentally kissed!! Oh no! Yung first kiss ko!! Lumayo si Ivo at tumitig sakin. Bigla akong natauhan at naitulak ko si Ivo, inalalayan niya ako patayo. "Are you okay?" tanong ni Ivo parang nag aalala siya. "Okay lang ako" Napatingin kami sa mga tao dun sa Gym. Nakanganga silang nakatingin saming dalawa. Inignore lang sila ni Ivo, hinawakan niya ako sa braso at hinila palabas ng Gym. "Saan tayo pupunta?" "I'll take you home" "H-huh? W-Wag na, ayoko" naiilang na ako sa kanya matapos yung nangyari kanina. Naglalakad na kami papunta sa carpark. "M-mauna na ako" sabi ko aalis na sana ako ng hawakan ni Ivo ang kamay ko. "Let me take you home, Please" Tiningnan ko siya at napatango. Sumakay na rin ako sa kotse niya. Nasa kalagitnaan na kami ng biyahe ng nagpark si Ivo sa isang Restaurant. "Anong ginagawa natin dito?" "Nagugutom ako kumain muna tayo" "Ah hindi na, bababa nalang ako at magjejeep.Marami namang dumadaan,oh" "No" Matigas na sabi ni Ivo at lumabas ng kotse tsaka lumibot sa may side ko para buksan ang pintoan. "Gentleman ka pala?" namamanghang tanong ko sa kanya ng makalabas ako. Tumawa si Ivo. "Hala! Tumawa ka?!" sigaw ko habang nakaturo sa kanya. Ngiti niya palang kasi ang nakita ko ngayon ko lang siya narinig tumawa. Tinabig niya ang kamay kung nakaturo sa kanya. "Tumigil ka nga" "Ayieeehh! Napatawa kita. Ang saya" sabi ko, ngumiti lang si Ivo. Pumasok na kami sa restaurant. At umupo sa vacant seat. Umorder lang si Ivo at hinintay namin ang order niya. "Yung mag aasikaso nga pala sayo para sa Pageant ako na ang bahala" "Dapat lang no, pinasali sali moko diyan sa pageant na yan" "Tss! Gustong gusto mo naman, feel na feel mo nga rumampa eh" "Tse! Mukha mo!" "Gwapo" nakangiting sabi ni  sabay kindat. "Naka colgate ka?" "Why?" "Ngiting ngitieh" "Whatever!" "Hi Thea" Sabay kaming napatingin ni Ivo sa nagsalita. "Oh? Gab? Anong ginagawa mo dito?" "Kakain sana, kaso puno na pala" "Dito ka nalang umupo, dalawa lang naman kami ni---" "Hindi Puwede!"Napatingin ako kay Ivo "Pero Ivo---" "Meron pa tong second floor dun ka nalang baka may space pa" sabi ni Ivo kay Gab. "Sige Thea, i'll go ahead" sabi ni Gab saka ngumiti at umalis. "Magkaaway ba kayo ni Gab?" Dumating na ang mga inorder ni Ivo. "Kumain ka nalang" Kumain nalang ako. Pagkatapos naming kumain inihatid na ako ni Ivo pauwi. Malalim na ang gabi pero hindi parin ako makatulog iniisip ko yung about kina Ivo at Gab nangangamoy away kasi pag nagkakaharap sila at yung Halik? Isa pa yun sa iniisip ko, wala na ang first kiss ko. May iba na akong nararamdaman para kay Ivo hindi ko masiguro kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya. Kinabukasan, pinatawag kami para sa practice for  Miss Campus Sweetheart, antok na antok pa ako. Langya! Napuyat ako. Pasado alas dos na ng madaling araw ako nakatulog Naghintay lang kami sandali bago nagsimula ang practice. Yun na nga practice here! practice there! Ng break time, umupo ako sa bleacher. "Contestant ka pala sa Miss Campus Sweetheart" Napatingin ako sa nagsalita. Yung babaeng maganda, Allys ata yun. "Close tayo?" "Whatever! Umalis ka sa tabi ko nandidiri ako sa mukha mo ? Eww" maarteng sabi nito "Baka yung mukha mo ang tinutukoy mo, at bakit ako ang aalis? Eh ikaw ang kauupo lang diyan"  Inirapan ako nung Girl. "Thea, ito na yung pinasuyo mong ipabili" sabi nung kaklase ko na nakita ko kanina nagpasuyo akong magpabili ng Burger na paborito ko at softdrinks nagugutom na kasi ako. "Salamat" "Your welcome" sabi nito at umalis. Kumain na ako. Sarap na sarap akong kumain ng mapansin kung nakatitig sakin. yung babae. "Gusto mo?" alok ko sa kanya. Hindi ako pinansin, umiwas lang ito ng tingin. Nagkibit balikat nalang ako. Pagabi na ng matapos ang Practice namin. Tahimik lang akong naglalakad palabas ng Campus. Nakayuko ako, nakakapagod sobra! Kaya ayaw ko sumali sa mga ganyan. "Excuse me?" Inangat ko ang ulo ko at tumingin sa nagsalita. "Bakit po?" magalang na sagot ko dun sa babaeng maganda at mukhang mayaman. "Do you know where is the President's office?" "Uhm---" "Tita Sigrid?" "Allysa" Lumapit yung allys dun sa babae at nag beso sila. "What bring's you here?" "I want to talk to the University President." Paalis na sana ako ng tawagin ako nung babae. Lumapit ito sakin. Hinimas ang buhok ko. "What's your name hija?" "Althea po" "Youre so Pretty" sabi nito at ngumiti bago umalis. Lumabas na siya ng Campus.   ~~~~~~~~~~ SIGRID's POV "I'll go ahead Tita" "Yeah okay, thank you Allys. You must take care" "Okay po," nakipagbeso muna ito sakin bago umalis. Kumatok muna ako sa pintoan ng President's office bago pumasok sa loob. "Oh? Mrs. Lemaitre, what can i do for you?" "May balita kasi ako about my long lost daughter, and dito siya nag aaral." "Could you help me find out who she is?"   •❄•❄•❄•❄•❄•❄•❄•❄•❄•❄•❄•❄•❄•❄•❄• PRIMOTIVO's POV I'm on my way to Cassandra's house, i think nagugustuhan ko na siya. Nakilala ko na rin ang Mama niya nung ihatid ko siya. Nakakalokong ngumiti ako ng makarating ako sa tapat ng bahay nila. "Tao po" Nakita kong papalabas ang Mama ni Thea. "Oh Ivo, ikaw pala?" "Magandang umaga po" Binuksan nito ang gate. "Pasok ka" "Si Thea po?" "Nautulog pa, bahala kana dito ha? May pagkain sa kusina kumain nalang kayo, Papasok na ako sa Trabaho,eh" "Sige po" Nang makaalis ang Mama niya. Pumunta ako sa kuwarto ni Thea. ~~~~~~~~~~~ ALTHEA's POV Na alimpungatan ako ng maramdaman kong parang may nakatitig sakin. Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko. "Goodmorning Thea?" nakangiting sabi ni Ivo Ngumiti rin ako "Good Morning Ivo" Sabi ko sabay pikit ng mga mata ulit.. Teka! NAKANGITI SI IVO?! Napamulat ulit ako ng Mata, nakatitig sakin si Ivo. Nabalikwas ako ng bangon. "AHHHHHHHHHHHH!!" patiling sigaw ko. "Hoy Thea? Okay ka lang?" tanong ni Ivo at lumapit sa harap ko. "Ahhhhhhhhhhh!!!!" tili ko ulit. "Ssh! Tumahimik ka, nakakahiya baka sabihin ng mga kapitbahay niyo nirerape kita" "Ahhhhh---!" "Hahalikan kita" Napatigil ako. "Ano ba kasing ginagawa mo dito?" "Dito ako makikitira, hanggang Bukas ng gabe" Napanganga ako sa sinabi niya. "Anung sabi mo?!?" "Dito ako makikitira, mamaya na ako magpapaalam sa Mama mo pag uwi niya" "Hindi pwede!" sigaw ko "Pwede!" "Hindi!" "Pwede!" "Hindi!" "Pwede!" "Hindi pwede sabi!" "Pwede sabi!" nagtinginan kami ng masama. "Mag aalmusal nako" sabi ni Ivo sabay takbo palabas ng kuwarto ko. "Hoy! Almusal ko yan!" sigaw ko sabay takbo din palabas. "Itigil mo yan!" sabi ko ng makita kong kakagatin niya ang pandesal. "Bakit?" kunot noong tanong niya Linapitan ko siya at hinablot ang Pandesal. "Akin to,eh!" Tumayo si Ivo at inagaw sakin ang pandesal. "Ako ang naunang kumuha" "Eh bili yan ng Mama ko,eh! Kaya AKIN YAN!" sabi ko at inagaw ulit ang pandesal. "Eh sabi ng Mama mo para sating dalawa ang almusal na'to, kaya AKINA YAN!" sabi ni Ivo at inagaw ulit ang Pandesal. "Eh bahay namin to,eh! Akin na yan" sabi ko at hinawakan ang pandesal. "Wala akong pakialam, kaya tong bilhin!" "Edi bumili kana rin ng pandesal, kung bahay nga makakabili ka pandesal pa kaya!" "Eh ito ang gusto ko,eh" "Eh akin yan sabi,eh" Napatingin kami sa may pintoan ng pumasok si abby. "Sino siya? At anong akin yan akin yan ang naririnig ko mula sa labas" "Siya si Ivo, at yung pandesal ko inaangkin niya" "Correction, para satin tong dalawa. Kaya akin rin to" "Akin!" "Akin Sabi!" "Sandali Sandali Sandali!" sigaw ni Abby saka kumapit sa amin. "Pandesal war ba to?!,ayan oh? Ang daming pandesal, tapos nag aagawan kayo sa isa? Grabe ha!" sabi ni abby at saka itinuro ang pandesal na nasa plato. Oo nga naman, bat diko napansing marami palang pandesal nakipag agawan pa ako. Umupo nalang ako at kumain. "Hi Ako pala si Abbygail, Bestfriend ni Sandy. Ikaw pala si Ivo" sabi ni Abby. "Yeah" "Nice meeting you" "Same here!" umupo na si Ivo sa tabi ko at nagsimulang mag almusal. Si Abby naman naupo sa kaharap kong upuan. Uminom ako ng kape na tinimpla pala ni Ivo kanina ngayon ko lang napansin malamig na siya. "Bagay kayong dalawa" sabi ni Abby habag nakatingin samin. Napaubo ako sa sinabi niya. Bumara ata ang kape sa lalamunan ko. Langya tong Bestfriend ko. "Sapakin kita diyan,eh" "Asus! Nagbablush kana nga eh!" mapanuksong sabi ni Abby Hindi ko nalang siya pinansin. Napatingin lang ako kay Ivo, napatingin rin siya Sakin. Mga ten seconds siguro kaming nagtitigan. "Haler! Kasama niyo kaya ako. May sarili kayong mundo ganun?" singit ni Abbygail. Tiningnan ko siya ng masama, pero nginitian lang ako ng bruha. Ng matapos kaming mag almusal tumayo na ako. "Hoy Ivo! Ikaw ang maghugas" "Huh? No way! Hindi ako marunong tsaka ikaw ang Babae, kaya ikaw ang maghugas" "Wow! Nahiya naman ako sayo, nakikikain ka lang." "Eh hindi ako marunong" "Wala akong pakialam! Problema mo na yun" Sabi ko at hinila si Abbygail palabas ng kusina. "Ang guwapo pala ni Ivo" kinikilig na sabi ni Abby ng maupo kami sa sala. "Oy! Bakit nga pala siya nandito?" "Ewan ko ba sa kanya, makikitira dw siya hanggang bukas ng Gabi" "So ibig sabihin sa Lunes, sabay kayong papasok ng School? Kyaaahh! Nakakakilig nemen!" "Tse! Tumigil ka nga" "Pero Sandy ? Wala ka man lang ba gusto sa kanya?" "Wa-ala n-oh" Hala ba't nagkanda utal-utal ako? Gusto ko na ba yung walang modong yun? "Sige kunware naniniwala ako." tong babaeng to ang sarap sampalin kung hindi ko lang talaga to kaibigan, ewan ko na lang, hay......... "Pero yung totoo gusto mo?"Ang kulit rin ng babaitang to eh "Oo na nga, crush-Crush lang naman." "Mahal mo na siya?" "Love is a big word, gusto ko pa lang siya." "Ayieeh! Pero atleast may feelings kana for him" PRIMOTIVO's POV Tapos na akong maghugas madali lang pala. Maghuhugas nga ako sa bahay Palabas na sana ako ng kusina ng marinig kong nag uusap sina Thea at Abby. Napangiti ako ng marinig kong gusto niya rin pala ako, so may gusto pala sakin ang babaeng yun? Ba't ako kinikilig? Nakakabakla naman to! Lumabas na ako ng kusina at nakipagsiksikan kina Thea at dun sa kaibigan niya. Sa mahabang upuan kasi sila nakaupo, so ganito ang posisyon namin. Ako-Thea -at yung Abby. "Hoy! Dun ka sa kabila" sabi ni Thea. Tinitigan ko lang siya. Bat ba kasi ang ganda ng babaeng to?! hindi ko naman siya nagustuhan dahil lang maganda siya, nagustuhan ko siya dahil sa pag  u-ugali niya, palaban pero mabait, bonus point nalang yung maganda siya  "Ang Ganda mo pala" Napanganga si Thea at yung kaibigan niya sa sinabi ko. Napatawa lang ako sa reaksiyon nila. "Alam ko ng Maganda ako, wag mo ng ipamukha" sabi ni Thea at inirapan ako. Hanep talaga ang babaeng to, lakas ng confidence.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD