Kiel Pov Nanlumo siya nang di na nila naabutan pa si Abby pagkagaling nila sa kaibigan ni Jhai. Pinagbabatukan siya ng mga kaibigan niya ng malaman ang kagagohan niya kagabi. Di naman friendship ang nais niya dito, ayaw niya lang na gulatin ito lalo at kakakita palang nila after how many years. Sa mga kaibigan niya ay dalawa ang di man lang nag komento sa mga nangyayari. Which is kataka taka, Reeve and Gab stay silent kahit na halos mapikon na siya sa pang aasar ng iba. Kinabukasan ay nauna na si Reeve na magbalik ng Maynila. Naging kakaiba ang kilos ng mga kaibigan niya, maging ang mga kapatid niya. Nagmadali silang tapusin ang misyon, di nga nangalahati. Nagpadala nalang sila ng mga tao na siyang magtutuloy ng kanilang trabaho. Ipapahanap niya ang babae sa kahit na saang lupalop man

