Chapter 4

2157 Words
Umupo naman ako sa isang swivel chair kagaya ng sinabi niya. Iyong kaibigan niya ay nakaupo rin sa kabilang banda ng mesa, sa harap niya ay kaming dalawa ni Havoc. “Alright, here’s the thing, I need you to be my fake wife fir six months. Ipapalabas natin na matagal na tayong may relasyon pero isinikreto natin dahil nag-aaral ka pa at istrikto ang mga magulang mo,” umiling ako sa sinabi niya. “Hindi p’wede! Bukod sa hindi na ako nag-aaral ay wala na akong magulang, si Tita na lang ang kasama ko sa buhay,” mariin siyang pumikit sa sinabi ko. “Argh, fine! Edi… nagtatrabaho ka sa abroad?” patanong na suhestiyon niya kaya napangiwi ako. “Wish ko lang,” sagot ko. “Alam mo, siya rin namang idadamay mo na ako sa kalokohang ito, mas maganda kung makatotohanan na. Ipalabas na lang ang totoo na nagtatrabaho ako bilang isang waitress sa bar, tapos nakilala mo ako at niligawan, edi mas madali sa part ko kasi itong pagiging mag-asawa na lang natin ang kasinungalingang ipapalabas, hindi ba?” Lumingon si Havoc sa kaibigan niya, tumango tango naman ito sa sinabi ko. “She has a point, brother. This set up is a lie, and it’ll be hard for the both of you to meet halfway especially if they asked you things you haven’t discussed just yet,” sagot naman nung kaibigan niya. “Tingin mo ba papayag si Lola na makipagrelasyon ako sa… isang sobrang hirap? Kilala niya ako, Primo. Kilala niya ang mga type kong babae, hinding hindi siya maniniwala,” sagot naman ni Havoc sa kaibigan niya na Primo pala ang pangalan. “Wow, sir, ah? Mahirap lang po ako, pero hindi rin kita type para sabihin ko sa ‘yo,” marahang natawa si Primo sa sinabi ko, marahas naman akong binalingan ni Havoc kaya napangiwi ako at bahagyang kinabahan. “Kung hindi mo pala ako type bakit pumayag kang may mangyari sa atin? Ni hindi ko nga iyon matandaan pero ikaw alam na alam mo. I was drunk and it’s pretty obvious that you took advantage of me, kung totoo man ang sinasabi mo,” mahabang pahayag naman niya. “Oy sir, mawalang galang na pero hindi ko rin ginusto iyon, lasing lang din ako,” pagsisinungaling ko. “Kung hindi lang dahil sa tama ng alak noong gabing iyon hindi rin kita hahalikan, tignan mo nga ang mukha mo,” itinuro ko ang mukha niya, “ang daming buhok, ew. Kadiri.” Mariin siyang pumikit at mas lalong sumimangot dahil doon. Si Primo naman ay halos hindi na matigil sa pagtawa. “Alright, back to business,” saad ni Primo na natatawa pa rin. “That’s exactly my point, brother. Hindi magdadalawang isip ang Lola mo na maniwala agad lalo na at ang nabuntis mo pa ay ang isang babae na hindi mo naman type at galing sa hirap,” saad ulit ni Primo. Saglit na nag-isip si Havoc bago tumango sa sinabi ng kaibigan niya. “Alright, what else?” tanong ni Havoc sa kaibigan niya. “Kakausapin ko ang kaibigan kong judge para maikasal kayong agad na dalawa bukas,” malakas akong naubo sa sinabi ni Primo. “Po? Attorney, ayoko po. Ang hirap kaya maghiwalay rito sa Pilipinas, pangarap ko pa rin namang magkaroon ng sariling pamilya at maikasal sa lalaking mahal ako, ‘no,” saad ko at umiling pa. “Isang milyon, Jara. Isang milyon,” mariing saad ni Havoc kaya naibagsak ko ang mga balikat ko. Oo nga, isang milyon… saan ko hahanapin ang perang iyon sa loob lang ng anim na buwan? Eh kahit naman magtrabaho ako maghapon at magdamag sa bar, at kahit pa humanap ako ng ibang pagkakakitaan ay hindi ko iyon kikitain sa loob lang ng anim na buwan. “Ano ba kasing kalokohan ito at kailangan mong magbayad ng gano’n kalaki?” kuryosong tanong ko. “Hindi ito kalokohan para sa akin,” madiing saad niya. “And don’t ask me questions, it’s none of your business,” napanguso ako sa sinabi niya at natahimik na lang. Tama naman siya. Hindi ko alam kung para saan ito pero ito na ang chance namin ni Tita na makaalis sa bar kaya papatusin ko na. “You don’t have to worry, Jara, this is just for a show, although the wedding is going to be real. Kailangan ay tumira ka kasama si Havoc, and while doing so, I’ll help you guys find enough proof to have a ground for annulment, dahil kagaya ng sinabi mo, mahirap at matagal ang legal na paghihiwalay ng mag-asawa rito sa Pilipinas,” “Kailangan pa po ba talagang tumira sa iisang bahay kasama siya?” kunot noong tanong ko. “Common sense is not common nowadays, eh?” sarkastikong saad niya. “Natural, paano sila maniniwala na mag-asawa nga tayo kung hindi tayo titira sa iisang bubong?” napangiwi ako sa sinabi niya. Hanep. Ibang klase rin naman talaga ang lalaking ito. Ang sama ng ugali. Itong ugali ba ang kailangan kong tiisin sa loob ng anim na buwan? Sa tingin ko ay kailangan kong kayanin para sa isang milyon. “Right after the wedding tomorrow, I want you to get some of your things, sa condo ka ni Havoc titira. Umarte kayong dalawa na sweet lalo na kapag nandiyan ang Lola niya, and you also need to stop working on that bar,” saad ni Primo kaya umiling ako agad. “Hindi po ako pwedeng umalis sa bar, sir. Hindi papayag si Mamita,” kumunot ang noo nila sa sinabi ko. “Sino si Mamita?” tanong ni Primo. “Iyong may ari po ng bar, sir. Malaki po kasi ang utang namin sa kanya ni Tita kaya hindi iyon papayag na umalis kami sa bar, ang gusto niya ay mabayaran muna namin ang utang namin kung babalalin naming umalis,” sagot ko naman. Tumango tango sila sa sinabi ko at saglit na natahimik na parang nag-iisip. “Magkano ba ang utang niyo sa kanya?” tanong ni Primo. “Nasa kalahating milyo po,” halatang nagulat silang pareho sa sinabi ko. “Jesus, where will you put that kind of amount? Ah, I didn’t have to ask. Malamang sa malamang ay nalulong kayo sa sugal,” walang prenong saad ni Havoc kaya bahagya akong nakaramdam ng sakit at hindi ko alam kung bakit. “Grabe ka naman mag-judge, sir,” saad ko, tonong pabiro pero naiirita na ako, “Inoperahan ang Tita ko, okay? Kung hindi niyo naman po alam ang nangyari, okay lang ang magtanong, pero huwag naman po sana kayong magsasalita na parang hindi ako tao dahil lang mahirap kami,” dagdag ko pa. Nabakas ko ang gulat sa mukha niya nang sabihin ko iyon. Nagbuntong hininga ako at umiling na lang. “Pasensiya na po, pero hindi ko kayang makisama sa taong may ganito kasamang ugali. Humanap na lang kayo ng iba,” pinal na saad ko at tumayo na. Hinila ko rin ang dala kong shoulder bag na inilapag ko sa mesa at nagsimula nang maglakad paalis. Nasa pinto na ako nang magsalita ulit si Havoc kaya agad akong napahinto. “Babayaran ko ang utang niyo,” saad niya, tinignan ko siya at napailing ulit. “Para saan? Para may maisumbat ka? Para may rason ka para maliitin ako? Hindi na po, sir. Salamat na lang,” sagot ko sa kanya. “Fine, I’m sorry, okay?” desperadong saad niya kaya bahagya akong nalito. “I’m sorry for being mean,” dagdag pa niya. “Iyong kalahating milyon na ibabayad ko ay bawas iyon sa isang milyong pinangako ko. Ipapauna ko na para mabayaran niyo na ang utang niyo,” natahimik ako at saglit na nag-isip. Bigla kong naalala si Tita. Alam ko na gustong gusto na rin niyang makawala sa bar na iyon. Akmang magsasalita na ako ng tumunog ang cellphone ko, kinuha ko iyon at napansing si Tita ang tumatawag. Hindi naman ako nagdalawang isip na sagutin agad iyon. “Hello po, Tita?” bati ko. “Hija…” parang kinakabahang saad niya kaya bahagya rin akong nakaramdam ng kaba. “Bakit po? May problema po ba?” tanong ko. “Uhm, kasi, hija…” “Tita, ano nga po iyon?” pangungulit ko. “K-Kagabi kasi wala akong customer, sa totoo lang ay ilang araw na… nagagalit na si Mamita, ang gusto niya ay ikaw na ang pumalit sa akin, at ako na lang ang magwe-waitress, pero ayoko kasi ayokong matulad ka sa akin, hija. H-Hindi ko alam kung saan hahanap ng pera para makawala na tayo rito,” mariin akong pumikit sa sinabi niya at marahang tumango kahit na hindi naman niya nakikita. “Huwag niyo na pong isipin iyon, Tita. A-Ako na po ang bahala,” sagot ko. Ibinaba ko na agad ang tawag, tapos ay nilingon ko ulit sina Havoc at Primo na parehong nakatingin sa akin. “P-Pumapayag na ako,” saad ko. “Pero kailangang bayaran na agad ang utang namin,” tumango si Havoc sa sinabi ko. “Alright, but don’t take this the wrong way. Gusto lang naming makasigurado. Give us at least one valid ID. Hahawakan ni Primo hanggang sa matapos ang deal,” marahan akong tumango sa sinabi niya. Binuksan ko ang shoulder bag ko at kinuha ang kaisa-isang ID ko, tapos ay naglakad ako pabalik sa pwesto ko kanina at inilapag iyon sa mesa. Agad namang kinuha iyon ni Primo at tinignan. “Jara Angeles,” tumango siya nang sinabi iyon tapos ay naglahad ng kamay. “Atty. Primo Hernani, but you can call me Primo,” nakangiting saad niya, tinanggap ko naman iyon at ngumiti. “Salamat, malaking tulong ito sa amin ng Tita ko lalo pa’t matagal na naming gustong umalis sa bar na iyon,” tumango siya sa sinabi ko. Pero teka, sasabihin ko na ba na hindi talaga ako buntis at balak ko lang na lokohin siya para sa pera? Naku, huwag muna ngayon. Baka magalit siya at hindi na ituloy ito. Saka na siguro kapag nabayaran na niya ang utang namin. “Sasama ka sa akin ngayon at haharap tayo sa Tita mo, kahit siya ay hindi pwedeng malaman na hindi totoo ito. Tapos ay babayaran na natin ang utang mo,” tumango ako sa sinabi niya. Um-oo na lang ako kahit na alam kong hindi maniniwala si Tita sa kung ano man ang sasabihin niya. Alam kong malalaman agad ni Tita ang binalak kong gawin kapag nagkita na sila, lalo pa at siya ang unang nagsabi sa akin ng bagay na ito. “What are you, guys, waiting for? Asikasuhin niyo na ang dapat niyong asikasuhin. I’ll call my judge friend for tomorrow’s wedding, atsaka marami pa kayong dapat na pag-usapan tungkol sa set up na ito,” saad ni Primo, tumango naman si Havoc bilang pagsang ayon. “Alright, let’s go,” saad ni Havoc at tumayo na. Akala ko ay maglalakad na siya palabas pero inilahad niya sa akin ang kaliwang kamay niya kaya kumunot ang noo ko. Napabuntong hininga naman siya at napailing. “Maraming tao sa labas, our fake relationship starts now,” nakuha ko naman agad ang gusto niyang sabihin kaya humawak na ako sa kamay niya. Naramdaman ko ang iilang kalyo doon, malamang ay dahil sa pagbubuhat sa gym. Ang gaspang ng kamay niya ay hindi masakit sa balat, kung tutuusin ay lalaking lalaki ang dating. Napalingon ako kay Primo nang maglakad na kami ni Havoc palabas at napansin kong natatawa siya at napailing pa. Hindi ko na lang siya pinansin. Medyo nahiya ako kasi marami ang matang agad na tumingin sa amin nang makita nila kami ni Havoc na magkahawak kamay. “Oh bata, natanggap ka…” hindi naituloy nung guard ang sasabihin nang mapansing magkahawak kami ng kamay ni Havoc. “Listen, from now on I want you to let her in every time she’s here, okay? She’s my wife,” halata ang gulat sa guard nang sabihin iyon ni Havoc, tumango naman siya at pilit na ngumiti. “O-Opo, sir,” aniya at tumingin sa akin, “Hindi niyo po agad sinabi, Ma’am. Nagpanggap pa tuloy kayong mag-a-apply ng janitress para makapasok, pasensiya na po,” pilit naman akong ngumiti at umiling. “Okay lang po, Manong,” sagot ko. Hindi ko na nahintay ang sasabihin niya dahil hinila na ako ni Havoc palabas. Dumiretso naman kami agad sa parking lot at agad na huminto sa harap ng sasakyan niya. Tumingin siya sa paligid at nang mapansing walang tao ay agad niyang binitawan ang kamay ko. “Nagpapawis ang kamay mo, kadiri!” singhal niya at mabilis na sumakay sa loob ng sasakyan, nakita ko pa na nag-alcohol siya kaya napangiwi ako. Napaka-arte talaga ng isang ito. Hindi ko na lang iyon pinansin at sumakay na rin sa sasakyan niya. Hindi ko alam itong pinasok ko pero… bahala na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD