Jade's POV
Nung kinagabihang yun. Di ko na natanong si Papa about dun sa lunchbox. Medyo busy kasi sa restaurant, yun din ang naisip kong dahilan kung bakit siguro nagkaganun yung sandwich. Malabo man yung rason, pero wala na rin naman akong magagawa at tapos na yun.
Nakatulog ako nung dating ko dahil sa sama ng pakiramdam, at halos 8pm na rin nang nagising ako dahil sa muling paghilab ng tyan ko. Ngunit hindi talaga yun ang nagpagising sa akin. Kung di, dahil sa isang masamang panaginip.
Napanaginipan kong marami daw akong iaabsent ngayong taon, mahihirapan din daw ako sa kusina to the point na hindi ako makakapagluto ng maayos. Sobrang kalat ko din daw, which is hindi ako sa tunay na buhay. Tapos may lalaki pang hindi ko kilala ang tatawanan ako sa likod ko. May nagsabi din sa akin na ang pwedeng maging resulta daw nun ay ang pagkawala ko sa honors. Dahil dun ay napabalikwas ako ng gising at nag-aral.
Hindi ako usually nag-aaral dahil advance ako, pero dahil na rin sa nangyari ay sa tingin ko nga pwede akong bumagsak. Puro hula at di siguradong sagot ang ginawa ko sa last test ko kahapon dahil sa pagmamadali, kaya possible nga talaga yun. Naku, kailangan ko ngang mag-aral. Sorbang napuyat tuloy ako.
Sobrang nawiweirdan talaga ako sa mga lumipas na araw. Parang ano, parang minamalas ako, ganun. Ewan ko ba.
"Jade, ano? Kamusta ang exams? Mahirap ba?" casual na tanong ni Rina.
"Hahaha, di ko akalaing babaliktad ang araw at ikaw naman ngayon ang puyat." pangaasar ni Stella.
Kanina pa sila. Simula nang makita nila ako kaninang umaga, di na nila ako tinantanan. Ang laki kasi ng eyebags ko, kaya ayun, sinabi kong nag-aaral ako. Totoo naman kaya wala akong ibang marason.
Alangan namang sabihin ko pa yung tungkol dun sa sandwich at sa pagsakit ng tyan ko, edi si Papa naman ang siniraan ko. Tutal alam nilang sa kanya lang pwedeng manggaling yung mga yun.
Sa ngayon, wala akong alam kung kay Papa nga ba, o sa ibang tao, galing ang mga yun. Medyo, medyo lang naman, alinlangin pa rin akong hindi pwedeng sumablay si Papa sa ganun. Tsaka kasi sandwich lang yun. Pagtinanong ko sya, baka ako pa ang matanong pabalik. Baka sabihin nun, 'Ano ang mahirap sa paglalagay ng mayonnaise at paghahalo, Jade?'. O diba, ako pa ang pahiya nun.
Pero kung sa kanya nga galing yun, malakas ang kutob kong mas pinagtri-tripan nya ako, kesa sa gusto talagang pakainin. Bukod kasi sa pink yung lunchbox, wala na akong ibang maisip. Hindi rin naman kasi yun mag-aaksaya ng mga ingredients. Kung sa busy naman ng restaurant ang magiging rason, medyo hindi pa rin sapat.
Kung sa ibang mga tao naman ang pagpipilian ko lang ay ang dalawang klase ng tao. Una, yung mga Kuya ko sa resto. Baka nang pra-prank lang yung mga yun, pero malabo din. Wala naman kasi silang mapapala.
Pangalawa, yun na, baka may taong galit sa akin ngayon. Wala na akong ibang maisip na rason. Tanging yun na lang. Pero sino naman kaya yun? Ang effort ha, bumili pa para lang hindi lutuin at ibigay sa akin ng hilaw. Ang yaman nama——si Geo! Oo sya! Sya lang naman ang nagawan ko ng atraso nitong mga nakaraan!
Aba, matindi ang galit. Parang dinibdib naman ata nya yung break-up nila ni Cheska. Sabagay, medyo nagkaasaran kami, at siguro nga, napahiya ko pa sya nung last na kita namin.
Napatigil na lang ako. May posibilidad nga, pero hindi pa rin malinaw. May isa pa kasi akong last na hula, yung nagbibigay sa akin ng mga letters at mga magic pen daw. Kung sino man yun, dun mas lumalawak ang choices ko.
Mahaba-habang isipan to. Hindi naman kasi pwedeng mangturo na lang ako ng kung sino-sino, at mamintang. Puro mga 'baka' pa rin ako ngayon at kutob palang. Mahirap na yung hindi sigurado, kaya hindi ko pa rin sinasabi sa mga kaibigan ko yung tunay na nangyari kahapon.
Pero syempre, napakwento na rin ako kaya nasabi ko lang yung tungkol sa panaginip ko. At yung about sa feeling ko na parang-—ayun nga, parang minamalas ako.
"Ang hirap kasi sa mga matatalino. Konting panaginip at foreshadowing lang, kaagad kinakabahan na." dagdag pa ni Rina. "Yan tuloy, nakapag-aral ka para sa wala. Dapat good day ngayon kasi last day na ng exams. Tignan mo ikaw ngayon."
Yun na nga eh, nakaka-disappoint na nakakagalit dahil ang dali ng exams ngayon. Akala ko kasi talaga---hay naku~
"Good bye exams. Hello two weeks break!" pagchecheer pa sa akin ni Cheska na kakarating lang at umupo sa tabi ko. Wala talagang pakiramdam 'tong isang to. Kita nang natutulog kami dito eh.
Lahat ng narito ngayon bangag dahil sa puyat. Isa kami dun. Nasa mga unang schedule kasi ang mahihirap na course subjects, habang ang mga madadali naman ay medyo pinagkasya sa mga padulong days. Bale sa madaling salita, anxiety with no warm up preparation exams to simply living with no energy. Kaya eto ang ending namin kahit last day na. Talagang pipilitin naming makatulog ngayon, half day lang kasi. Kailangan bumawe muna ng tulog.
"Yun na nga eh. Saan ba?" tanong ni Rina kay Stella. Naku, mag-iisip na kaagad 'tong mga to? Kakatapos lang ng exam ah. Hindi ba sila pwedeng mag-intay sa amin?
"Pwede bang matulog muna tayo ngayon." biglang imik ni Molly. "Tayo lang ang gising dito at maingay oh, nakakahiya."
"Oo nga." pagsangayon ko. Kung titignan kasi ang paligid, mukhang nakakaabala kami sa mga natutulog dito. Sabi naman kasi sa inyo, extended ang library namin hanggang canteen.
Pero ayun, masayang nag-uusap sina Rina at Stella sa mga plano. Si Molly naman mukhang antok na antok talaga at nakatulog na. Habang eto si Cheska nakatabi sa akin at nagcecellphone.
"Oi Jady, ayos ba to?" sabay pakita nya sa akin ng cellphone nya. May picture dun ng isang lalaki. Ayos lang naman. Gwapo, talagang pasado sa mga type ni Cheska. Mukhang playboy eh, kaso mukhang may katandaan sa amin.
"Matanda?" walang pigil kong tanong. Ang matured kasi yung mukha.
"One year lang." pagsasawalang bahala nya. "Matagal na kaming magkakilala dahil sa mga parties, kaso di ko pinapansin kasi mukhang papalit-palit din ng gf. Ayaw ko naman nun. Baka parehas lang kaming mag-gaguhan."
"Kaya nga," pagtango ko dun. "Nakausap mo na ba? Malay mo, hanap din nya pala yung maseseryoso."
"Oo, nag-date na kami after nung kay Geo."
Hanep talaga 'tong babaeng to. Daming pampalit ah. Totoo sa kanya yung salitang "Ang daming lalaki dyan." kitang kita pa nga eh. Ang dami nyang nakita kaya eto, hindi talaga nauubusan.
"At tsaka, noong before mag-start yung school year. He's good, but that's not the thing kasi lahat naman ng lalaki ganun lang sa una, diba?"
Sabagay, si Cheska nga pala ang expert sa amin sa ganyang mga experience. Tsaka, yun din naman ang paniniwala ko. Na kapag nanliligaw, eh puro pakitang tao lang. Kasi syempre, gusto nilang magustuhan mo sila, pero dahilan din yun para sabihing hindi nila pinapakita sayo yung bad side nila, which is para sa akin, disadvantage ng mga babae.
Ewan ko lang, kasi yung sa iba naman totoo naman daw. Siguro, kanya-kanya lang talaga yun ng paniniwala. At syempre, depende din sa pinapakita ng mga lalaki, kung kapani-paniwala ba naman talaga, eh bakit hindi?
Lumipas ang konting minuto ng katahimikan at pinipilit kong makaiglip. Eh ang kaso yung daliri ni Cheska na tap ng tap sa screen ng phone nya, ay halos mag-rap sa tenga ko.
Hay naku, antok na antok na ako. Ayos lang naman sa akin mag-aral, kaso di talaga ako sanay sa ganun.
"Oh my!" sunod na bumukas kaagad ang mga patulog kong mata para salubungin si Cheska. May nakakabiglang expresyon sya habang nakaharap sa cellphone nya. Mukhang shock na shock sya. Nakakaasar naman 'tong isang to, ang ingay.
"Bakit?" mahinang tanong ko.
Tulog na din kasi sina Stella. Akala ko pa naman puro energy pa sila.
Sabagay may oras pa bago ang bell para sa last exam namin. Yan tuloy, kailangan kong habulin yung tulog ko para medyo di naman ako mukhang bangag mamaya sa exam. Last exam na nga sasablay pa.
"Nakalimutan ko may naiwan pala ako sa locker." mahinang bitiw nya na di pa rin maalis ang tingin sa cellphone, nagmadali 'tong umalis. Okay, wala ng sagabal. Makakatulog na rin.
Grabe, antok na antok na ko. Halos lahat ata ng energy ko nagdedrain na.
Sana naman makatulog na ako. Kulang na kulang yung halos iglip ko kanina. Diba dapat ang tawag dun power nap? Bakit ganun di naman ako naka-charge kahit ilang percent man lang?
Buti pa 'tong mga kasama ko humaharok na. Sila 'tong may sabing matitibay sa puyat, pero tignan nyo, mas nauna pa. Kung sabagay halos lahat ata ng tao dito sa canteen parang mga zombie na. Ginawa ba namang library at tulugan 'tong dapat kainan.
Hay naku, mata bumagsak ka na. Konting-konti na lang makakamtan na kita tulo------
"Jade Ocampo."
"Oh hi!!!" biglang bangon ko mula sa pagkakaubob na may pagsigaw pang kasama. Nabigla naman kasi ako sa tumawag sa akin. Ayan tuloy nawala yung antok ko! Bwisit!
Pero nang lingunin ko naman to, isang hindi pamilyar na mukha ang nakita ko. Bumugad sa akin ang maliwanag na ngiti ng isang lalaki na tinalo pa ang toothpaste commercial sa sobrang pantay at puti ng ngipin. Maski ang mga mata nito ay ultimo parang kumikislap. Nagtataka tuloy ako sa kung ano bang meron sa mukha ko at ang saya-saya nyang nakatingin sa akin.
Hiyang hiya naman ako sa mukha nya kung tatawanan nya ako. Bakit di ba uso sa kanya yung salitang "examination" ha!? Porque sobrang kinis at puti nya ay tatawanan na nya yung "puyat" ko. Aba! Grades ko kaya to! Hiyang hiya naman ako!!!!!!
"Oh, may kailangan ka ba o kikimkimin mo yang tawa mo?" walang gana kong sita dito. Pano kasi mukhang tawang tawa na sya sa kaloob-looban nya, tinatago lang.
Pero sa halip na tumawa ay kumunot bigla ang expresyon nya. Slow ata 'tong isang to.
"Bakit? May kailangan ka ba?" muli kong tanong.
"Ah, yes-----"
At di ko inaasahang ang sumunod na mga salita ang gigising sa buong systema ko at manggugulo ng mga susunod na araw ko na susundan pa ng buong buhay ko.
"You will be my girlfriend."
Huh?
Aba, adik to ah.
"Excuse me?" kaagad kumunot ang noo ko. Kumunot din ang noo nya at mukhang di pa talaga sigurado. Lakas ng tama neto ah. Kunti na lang at talagang maasar na ako. Kanina si Cheska, ngayon to! AKO PA TALAGA HA. AKO PA TALAGA!
GUSTO KO MUNANG MATULOG!! Konti na lang mag-eexplode na ako sa asar.
Umiling sya na para bang may mali akong nasabi. Natarayan pa ata sa sagot ko, well buti naman.
"I don't know. I don't care about your name." masayang saad nito at deretsyo tinuro ng daliri nya ang mukha ko.
Aba!
"But I know it's you. That's the same face. And I know---" ngiting ngiti nyang sabi. "Because I just know."
"Ha? Anong klaseng rason yan?" di ko naman inaasahang masasabi ko pala yung nasa isip ko, awkward akong napatingin sa kanya.
Ano ba naman kasing sagot yun? Bakit, manghuhula ba sya, ha? Kung maka-'because I just know' sya dyan, ha. Ang feeling lang. Akala ko pa naman tapos na akong makipag-usap kay Geo, eh bakit parang may point 2 version sya?
Pero kahit awkward na yung tanong ko ay ni hindi man lang nagalaw yung mga ngiti nya. Now, ngayon ko lang napansing medyo umaabot ang ngiti sa mata nya. At di rin mapapagkailang mayaman siya dahil may makinis at maputi syang balat.
Mistulang nagmumukang sobrang dark at kapal naman ng kilay at buhok nyang kulay brown, dahil sa color complex siguro. At mayaman talaga dahil namumula-mula pa ng konti ang mukha nya, tapos sinamahan pa ng mapupula nyang labi. Matangos ang ilong na bumagay sa mga malalalim at mapupungay nyang mata.
Halos lahat ata bumagay sa mukha nyang parang ginuhit ng isang artist dahil sa sobrang define ng facial structure nya. Masyado naman ata syang close kay God, para maiguhit sya ng ganyan kaganda.
Ano to, babae? Sobrang alaga ha.
"I know it's you, because it feels right finding and looking at you right now." nakatitig nyang sabi sa akin. Napatigil tuloy ako. Ha?
Oh! Ngayon ko lang narealize na kanina pa pala kami nakatitig sa isa't isa. Pero kahit na nagulat ako ay di ko yun pinahalata. Bakit ba naman kasi tinignan ko pa sya?! Kaya ayun, umiwas kaagad ako ng tingin.
"That's fine. I find it cute."
At talagang di papaawat 'tong isang to ha. Tinignan ko ulit sya gamit ng casual kong tingin.
"Ganda nan ah, lyrics ba yan? Isave mo na lang." pag-amin ko sa kanya. "Pero mali ka ata ng nalapitan eh."
"Oo nga." mahinang komento sa gilid. Which is galing kayna Stella, na ngayon ay gising na gising na. May bahid na pagkabigla sa mukha niya na parang kanina pa sya nakikinig.
Si Rina naman kunot na kunot ang noo, mukhang di pa rin ata nya narerealize yung nangyayari. Oh! Wala namang nangyayari!! Nagkamali lang si Kuya na to.
Ginilid ko ang tingin sa kanya, at tahimik na sinuri ang kabuoan nya, mula ulo hanggang paa. Ayaw kong mahalatang nakatingin ako. Kanina pa ako may napapansin sa kanya ah. Di ko lang mapinpoint.
Si Molly naman nirepleka ang expression ko. Alam nya atang impossible talaga kaya bored lang syang nakatingin sa amin.
"No, I told you." matigas na sagot nya. Nabigla tuloy ako ng konti dahil sa medyo pagtaas ng boses nya, na para bang medyo naasar sya dahil sa di kami naniniwala.
Tumaas ang kilay ko. Bakit sya mapilit at galit dyan?! Ha! Sya na nga 'tong ang lakas ng trip sa buhay! Sya pa 'tong galit! Grabe to oh, nananahimik ako dito. Gusto ko lang makatulog tapos babanatan nya ako ng pang aabala nya?! Ang swerte ko naman ata ngayon para bingguhan ng mga gantong kalokohan!
Ano, gusto nyang pagtawanan ako at ipahiya?! Well sorry sya, lahat kami dito matitino! Kaya sinong maniniwala sa kanya? Sino ba? Sino?! At hahablutin ko!
"I know it's y-----" sobrang tense ng bawat words nya. Kaya kaming apat naman ay napapataas ang kilay sa pag-iintay ng mga sasabihin nya. Ngunit naputol ang mga yun dahil sa tao sa likod nya.
"Bro, what are you doing here? We have to go." tawag sa kanya nung lalaking kakarating lang. Medyo familiar sya sa akin.
At oo, yun pa yung naging pamilyar sa akin. Mas mukhang maayos kasing kausapin 'tong si Kuyang kakarating lang, kaysa dun sa kaninang lalaki na kung ano-ano ang sinasabi.
Talagang dumadami ang tao dito ah. Tiga-ibang school sila, at halata naman. Normal lang kami eh. Sila, mukhang hindi.
Hinatak na sya nung kaibigan nya. Halos sundan ko sila ng tingin dahil sa biglang pagdating ni Cheska, galing sa likod nung pangalawang lalaki.
Magkakilala sila?
Namalayan ko lang na dapat pala hindi na ako tumingin pa, kasi napalingon yung lalaking kumausap sa akin kanina. Akbay-akbay sya nung familiar na lalaki, yung parang kakilala ata ni Cheska.
Mula sa pagkaasar, dahil ata dun sa kanina at sa pagkahatak sa kanya, ay napalitan ito ng pagkabigla. Nagulat ata sya at hindi inaasahang nakatingin din ako sa kanya. Sa huli ay binigyan nya ako ng ngiti. Isang ngiting may kahulugan. Naging pamilyar tuloy sya sa akin.
Hindi kaya? Sya kaya yun?
Malumanay ko namang nilipat ang tingin kayna Cheska, para magmukhang wala lang sa akin yung natanggap kong tingin. Pasimple din akong bumuntong hininga. Ngayon ko lang namalayang kanina ko pa pala pinipigilan ang paghinga ko. Ang totoo kasi nan kinakabahan na ako.
"Parang mamalasin ata ako ah." mahinang bulong ko.
"Oi!!! Lutang ka dyan!! Anong mamalasin?? Baka swerte! Ang gwapo kaya nun." hirit ni Stella. Kanina pa pala nila ako pinag-uusapan.
"Alam mo Jade, sayang ka. Ang daming lumalapit sayong gwapo pero hindi mo naman naa-appreciate!" dugtong pa ni Rina. Pinalo pa nya ako sa braso.
Gwapo?! Ano naman ang kinalaman nun kung pagtri-tripan lang ako? Wala naman sa itsura yun.
"Hindi! Makinig kasi kayo. Ang sabi ko mukhang mamalasin ako, at AYAN OH!" sabay turo sa relo ko. "Malelelate na tayo!!!!"
Kaya ayun, kumaripas na kaming lahat. Pero bago pa makalayo ang si Cheska ay hinablot ko na kaagad sya.
"Oi Cheska," hatak ko dito. "Yun ba yung Liam?" pagtatanong ko tungkol dun sa lalaking dumating nung huli. Yung unang naging familiar. Kung di ako nagkakamali, sya yung lalaking pinakita nya sa akin kanina sa cellphone nya, yung mukhang matanda.
"Umm." mahinang tango nya gamit ng boses na pumantay rin sa hina ng boses ko.
"Edi ibig sabihin kaibigan nya yun?" pagtukoy ko naman dun sa unang lalaki. Yung nag-'it's you.'
"Umm-oh---oo." tango nya ulit kaya napabitaw na ako sa kanya.
Naku sana mali ang nasa isip ko.
"Mukhang mamalasin na talaga ako." mahinang bitaw ko.