Chapter 2

2162 Words
Padabog kong binitawan ang hawak kong tray sa counter at napabuntong hininga. Nakakahiya talaga ako! Nakakahiya ang isinagot ko sa kanya. Ano ba naman kasi ang pumasok sa utak ko at kahalayan agad ang una kong na-isip? Hindi ko alam kung pinagti-tripan lang ako ng mga iyon, kung hindi ay gusto ko na lang na lamunin ako ng lupa ngayon. Pero kung oo, gaganti ako at pagti-tripan ko rin siya. “Oh, bakit nakasimangot ka?” tanong ni Jay, ang isa sa mga bartender dito sa bar. “Hinihingian ako ng b*****b,” sagot ko sa tanong niya kaya humalakhak siya. “Ah, iyong promo? Pustahan tayo iba na-isip mo do’n,” mas lalo akong napasimangot sa sinabi niya. “Dalian mo na nga, gawin mo na dahil naghihintay iyong tao,” saad ko naman. “Uy, gusto agad makabalik doon, type mo siya, ano?” napangiwi ako sa pang-aalaska ni Jay sa akin. “Hoy, Jay, hindi, ‘no! Hindi ako hibang at tanga para magkagusto sa mga mayayaman. Alam ko kung saan ko ilulugar ang sarili ko,” mahabang pahayag ko naman. “Oh, edi magpaligaw ka na lang sa akin, hindi naman ako mayaman,” mas lalo akong napangiwi sa sinabi niya. Oo, ilang beses nang sinabi ni Jay sa akin na manliligaw siya pero hindi ko iyon sineseryoso. At kung seryoso man siya ay hindi ko siya bibigyan ng pagkakataon. Wala pa sa utak ko ang makipagrelasyon dahil kagaya ng sinabi ko, ang focus ko ngayon ay ang maka-ipon pang-college at makatulong kay Tita. “Tigilan mo nga ako, Jay! Kinikilabutan ako sa mga sinasabi mo,” sagot ko. Napa-iling na lang siya at agad na inabot sa akin ang shot ng b*****b na ginawa niya. Kinuha ko naman iyon at agad na naglakad pabalik sa mesa ng mga lalaki. “Here’s your free shot, sir. Enjoy your b*****b!” magalang at nakangiting saad ko, pero binigyang diin ko ang salitang b*****b kaya naibuga niya ang alak na nasa bibig niya, ang mga kasama naman niya ay malakas na nagtawanan dahil doon. “Yeah, thanks,” ang tanging naging sagot niya. At kahit na may kadiliman sa kabuuan ng lugar ay hindi nakawala sa akin ang pamumula ng mukha niya kaya pasikreto akong natawa. Oh, ano ka ngayon? Edi nakaganti ako sa ‘yong kolokoy ka? Saad ko sa sarili ko. “Walang problema, sir. Naiintindihan ko naman po na masarap ang b*****b namin dito kaya binabalik-balikan talaga,” nang-aalaskang saad ko pa habang nakangiti. “Sige po, babalik na ako sa trabaho. Tawagin niyo lang po ako kapag gusto niyo pa ng b*****b, okay?” Pulang-pula na ang mukha niya habang wala namang tigil sa pagtawa ang mga kaibigan niya. Nang makita ko siyang tumango ay nagsimula na akong maglakad paalis at palayo sa kanila. Kita mo na? Pinagti-trip-an nga lang ako ng kumag. Ni hindi nga makatingin sa akin kanina dahil halatang nahihiya. “Ana, Jara, fifteen minutes break muna kayo. Dalian niyo at marami tayong customer,” narinig naming saad ni Mamita, siya ang may-ari nitong bar at isa siyang matandang beki. Masungit si Mamita, at madalas ay parang pinaglihi sa sama ng loob. Lalo na sa tuwing may nakakagawa ng mali sa trabaho. Madali siyang lapitan pagdating sa pera, pero hayop kung magpatubo. Dinaig pa niya ang bumbay. Sa kanya kami may utang ni Tita, kung hindi ako nagkakamali ay nasa limang daang libo na. Inoperahan kasi si Tita sa bato noon kaya dumami nang dumami ang utang namin sa kanya lalo pa at matagal kaming hindi nakapagtrabaho pareho. Ako ay abala sa pag-aalaga kay Tita, at wala kaming pinagkukunan ng pera pangkain kaya wala kaming ibang choice kung hindi ang umutang sa kanya. Automatic na nababawasan ang sahod at tip namin tuwing gabi pambawas sa utang sa kanya, at siya na rin mismo ang nagsabi na hindi kami pwedeng umalis dito hanggang hindi kami nakakabayad sa kanya ng buo. Madalas nga pakiramdam ko ay parang hindi naman talaga nababawasan ang utang namin, kapag nagtatanong kami ang sinasabi niya lagi ay tubo lang ang nabawasan. Alam ko na may mali. Hindi naman kasi ako bobo, pero wala rin naman kaming magawa ni Tita lalo pa at malaki ang utang na loob namin sa kanya. Nagmamadali kaming naglakad palabas ni Ana, agad siyang bumili ng isang stick ng sigarilyo at sinindihan iyon. Ganito na ang nakasayan naming gawin sa tuwing fifteen minutes break. Magyoyosi siya at sasamahan ko siya, hindi naman ako naninigarilyo. Sinasamahan ko lang talaga ang kaibigan ko. “Beshy, nakita ko na hinawakan niya ang kamay mo kanina, ah? Ang tagal pa nga. Ano, type ka raw ba niya? Naku beshy, ang swerte mo kung nagkataon, makaka-alis ka na rito,” napangiwi ako sa sinabi niya. “Alam mo ikaw, Ana? Tigil-tigilan mo ang pagbabasa ng libro at panunuod ng kung anong nakakadiring romance na pelikula, ha? Ako ang kinikilabutan sa mga sinasabi mo,” sagot ko sa kanya. “Oh, bakit? Hindi naman imposible na magkagusto sa ‘yo, iyon. Ang ganda mo kaya,” depensa naman niya. “Tapos ano ang sunod mong sasabihin? Na magiging kami? Tapos magiging hadlang ang pamilya niya dahil mahirap lang ako, gano’n? Tigilan mo nga ako, Ana,” saad ko ulit. “OA much, beshy? Hindi naman lahat ng mayayaman matapobre. Malay mo…” umiling na lang ako. Alam ko naman na hindi siya magpapatalo kaya hindi na ako sumagot. Hindi na ako aasa na may isang mayaman na magkakagusto sa akin, kung may mararamdaman man sila sa unang pagkikita, alam kong libog lang iyon. Hindi ko na kailangang paasahin ang sarili ko. At isa pa, ayokong bigyan ng rason ang sarili ko na umasa at masaktan lang sa huli. “Jara, kakausapin kita,” sabay kaming napalingon ni Ana kay Tita na dumating at nilapitan kami. “Tungkol po saan, Tita?” Nilingon naman niya si Ana. “Iwan mo muna kami, Ana,” saad niya, ngumiti naman si Ana at tumango, tapos ay tinapon sa semento ang hawak na sigarilyo saka ito inapakan at naglakad na pabalik sa loob. “May problema po ba?” tanong ko sa kanya. “Nakita ko na hinawakan ni Havoc ang kamay mo kanina at mukhang enjoy na enjoy ang mga kaibigan niya habang kausap ka,” kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “Sino po si Havoc?” tanong ko ulit. “Iyong binigyan mo ng b*****b,” napangiwi ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung matatawa ako o mapapasimangot kasi ang panget pakinggan. “Tita, binigyan ko ng alak, okay? Alak po kasi iyon!” marahan siyang natawa sa sinabi ko at tumango. “Oo, sige! Alak!” Nagbuntong hininga siya. “Hija, matagal ko nang gusto na pareho tayong maka-alis dito,” paninimula niya, “at sa tingin ko ay ito na ang pag-asa at pagkakataon natin,” saad niya. Nalilito ako. Hindi ko alam kung ano ang gustong sabihin ni Tita. “Teka, Tita. Hindi ko po kayo maintindihan,” sagot ko naman. “Ganito, natatandaan mo ang ginawa natin dati para makahingi ng bente mil doon sa matandang doktor?” tanong niya. Saglit akong nag-isip bago naliwanagan. Natatandaan ko ang ginawa naming iyon. Nilasing namin iyong matanda at pinalabas namin na may nangyari sa amin, pagkalipas ng tatlong linggo ay pinuntahan ko siya at kinausap, sinabi ko na nabuntis niya ako. Ayaw akong panagutan nung matanda kaya sinabi ko na bigyan na lang akong bente mil at aalis na ako. Ginawa naman niya lalo na nung pinakita ko iyong picture namin na magkatabi sa kama at nababalot lang ng kumot. Simula noon ay hindi na bumalik ang doktor na iyon dito. Siguro ay nagtanda na, at isa pa ay tiyak na sabit kami kung sakaling makita ulit ako no’n. Isa iyon sa mga bagay na ayoko nang gawin ulit dahil natatakot akong makulong. Lalo pa at milyonaryo ang isang ito, paano kung sumabit? Makukulong kami. “Tita, huwag na po, please? Hahanap na lang ako ng iba pang pagkakakitaan,” paki-usap ko. “Hindi kita pipilitin, hija, pasensiya ka na at iyon ang naisip ko. Wala lang talaga akong ibang maisip na gawin lalo pa at alam naman nating pareho na kahit makuba na tayo kakatrabaho rito ay hindi mababawasan ang utang natin,” saad niya, hindi naman ako nakasagot kasi alam kong tama siya. Ano ang gagawin ko? Ayoko nang gawin ulit iyon. Natatakot ako na baka sa pagkakataong ito ay mabulilyaso na kami. “Sige na, babalik na ako sa trabaho. Huwag mo na lang intindihin ang sinabi ko,” saad ni Tita tapos ay binigyan ako ng isang ngiti, marahan naman akong tumango at ngumiti rin. Pero hanggang sa makabalik na ako sa trabaho ay ginugulo ako ng napag-usapan namin ni Tita. Madalas ay sinusulyapan ko rin ng tingin iyong lalaki na tinawag niyang Havoc kanina. Guwapo siya at mukhang matalino. Unang tingin sa kanya, malalaman mo agad na hindi siya ang tipo ng tao na agad mong maloloko. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko pero agad ko siyang sinundan sa banyo nang mapansin kong nagtungo siya doon. Pagewang-gewang na siya maglakad at muntikan pang matumba mabuti na lang at agad ko siyang naalalayan. Napalingon siya sa akin at agad na kumunot ang noo niya. “Wow, you must be an angel sent from above. T-Thank you, beautiful…” halatang lasing na lasing na siya nang sabihin niya iyon. Napalunok naman ako kasi kahit na mukhang marami na ang nainom niya ay amoy na amoy ko pa rin ang mabango niyang hininga. “Mukhang lasing ka na, sir, gusto mo ba ihatid na kita?” nakangiti at nang-aakit ang boses na tanong ko, marahan naman siyang natawa dahil doon. “S-Saan? Sa langit ba?” marahan kong kinagat ang ibabang labi ko dahil sa sinabi niya. “Ikaw…” nanlalanding sagot ko naman. Nakita kong natigilan siya sa sinabi ko at ngumisi ulit. Akmang magsasalita pa siya pero napansin ko na pinipigilan niyang maduwal, agad ko naman siyang itinulak sa pinto ng banyo kaya natumba siya. Mabuti na lang at walang tao doon. Nakunsensiya pa ako kasi mukhang malakas ang pagkakabagsak niya, agad din siyang nawalan ng malay marahil ay dala ng sobrang kalasingan. Mariin akong pumikit at tumingala. Lord, sorry po talaga! Last na po ito at promise, hinding hindi na mauulit. Promise po talaga, pagkatapos nito hindi ko na uulitin. Saad ko sa sarili ko bago ko tinanggal ang pagkaka-butones ng suot niyang polo at ng kanyang pantalon. Hindi ko siya hinubaran, tinanggal ko lang talaga ang pagkaka-butones. Natigilan ako at agad na kinabahan nang mapansing hindi ko pa pala naikakandado ang pinto, mabilis naman akong tumayo at kinandado iyon. Tapos ay lakas loob kong tinanggal ang suot kong pang-itaas at itinakip ang damit na iyon sa dibdib ko at humiga sa tabi niya. I took a picture of us together, hanggang may tiyan lang iyon pero kahit na gano’n, ang kuhang picture sa cellphone ko ay iyong tipong iisipin mo talaga na may nangyari sa amin. Pagkatapos ay agad kong sinuot ulit ang damit ko at kinuha ang panty na may disenyong flappy bird sa handbag ko at may pangalang Jara, tapos ay ipinasok ko ito sa bulsa niya. Kinuha ko rin ang wallet niya at kumuha ng isang company callng card. Walang lamang cash ang wallet niya, pero kapansin-pansin na marami siyang cards. Mayaman nga talaga ang isang ito. Mabilis pa rin ang t***k ng dibdib ko dahil sa kaba lalo na nung nagmamadali na akong lumabas ng banyo, iniwan at hinayaan ko siya doon na nakahiga at walang malay. Kahit nung matapos na ang oras ng trabaho ko ay hindi pa rin ako nilulubayan ng kunsensiya ko sa ginawa ko sa kanya at sa balak ko pang gawin. Alam ko na mali, at alam ko na p’wedeng pwede akong mapahamak dahil dito, pero bahala na. Hindi ko na lang muna sasabihin kay Tita ang balak ko para kung sakaling mabulilyaso ako ay hindi na siya madadamay. Nang makauwi na ako ay hindi ako makatulog dahil sa nangyari. Paulit ulit na bumabalik sa isip ko si Havoc. Simula nung iwan ko siya na walang malay sa banyo ay hindi ko na alam ang nangyari, ni hindi ko nga alam kung nakuha na ba siya ng mga kaibigan niya na mukhang lasing din. Hindi ko maintindihan kung bakit pero ngayon pa lang ako nakaramdam ng sobrang kunsensiya sa kabila ng lahat ng nagawa kong mali. Ilang beses na rin akong nandukot ng wallet ng mga lasing sa bar, pero hindi ko ni minsan naramdaman ito. At habang iniisip ko siya ay bumabalik din sa akin iyong mapupungay niyang mga mata at mapupulang labi. Argh! Magtigil ka nga, Jara! Para kang engot! Sa tingin ko ay kulang lang ako sa tulog kay nagpasya akong ipikit na lang ang mga mata ko hanggang sa antok na mismo ang dumalaw sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD