Chapter 1

2122 Words
Five Years Ago Napabuntong hininga na lang ako habang tinitignan si Tita Mina, ang Tita ko na siyang kumupkop sa akin mula noong bata ako na nakatitig sa electric at water bill habang hinihilot ang sentido niya. Walong taong gulang ako noong kupkupin niya ako dahil maaga akong naulila. Natatandaan ko na maayos naman ang buhay namin noong nabubuhay pa si Papa, nagtatrabaho kasi siya bilang isang Manager sa isang hardware. Ang natatandaan ko ay linggo noon at magsisimba dapat kami dahil iyon na ang nakaugalian naming gawing tatlo tuwing linggo, tapos ay kakain sa labas nang maaksidente kami. Nabangga ng isang malaking truck ang sasakyan ni Papa at binawian sila ng buhay, hindi ko nga alam kung swerte ako dahil nabuhay pa ako. From then on, Tita Mina started to take care of me. That’s what she promised to my late father. Mabait si Tita. Alam ko at nakita ko ang sakripisyo niya para sa akin. May naiwang pera ang mga magulang ko noon na nagamit naming pero hindi rin naging sapat dahil wala namang trabaho si Tita. Sinubukan niyang magtayo ng isang maliit na negosyo, isang sari-sari store gamit ang pera pero wala ring nangyari. Masyado kasi siyang mabait, marami kaming pautang na hindi naman nabayaran kaya nalugi ang negosyo. Alam ko rin na hindi pa talaga sa amin ang bahay na tinutuluyan namin noon dahil hindi pa iyon tapos bayaran ni Papa. Kaya noong nawala siya ay hindi na nabayaran at binawi na ng real estate. Napatapos naman ako ng high school ni Tita, sinubukan kong mag-working student pero hindi ko kinaya. Kaya sa huli ay nagdesisyon ako na huminto na muna pansamantala sa pag-aaral at magtrabaho, para makatulong kay Tita at makapag-ipon na rin. Sa totoo lang ay naaawa na ako kay Tita, hindi man niya aminin ay alam kong ilang ulit na niyang naibenta ang sarili niya para may maipangtustos sa akin. Hindi naman siya makahanap ng iba at magandang trabaho dahil wala rin siyang natapos. Yes, she works as a p********e on a night bar. Naki-usap nga ako sa kanya na ipasok niya rin ako pero bilang isang waitress. Kung tutuusin ay ayaw talaga niya, ang sabi pa niya ay marami namang ibang trabaho na pwede kong pasukan. Naiintindihan ko naman siya. Kahit na hindi niya sabihin ay alam kong nahihiya siya sa akin at ayaw niyang magaya ako sa kanya, pero wala rin siyang nagawa. In the end, I got used to her work. As a human, we are not perfect. We have so many flaws and wrong decisions, but we just don’t care. Nakakatawa kasi naturuan din niya ako kung paano mandukot ng mga lasing naming customer na lalaki. Swerte kung may malaking pera ang laman ng wallet, makakabawas kami sa marami naming utang. “Kulang pa po ba ang pambayad, Tita?” tanong ko sa kanya. “Pwede po nating idagdag iyong naipon ko pang-colleg,” saad ko pa. Kasalukuyan kaming nakaupo sa hapag at pinagsasaluhan ang sinangag, pritong itlog at tuyo. Parang almusal pero ito ang hapunan naming dalawa. Alas seis pa lang ng gabi pero naghahapunan na kami para makapag-ayos na at makapasok sa trabaho. “Itabi mo ang pera mo para makapag-aral ka. Huwag mo na itong intindihin, magagawan ko ito ng paraan,” sagot naman niya. “Oo nga pala, nakapili ka na ba ng unibersidad na papasukan mo? Aba naman, Jara, ilang taon ka ng nagtatrabaho,” saad pa niya. “Tita, hayaan niyo na po akong makatulong sa inyo. Kita niyo, hirap na nga tayo sa bayarin dadagdag pa ba ako?” Agad akong napangiwi nang kurutin niya ako sa tagiliran. “Ino-obliga ba kita, ha?” sermon niya. “Ang sa akin lang naman e, gusto ko sanang makatapos ka nang may maipagmalaki ka sa ibang tao. Ayoko na magaya ka sa akin, tumanda na akong p****k at mamatay na akong p****k. Ikaw bata ka pa at marami ka pang pwedeng gawin sa buhay,” napabuntong hininga na lang ulit ako sa sinabi niya. “Konting ipon pa po, Tita. Makakapag-aral din po ako,” tumango siya sa sinabi ko. “Mabuti naman kung gano’n. Mandadagdag ako ulit sa ipon mo sa kikitain ko ngayong gabi nang mabilis ka maka-ipon ng pambayad sa tuition,” sagot na lang niya. Hindi na ako nagreklamo dahil alam ko naman na hindi siya papaawat sa gusto niyang mangyari. Nasa singkwenta na si Tita, pero hindi halata sa kanya dahil maganda talaga siya. Ate siya ni Papa, at alam ko na maganda talaga ang lahi nila. Marami ang nagsasabi na kamukha ko raw si Tita, marami rin namang nagsasabi na ‘di hamak na mas maganda siya sa akin lalo noong kabataan niya. Totoo naman iyon. Iyon nga lang ay hindi na siya nakapag-asawa dahil siya rin ang napilitang magtrabaho para mapagtapos si Papa noon. Kaya mahal na mahal ko siya, at kahit na ano ang sabihin ng iba, kahit na hindi maganda ang trabaho niya ay wala akong pakealam. Hindi naman nila kami pinapalamon kaya hindi kami nagpapa-apekto sa sinasabi ng ibang tao. “Ano nga pala ang gusto mong kuhaning kurso? Gusto mo pa rin bang maging guro?” tanong niya mayamaya lang, ngumiti naman ako at agad na tumango. “Alam niyo naman po na iyon talaga ang gusto ko,” tumango rin siya sa sinabi ko at ngumiti. “Naku, kapag guro ka na, ipapasara ko ang buong kanto at maghahanda ako ng maraming pagkain!” bakas sa boses niya ang excitement nang sabihin iyon kaya napangiti ulit ako. “Matagal pa naman po iyon, Tita. Atsaka hindi nga po natin alam kung mangyayari ba,” sagot ko naman. “Ipinangako ko sa Papa mo bago siya ilibing na makakapagtapos ka, na tutulungan kitang maabot ang pangarap mo. At oo, nahihirapan tayo, pero kakayod tayo hanggang sa makapagtapos ka.” Ngumiti na lang ulit ako at tumango. “O siya, Tita. Mag-aayos na po ako nang hindi tayo magahol sa oras.” Tumango na lang siya at hinayaan na ako. Sa totoo lang ay iniwasan ko lang talaga siya dahil ayokong pag-usapan iyon. It’s actually making me feel a bit bad because she’s eager to help me finish college. Simula noong napunta ako sa puder niya, ako na lang lagi ang iniisip niya, ako ang lagi niyang inuuna, sa akin niya binuhos ang lahat na madalas, pakiramdam ko ay hindi na siya nagtira ng para sa kanya. Kaya madalas ay hindi ko maiwasang isipin na baka hindi na siya nakabuo ng sarili niyang pamilya dahil sa akin. Napasinghal na lang ako at nag-ayos na. Alas siete pasado nang makarating na kami sa Safe Haven, ang night bar na pinagta-trabauhan namin. Alas otso kasi ito nagbubukas. Maaga pa pero marami nang mga lalaki ang nakatayo at naghihintay sa labas na magbukas ang bar. Isa kasi ito sa mga sikat na bar dito, madalas ay dinadayo pa dahil maraming magagandang babae. Ilang beses na ring muntikang ma-raid ito, pero mukhang malakas ang kapit ng may ari sa mga opisyales kaya walang nangyayari at patuloy pa rin sa operasyon. “Magandang gabi, Jona, ang ganda mo talaga,” nakangiti at nanlalanding bati ng guard na may malaking tiyan sa akin, pilit naman akong ngumiti at tumango. “Hoy, Lando, ayusin mo, ah? Hindi malaking tiyan ang pinangarap ko para sa pamangkin ko!” natawa ako sa sinabi ni Tita, maging si Lando ay natawa na lang din. Sanay na sila kay Tita, ganito talaga siya pagdating sa akin. Pero kung napapansin niya na mukhang desente naman ang lalaki ay hinahayaan niya ako. Hindi naman ako nag-e-entertain ng mga manliligaw. Ayoko. Wala pa iyon sa isip ko. Mas focus ko ngayon ang makapag-ipon para makatulong din kay Tita kahit na papaano. “Sa backstage lang ako para makapag-ayos at bihis na, ah? Kapag may nambastos sa ‘yo sabihan mo ako agad,” natawa ako sa sinabi ni Tita. “Tita, ilang milyong beses mo nang sinabi ‘yan. Opo, kaya ko na ang sarili ko.” Napailing na lang siya at iniwan na ako sa may wine bar. She didn’t really like the idea that I’ll be working here. Kahit pa waitress naman ang papasukan ko, alam daw kasi niya ang liko ng bituka ng karamihan sa mga lalaking nagpupunta rito. Totoo naman iyon, karamihan sa kanila ay nagpupunta lang naman talaga rito para makahanap ng babae na magagamit para pakawalan ang init sa kanilang katawan. Pumasok na ako sa maliit na locker room sa likod ng wine bar para masuot ko na ang uniporme namin. Isang kulay puting palda na may kadangkal na haba at itim na fitted sando ang uniporme naming mga waitress dito. Noong una ay nakaka-asiwang suotin, agaw pansin naman kasi talaga at parang bastusin ang dating, hanggang sa nasanay na lang ako. Maayos naman ang naging unang mga oras ng trabaho. Marami ang tao pero hindi puno. Madalas kasi ay napupuno ng tao ang bar kapag hating gabi na o ala una ng madaling araw, doon na kasi nagsisimula ang mga liveshow. Alas otso kasi, hanggang alas onse ay live band pa lang ang meron. Nang dumarami na ang mga tao ay saka kami nakakaramdam lahat ng pagod. Kabilaan na kasi ang mga nagtataas ng kamay at nag-oorder ng alak. “Argh, gusto ko nang humiga, ang sakit na ng likod ko,” saad ko nang makabalik sa bar counter, kaka-serve ko lang ng order sa isang mesa nang may tumawag sa akin para um-order ulit. “Beshy, mamaya ka na lang magreklamong pagod, may chika ako,” napalingon ako kay Ana nang sabihin iyon, kaibigan ko siya at nagtatrabaho ring bilang isang waitress dito. “Ano?” kunot-noong tanong ko. “Nakikita mo iyong gwapong iyon?” ngumuso pa siya kaya sinundan ko iyon ng tingin. Nakita ko naman ang tinutukoy niya, iyon ang huling tumawag sa akin para um-order ng alak. “Oh, ano ang meron sa kanya?” tanong ko. “Apo ‘yan ni isang multi-millionaire, beshy! At take note, siya ang nag-iisang apo at tagapagmana ng lahat! Try natin magpapansin baka magustuhan tayo,” kinikilig na saad niya kaya napangiwi ako. “Hindi ko siya kilala. Atsaka ikaw na lang, ayoko,” sagot ko at kinuha na ang isang bote ng Jack Daniels na order nila, “Oh, baka gusto mo ikaw na mag-serve nito? Sa kanila ito.” Umiling naman siya at ngumisi. “Charot lang! Sige na, i-abot mo na ‘yan,” nagkibit na lang ako ng balikat at umalis na. “Good evening, handsome people. Here’s your order!” masayang saad ko kahit na ramdam ko na ang pagod. “Oh, thank you, beautiful,” malanding sagot ng isang lalaki at agad na hinawakan ang kamay ko nang kunin ang bote sa akin, napangiwi ako pero hindi ko pinahalata. Normal na rin ito. Hindi ko na kailangang magtaka. “My pleasure, mga sir. Enjoy your drinks!” Aalis na sana ako pero may humawak ulit sa kamay ko kaya napatigil ako. Napalunok ako kasi ito iyong lalaking sinasabi ni Ana kanina at mukhang lasing na siya. Gwapo nga. Saglit akong napatitig sa mukha niya kaya napangisi siya. “I didn’t know that minors are allowed to work here,” napasinghap ako sa sinabi niya, lalo na nang natawa ang mga kasama niya sa mesa. “Sir, mawalang galang na po pero bente dos na ako, baby face lang po!” magalang at nagpapatawang saad ko para hindi magmukhang bastos, tumango tango naman siya sa sinabi ko. “If you say so, can you give me a b*****b, then?” napanganga ako sa sinabi niya kaya agad kong binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya, at mas lalong natawa ang mga kaibigan niya dahil doon. “Ay naku, sir, waitress lang po ako rito at hindi p****i,” gulat na saad ko, “Kung gusto niyo po i-reto ko na lang kayo sa mga kakilala kong magaganda, pabigyan ko na rin kayo ng discount,” dagdag ko pa kaya kumunot ang noo niya. “What the fvck are you talking about? I want you to give me a shot of b*****b, it’s a cocktail drink!” agad kong tinakpan ang bibig ko nang sabihin niya iyon. Ipinakita pa niya ang hawak niyang menu. “Nakalagay rito na may isang libreng shot ng b*****b kapag um-order ng isang bote ng Jack Daniel’s, ‘di ba?” Malakas na nagtawanan ang mga kaibigan niya kaya pilit akong ngumiti sa kanila. “Ay, he-he, sabi ko nga po, s-sige po, kukunin ko na agad ang libre niyong b*****b,” magalang na saad ko at pilit ulit na ngumiti bago nahihiyang umalis. Hayop, ang epic fail naman no’n! Nakakaloka.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD