IKA-APAT NA KABANATA

2696 Words
Maghapon kaming magkakulitan nina Ivo at Abby, magkakatulong kaming nagluto ng tanghalian, magkasabay na nananghalian, kami ni Abby ang naghugas tapos si Ivo ang naglinis ng mesa. "Thea, mauna na ako. Bye Ivo" sabi ni Abby ng mapadaan na kami sa bahay nila. Katatapos lang kasi naming magmeryenda ng streetfoods na sa una ayaw pa ni Ivo pero kakain rin pala. Madilim na rin yun. "Sige" sabay naming sabi ni Ivo pumasok na si Abby sa bahay nila. Lumakad narin kami ni Ivo pa uwi. "Hoy" sabi ni Ivo at kinalabit ako. "Bakit?" "Narinig ko kanina may gusto ka sakin" Napatigil ako at nanlaki ang mga mata. "Wag mo ng i deny, narinig ko yun" nakangiting sabi ni Ivo. Napatango nalang ako sa sobrang kahihiyan, bakit ko ba kasi nakalimutang nandun lang siya kanina. Napatigil ako ng pumunta sa harapan ko si Ivo , napansin kong nandito na kami sa harap ng bahay namin. "Tara na, pumasok na tayo" sabi ko Papasok na sana ako ng tawagin ako ni Ivo. Nilingon ko siya. Pumunta siya sa may harapan ko. "Gusto rin naman kita, i don't know kung kailan nagsimula. Basta gusto na kita kahit may pagkabaliw ka." Nakatitig lang ako sa kanya. "Wag mo akong titigan, Nakakailang" Napangiti ako sa sinabi niya.Ngumiti rin siya. Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming pumasok sa bahay. Naupo muna ako sa sofa dahil nakakapagod maglakad. Umupo si Ivo sa tabi ko at sumandal sa sandalan ng upuan at pumikit. Tinitigan ko siya, ang ganda ng pilikmata niya, ang tangos ng ilong, at pinkish ang lips niya. Sumandal ako sa sandalan ng upuan at tinitigan lang siya. "Ang guwapo ko no?" sabi niya at lumingon sakin. Nanlaki ang mga mata ko, ang lapit ng mukha niya sa mukha ko nakakaduling. Nakatingin lang kami sa isat isa, inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Teka? Hahalikan niya ba ako?. "Cass!" sigaw ni Mama mula sa labas. Pareho kaming nagulat ni Ivo. "s**t! Sayang" pabulong na sabi ni Ivo at umayos na ng upo. Bumukas na ang pinto at pumasok si Mama. "Hay nakakapagod. Oh? Kumain na ba kayo?" "Busog pa po kami Ma" Tumayo si Ivo at lumapit kay Mama. "Can i sleep here Tita? Hanggang bukas lang ng gabi? Liligawan ko na rin po anak niyo dahil gusto ko siya" dire diretsong sabi ni Ivo Na ikinagulat namin ni Mama. "Ok?" sabi ni Mama. "Salamat po" nakangiting sabi ni Ivo. Nagkatinginan kami ni Mama. Maagang natulog si Mama dahil pagod sa Trabaho. Kami naman ni Ivo nandito sa labas ng bahay, tumatambay. "Nasaan nga pala ang Papa mo?" "Wala akong Papa, hindi ko siya nakilala" "But why?" "Iniwan niya si Mama matapos niyang mabuntis." "Ow, im sorry" Tumingin sakin si Ivo at hinawakan ang pisngi ko. "B-Bakit mo hinahawakan ang p-pisngi k-ko?" "Bakit? Bawal ba?" "H-Hindi naman" Ngumiti si Ivo, bakit ba napapadalas ang pagngiti nito? Tumingin si Ivo sa langit. "Ganda ng Stars,oh" Tumingala rin ako para tumingin sa langit. "Oo nga" "Pero mas Maganda ka" narinig kong sabi ni Ivo. Napatingin ako sa kanya. Nakatitig siya sakin. Inilapit niya ang mukha niya sakin. Napapikit nalang ako, pero napamulat ako ng mata ng tumunog ang cellphone niya. Natigilan kami pareho hindi tumitigil sa pagtunog ang Cellphone niya, lalayo na sana ako ng pigilan ako ni Ivo at hinawakan ang batok ko nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman kong nakalapat ang labi niya sa labi ko. Hindi ako makagalaw, para akong naparalisa, nanghihina ako buti nalang nakaupo ako. Parang tumigil ang mundo. Wala pa ring tigil sa pagtunog ang Cellphone ni Ivo. "Hello Mommy?" narinig kung sabi ni Ivo hawak na nito ang Cellphone nito,doon lang ako natauhan. "Okay Mom, bye" sabi ni Ivo at tumingin sakin. "Can't get over?" "Bat ba kasi nangbibigla ka" "Edi ulitin natin para hindi ka mabigla" sabi nito at pilyong ngumiti, nagblush ako sa sinabi niya. Tumawa si Ivo. "Just kidding, tara matulog na tayo" sabi nito at tumayo. Tumayo narin ako nauna akong pumasok sa loob ng bahay at nakasunod lang si Ivo, siya narin ang nagsara ng pintuan. "Tabi nalang kaya tayong matulog?" "Ang kapal mo, ayoko nga!" "Bakit? Matutulog lang naman tayo, ah? Wala naman tayong gagawin. Unless may gusto kang gawin" sabi ni Ivo at mapanuksong ngumiti. "Tse! Ewan ko sayo" namumula ang pisngi na sabi ko saka naglakad patungo sa kuwarto ni Mama, narinig kong tumawa si Ivo. Pumasok na ako sa kuwarto at nahiga sa tabi ni Mama.. Si Ivo kasi ang matutulog dun sa kuwarto ko. IVO's POV I was smiling when I enter Thea's room, ngayon lang ako ulit sumaya ng ganito simula ng Mamatay si Stacey! Humiga na ako sa kama and i close my eyes with a smile on my face. ~K~I~N~A~B~U~K~A~S~A~N~ Maaga kaming nagising ni Mama, Linggo kasi ngayon at magsisimba kami. Naghahanda na kami ng almusal. "Cass, gisingin mo na si Ivo para makakain na tayo" "Ayoko po!" "Gigisingin mo o ihahampas ko sayo tong plato?!" "Eto na nga po, gigisingin ko na!" Padabog na naglakad ako papunta sa kuwarto ko. "Sarap na sarap sa pagtulog, ah" sabi ko ng maabutan kong tulog pa si Ivo. Lumapit ako at tinapik ang pisngi niya. "Ivo gising na" Umungol lang ito at nagtalukbong ng kumot. "Hoyyy! Gising na!" sabi ko at niyugyog si Ivo.Pero hindi ito natitinag. Tinanggal ko ang kumot na nakatalukbong sa kanya. At nilakasan ko ang pagyugyog sa kanya. Inis na umupo ako sa gilid ng kama. "Ang hirap pala nitong gisingin" Tatayo na sana ako ng hawakan ni Ivo ang kamay ko at hinila ako papunta sa kanya. Niyakap niya ako, nagpumiglas ako pero mas hinigpitan niya pa lalo ang pagyakap sakin. "Hindi ako makahinga" sabi ko sa kanya. Medyo niluwagan niya ang pagyakap sakin. Nagtangka akong umalis. Pero pinigilan niya ako. "Please stay" Napatingin ako sa kanya, nakapikit parin si Ivo. Hindi na ako gumalaw, mga dalawang minuto kaming nasa ganung posisyon. "Anong ginagawa niyo?" Gulat na napabalikwas kami ng bangon ni Ivo ng marinig namin ang boses ni Mama. "W-wala po M-ma" Tiningnan ko si Ivo, parang wala itong pakialam kahit nandiyan si Mama. "Kailangan ko na po bang pakasalan ang anak niyo?" nakangiti at walang pag aalinlangang tanong ni Ivo kay Mama. Tumawa lang si Mama. "Kalokohan mo talaga Ivo, halina kayo sa baba. Kakain na tayo baka mahuli tayo sa misa" sabi ni Mama at umalis. Nagkatinginan lang kami ni Ivo tsaka sumunod kay Mama. PRIMOTIVO's POV Katatapos lang namin magsimba, nandito kami sa labas ng simbahan namili pa yung Mama ni Cass, hindi na kami sumama. May nakita akong lalakeng palabas ng simbahan kumunot ang noo ko ng makita kong Napatingin siya kay Thea, kanina niya pa ninanakawan ng tingin si Thea. Tusukin ko mata niya,eh! Dumikit ako kay Cassandra at inakbayan siya. "Chansing na yan ha?" sabi ni Thea sakin. Nginitian ko lang siya at kinurot ang ilong niya, saka ko tiningnan yung lalake nakasimangot ito habang nakatingin samin. Nag smirk ako sa kanya. Langya! May Crush siguro yun kay Cass. "Mamasyal muna tayo? Itetext ko nalang si Mama na mauna nalang siya" Umabot hanggang tenga ang ngiti ko at masayang hinawakan ang kamay ni Cass. "I like that idea, let's go!" Excited na sabi ko at hinila siya papunta sa kotse. CASSANDRA's(THEA)  POV Hulaan niyo kung nasaan kami? WAAHHHHHHH! Nandito kami sa EK. OO tama ang nabasa niyo! ENCHANTED KINGDOM ! Hanggang ngayon nakahawak parin sa kamay ko si Ivo. "Yung kamay ko?" "Bakit?" "Bitawan mo" "No Way! Ang daming lalakeng nagsisitinginan sa'yo, oh!" Napatingin ako sa paligid marami nga! Ang ganda ko talaga. "Wag ka aalis" "Baliw kaba Ivo? Pano ako makakaalis, eh ang higpit higpit ng hawak mo sa kamay ko" Sumakay kami sa ilang rides, at nung matapos kami sumakay naghanap kami ng pwedeng makakain. Nakakita ako ng mabibilhan ng Burger hinila ko si Ivo papunta dun. "Good  Morning Ma'am" nakangiting sabi nung lalakeng tindero. Lumabas ang mga bilog at malalalim nitong dimple. Richard Gutierrez ikaw ba yan? Tisoy rin kasi ang isang to,eh. "Dalawang Burger at softdrink," singit ni Ivo na nakasimangot. Naghintay lang kami sandali dahil nagprito pa ng patty. Napansin kung ang sama ng tingin ni Ivo dun sa lalake na panay ang ngiti sakin. "Bilisan mo nga!" sabi ni Ivo, sumimangot yung lalake. Siniko ko siya "Tumigil ka nga" Tumingin sakin si Ivo at pasimpleng umakbay sakin. Kumunot ang noo nung lalake. "Boyfriend mo ba siya?" tanong nung lalake sakin. "Ah hindi" sagot ko "Hindi, dahil asawa niya ako. Kaya wag ka ng pumorma dahil wala kang Pag asa at baka masapak lang kita" sabi ni Ivo. Napanganga ako sa sinabi niya. Mas lalong sumimangot ang lalake. "Itikom mo bibig mo, baka pasukan ng langaw" nakangiting sabi ni Ivo. Itinikom ko ang bibig ko at inirapan siya. "Eto na Ganda" sabi nung lalake at ibinigay sakin ang burger at sofdrinks. Nakangiti ito. Nginitian ko rin siya. "Salamat" IVO's POV Kumakain na kami ni Thea, epal yung tinderong lalake kanina. "Bakit ganun ang pakikitungo mo dun sa lalake kanina?" tanong ni Thea. "Pacute ng pacute sayo,eh Halatang gusto ka" "Grabe naman to" "Kumain ka na nga lang, para makauwi na tayo. Naiirita na ako sa mga tingin ng mga lalake sayo" "Thea?!" Sabay kaming napatingin ni Thea dun sa nagsalita. May umeepal na naman. "Gab?!" gulat na sabi ni Thea. "Hi" nakangiting sabi ni Gab kay Thea. "Anong ginagawa mo dito?" "Namasyal lang kami ni Ivo" sabi ni Thea, napatingin sakin si Gab. "Are you two dating?" tanong ni Gab. "Obvious ba?" inis na tanong ko sa kanya. Tumingin ito kay Thea. "Nililigawan kaba niya?" "Oo at bakit? May angal ka?" sabi ko sa kanya. Tahimik lang si Thea. Tumayo na ako at hinawakan ang kamay ni Cass. "Let's go Cass, umuwi na tayo sa Bahay niyo" "Alam mo ang bahay ni Thea?" gulat na tanong ni Gab. "It's none of your business" sabi ko at hinila si Cass. "Bye Gab" sabi ni Cass.                   ❄•k•i•n•a•b•u•k•a•s•a•n•❄ Lunes na, ito na kami ni Ivo on the way papuntang Gregory. Wala akong pasok may practice kasi kami para sa Pageant. Si Ivo naman, may klase daw siya ngayong umaga. Nagpark lang siya at saka lumabas sa kotse. "What the hell! Bakit ka lumabas?" tanong ni Ivo ng makita ako sa labas ng kotse. "Huh? Eh bakit ba?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "Ako dapat magbubukas ng pinto" padabog na sabi ni Ivo. May pagka childish talaga siya. Hindi ko nalang siya pinansin, tumingin ako sa paligid madaming estudyante ang nakitingin samin ni Ivo yung iba nagbubulungan. Napatingin ako kay Ivo ng hinawakan niya ang kamay ko at mahina akong hinila. Naglalakad na kami sa hallway ng may humarang na babae. Naka cross arms pa. "Who is she Ivo?" maarteng tanong nito at itinuro ako. "Wala kang pakialam at umalis ka sa harapan ko kung ayaw mong sipain kita palabas ng Campus.  " Tumabi ang babae. Hinila na ako ni Ivo paalis, nilingon ko ang babae at nag bleh ako sa kanya. Natawa ako sa itsura niya. Asar na asar,eh. Hinatid ako ni Ivo sa gym tapos umalis narin siya. Umupo ako sa bleacher at hinintay na magsimula ang Practice. Nung dumating na ang lahat ng Candidates nagsimula na kaming mag practice. Lakad here! Rampa there! "Okay 10 minutes break" sabi nung bakla. Bumalik ako sa bleacher at kinuha ang panyo ko para pamunas ng pawis. "Aray!" sigaw ko ng tamaan ako ng bola sa ulo. Lumingon ako sa pinanggalingan ng bola. "Oppss! Sorry, my fault" sabi nung babae na humarang samin kanina ni Ivo. Bakit kumakalat ang kontrabida? Buti sana kung kagandahan, eh hindi naman. Nilapitan ko siya. "Ano bang problema mo?" "You! Why are you with Ivo?" sabi nito at nameywang pa. "Eh ano naman sayo?!" "Im inlove with Ivo eversince were in High School, tapos dadating  ka? Flirt!" "Excuse me? Yang FLIRT na word, sa sarili mo dapat sinasabi yan!" "How dare you! Stay away from Ivo! HE's MINE!" sigaw nito, madami ng estudyante ang nakapaligid at nanonood samin. "Duh Pathetic! Hindi naman kayo. Desperada much?!" "Again STAY.AWAY.FROM.IVO!" galit na sabi nito. "Kalma lang pwede?! Namumula kana,oh! Umuusok na ang ilong mo, lumalabas na ang sungay mo." pang aasar ko sa kanya atsaka siya tinalikuran. "Where are you going?!" sigaw nito. Hindi ko siya pinansin kinuha ko lang ang bag ko. Aalis ako sa Gym para di lumaki ang g**o, paalis na ako ng may humila sa buhok ko. "Youre a flirt! I hate you!" "Aray,tama na! ano ba!" ang sakit ng ulo ko. "Ano masakit, yan ang bagay sayo" sabi nito na panay parin ang sabunot sa buhok ko. "Sabing tama na,eh!" sabi ko at hinawakan rin ang buhok niya. Nagsabunutan na kaming dalawa, bahala na. Dapat lumaban ako. PRIMOTIVO's POV Ng matapos ang klase ko pumunta ako sa Tambayan namin ng barkada dun sa third floor ng faculty building. "Hey Bud, what's up?" sabi ni Lance Umupo ako. "Ayos! Mukhang masaya ka,ah?" sabi naman ni Zach. "Nililigawan ko na si Thea" "Woah!" sabay na sigaw ni Lance at Zach. "Nakalimutan mo na si Stacey?" tanong ni Zach. "Mahal ko parin siya and she still have this  special place in my heart" "So si Thea na talaga ang mahal mo?" "Yeah, hindi ko alam kung pano nangyari basta i love her" Nagngitian lang kaming tatlo, Althea is my life now! "Punta tayo sa Gym? Manood tayo ng practice?" aya ni Lance. Oo nga pala, may practice sina Thea ngayon. "Sige, tara" sabi ko at tumayo. Sumunod sakin yung dalawa. Malapit na kami sa Gym ng may narinig kaming maingay sa loob at parang nagkakagulo. "Ano kayang nangyayari?" sabi ni Zach. Nagmamadali kaming pumunta sa Gym. Nauna akong pumasok habang nakasunod sakin sina Lance at Zach. Lumapit kami dun sa nagkukumpulan. Pinasingit nila kami kaya nakita namin yung nangyayari may nagsasabunutan. Pero teka... "Thea?!" sigaw ko at dali daling lumapit sa kanila. Pinaghiwalay ko sila. "Bitiwan niyo ako!" pagwawala ni nikki hawak siya nina Lance at Zach. "Enough! Shut the f**k up nikki! Youre still a warfreak!" sigaw ko,napatingin ako kay Cass g**o g**o ang buhok niya inayos ko ang buhok niya at hinawakan ang pisngi niya. "Are you okay?" Nag aalalang tanong ko sa kanya. "Malamang hindi, ikaw kaya sabunutan ko!" pambabara ni Thea. Napakunot ng noo ko ng may mapansin akong maliit na sugat sa bandang kaliwa ng pisngi niya. "f**k!" tiningnan ko ng masama si nikki. "How dare you!" "Bagay lang yan sa kanya! She's a flirt inaagaw ka niya sakin" "I am not your property nikki, walang tayo! Youre just to assuming! Will you stop dreaming?!" Sabi ko at inakay si Thea paalis ng Gym. "IVO! Ano ba! Let me go! Bitiwan niyo ako" sigaw ni nikki na panay ang pag pupumiglas. "Edi bitiwan!" sabi ni Zach at Lance saka binitiwan si nikki, nadapa ito dahil sa pagpupumiglas at sa biglaang binitiwan nung dalawa. "Ugh!" sigaw ni nikki. Hindi ko na siya pinansin, Pakialam ko sa kanya! Sinaktan niya si Thea, ang kapal ng mukha niya. ALTHEA's POV Nandito kami sa Tambayan nina Ivo. "Bakit kaba nakikipag away?" "Eh siya ang nauna, umiiwas na ako pero away talaga ang gusto niya." "Hindi mo na sana pinatulan." "Eh sa hindi ko mapigilan, at ayoko mag paapi noh! Hindi ako papayag! Lalaban ako kung kinakailangan" Bumuntong-hininga si Ivo. "Buti nalang dumating ako, kung hindi baka napano kana" "Correction, buti nalang dumating ka kung hindi baka napatay ko siya" Napanganga si Ivo sa sinabi ko. "Heto na ang pagkain" sabi ni Lance na kapapasok lang kasunod nito si Zach at Daphne. "Hoy Thea namiss kita" sabi ni Daphne at yumakap sakin. "Sorry, practice kasi namin" "Its okay i understand" Nagsimula na kaming kumain. Kakagat na sana ako sa sandwich ng hinawakan ni Ivo ang kamay ko na may hawak nung sandwich at itinapat sa bibig niya sabay kagat. "Akin yan---" "Ano may angal? Halikan kita diyan eh" Namula ako sa sinabi niya. "Ayieeeehhhhhhhh!" sabay sabay na sabi nung tatlo.. Nung matapos kumain, nagpahinga lang kami sandali. Saka kami umalis para bumalik sa Gym, hindi pa kasi tapos ang practice ko. Sumama sina Ivo, Zach, Lance at Daphne sakin. Manunuod daw sila at magbabantay na rin! Kung makapagreact sila akala mo may gustong pumatay sakin. Umupo muna kami sa bleachers hindi pa naman kasi nagsisimula ang practice. ZACH's POV Hello Readers, this is me Zacharias . They used to call me Zach, but someone calls me Anton before. I'm Ivo's Friend. Im now staring at her, Badminton practice rin niya dito sa Gym. God know's I miss her so much. Nasayang ang relasyon namin dahil sa Paninisi at galit niya. Napatingin siya sa direksiyon ko, nagtama ang mga mata namin. I saw sadness in her eyes. Iniwas rin nito ang mata pagkatapos ng ilang segundo. I want her back! I want my Allys back! Yung dating siya na Masayahin, Mapagmahal, Maalaga, Malambing, Matulungin at Mabait. Pero pano siya makakabalik sa dati, kung hindi niya parin makalimutan yung about sa nangyari kay Stacey? Masakit mang tanggapin pero, galit na galit siya sakin dahil pumanig ako kay Ivo. She hates me so much! Parang hindi niya kakilala kung ituring. Wala na ang dating siya. Ibang iba na siya. Pero umaasa parin ako na babalik siya sa dati tulad ni Ivo.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD