Simula

1554 Words
Five Years Ago Kailan nga ba natin masasabi na handa na tayong pakawalan ang mga taong mahal natin? Kailan tayo magiging handang bumitaw? Darating ba ang araw na iyon? Kung oo, gaano katagal? Kasi sa kaso ko ay hindi ko na alam kung bakit pa ako kumakapit sa taong parang gusto na akong binibitawan. Bakit ba tayo nagpapakatanga kahit ang sakit-sakit na? Dahil ba nasaktan natin sila at gusto nating bumawi? Dahil ba sobrang mahal natin sila? O baka naman tanga lang talaga tayo? Hindi ko alam… Ni hindi ko nga alam kung kilala ko pa ang sarili ko dahil sa sobrang pagmamahal sa kanya. Iginala ko ang mga mata ko sa kabuuan ng lugar, hinahanap siya para sana makausap kahit sa huling pagkakataon man lang. Hindi ko alam kung paano ako umabot sa puntong ito, na handa na akong bumitaw kahit na sobrang mahal ko pa siya. Alam ko na nasaktan ko siya. Ilang beses ko nang sinubukang kumapit pero wala e, pakiramdam ko ay gusto na talaga niya akong bitawan, at kung pipilitin ko pa, sa tingin ko ay mas lalo lang kaming magkakasakitan. Sobra ko na siyang nasaktan at ayoko nang dagdagan pa. Sobra na rin akong nasasaktan at gusto kong buo-in muna ulit ang sarili ko. “Hey, you are the w***e that Havoc used to fvck, right? How much is your rate? I fvcking want to get laid tonight.” Nakangising tanong at saad ng isang lalaking amoy alak at sigarilyo nang harangan niya ako. Napalunok ako sa sinabi niya. Iyan ang tingin nila sa akin, isang bayarang babae. Hindi ko alam kung ilang beses kong sasabihin sa kanila na waitress ang trabaho ko sa bar, at umabot na ako sa puntong napagod na akong magpaliwanag dahil alam kong hindi naman magbabago ang tingin nila sa akin. “Come on, name your price.” Nakangising dagdag pa niya, tapos ay marahan niyang hinaplos ang kaliwang pisngi ko. “After Havoc and Primo, iba na naman ang kasama niya! What a disgusting woman!” Narinig kong saad ng isang babae. “Nakakahiya siya! Masyadong makapal ang mukha!” “Hindi sila bagay ni Havoc, mabuti nga at hiniwalayan na siya.” “Wala naman siyang maidudulot na mabuti sa buhay ni Havoc. Ni wala nga siyang pwedeng maipagmalaki.” “Hindi niya deserve kahit makalapit man lang kay Havoc, kahihiyan lang ang dadalhin niya pati sa pamilya nito.” Gusto kong umiyak dahil sobrang nakakasama ng loob pero hindi ito ang tamang panahon para maging mahina. Ang gusto ko lang gawin ngayon ay makausap si Havoc para matapos na ang lahat. “Is there a problem here?” Sabay kaming napalingon kay Primo na kadarating lang, may hawak pa siyang isang shot ng tequila. “Nothing serious, pre. I just want to bed this w***e. I’m just asking for her price.” Halakhak nung lalaki, mas lalo akong nanliit dahil tumahimik ang buong paligid dahil sa lakas ng pagkakasabi niya ro’n. Napayuko ako. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng lakas para harapin ang lahat ng tao rito. “She’s not a w***e, she’s my friend. I want you to apologize right now.” Madiing saad ni Primo. “Oh, is she yours tonight? Sayang, maybe I’ll just try her next time, then. Or pwede ring pagkatapos niyo. Just make sure that you won’t shoot your load inside her.” Saad niya, tapos ay nakaka-insulto pa siyang humalakhak. Mukhang mali ang desisyon kong magpunta pa rito kahit na inimbita ako ni Primo. Mukhang dahil sa akin ay masisira pa ang birthday party niya. “What did you say?” Tila napipikong tanong ni Primo. “I want you to apologize while I’m still nicely asking you.” May halong pagbabantang dagdag pa niya. “Why would I? Bayarang babae naman talaga siya hindi ba? And she should be thankful because I’m still showing interest and willing to pay kahit na mukhang marami na ang gumamit sa kanya.” Sagot naman ng lalaki. Nagulat kaming lahat nang agad na sinapak ni Havoc iyong lalaki, maging si Primo ay gano’n ang ginawa. Nagsigawan ang ilang mga babae rito dahil sa nangyari, iyong ibang lalaki naman ay agad silang inawat. “H-How dare you!” Puno ng hinanakit at gigil na sigaw ni Havoc sa binugbog nilang lalaki habang dinuduro niya ito. “Wala kang karapatang insultuhin siya, at kahit sino man sa inyo dahil hindi niyo siya kilala!” Dagdag na sigaw pa niya. Gusto kong umiyak dahil doon. Sobrang nakakataba ng puso kasi kahit na nagkasakitan kami, kahit na alam kong galit siya sa akin ay heto pa rin siya pinagtatanggol ako. “Get the hell out of here before I sue you for a s****l harassment, boy.” Madiing saad naman ni Primo. “At lahat ng masama ang tingin sa kaibigan ko, makaka-alis na kayo. Hindi namin kayo kailangan dito!” Sigaw pa niya. Natahimik naman silang lahat dahil doon. Mabilis naman akong hinila ni Havoc papunta sa loob ng bahay ni Primo, dumiretso kami sa sala at doon niya ako pina-upo sa isang mahabang sofa. Napansin ko naman na nakasunod sa amin si Primo kaya tipid akong ngumiti sa kanya. “Pasensiya na kung dahil sa akin nasira pa ang gabi mo, Primo.” Agad naman siyang umiling. “No, no… it’s not your fault. I should be the one saying sorry.” Napakabuti talaga niyang tao. Napakabuti niyang kaibigan. Kailan lang kami nagkakilala pero ang trato niya sa akin ay kagaya rin ng trato niya kay Havoc. Maswerte ang babaeng mamahalin niya, maswerte ang mga magulang niya, maswerte ang lahat ng taong malapit sa kanya. “Brother, can you give us a moment, please?” Sabay kaming napalingon kay Havoc nang sabihin niya iyon, ngumiti naman si Primo at marahang tumango. Nang makalabas na ulit si Primo ay nagulat ako nang lumapit sa akin si Havoc at agad na lumuhod sa harap ko. “Jara…” Nabasag ang boses niya nang banggitin niya ang pangalan ko kaya alam kong umiiyak siya. “Sorry, sorry kung nasaktan kita. Sorry kung hinayaan kong bastusin ka nila. I was mad and I let my anger took over me. Patawarin mo ako.” Hagulgol niya, at nasasaktan akong makita siyang ganito. Agad din akong lumuhod sa harap niya para harapin siya. “Ako dapat ang humihingi ng sorry, Havoc. Sorry kung nasaktan kita. Sorry kung palagi kang napapahiya dahil sa akin. At sorry din kung hanggang sorry lang ang kaya kong sabihin.” Habang sinasabi ko iyon ay nakatingin lang siya sa akin, titig na titig siya sa mga mata ko habang ang mga luha ay tumutulo mula sa mga mata niya. “Ininsulto ka nila at hindi ko iyon matanggap. I’m going to make them all pay.” Tipid akong ngumiti sa sinabi niya at agad na umiling. “Hayaan mo na sila, lagi ko namang naririnig ang mga iyon, siguro nasanay na ako.” Mapait akong ngumiti nang sabihin ko iyon, halata naman ang gulat sa kanya. Hindi ko sinabi iyon para kunin ang simpatya niya. Sinabi ko lang ang totoo. Hindi iyon ang unang beses na nabastos at minaliit ako. Ilang beses na rin simula nung maging parte ako ng buhay niya. At isang masinungalingan nang sabihin kong nasanay na ako dahil hindi. Sobrang sakit sa parte ko sa tuwing minamaliit ako ng iba. “Tama silang lahat, Havoc. I don’t deserve you. Gusto kong may mapatunayan sa sarili ko. Gusto kong may marating sa buhay ko. Gusto ko na kahit papaano ay may maipagmalaki rin ako. Gusto kong baguhin ang lahat kasi nakakapagod maliitin ng ibang tao.” Agad siyang umiling sa sinabi ko. “No, no. I won’t let that to happen again. I’ll protect you from now on.” Napangiti ako dahil doon. “Alam ko, Havoc. Naniniwala ako sa ‘yo. Pero gusto kong may marating sa sarili kong sikap, iyong wala ka sa tabi ko. Kasi ayokong may maisumbat pa rin ang ibang tao at ang pamilya mo sa akin pagdating ng araw. At sana kapag dumating ang araw na may narating na ako sa buhay… sana pwede pa tayo.” Mas lalo siyang humagulgol sa sinabi ko pero marahan pa rin siyang tumango. “Naiintindihan ko. Mahirap pero naiintindihan ko.” Nanghihinang sagot niya. “But how successful is successful to you?” Tanong pa niya. “Hindi ko alam… tanungin mo ako ulit kapag may napatunayan na ako.” Mapait akong ngumiti at agad ko siyang niyakap, sinuklian naman niya iyon. Right after that, I stood up and turned my back on him while tears are unstoppably falling. “I’ll wait for you.” Narinig kong saad niya bago ako makalabas ng pinto. Siguro iniisip ng iba na pinapahirapan ko lang ang sarili ko, pero hindi. Masyadong maraming tao ang nangmaliit sa akin, kasama na ang ibang miyembro ng pamilya niya. Sinasabi nila na wala akong mararating sa buhay at magiging pabigat lang ako kay Havoc, at gusto kong patunayan na kaya kong magsikap. Gusto kong patunayan sa kanilang lahat, lalo na kay Havoc na kahit na hindi naging maganda ang nakaraan ko ay pwede pa rin akong magbagong buhay. Kaya kahit na mahirap at masakit ay gagawin ko para kay Havoc kasi gusto ko na maging deserving ako sa pagmamahal niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD