
Bata pa lamang ay pinagsasanay na ng mabuti ng kaniyang kapatid si Alexus.Ang kaniyang kapatid na si Princessa Alexandra ay mahigpit sa kaniya,kinakailangan niyang mag ensayo araw-araw hanggang sa makabisado na niya ang isang mahika.Ang mahika na kaniyang sinasanay ay hindi basta-bastang mahika lamang,nakasaad sa kanilang propesiya na isang batang lalaki na may nakatatak na bituin sa kaniyang dibdib ang isisilang at siya ang maghahari sa kanilang kaharian upang iligtas ito sa kasamaan dulot ng angkan ng mga Santilmo.Ang angkang Santilmo ay nagtataglay ng kapangyarihang apoy,sila ay kalaban ng kaniyang angkan na ang kapangyarihan ay tubig.
Ang batang nakatakda ay si Alexus dahil may nakatatak na bituin sa kaniyang dibdib.Ngunit ito ay itinago ng kaniyang mga magulang sa kanilang mga nasasakupan dahil sa isang sekreto.
