Single’s Unusual Day

2987 Words
Jade's POV Bwisit talaga!!!!! Ang sarap talagang sabunutan nitong si Cheska! Kung di ko lang talaga kaibigan yung isang yun. Pag nga naman sineswerte ako oh. Bakit ba naman kasi kailangan ko pang gawin to?! Bakit kasi nagpadaan ka sa luho, Jade???? Edi sana ngayon wala ka sa katayuang ito! Ano ba yan, nagtatakbo na nga ako noong isang araw, tapos ngayon tatakbo na naman ako? Aba, Jade, maging runner ka na lang kaya. Mukhang mas may practice pa ako dito kaysa sa pagiging chef. Maganda din naman to sa health, eh ang kaso baka nireready lang pala ako nitong mga nakaraang araw dahil magiging criminal lang pala ako soon. Tsk! Ang malas ko naman. "Miss!!!! Wait! Wait!" muling tawag sa akin ng kung sino man yun. Mas tumakbo ako. Wala akong balak gumawa ng eksena para lang kay Cheska. Kaibigan ko sya, oo, pero di naman necessary na gawin yun para lang patunayan na suporta nya ako. Tuluyan na akong lumabas ng school nila habang may tagumpay na ngiti. Nang makarating naman ako sa labas ay madilim na. Sobra naman yung oras na naaksaya ko. Dapat nasa bahay na ako ngayon at nagrereview para sa exams. Tapos ngayon, magko-commute pa ako. Gagastos pa ko nito para dun ha. Ano ba naman yan, Cheska kasi bakit di na lang itinext?! Naalala ko tuloy yung sulat. Sayang naman. Nang makarating na ako sa bahay at nag-ayos na para matulog. Halos ilang minuto kong tinignan ang phone ko habang nakahiga. Nakalagay dun ang "Mission accomplished" kasama ang mga pictures na kinuha ko. Kitang kita dun ang kalandian ni Geo habang close na close sila nung babae at tumatawa. Sinigurado ko naman na naandun na ang lahat para maidelete ko na yun sa phone ko, pinindot ko na ang send button. Mukhang ang "Mission accomplished" ko ay "Relationship accomplished". Sabi ko naman kay Geo diba, wala akong sasabihin kay Cheska. Di ko ugali yun. May mga pictures ako. Bahala nang si Cheska ang humusga sa mga yun. At least may ebidensya ako. "Hay~" napabuntong hininga na lang ako. Alam kong sanay sa break-ups si Cheska pero medyo concern pa rin ako sa kanya dahil ang dami-dami na nito. Kahit mabilis syang magpalit ng boyfriend, alam kong nasasaktan pa rin sya. I just wish na mahanap na nya yung relationship na di sya sasaktan. "TING!" Napatingin ako sa cellphone kong nag-ilaw dahil sa text. From Cheeseka, Thanks, Jady winny. You really are the best friend. I'm really gonna give you the best treat ever. I hope you're up again for next time ;) Thanks and love you! Mwuah, goodnight. At kasama nun ang kissy emojis. Tsk,' anong next time? Talaga naman oh. Cheska talaga. To Cheeseka, Che! Goodnight din sayo bruha ka. Matulog ka na at wag nang magpuyat. Baka mag-iiyak-iyak pa yun eh. Wala namang maganda sa lalaking yun. Masasayang lang talaga luha nya kung ganun. Tsk', may mga bagay talaga akong hindi maiintindihan sa may mga jowa. Pagkatext ko nun ay binaba ko na yung phone ko. Sana wag muna nya talagang gawin yung next time nya. Parang awa na nya, examination na. Hayaan nya munang yun naman ang problemahin ko. **** "HAY~Exam!" paghikab ni Stella. Eto na nga ba ang araw na puro parusa. Kaya heto kami ngayon, puro bangag. Ang sakit talaga sa ulo ng exams. "Di na ko makapag-intay na matapos 'tong mga bwisit na exams na to!" pagmamaktol ni Rina. "Pesteng mga tanong yan!!! Ang hihirap!!!" "Mag-aral ka kasi." komento ni Molly na ngayon ay nakahalumbaba sa sobrang antok na rin siguro. Sabagay tatlong araw na kaming nag-eexams ngayon at pagkatapos naman nun ay sembreak na. Konting tiis na lang. Makakamtan din namin ang sembreak!!! Excited na ako!! "Nag-aaral naman ako ah. Di ko na kasalanang hindi magkaparehas ang tanong sa libro at sa test papers kaya ang hirap-hirap sagutan." depensa pa nya. "Diba, Jady?" sabay baling naman neto sa akin. Oh, ako na naman. Bakit ba lagi nila akong sinasali sa usapan nila? Tamo, sa akin na naman ang baling ng topic panigurado. Rina talaga oh, pahamak. Akala nya siguro ay sasamahan ko sya sa pag-eemot nya. 'Tong reklamadorang ito. Nananahimik na nga ako. "Oh, wag nyo akong isali dyan. Kita nyo namang gusto kong umiglip ng konti." "Naku wag si Jade ang tanungin mo, Rina. Alam nyo namang pinagpala yan ng katalinuhan at kayabangan kaya di na nagrereview ngayon." talaga naman 'tong si Stella oh. Ako na naman ang nakita. "Luh? Bakit ako lang ba? Si Molly rin ah at tsaka si Cheska kaya, pati rin naman sila ah." sabay turo ko dun sa dalawa. Sa katunayan nan ay matalino naman kaming lahat. Nakaka-angat lang ako ng konti dahil nag-aaral talaga ako. Naniniwala naman akong pare-parehas namin nararanasan ang hirap sa pag-aaral. Yun nga lang may pagkapraning ako kaya inuunahan ko na yung paghihirap at inuunti-unti na para di ganto kalala. Hindi katulad nitong mga to. Gusto suicide kaya ngayon pa inaaral yung mga kailangan nilang habulin. Nakita ko namang inirapan ako ni Stella dahil sa pagturo ko. "Che!! Kakaiba naman sila sayo!!!" pagbaling niya dun sa dalawa. "Diba?!" Sakto namang nilingon kami ni Cheska na kanina pa nagce-cellphone. "Aral bagang? Ano yun? Ex-boyfriend ko?" at tsaka kami inirapan at muling nagcellphone. Yan yung matalino! Ni hindi nag-aaral, puro phone at friends lang!!! See, sinong pinagpala ng katalinuhan at kayabangan sa amin? Ayos naman si Cheska, sa tingin ko. Ganyan kasi ugali nya towards sa pag-aaral. Mukhang di na ata affected sa break up nya kay Geo nung isang linggo dahil puro cellphone naman ngayon. "Ex-boyfriend ka dyan!" dahil naman sa sagot ni Cheska, umakto tuloy si Stella na ibabato ng pakunwari yung pencil case nya. Napailag si Cheska kahit di pa naman binabato, pinanlakihan pa nya ng mata si Stella dahil dun. Nakakatawa talaga 'tong mga to. Nakakawala ng antok. Galing~——Peste! Paano ako nito mamaya? Lutang na? Eto na lang kaya yung time ko para maka-iglip ng konti. Hindi ko naman inaasahang mapabaling kay Molly, na nakatingin pala sa akin. Ewan ko kung antok lang to o dahil sa casual expression na nya yun, pero parang laging mukhang bored talaga 'tong si Molly. "Ayaw ko lang mag-aaral kasi nakakamukhang matalino yun. Malay mo, dumikit na pala ako sa top mo Jade. Tinatry ko lang yung technique mo." saad nya na parang nagpapaliwanag sa akin. -__-' Ano yun, kabaliwan? Napatigil na lang kami habang nakatingin sa kanya. Grabe talaga 'tong si Molly. "Ikaw kasi!! Bakit ang talino mo?! Tignan mo, pagbumagsak at nawala sa honor si Molly, ikaw talaga sisisihin namin!" sabay higit ni Stella sa buhok ko. Di naman ganun kasakit kasi di seryoso. Yung tipong nang gugulo lang ng buhok. Official na bagong gising na ako bago pa man makatulog mamayang paglabas ko neto. Matatapos na lang kasi yung break time namin, ayaw pa akong tigilan nitong mga to! Bwisit talaga sa pang go-good time sila, ngayon talaga ha! Ang wrong timing. "My gosh, Jady! Ganyan pala ang technique mo para maalis kami sa honor. Pakunwaring pa-inspiration, yun pala pabackstab ang dale." pangaasar pa ni Cheska, tapos yung tunog sobrang mapang-akyusa na may halong arte, as usual. Ewan ko kung bakit laging ako ang pinupuntirya nila, eh magkakaiba naman kami ng kurso. "Cheska, may sira ka na. Ikaw kaya ang pinakang huli sa honor. Dapat yung sarili mo muna inaalala mo." hirit naman ni Rina na inirapan pa ni Cheska. "Talagang sayo pa nang galing yan ha. Eh pangalwa ka nga sa mababa. Buti pa yung akin naghonor kahit out of courtesy lang. I don't have interest on it. And besides, ginawa ko lang yun just because I don't wanna hangout with people who has honors. Ano ako, papayag na maleft behind?" mahabang paliwanag nito. "Oi, grabe ka!!! Makasabi to ng pangalwa sa mababa, at least sa grupo natin nakabase yung second to the last. Hindi katulad mo! Talagang last sa honor list." bulyaw naman ni Rina. Ang kulit nila. Magkakaiba nga sabi ang kurso natin!!! "Duh! Rina be aware. Pag ako nag-aral, kabahan ka na." sabay irap ulit ni Cheska. Natatawa talaga ako sa mga pag-uusap nila. "Oi, nag-aaral ka kaya." mahinang bulong ko dito. Sya kasi yung taong ayaw magpakitang nag-aaral. Pero paggabi, asahan mo, puro tambak ng questions ang text nya sa akin, lalo na pag-exams. Pero matalino naman talaga si Cheska kung seryoso lang. "Whatever!" dahil sa inis niya ay natawa na lang kami. "Ikaw lang talaga ang katapat nan ni Maltida, no?" dagdag ni Stella habang nakipag-apir pa sa akin. "Eto kasing maltidang to, ang hirap makipagtalo." "Duh!" at tanging yun na lang ang naging sagot ni nito sa pangaasar namin, bago ito tuluyang tumingin sa akin. "Jady, do you know this guy from the other school? He's asking for a friend request." Dahil sa curiosity ay napatingin ako sa cellphone nya. Naka-open pala dun yung account ko, at bumungad sa akin ang mukha ng isang sasakyan. Oo, isang sport car. Ano kaya ang makikilala ko sa picture na to, yung brand ba dapat? Si Cheska kasi ang nakakaalam ng mga social account ko dahil wala naman akong pake dun. Sya na rin ang bahala dun, tutal uso naman ang fake accounts at mga catfish, diba? Basta wala akong kinalaman dyan. Di naman ako masyadong mamedia kaya siya lagi ang nagbubukas nan. Sa aming lahat, pwede mong sabihing kami ang pinakang close, pero sa tingin ko, siguro pantay-pantay lang ang closeness naming lahat. Magkaiba kasi kami ng mga gusto ni Cheska. Parang sa social media, mas mahilig sya dun. Habang ako naman hindi. Para akong si Molly, parehas kaming hindi maganun. Old school kasi talaga kami. Sa mga jokes naman at mga trip, si Rina talaga ang katandem ko. Maingay din kasi sya at masaya talagang kasama. Katunayan nan, pag kaming dalawa lang ang magksama, puro kami kalokohan at jokes. Sa resposibilidad naman at pagkaseryoso sa gawain, si Stella ang medyo malapit sa akin. Medyo lang, hindi kasi ako kasing ganun ka-matured nya. Iba kasi talaga si Stella, para syang ate sa aming lahat. Oo, mabiro sya, pero hindi kasi talaga nawawala yung mga seryosong usapan sa kanya. Kay Cheska? Paano ba? Hindi kami magkaparehas ng gusto, kaya paano ba kami close nito? Ah, siguro kasi kaya ko syang sakyan sa topak nya. Tsaka, ewan ko, dikit kasi sya sa kung kani-kanino. Basta nagkasundo at nagclick na lang kami. Malakas din kasi ang saltik nya. Tamo, parang ngayon. Napalinga ako sa kanya. Loko to ah. Ano naman ang kinalaman ko sa sasakyan? At dahil parang na-gets na nya yung naiisip ko ay kaagad nyang tinuro yung pangalan. "Eto, Jade oh. Kaloka." halos matawa-tawa ako sa loob ko dahil dun. Binasa ko naman yung pangalan dun. Kean Mendez? "Aba, malay ko." pagsasawalang bahala ko. Kasi kung meron mang mas may posibleng makakilala sa aming lahat dito, ay siya yun. Siya kaya ang may pinakang maraming friends dito. Sanay na din naman ako na binubuksan nya ang account ko para gamitin sa pang-iistalk nya. "Jade?" lingon ko naman sa tumawag sa akin. Si Molly pala. Nakatingin sya sa isa sa mga block mate ko. "May nagpadala daw sayo galing sa office." sabay turo nya sa isang lunchbox. "Ah, ikaw pala." pagbati ko sa block mate ko bago tinanggap ang kapit-kapit nya. "Salamat, naabala ka pa tuloy." tinanguan lang naman ako nito bago umalis. Tapos na naman ang lunch. Ano kaya to? Actually, simula last week may nagpapadala sa akin ng mga weird na bagay. Katulad ng magic pen na may letter na "Good luck in your tests, I know you'll pass'" At marami pang lucky charms pa at "good day" letters. Ang creepy na nga eh. "Nagpadala ata ng support si Tito. Ang supportive dad talaga! Tara buksan na natin!" isa-isa naming binuksan nina Rina yung lunchbox. Oo nga no. Lunchbox, kay Papa nga lang to pwedeng manggaling. Pagkain eh. Ngunit nagulat ako dahil puro sandwich yun. Mali, sandamakmak na sandwich. Egg sandwich. Tuna sandwich. Chicken sandwich. Ano kayang trip ni Papa at nag-aksaya ng tinapay at mayo? Ang dami pa nito. Eh, hindi naman namin to mauubos. "Jade, over ata si Tito ah at gusto pang ishare mo sa amin. Ang dami nito ah." naweirduhan rin ata si Stella. Kukuha na sana sila kaso bigla namang nagtime. Sakto namang nakakagat na ako ng isa. "Hhmmp!" mabilis kong tinignan ng may misteryo ang kapit kong tinapay. Bakit hilaw to at ang asim nito? Halos iluwa ko sa kamay yung kinagat ko. Kaso mas pinilit ko na lang lunukin at baka makahalata pa sila. Wala pang segundo bago pa nila marealize ang nagyayari ay kaagad kong hinablot ang mga tinapay sa kapit nila at binalik yun sa lunchbox. "Sige na, mamaya na lang. Good luck sa exams ninyo. Akin na lahat to. Grabe ang sarap." sinabi ko yun bago kumaripas. Nakinig ko pang tumawag sila pero di ko na pinansin yun at kaagad na ring umalis. Nang mailagay ko na sa locker ko yung lunchbox, may napansin ako. Kulay light pink yun na may maliliit na flowers at may blue dots na designs sa baba. Sigurado kaya silang akin to? Wala kaming gantong lunchbox. Masyado 'tong sosyal. At tsaka, pink? Anong trip ni Papa? Pagkatapos nya akong lokohing tibo, nung ikwento ko yung nangyari dun sa school ni Geo, ay papadalhan nya ako ng super girly na lunchbox. Grabe, naman sya. Talagang gumastos pa para lang asarin ako. Winalang bahala ko na lang yun at pumunta sa classroom, para magtake ng last test ko ngayong araw na to. Pero sa lahat ata ng test ko eto yung pinakang mahirap! Hindi dahil sa test kundi dahil sa pagbaliktad ng sikmura ko!! Wala pa atang kalhating oras sa pagkakaupo ko dito, nang maramdaman ko yun. "Ms. Ocampo, okay ka lang?" tanong sa akin ng prof ko. Matipid ko itong tinanguan at nginitian, Mabilis kong binalik kaagad ang tingin sa test paper ko. Gusto kong matapos na kaagad to para makauwi na ako nang maaga. Ang sakit talaga ng tyan ko!!!! Eto ata ang pinaka-mahabang oras ng test na natake ko! Di ko alam kung mahirap ba o dahil di lang ako makapag-concentrate. Sobrang pinagpapawisan ang kamay ko, pati yung test paper naiiwanan ng konting marka dahil sa pagkabasa nun. Hindi lang kamay ko ang pinagpapawisan ngayon, pati noo ko at paa ko. Letche oh!!!!! "Ms. Ocampo, gusto mo bang lumipat ng upuan? Mukhang init na init ka sa puwesto mo." pagpansin ulit sa akin ng prof ko. Mabilis ko naman yun inilingan. Mahirap nang mapatayo, baka mamaya bumalikwas na nang tuluyan yung tyan ko. Ano ba kasi ang trip ni Papa at maling lunchbox ata yung napadala?! Hindi pala! Kanino kaya galing yun?!! Imposibleng sa tatay ko galing yun! Never nagfailed yun sa pagluluto. Magiting na chef Boy-Ala-Lugro yun eh. Ilang araw na kaya yun? Kasi hilaw at lasang panis na yung mga sandwich. Muli akong luminga sa oras. Sa pagkakaalam ko ay pwede nang umalis pagnaka-isang oras na. Hanggang 1 hour and 30 minutes ang casual time ng examination. Hanggang 2 hours naman kung gusto pang mag-extend. Kaso 55 minutes pa lang ang nakakalipas, kaya halos liparin ang papel ko sa pagflip ng pages para kaagad akong matapos. May mga tanong na di ko na masyadong inisip, na alam kong pagsisisihan ko sa huli. Pero kasi ngayon iba ang sitwasyon. Gusto ko na talagang umuwi. Kaya nung nag-exact one hour na, kauna-unahan akong tumayo at binigay kaagad ang test paper ko. Di ko alam kung ano yung tanong sa akin ng prof ko pero ang alam ko ay nung nacheck nyang walang blank space ay pinayagan na nya akong lumabas. Parang alien akong tinignan ng mga classmates ko dahil sa pagmamadali ko. Ah basta, lalabas na ako! Half day naman ngayon. "Miss!!! Miss!!!" Kakaapak ko palang sa labas ay nakakita kaagad ako ng isang lalaking nakatayo malapit sa isang puting sasakyan. Di ko naman nakita ang mukha nito dahil sa sikat ng araw. Mabilis na nangingkit ang mga mata ko, bago tumungo. Kaya huli ko nang namalayang sinabayan nya pala ako sa paglalakad. Ang weird nito, kaya ganun na lang ang pag-iwas ko ng tingin sa kanya. "Ah Miss, I'm ----" "Sorry Kuya, di kita kilala. Kung kailangan mo ng tulong, sa guard ka na lang magtanong o sa admin." "Oh no, I came here to-----" "Sorry, nagmamadali na kasi ako." at mas lalo ko pang binilisan ang lakad. Nang akala kong tumigil na sya sa pagsunod sa akin ay tsaka naman to nagsalita. "Yeah! Yeah! I can see that. I can drive you, where are you going?" sabay turo nito sa unahan. Dun ko nakita ang isang puting sasakyan. Drive daw? Anong tingin nya sa akin, bata? Hindi porque puti ang sasakyan nya eh makikiuso na rin sya ng k********g. Lol, hindi pa rin white van yan! "Sorry talaga, sa admin ka na lang magtanong, kung may kailangan ka man." di ko na siya inintindi pa dahil talagang emergency na ang nararamdaman ko ngayon. Kaagad akong pumara ng tricycle. "Wait! Miss!" yun na lang ang huli kong narinig bago tuluyang umandar ang tricycle. Pansin ko lang, bakit parang parami ng parami ang humahabol sa akin ngayon? Parang nung minsan may humabol din sa akin ah. Hindi ko nga lang matandaan kung saan, ang naaalala ko parang maba-ban pa ata ako dun. Yung sa labas din ng school nina Geo, oo, tanda ko pa yun. Nung isang linggo lang nangyari yun kaya malinaw pa sa akin. Pero bakit parang may humabol na rin sa akin dati na feeling ko, sobra kong tinakbuhan? Saan kaya yun? Ah, basta. Wag lang katropa ni Geo. Real resback talaga yun para abangan pa ako dito. Tsk! Ewan ko kung ano bang kailangan nun o hinahanap na tao sa school namin, pero di ko talaga sya matutulungan ngayon!!! DAHIL tanging sarili ko lang ang kaya kong tulungan sa mga oras na to!!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD