Chapter 3

2582 Words
Kinakabahan ako. Tatlong linggo ko ring hinintay na dumating ang araw na ito. Ito ang araw na magpapakita na ako kay Havoc para sabihin sa kanya na nabuntis niya ako. Bumili ako ng pregnancy test kit tapos ay pinagamit sa kapitbahay naming buntis, mabuti na nga lang at may kapitbahay kaming nagdadalang tao kung hindi ay isa pa ito sa mga po-problemahin ko kung paano ko siya mapapaniwalang nabuntis nga talaga niya ako. Umupo ako sa upuan sa sala namin na gawa sa kahoy tapos ay tinitigan ang calling card ni Havoc. Nakalagay rin dito sa maliit na pirasong papel na ito ang address ng kumpanyang pagmamay-ari nila. “Hija, ayos ka lang? Mukhang biyernes santo ang mukha mo,” agad akong napalingon kay Tita at pasimpleng ibinulsa ang maliit na papel. Ngumiti naman ako sa kanya at tumango. Linggo ngayon at wala akong trabaho, tuwing linggo at sabado kasi ang day off ko, nakakapagtaka kasi iyon ang mga araw na mas maraming tao sa bar, pero hindi ko na lang kinwentiyon si Mamita dahil marami naman kaming nagta-trabaho sa kanya. “Okay lang po ako, Tita. May lakad nga po pala ako ngayon,” sagot at paalam ko sa kanya. “Saan?” kunot noong tanong niya. “May bibisitahin lang po akong kaibigan,” pagsisinungaling ko naman, tumango naman si Tita at hindi na nagtanong pa. Malaki ang tiwala sa akin ni Tita at kailan man ay hindi niya ako binawalan sa mga gusto kong gawin o puntahan. Alam ko na siya ang unang nagsabi sa akin ng bagay na ito, pero ayoko munang sabihin sa kanya dahil kinakabahan ako lalo pa at malaking tao ang bibiktimahin ko ngayon. Kagaya nga ng sinabi ko ay mahirap na na baka madamay pa siya kung mabulilyaso ako, ayoko naman na pati siya ay makulong kung sakali. “Mag-iingat ka, huwag mong kakalimutang dumaan muna sa simbahan,” ngumiti ako at tumango. “Oo nga pala, may pera ka pa? Baka magkulang ang pera mo, kumuha ka ng limang daan doon sa wallet ko pandagdag,” umiling naman ako. “May pera pa po ako, Tita. Hindi na po kailangan,” tumango ulit siya. “Ikaw ang bahala, mag-iingat ka.” Hindi na ako sumagot. Lakas loob akong tumayo na mula sa kinauupuan ko at nagpasyang umalis na. Alam ko ang building na ito, palagi ko itong nadadaanan sa tuwing pumupunta ako ng bayan. Pagkalabas ko sa kanto namin ay sumakay ako agad ng tricycle at nagpahatid sa sakayan ng jeep. Kung tutuusin ay pwede naman akong magpahatid sa tricycle hanggang sa Hernandez Building pero mas mahal ang babayaran. Siguro ay nasa eighty pesos, pero kung magpapahatid lang ako hanggang sa sakayan ng jeep ay trenta lang, tapos sampong piso ang bayad sa jeep hanggang sa building kaya ‘di hamak na mas mura. Sa kaka-isip ng kung ano ano hindi ko namalayan na nasa harap na pala ako ng mismong building. Ang taas ng gusali. Kahit siguro sampong libong empleyado ay meron sila sa laki ng building na ito. Simple lang ang suot ko, isang puting tee shirt at jeans, tapos ay tinernohan ko ng rubber shoes at may dala pa akong kulay itim na shoulder bag. Akmang papasok na ako sa loob ng building pero agad akong hinarang ng guard. “Hep, hep! Saan tayo?” kunot-noong tanong niya at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. “Ah… m-mag-i-inquire sana ng trabahong mapapasukan,” halatang hindi siya naniwala sa sinabi ko. “Hindi kami basta basta nagpapapasok ng kung sino sino rito, bata,” saad niya at kinuha ang isang papel tapos inabot sa akin, tinanggap ko naman iyon. “Ayan ang listahan ng mga posisyong kailangan nila, mag-send ka ng resume sa email at may tatawag sa ‘yo sa recruitment, kapag pumasa ka sa initial interview at may ise-send silang default username at password sa email mo na gagamitin mo para makakuha ng pass,” pagakatapos niyang sabihin iyon ay itinuro niya ang isang kiosk sa may pader. Mukha iyong ATM machine at may mga nakapila, may pinipindot, at pagkatapos ay may inilalabas na maliit na papel. Pinanuod ko iyong nakita kong nakakuha na ng kanya at ipinakita iyon sa guard, pinasulat siya sa log book tapos ay pinapasok na. Jusmeyo! Ang hirap naman palang makapasok sa building na ito. Grabe ang security. Mas lalo tuloy akong kinabahan kasi big time talaga ang binalak ko pang biktimahin. “Sige po, salamat,” sagot ko tapos ay naglakad na paalis. Nagpasya ako na tumambay muna sa isang karinderya na nasa kabilang kanto lang, harap mismo ng Hernandez Building. Nakatingin ako sa papel na binigay ng guard at nag-iisip kung paano ako makakalapit kay Havoc. Kumunot ang noo ko at agad na napansin na kailangan nila ng maraming janitor at janitress. Alam ko na sa estado ng tinapos ko ay ito ang madaling pasukang trabaho rito, at isa pa ay tiyak na agad akong makukuha dahil sa laki ba naman ng building na ito ay baka nagsawa ang mga dating nagtatrabaho. Mabuti na lang at may kopya ako ng resume ko sa email, agad ko iyong dinownload gamit ang smartphone ko at sinend sa email na nasa papel. Naghihintay ako ng reply galing email pero wala. Mga ilang minuto lang ay may open number na tumawag sa akin, hindi naman ako nagdalawang isip na sagutin agad iyon. “Uhm, hello po?” nakangiting bati ko. “Hi! This is Jane from Hernandez Groups Recruitment and I’m looking for Jara Angeles?” napapikit ako sa tuwa dahil sa narinig at gusto kong magmura sa saya. “Ay po, ako po iyon. Mag-a-apply po sana akong janitress,” agad na saad ko. “Well, that’s obviously the reason why I called,” maarte at masungit na sagot niya, “And based on your educational background that’s the only job suited for you.” Napangiwi pa ao sa idinagdag niya. Hindi naman ako nakasagot. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ang taray naman ng babaeng ito, hindi naman siya mukhang maganda base sa boses niya. “Alright, I’ll send you a default username and password, you can use it to log in on Hernandez Groups Building Kiosk and get a temporary pass to enter the building, it’s a small piece of paper. When will you be available for training?” nagulat ako sa tanong niya. “Po? Training po agad? Akala ko po ba initial interview muna?” muntikan ko nang sampalin ang sarili ko sa tanong ko. “Gusto mo ng trabaho o ayaw mo?” masungit ulit na tanong niya. “Ay gusto po, available po ako ngayon, in five minutes nandiyan na agad ako!” agad na sagot ko. “Good, we’ll see you, then.” Hindi na niya hinintay ang sagot ko, ibinaba na niya ang tawag. Agad ko rin namang napansin ang email niya ulit, laman no’n iyong default username at password na sinasabi niya. Nagmamadali naman akong bumalik sa building at pumila sa may kiosk, nang ako na ay nalito pa ako kung ano ang dapat kung pindutin pero sa awa ng Diyos ay hindi naman ako nilamon ng kiosk at nakuha ko na ang temporary pass. Kumunot ang noo ng guard ng makita ulit ako, ngumiti naman ako sa kanya at agad na pinakita ang temporary pass ko. “Bilis, ah?” natatawang saad niya. “Mahirap ang buhay, Kuya, kailangan ng trabaho,” sagot ko naman kunware, tumango naman siya doon bilang pagsang ayon. “Kung sabagay, ano nga ang papasukan mo rito?” tanong niya, tapos ay inabot sa akin ang ballpen para makapagsulat na sa logbook nila. “Janitress po,” sagot ko habang nagsusulat. “Ha? Sa ganda mong iyan hindi bagay sa ‘yo ang maging isang janitress, hija. Ilang taon ka na ba?” tanong ulit niya, sakto naman na natapos na ako sa pagsusulat. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at ngumiti. “Bente dos po, Kuya. Kaya ako magta-trabaho ay para maka-ipon pang kolehiyo,” tumango naman siya sa sinabi ko. “Diretso lang tapos kumanan ka, makikita mo ang recruitment doon, doon na rin ang orientation niyo,” ngumiti ako sa kanya at tumango. Nang wala na akong narinig na kahit na ano sa kanya ay naglakad na ako papasok. Namangha ako sa ganda ng lugar. Kahit saan ako mapalingon ay makintab at halatang alagang alaga ang kahit kasuluk-sulukan ng kabuuan nito. Agad ko namang nakuha ang direksiyon na sinabi ni kuyang guard. Akmang lalapit na ako doon pero nakita ko si Havoc na naglalakad. Hindi ko alam ang gagawin ko, kaya naman mabilis at patakbo akong lumapit sa kanya tapos ay itinulak ko siya papasok sa isang pinto. Hindi ko alam kung ano iyon. Halata ang gulat sa kanya at hindi siya agad nakapag-react. Akmang magsasalita na siya pero agad kong tinakpan ang bibig niya. “Nabuntis mo ‘ko!” Agad na saad ko. “What the fvck?” sabay kaming napalingon sa nagsalita, may isang lalaki ang nakaupo sa isang swivel chair, natatandaan ko siya, isa siya sa mga kasama ni Havoc noon sa bar. Marahas naman akong itunulak ni Havoc kaya napa-atras ako. “Siraulo ka ba? Anong klaseng droga ang tinira mo at mukhang sabog ka? Hindi ako pumapatol sa menor-de-edad! Atsaka paano ka nakapasok dito?” marahas na saad at tanong niya sa akin. Shet! Ang guwapo talaga niya. Hindi nagpa-function ng maayos ang utak ko. Hindi ako makapag-isip ng maayos dahil sa kaguwapuhan niya. Tapos naamoy ko pa ulit ang mabango niyang hininga dahil sa pagsigaw niya sa akin. “Hey, Miss, are you okay?” napalingon ako sa kaibigan niya nang itanong iyon. “You look familiar,” kunot noong saad niya nang makita na ang mukha ko, “Teka, ikaw iyong babae sa bar!” gulat na saad niya. “Kilala mo ang batang ito? Baka ikaw ang nakabuntis sa kanya,” akusa naman ni Havoc. “Man, I didn’t know that you’re into minors. That’s gross,” humalakhak pa si Havoc nang sabihin iyon. “Ulol, hindi ‘no. She’s the b*****b girl, remember?” tanong nung lalaki, saglit na nag-isip si Havoc bago tumango-tango na pang naliwanagan. “Oh, yeah! I remember,” tapos ay humalakhak siya. “Yeah, you’re not a minor. I remember you telling me that you’re already twenty two,” dagdag pa niya habang tumatango tango. “But wait, what do you mean nabuntis ka ni Havoc?’ tanong ulit nung kaibigan niya. “Ah… eh…” imbes na sumagot ay agad kong kinuha iyong dalawang pregnancy test kit sa shoulder bag ko, tapos ay ipinakita sa kanila. Nakita kong literal na nalaglag ang panga nila sa nakita, pero agad ding nakabawi si Havoc at umiling. “No, no… hindi ako naniniwala. You’re not my type, b*****b girl,” mariin akong pumikit, pagkamulat ko sa mga mata ko ay agad na nagtagpo ang paningin namin. Galingan mo ang acting mo, Jara. Saad ko sa sarili ko. “H-Hindi naman ako nagpunta rito para guluhin ka. Gusto ko lang talaga na… malaman mo kasi ikaw ang Tatay nito. Hindi ako hihingi ng kahit na ano, a-akala ko lang kasi talaga interesado kang malaman, sorry. Isipin mo na lang hindi mo ako nakita rito,” kunware ay malungkot na saad ko at yumuko pa, tapos ay umarte na maglalakad na paalis. Pigilan mo ‘ko, please. Pigilan mo ako kung hindi masasayang ang pagpunta ko rito! Paki-usap ko sa kanya sa sarili ko. Para naman akong nakahinga nang maluwag nang hawakan niya ako sa braso. “You can’t get away easily right after telling me that I got you pregnant. Hindi mo ba ako kilala? I am the only heir of Hernandez Groups and I can sue you. This, my friend right here is a lawyer,” saad niya at lumingon sa kaibigan niya. Kinabahan naman ako dahil doon. Hindi ako makasagot, hindi ko alam ang sasabihin ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko, mukhang bulilyaso na hindi pa nga nagsisimula. “But I want to hear more of what you’re about to say. Maliban sa pekeng pregnancy test kit na ‘yan, sige nga, ano pa ang kaya mong ipakita sa akin? Might as well try harder to entertain me,” kinabahan ako sa hamon niya. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko tapos ay nilingon ko sila, halatang pareho silang naghihintay sa gagawin o sasabihin ko. Binuksan ko naman ang cellphone ko tapos ay ipinakita sa kanilang dalawa iyong picture na kinuha ko noong gabing iyon. Literal na lumuwa ang mata ng kaibigan niya sa nakita, maging si Havoc ay gano’n din ang naging reaksiyon. “Bro, you were almost naked when I saw you unconscious inside that comfort room, and that looks exactly like this one,” saad ng kaibigan niya. “H-Hiningi mo pa n-nga iyong panty ko, ‘di ba?” saad at tanong ko, humagalpak naman ng tawa ang kaibigan niya. “You mean, ikaw si Jara? And you own that panty with a flappy bird design with your name on it?” natatawang tanong ulit ng kaibigan niya, marahan naman akong tumango. “Goodness, Gracious. This is interesting!” halakhak niya. “I’m still not convinced that I got you pregnant. Bumalik ka sa akin kapag three months na ang tiyan mo, o kapag iniluwal mo na ang bata para sa paternal test at DNA,” Hindi ko naman alam ang sasabihin ko kaya umarte na lang ulit ako. Malungkot akong ngumiti sa kanya at umiling. “Hindi na po kailangan, sir. Ayoko po kasing malaman ng magiging anak ko pagdating ng panahon na dine-deny siya ng Tatay niya, kaya mas mabuting lumaki na lang siya ng walang ama para at least, masanay na siya. At isa pa, kagaya po ng sinabi ko ay hindi naman po ako namimilit, at hindi rin po ako nagpunta rito para hingan kayo ng kahit na ano. Mahirap lang po kami, nagtatrabaho lang po ako bilang isang waitress sa bar, pero kaya ko pong buhayin mag-isa ang bata,” sagot ko at umarte ulit na tatalikuran ko na sila. “Jara, wait,” natigilan ako nang tawagin nung kaibigan niya ang pangalan ko, lumingon siya kay Havoc at ngumiti. “You need a wife, brother,” saad pa niya na ikina-kunot ng noo ko. “Fvck, no!” giit naman ni Havoc. “Havoc, it’s not going to be real, okay? I mean, it is. But it’s just for a show to get the… you know,” kumindat pa siya kay Havoc, napalingon ako kay Havoc at napansin kong napangiti rin siya tapos ay tumingin sa akin. “Alright, Miss. I don’t care whether you’re telling the truth or not, but I need you to be my fake wife for six months,” saad niya kaya agad akong umiling. Naku, sabit ito. Hindi pwede. Malalaman niya na hindi talaga ako buntis. “H-Ha? Ayoko, humanap ka na lang ng iba. Uuwi na ako,” sagot ko at akmang maglalakad na paalis pero agad niya akong hinigit sa braso. “One million pesos in cold cash, Jara, you’ll get half on the first three months and half on the sixth month, take it or leave it?” Napanganga ako sa tanong niya. Oh my Gulay. Isang milyon? Mariin akong pumikit bago tumango. “T-Take it?” hindi siguradong sagot ko. “Cool, have a seat and we’ll talk about the deal…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD