Single in Relationship Mission

3438 Words
Jade's POV "Ano?!!" bungad ko bago basta-bastang umupo sa harap nila. Pano kasi 'tong mga kaibigan ko, bigla-bigla na lang nagsabi na dadalawin daw nila ako. Tapos malamanlaman ko naandito na kaagad sila!!! Eh kay aga-aga palang nang gugulo na kaagad! "Bilisan nyo at baka malugi kami sa inyo." Nasa baba lang kasi ng restaurant namin ang bahay namin. Well actually, magkatabi lang talaga ang tunay namin bahay at ang resto. Pero dahil lagi naman naandito ang oras ni Papa ay dito na rin namin nabalakan na tumulog. Malaki naman kasi yung lugar. May sala din sa taas at may mga kwarto. Yung bahay naman namin, bahay pa rin naman. Umuuwi lang kami dun paggusto namin. Iba din kasi ang trip ni Erpats eh. "No ba yan, Jade. Magang-maga sumisigaw ka." sita ni Stella. "Alam mo kung ganyan ka lagi, talagang walang magkakagusto sayo!!! Magpa-girly mode ka naman kasi!" "Ikaw rin Stella, magang-maga ganyan kaagad yang iniisip mo." kaya naman hinampas ko to ng mahina sa braso. "Pwede namang 'Good Morning' o di kaya 'Kamusta Jade?'. Dapat talaga magboboyfriend tips kaagad?" "Wala kang magagawa mainit dugo ni Stella sayo! Syempre dapat yung pang pa-good vibes muna sa amin, diba Stella?" pagdepensa ni Rina sa kanya na sinangayunan din ni Molly. "Magsitigil nga kayo, wag nyo akong pinagkakaisahan." "Well, speaking of comrades. Ayun si Cheska oh, kausapin mo para may makausap ka." tinuro nila sa akin si Cheska. Kasalukuyan 'tong nakatungong tungo sa cellphone nya na para bang may pala-isipan na tanong dun. Naku, problema na naman yan. Ayokong ma--- "Jade!" biglang sambit nito. "Buti naandito ka na, akala ko late kang magigising. Lumapit ka nga dito, may itatanong lang ako." At dahil sa alam kong nasa panganib ngayon ang sarili ko, dinaanan ko muna ng tingin yung tatlo. Tinignan ko sila ng may "Help me" look, ngunit dahil mga kaibigan talaga silang tunay ay nagkibit-balikat lang ang mga to. "Buti ikaw lagi tinatanong nya." bulong sa akin ni Rina. "Good luck Jady." pag-sign sa akin ni Molly. Umiirap tuloy akong lumapit kay Cheska. "Oh, bakit? Anong tanong yan?" pa-cool kong tanong. "Can you do me a favor?" Sa tingin ko di ko magugustuhan ang sasabihin nitong si Cheska. "Oh--eh--- oo, bakit?" sinukat ko muna sya ng tingin. Nangangapa ako sa susunod nyang sasabihin dahil baka kung ano na namang kalokohan yan. May iba't ibang trip din kasi 'tong mga to. "Pwede bang ibigay mo to kay Geo?" at inabot nya sa akin ang isang nakatuping sulat. "Ano ba naman to Cheska? Bakit kailangan ako pa ang magbibigay? At tsaka di ba pwedeng itext mo na lang yang sasabihin mo, tutal modern na naman tayo ngayon?" wala akong ibang natanggap kundi ang bored look nya, so I think wala na rin akong choice. Tatarayan na nya ako for sure eh. "Jade, di pwede. Dapat personal talaga 'tong dinideliver para naman di mawala yung essence." "Yun naman pala eh, bakit di ikaw ang magbigay?" "Duh." pagbuga nya ng hininga sa exaggerated na paraan. "Jade, I ask you this because I can't. I have to be home to school, straight. You know naman na strict ang parents ko. If I can, then sana we're not having this conversation, diba?" sabay pikit pa nya ng marami. Oh, eh, bakit kailangan pa nito? Alam naman nyang strict ang parents nya at tutol sa pagboboyfriend nya. Cheska talaga oh, minsan pahirap din sa buhay. "Bakit sulat?" nagtaka din ata sila Stella kaya nagtanong na rin. "Well, I thought, its-- s-weet." simpleng sagot niya. Pweeh! Nakakasuka naman. Anong akala nya sa amin, di namin alam? Nahihiya lang to eh. "Naku Cheska! Alam na namin yan!!!! Baka kamo gusto mo lang rin makatanggap ng sulat kaya ka nag-gagaganyan." saad ni Rina. Sinabi ko naman sa inyo diba naghahanap talaga si Cheska ng kakaiba para sa kanya. The one na pagtri-tripan nya para daw itest kung bagay sa kanya. Comparability test kung nga ba. Ganyan sya katindi. May pagkaisip bata din kasi 'tong si Cheska. "Che!!! Basta Jade wala ka nang magagawa kundi ibigay to!! I want one kaya I have to get one!" madiin nyang ani na nagpatawa dun sa tatlo. "Hoy, ayaw ko!" "NO! Wala ka ng choice." sabay flip nya ng buhok at tsaka nag-earphones. Akala mo naman talagang nakikinig ng music. Di ba nya alam yung sinasabi nya? Ang hirap kaya nun at ang AWKWARD! Abnormal talaga 'tong si Cheska kahit kailan!!! Idagdag pa yung nakakainis dito, sya na nga yung nahingi ng pabor tapos binibigyan pa nya ako ng sassy remarks nya. At OO matagal ko na yung ginagawa, AKO lang kasi ang kaya nyang isama sa kabaliwan nya. Dahil sa single ako, kaya akala nila na kaya na nila akong ganto-gantuhin. Bakit ganyan ang mga may karelationship, ha? Laging yung mga single friend nila ang pinapalakad nila sa mga crush nila para makadiskarte!!! Yung seryoso, di ko alam kung bakit ganyan ang barkada traditions? Laging yung mga single friends ang nagiging cupid dun sa mga may relationship na. Hindi ba pwedeng patahimikin nila ang buhay ko?! Kaya nga iniiwasan ko din yang mga love love na yan, dahil ayaw ko pa ng sakit sa ulo. Tapos 'tong mga kaibigan na to, kung maka-utos sila, tsk! Aba! May dahilan kung bakit ang mga katulad ko ay nananatiling single! Hindi lang to basta no choice no, pinipili din kaya ang status na to! And lately, ang hirap na nyang ipaglaban!!! Bahala sya. Pinagcross ko ang braso ko sa tapat ng dibdib. "O sige, papayag lang ako kung masasabi mo yan ng di pautos." Mabilisan syang lumingon sa akin nang may di kaaya-ayang mukha na nagsasabing di nya nagustuhan ang sinabi ko. At kung ganyan naman ang mukha nya, yung tatlo naman sa likod naging kabaliktaran nun ang expresyon nila. Kita ko ang pagkatuwa nila at pagka-interest sa usapan. Ang usapang dapat ako lang lagi ang damay, na ngayon ay tinatawanan nila. "Ano ka ngayon, Cheska? Alam mo namang pang Miss Universe ang sagutan nang si Jade. Nahirapan ka tuloy." panunukso pa ni Rina. "You should've asked her nicely, Ches." suggestion naman ni Molly. Yun naman talaga ang gusto ko eh. "Okay fine!!!" padabog akong nilingon ni Cheska. "Can you----do m-e--a f--favour? Can you---give this--l-etter t--to Geo-? Plu-ple---please." hirap na hirap nyang sabi. Mukha tuloy di sya humihinga habang sinasabi yun.  Nakakaawa tuloy, dapat di na lang yun yung hiningi ko. Di kasi cute sa kanya yun. Hahaha, parang ang dating kasi hindi sya marunong mag-English. Parang trying hard at alam mo yun, mukhang ewan. Hahahaha, masakit man pero yun yung totoo eh. "Umm." nagkunwari naman akong nag-iisip ng malalim para sa ganun medyo kabahan sya. "Oh, come on Jady!!!! Ang arte mo pa! Nagplease na nga 'tong si Maldita oh." sabay sapok sa akin ni Stella. Teka, bakit ako? Ang bait ko nga eh. "No choice ka na pati. Alam mong bibilhin ka ni Cheska." dagdag pa ni Rina. Oo nga pala, laging nang iipit o di kaya nang susuhol sya lagi. Mayaman kasi at spoiled si Cheska. Halata naman diba? "Ewan ko sa inyo!!! Pero hoy! Magang-maga naman kayo." Akala ko kasi kakain lang sila dito at mamemeste. Yun pala, ginising lang ako ni Papa para lang maghilamos at harapin 'tong mga bruhang to. Sayang naman effort ko mga bes! At dahil sa totoo nga ang pagtanggap ng luho, naandito ako ngayon sa isang school na di ko alam, at WALA akong pakielam sa pangalan dahil kung alam ko man ay isusumpa ko na 'tong lugar na to dahil sa sobrang laki. Balita ko rin puro mayayaman lang daw ang nag-aaral dito. Talagang pinapahirapan ako ng sobra sa gagawin kong to. Bakit ba naman kasi di na lang nya itext? Pero teka, sulat? At kay Geo? Tapos sa school na to? Edi, mayaman? Meaning hindi sya old school. Paano makakakuha ng reply si Cheska sa sulat nya? Grabe Cheska, hindi ko alam kung dapat ko bang questionin ang mga choices mo sa lalaki o ang pagka-saltik mo? Bakit mo naman kasi dadalhin sa time nila Jose Rizal 'tong si Geo? Eh mukhang hindi magsusulat pabalik yun!!! Baka tawanan pa ako nun! Madalang pa naman ngayon ang old soul sa sorbrang modern ng mundo. Naku naman oh! Ang sama talaga ng pakiramdam ko sa magiging ending nito. Ako talaga ang mapapahiya dito! Napairap na lang ako sa pag-iisip habang inuuli ang lugar. "Umm, excuse me. Kilala nyo ba to?" tanong ko sa isa sa mga studyante dito, na mukhang matino. Nakasalamin eh, importante talaga yun. Binigay ko sa kanya yung papel na may buong pangalan ni Geo. "Ah, si Geo ba? Parang nasa gym sya ngayon eh--" ngunit bigla syang tumigil kaya bored ko itong tinaasan ng kilay. Akala ko pa naman matino 'tong kausap ko kaya ko tinanong. Mukhang di rin pala. "Teka, isa ka ba sa girlfriend nya?" sabay tingin nito sa akin ng mula ulo hanggang paa. Nagkunot ang noo ko dahil sa ginawa nya. Pero mas tumalim ang tingin ko dahil sa mga kataga nyang 'isa sa mga girlfriend'. At dahil sa reaction ko, mabilis na lumiwas ang tingin nito sa akin. "Di ko pala alam kung nasaan sya, Miss." Gago. "Sige, salamat." mabilis ko itong tinalikuran at pinihit ang ibang daan para hanapin pa yung mas malaking gago. "Excuse me, ito ba ang gym ninyo?" tanong ko sa babaeng nakatambay sa may pinto. "Oo, ayan na nga." pagkukumpirma niya. Walang pakundangan kong pinasok ang gym nila. At dahil sa sobrang laki, it takes two minutes nang lumanding ang mata ko sa hinahanap ko. Kay Geo na may kaakbay na babae sa may bench ng basketball court. Huli ka ngayon. Di ko aakalain magiging maganda ang araw ko dahil sa paghahanap sa gagong to ah. "Oi." mahinang bati ko dito nang maupo ako sa kabilang side nya, pero may dalawang upuan na pagitan. Naramdaman ko naman kaagad ang mabilis nyang pagka-tense. Samantalang ang mga mata ko ay nanatiling nakatingin sa mga nagbabasketball. Mukhang kahit yung mga players dito nabigla na may tiga ibang school, dahil sa biglang pagtigil nila at lingon sa lugar ko. Pero di rin yun nagtagal dahil sa pagsita ng coach nila. "Hi Miss." medyo delay na reply ni Geo, dahil din siguro sa sobrang pagkabigla. Hahaha, nag-isip pa talaga ang loko ng ibang paraan ha at "Miss" pa talaga ang tinawag sa akin. Grabe sya oh, tamang "Oi" lang ang sinabi ko tapos bumati na kaagad? Ano feeling nya, para sa kanya yun? Hahahaha, napapaghalatang manloloko talaga sya! Sa matinong lalaki kasi mangangapa pa sila at hindi yun papansinin, dahil sino nga ba ang bumabati sa hindi nila kilala? Lalo na't kung yung hindi kilalang yun ay babae, tapos sa harap pa talaga girlfriend nila? Ang easy test naman nitong si Geo. Bakit kaya hindi nakita kaagad ni Cheska to? Eh certified playboy lang ang gagawa ng ganto ka-obvious na moves, harap-harapan ba naman. Isang proud to be na manloloko lang talaga. Gumilid tuloy ang tingin ko para silipin yung babae sa tabi nya. Kahit sya napatingin na rin sa akin. Dapat may clue na sya nan. Ang manhid naman nya ata kung hindi nya mahahalata ang pagbabago bigla ng atmosphere. Paano, sobrang nababato ngayon si Geo sa pwesto nya. Ngunit nagtaka ako ng nginitian pa ako nung babae. What?! Anong nginingiti-ngiti nya dyan?! Sya na nga 'tong tinutulungan oh! Anong gusto nya, rektahin ko pa sya?!!! "Sino sya, babe?" malanding humaplos pa muna to sa dibdib ni Geo, bago ako nginisian. Aba! 'Tong babaeng to! Buti nga 'babae' pa ang tawag ko sa kanya kahit alam kong dapat ko na rin syang kainisan ngayon dahil kaaway pa rin sya ni Cheska!!! Pero ngingisian nya ako?!!!!! Aba! Ibang usapan na yun! May saltik na 'tong MALANDING BABAENG to!!! "Malay." pagkibit-balikat nito na hininaan ang boses. Talaga lang ha? Ang sarap nyong pag-untugin! "Don't tell me, she'll confess? Eh, di ka naman pumapatol sa low class." tinanguan lang naman ni Geo ang komento nung malanding babae. "Easy, no competition." dagdag pa nito at tsaka humagikgik. Girl ha, may saltik ka na ata. Bagay kayo. Isang delay at isang bobo. "Oi Geo, kamusta?" umakto naman ako na ngayon ko lang sila nakita. Nilingon ko din yung babae at nginitian na parang binabati ko rin sya. Binigyan din nya ako ng ngiti na napaltan din ng irap. Plastic ang yano. Wag kang mag-alala. Anong akala mo, gusto din kitang ngitian?!! Sus! "Kapatid mo?" tanong ko. Patukoy ko dun sa babae. Kumunot ang tingin sa akin ni Geo at katulad kanina, nagloading muna sya. Nag-iisip siguro kung paano babalansihin ang sitwasyon. Feeling nya ata slow din ako at wala pang alam sa tunay na nangyayari. "Ah Jade, what are you doing here?" ngumiti pa to sa akin. Jade? Tinawag nya ako. Hahahaha. Dahil sa pagkakilala ata sa akin ay pinalo sya nung babae sa balikat nya. "I thought di mo sya kakilala." Okay! Eksena na! Tinaasan ko ng kilay yung babae na di nakakuha ng sagot kay Geo. "Napadaan lang. Kapatid mo?" turo ko ulit dun sa babae. Mukhang kinabahan naman ng husto si Geo at di na inisip yung sinabi. "Ah oo, Jade." Napailing na lang ako. Walang paninindigan to tapos sinungaling pa. "What the?!!!! Babe?!!" hiyaw nung babae. Tinanggal nito ang pagkakapit kay Geo, bilang pag-akto na nagtatampo bago padabog na umalis. Yun lang? Ang minimal naman ng reaksyon nya para sa niloko ng harap-harapan. Isa pa din yung bobo. Patawa. Katahimikan naman ang namalagi habang hinihimas ni Geo ang ulo nya. Ngayon lang ata sya nakaramdam ng tunay na nangyayari. Hahahaha. "Jade, what are you doing?" may halong pakairita ang boses nya. "Sabi ko naman sayo, napadaan lang ako." ngisi ko naman dito. Gamit ng peripheral view ko, nalaman kong matagal nya akong tinignan na parang naghahanap ng sagot sa mukha ko, bago ako bigyan ng isang ngisi na para bang nakikipagpantayan. "So, what now? Are you gonna tell it to Cheska?" Tinanguan ko naman ang ideya nya. "Oo naman." "I knew it!!! You're gonna ruin us. Why? Are you that desperate?" tumawa pa sya. Ha? Teka, san nang gagaling to? Napansin siguro nya ang pagtataka ko kaya nagpatuloy sya. "I knew you badly need someone. The feisty hard to get Jade wants me, so she's sticking her nose in my business to ruin me and get me at the same time." lumawak ng husto ang ngiti sa mukha nya na di naman nya kinagwapo. Nagmukha lang syang demonyo. Promise. Napaayos tuloy ako ng upo. Feeling ko liliparin ako dito. "Akala ko mataas lang height mo, pero di ko aakalain pati pala ego at imagination mo mataas rin. Ayos lang naman mangarap." tinapik ko pa ito sa balikat at binalik ang tingin sa mga nagbabasketball. Mukhang di ata naglalaro ng maayos yung star player nila at napapasigaw yung coach. "Then why are you doing this? If you don't like me, you should let me off the hook and not tell anything to Cheska." talagang iniinit nya dugo ko ah. "Di ako tanga Geo, di mo ako katulad. Kaibigan ko si Cheska." muli ko naman 'tong tinignan. "Pero wag kang mag-alala wala akong sasabihin kay Cheska. Nagpunta lang naman ako dito para may sabihin sayo eh." Halos lumawak ng husto ang ngiti nya dahil sa sinabi ko. "What is it? Don't worry, I can keep everything if you want to have a secret relatio--" di ko na pinatapos ang sasabihin nya at sinabi na kaagad ang tama para naman may saysay ang pagpunta ko dito. "Actually nakikipagbreak na sya sayo. And I don't think kailangan pa ng part mo dahil meron ka na naman iba, diba?" Halos matawa ako sa loob dahil mukhang syang nalugi kaagad. Parang isang bomba ang mga salitang bumagsak sa kanya at natigilan sya bago nagpakawala ng malakas na buntong hininga. "Then why did you have to ruin my date today?!!!" iritang tanong nya. Siraulo talaga to. "Ah, yun ba. Gusto ko lang mawalan ka ng dalawa ngayong araw na to. Kung meron pang dadagdag, mas masaya, diba? Ganun kasi ang single. Mahilig mag-ipon, parang ikaw." sabay ngiti ko sa kanya ng may pagkaloko. Yung tipong mapangasar. "Kaso yung akin di lalaki o relationship. Mas gusto ko yung heartbreak scenes para mas maging aware ako sa mga pwedeng kahantungan ko sa mga katulad mo." Kunot-noo nya akong tinignan. Mukhang dinadigest pa nya ata yung mga sinasabi ko. Wala namang pala-isipan dun at madali pa yun sa bugtong. "Sa madaling salita, kung di mo naintindihan, wag ka nang lalapit kay Cheska o sa kahit sino mang may kinalaman sa kanya." tumayo ako at tinapik sya sa braso. "Thanks for adding to my awareness list." Dumaan ako sa harap nito at aalis na sana, pero bago pa man ay nagsalita sya. "You're full of sh't Jade, you think you're the savior of your friends?" nginisian ako nito. "Hahaha, don't make me laugh, Jade. You'll never gonna be that, because you know what. Among your friends, you're always the duff. The last pick, kaya di ka nagkakaboyfriend eh. To be honest, may chance ka sana, if everyone is taken. Hahaha, you're just their shadow. You're nothing without your friends." malalim ako nitong tinignan ng deretsyo sa mata at may lumalawak na ngisi. "You can't change that. You're a loner. That's what I think you are." Napatingin ako sa malayo at tinanguan ng konti ang sinabi nya. "Okay, that's your impression about me, I get that. Sabihan pala ng first impression, okay." Geo talaga oh, akala nya di ako ready dito. "You know what, my first impression to you." medyo tinuro ko pa sya ng konti. "Ay gago ka." plain ko syang tinignan. Tunog statement yun at obviously, sinasabi ko na din talaga sa kanya. "And yes, I am their shadow, so what?" binalik ko sa kanya ang malalim nyang tingin. "At least, I'm not someone who thinks so high about their self." nilapitan ko sya ng kaunti. "Bakit Geo? You think you're that great? That people falls for you because you're handsome and kind? You think you're the prince charming that everybody likes?" Mas nilapitan ko pa sya. Ano, kaya ko ring mag-English! "Jade." medyo may babala ang boses nya at binigyan ng tingin ang mga nasa paligid namin na parang sinasabing wag akong gumawa ng scene. Talaga, di ako bayad ng ganun kalaki para gawin yun. Pero patawa, takot naman pala tapos naghamon pa. Anong gusto nya, sya lang ang manlalait tapos pag sya na, dapat game over na? Pwes, sa akin hindi. Hindi ako pinalaki para lait-laitin lang. "Let me tell you the truth Geo, that's just all in your own little fantasy. It's all fake and far from the real you." pagdiin ko sa bawat salita ko. Mukha kasing di pa nya feel yung mga sinasabi ko, at di nagsisink in sa maliit nyang utak. "You're fake." nginitian ko to. Natikom tuloy sya na mukhang may isasagot pa sana. "Wag mo sanang dibdibin. Geh." Pinihit ko ang daan palayo sa kanya. Pero may tamang distansya akong tumigil para makinig pa nya yung nakalimutan ko. Right, meron pa nga pala syang sinabi sa akin kanina. "And just so you know, I chose to be like this. Hindi dahil sa last pick ako o para sa kanila. I am real this way, that's why. Sana ikaw ren!!! Gago ka!!" nilingon ko to ng may ngiti sa labi. "Oh! You can't change that. Gago ka. That's what I think you are." pagququote ko sa sinabi nya kanina bago sya kinawayan. Cue ko na yun para umalis. Ayaw ko ng eksena. Nakakatawa yung mukha nya dahil puno yun ng asar. Excuse me naman, alangan naman di ako pumalag. Ano yun, pumunta ako dun para makalibreng lait sila? Para naman akong ewan nun. Sa barkada ko pa nga lang bugbog na ako, maghahanap pa ba ako ng iba? Eh pati Papa ko, kayang kaya akong itrash talk eh. Sobra-sobra pa nga sila, kaya di ko na idadagdag yung mga jowa ni Cheska. I think di naman sobra yung sinabi ko, diba? Nakakakonsensya pero kasi, sinabihan nya naman ako ng "You're nothing." kaya tama lang yung sinabi ko. Quits lang kami. Nasa gate na ako ng school nila ng akala ko tahimik akong makakaalis, pero akala ko lang pala yun dahil--- "Miss!!!! Wait! Wait!" Nagulat ako ng may tumawag sa akin galing sa likod. Napabilis ako ng lakad. Sino naman kaya yun?! Wag mong sabihin tumawag ng bataan si Geo? O isa sa mga girlfriends nya? Hindi, boses lalaki yun! Tropa pa ata nya. Grabe naman. Para saan, sa sabunutan? Ang ew naman yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD