Ngumiti ako ng may humalik sa noo ko.
"Good Morning Sweetheart."
Bulong ni Daddy at naramdaman kung hinaplos niya ang mukha ko.
"Wake up, pretty little head. Your mommy and sister is here. And happy Valentines Day."
Bumangon na ako at may dala siyang bulaklak para sa akin.
"You grow so beautifully at dalagang-dalaga kana pwede kanang magpakasal."
Tukso niya sa akin sabay bigay sa bulaklak at inabot ko naman ito.
Sobrang tagal na naming hindi nakgkita pero ganoon pa rin si Daddy. Nakaitim siya at may shade sa ulo niya. Kaya din nagtanggal si Daddy at hindi nmababae dahil sobrang ganda din ni Mommy at sexy din, kaya mahirap na palitan si Mommy ng kahit sino lang.
The problem was they weren't ready to be a parents, kung ready sana edi nandito na sila nakasubaybay sa amin ni Gabiana simula bata pero never namin na experienced iyon.
"Take a bath and change, may bisita tayo. He's my kasosyo sa bagong business ko."
Nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa narinig. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa pamilya ko pag-may gagawin silang hindi ko magugustuhan.
Did dad brought our family here para sa kasosyo niya sa bussines?
Nawalan na akong gana habang pumasok sa shower room. Matamlay akong naglaakd papunta sa dining area kung saan nandoon ang isang lalaking hindi ko pamyar baka ito na ang kasosyo ni Daddy.
Humalik na ako kay Mommy, umirap si Gabiana sa akin kaya umirap din ako at umupo na. Nakita ko pa kung paano tumignin ang lalaki sa akin. Hindi ko na iyon pinansin at tinignan lang si Gabiana. Sabi nila kamukhang-kamukha ko daw si Gabiana dati, she's the studios type while ako naman ay parang rebelde.
Hindi talaga kami close ni Gabiana pero para sa akin sobrang close at mahal ko siya. She's the eldest and my one and only sister. Mas marami pa kamong interaksyon ni Valentina kaysa sarili kung kapatid. She's cold and strict kaya hindi mo siya malambing. She act like mom and dad, cold and silent. While me, my personality og being so silly and madaldal, I get it from my lolo. The one who built the hotel for us.
Their love story is a Great love story, too. Lola was the most strict of all, she doesn't like poor, siya yung ss tingin pa lang alam mung hindi kaaya-aya ang ugali but my lolo, as the carefree young man fell inlove with my lola. Lola chose lolo and lived together until the end.
In my mom sake, they were the product of a fixed marriage, it turns out well dahil even after now nandito pa din sila. Our family is still intact together but inside? Wala, there's no deep of love found. It's like they were married to protect their business andn organization.
I experienced it all, being left alone, abandoned, neglected kaya ayaw kung maranasan ang anak ko sa ganitong sitwasyon. I rather marry someone I love, kahit maghihiwalay kami okay lang because I chose him out for love, hindi yung buo nga pero hindi mo naman ramdam.
"Ija, this is Rudulfo. He will stay here for the meantime."
Tumango lang ako sa lalaking nakatingin sa akin. Ngumiti lang si Mommy at si Gabiana ay walang paki sa paligid.
"Dapat palagi kayong magkasama para naman makilala niyo pa ang isa't-isa."
Makabuluhang sabi ni Daddy and I know kung saan to patungo.
"Dad, I thought were not here for that."
Sabat ni Gabiana. Kung hindi mo siya kilala akalain mung galit na siya sa tinig niya, pero ito na ang normal niyang expression at boses.
"Sayang naman kung hindi natin aatakihin ang oportunidad, ija. You don't have to worry Ruth since Rudulfo knows how to speak tagalog. In no time I can see the future of you and him together. Our business would be stronger and stronger until we became a legend and para sa mga anak niyo Gabi and Ruth, sila ang magmamana nito. "
I put my spoon down.. Kahit magsisimula na akong kumain ay parang ayoko na yata magstay pa ito. If he thinks that my children would follow his footsteps at sila ang magmamana then lalayo ako at hindi na magpapakita sila at tuluyan nang kalimutan. It's not even happy to have those richness.
"Dad, let's not talk about this over our breakfast."
Gabiana said but my father only give her a compassionate smile.
"No it's okay Gabi. Is it okay Ruth? You're not going younger any minute, you are already 21 then it's okay to get married sooner . I married your mom when I was 19."
I stared with nothing. Tumingin ako sa kanya at nasa isip ko minsan ba alam niya ang pinagsasabi niya? Kahit sa birthday ko hindi man lang niya alam. I am not damned 21, I am already 26. I haven't received any valuable gifts from them, ang naibigay lang nila ay ang isilang ako sa mundong ito.
"Yes, darling.. Dad and I would be delighted to see you wear a wedding dress. Gabi won't marry but let's see if I can search it to our investor."
Ano ba kami? We are their damn children! Dapat alamim muna nila if may balak ba kaming magpakasal, sasangg-ayon ba kami sa kanila!
Nagtutubig ang mata ko pero pinigilan ko lang na huwag umiiyak.
This what Rameses said if I will be okay. Siya lang talaga ang may pakialam sa nararamdaman ko.
Dumapo ang mata ko kay Gabiana. Matalim lang niya akong tinignan, naiiyak ako dahil hindi ko man lang mabasa siya. Dapat sa panahon na ganito, kami dapat ang magtutulungan, but she distanced herself and it hurts me. Wala siyang masasandalan at wala akong masasandalan.
Nandito naman ako kaya dapat kausapin mo ako. Pero di ko. alam kung bakit ang layo ng distansya niya sa akin.
"Yes, sweetheart. You need to ready, nandito naman si Rudulfo, you can take your time to know each other. Love needs time to develop, yun din naman ang ang resulta sa amin ng Daddy mo, effective naman."
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Mommy.
"Mom, we're not some papers to investigate, to experiment, at hindi kami isang research na sasabihin mong effective ba o hindi. Your marriage may be successful because of your business but never in our family. It's invalid , error, unacceptable, reject."
Galit at nagtitimpi kung sambit sa kanila.
"I am so busy at work. Ayoko ding magpakasal sa hindi ko kilala."
I added back.
"That's why nandito si Rudulfu, ija para makilala mo at magpakasal kayo kahit after one month."
"Mom, naririnig mo ba ang sinasabi mo?! How come you push me to someone else's I don't love and i dont even know? It's too hard to trust and to love someone and that's why I won't try it to others."
"That's why nandito siya, he will take care of you and treat you well."
"Pero Dad, akala ko ba we are here to celebrate at para mabuo ang pamilya narin. Trabaho pa din ba ang inaatupag niyo?"
"Hindi to trabaho, we're planning for your future."
Tumayo na ako. Si Rudulfo ay naaktingin lang sa amin na para bang wala siyang pakiramdam. Hindi ko alam kung bakit laaht ng lalaki na nasa bahay na ito ay walang pakiramdam. Si Gabiana lang ay patuloy na kumakain at si Mommy ay maimtim na nagmamasid.
" You said it already for my future. Then, I have to decide on my own. It's my decision, not yours!"
Sigaw ko at napapagod na.
"Then, what happened way back then? Diba decision mo din yung sinusunod mo pero saan ka dinala ng decision mo na yan? Diba nakulong si Rameses dahil sayo? Diba, siya nakulong at nag-aaral sa kulungan habang ikaw ay namuhay ng marangya. Just listen to us, anak. We're doing it for your future at para hindi kana magkamali. "
Sabi ni Mommy. She talked tha past as if I am not also hurting hindi ako makakatulog ng maayos dahil sa lintek na kahapon na yan ans they talk to it like na para bang wala na iyon.
Tumingin kami kay Gabiana ng may na hulog siya. At pinulot niya ito at nang tumayo ay nakita ko ang duguan niyang kamay, at ang hawak niya ang kutsilyo na panghiwa ng stake.
"Ruth, you'll accompany Rudulfu. He's kind and I can assure-
Hindi ko na sila nilingon pa at dali-dali akong pumunta kay Gabbiana at hinawakan ang kamay niya. Nanginginig ang kamay ko at siya naman ay wala namang pakialam sa kamay niya.
Hindi man lang nag-alala si Mommy at Daddy na si Gabiana ay may dugo sa kamay. Si Gabiana naman ay nakatayo lang at parang walang pakiramdam.
Dali-dali ko siyang dinala sa sink. I clean the wound with water. At suminghap ako ng sobrang laki ng hiwa. Mas ako pa yong nasaktan kaysa siya itong may sugat.
"Date Aldos then I will tell mom to kick Rudulfo to our house ."
Huminto ako sa sinabi niya. Bumuntong-hininga ako at dahan-dahang binitawan ang kamay niya.
"Hindi niyo ba ako naiintindihan kahit minsan lang sa buhay niyo? Kahit sa isang deissyon man lang tanungin niyo man lang ako kung magiging masaya ba ako nito o mamamatay ako sa sakit. E-ever since noong b-bata a-ako hindi ko man lang alam kung saan tatakbo. S-saaan maghahanap ng pagmamahal, kung mahahanap ba ito. Sumisikip ang dibdib ko. Nalulunod ako sa lungkot. Wala na ba talaga akong boses. Gusto kung nandito kayong lahat. Pero hindi niyo naman ako niyakap pero bakit nasasakal na ako. A-ate, lalayas na lang kaya tayo? "
Humikbi ako sa harapan niya. Ang dating tubig ang naglilinis sa sugat ni Gabiana ngayon ay luha ko na.. Ang mga luha ko na hindi humihinto ay nasasalo ng sugat ni Gabiana.
Nakatayo lang siya. Humikbi ako dahil hindi ko na talaga alam.
Nang tinawag ko siyang ate, bumuhos ang luha ko para bang yes indeed I grew up but inside? I am still a child, nakatayo sa labas at naghihintay kung kailan may kukuha sa akin.
"Date Aldos and dropped Rudulfo."
Yun lang ang sinabi niya at iniwan na akong mag-isa. Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa maubos na ang luha ko.
Nakita ko sa garden si Daddy at si Rudulfo. Si Mommy wala dito at si Gabiana ay baka nasa kwarto niya. Huminto ako sa paglakad ng nakit ako si Mommy na pababa sa hagdan. she smiled gently and walk gracefully.
"Ija, you promised to us that you always obey me and you dad. Napagdaanan na namin lahat kaya mas alam namin ang makakabuti sa inyo, kaya huwag mo sanang mamasamain ang mga desisyon namin."
She hoped and expect me to smile. I looked at her with nothing at iniwan na siya doon at hindi na nakinig sa mga bulalas nila.
Was there a time na they really decided para sa kapakanan namin or para lang sa kapakanan ng kompanya nila o sa negosyo nila. They can't relate, others can take the bullet to protect ther children but my parents take us and we became their gear.
Huminto ako at tumingin sa kaliwang room kung saan nandito ang room ni Gabiana. Kahit ni minsan hindi ko siya pinuntahan sa kwarto niya pero ngayon ay tinahak ko ang room niya. Nagulat pa ako ng bukas ang pintuan niya.
Nandoon siya nakatayo, bukas ang kisame at nakatingin sa malayo kung saan makikita ang isang magandang bukirin. Hindi siya lumingon sa akin pero ramdam kung naramdaman niyang nandito ako pero hindi naman siya tumingin sa akin.
Way back rarely talk ot each other. Magsasalita lang siya kung papagalitan o may ginawa akong masama. Hindi siya tumingin sa akin. I dived myself to her bed. Niyakap ko ang unan niya at doon humikbi.
Nagtatangis ako sa sakit, sa galit, sa lungkot, at sa pag-iisa. I open my mouth to breathe dahil mismo sa ilong ko ay hindi na ako makahinga. Ilang oras na din akong umiiyak. Naramamdaman ko na lang ang tabon ni Gabiana sa akin ng kumot at hinalikan sa noo, o baka guni-guni ko lang yon.