Balot ng pag aalala ang puso niya, habang nasa biyahe ay panay ang iyak niya. Nag iwan siya ng sulat kay Gab pinabigay niya kay Alfy. Alam naman niyang hahanapin siya nito lalo na ngayong alam na nito ang tungkol sa anak niya. Nag iwan din siya ng sulat para kay Kiel, pero nagpasalamat lang sa friendship na inaalok nito. Masakit parin para sa kanya na balak na nitong mag settle down pero hindi sa kanya. Mas maigi na din siguro na malayo silang mag ina, parang nasaktan lang siya na tila ang bilis lang nitong nakahanap ng iba. Sabagay almost five years na simula ng maghiwalay sila. Kaya di niya din naman ito masisisi, nakatakda nga siguro siyang maging single mother. May solo parent ID na naman siya, malaking bagay iyon sa pagpapagamot ng anak niya. Lalo na sa mga pampublikong hospital ma

