Single on The Run part II

2674 Words
Jade's POV ["Roger, may dalawa bang kabataan na nagtungo sa gawi mo? Babae at lalaki, nakat-shirt at naka-pants parehas. Charge sila sa damage cost."] "Anong itsura?" tanong nung guard. Sa lahat pa talaga ng makakasama dito, GUARD PA TALAGA HA, yung tinatakbuhan pa talaga mismo namin. Kung minamalas nga naman ako oh. ["Matangkad at mga nasa 20's. Mukhang magkaaway daw sabi nung sales lady. Nasa grocery sila nakanina. Tumakbo ata dyan sa gawi mo."] Nilingon kami nung guard na may kapit-kapit nung maliit na radio, yung parang wakie-talkie. Mabilis tuloy na gumalaw yung kamay ko dahil sa ideyang naisip, na mukhang hindi lang ata ako ang nakaisip, dahil mas nabigla ako sa kadahilanang sumalpok ang ulo ko na nagbounce pa ng konti sa dibdib nitong hinayupak na kasama ko.  Ang lakas kumabig, ah. Ano ako, kaladkarin para hatak-hatakin nya? "Hon, do you want to go to my place later? I miss you so much." mabilis at malambing nyang sabi. "Oo, sige, sige." mabilis na sagot k----WHAT THE----EWWW!!!!!! ANO BA YAN!? SA MANYAK PA TALAGA AKO NAIPIT OH!!! Nung sinabi ko na ideya, ang ibig sabihin ko nun ay pwede naman kaming umakto ng hindi magkakilala dahil ang sabi nung sales lady, magkaaway daw. Hindi naman siguro apply yun sa hindi magkakilala, diba? Pero 'TONG LALAKING TO, mukhang mas malikot pa ata ang isip kesa sa akin, at ito pa talaga ang naisip nyang excuse ha. Ang malas ko naman ngayong araw na to. Umiling na lang ako ng husto sa kaloob-looban ko. "Magkatipan ba?" ["Ata, basta magkaaway daw. Alam mo na, mga kabataan ngayong araw."] Tamo, mas maganda pa rin talaga yung ideya ko! Edi sana, lusot na kami! "Ah, Sir----" di pa man natatapos yung guard sa pagsasalita, eh nagsalita na kaagad yung kasama ko. "Hon, my mom said we should go visit them later. She said she misses her grandson." sabay lapit pa nya sa akin. Naiipit na tuloy ako dito sa dulo. "Sige, sige." yun lang ang nasabi ko. Napatungo na lang ako sa hiya, more on pala dahil nakakahiya 'tong kasama kong to. Wala kasi akong masabi. Sobrang kinakabahan ako na di makahinga. Saan ba kasi nya nakukuha yang mga sinasabi nya? Sana naman tigilan na kami nitong gwardyang to. Bakit kasi sa lahat ng pwedeng makasama sa elevator guard pa talaga?! Pero okay na rin, may manyak akong kasama eh. I guess, di naman ganun kabad yung sitwasyon ko ngayon. Siguro gusto pa rin ni God na safe ako. Thank you Lord!!! Labyu! "Sir, mawalang galang na po. Magkaaway po ba kayo ng kasintahan nyo?" may bahid na suspicion dun sa pagtatanong nung guard. Kita ko rin na medyo sinisilip nya ako. Buti na lang nakahara yung buhok ko sa mukha ko. Well to think of it, lalo pala kaming paghihinalaan kung ganto nga ang ayos namin. Ngayon ko lang napansin na sobrang higpit pala ng kapit ko sa damit ni Kuyang di ko kilala, parehas kaming nakayakap sa isa't isa. Wow lang -_-' Nakatago ang mukha ko sa dibdib nya, samantalang sya ay sa balikat ko nakatago. Walang lumalagpas na hangin sa pagitan namin. Ultimo paghinga nya at pagtaas ng dibdib ay ramdam na radam ko. Sana lang wag yung sa akin. Hindi ko alam na kaya kong gawin ang gantong nakakahiyang bagay dahil lang sa sitwasyon na to. So, ano pa? May lalala pa ba dito? Parang sobrang ina-outside the box naman ako ngayon sa personality ko. Hindi naman sa pagiging abno, pero ang abno talaga eh. Kung sa magkatipan sobrang oa na nito na parang ilang taong di nagkita, eh ano na lang yun sa kalagayan namin? Ni hindi nga kami magkakilala. The last time atang may kaganto ako eh nung umalis yung pinsan ko, pero at least yun di na babalik kasi for good talaga sya sa State. And besides, bata pa ako nun, mga 9 years old pa ata. Pero eto, yuck!!!!! Nakakasuka. "No, sir, she's just too clingy." sagot nitong hinayupak na to. Talagang nakangiti pa ah, akala mo walang ginawang kasalanan sa mga tao dito. Teka, kanina ko pa napapansin yung kaka-English nito ah. Hilaw ata to. And excuse me, ano daw?!!! Ako clingy?! Asa men!!! "Ganun po ba." napatango na lang yung guard sa amin. Bumaba ang tingin nya sa suot namin at mas nagkunot ang noo nya. "Teka, Miss, okay lang po ba kayo?" deretsyo itong tumingin sa akin. "Bakit di po kayo makapagsalita, Miss?" Napaayos ako ng tayo at medyo humiwalay dun sa Hilaw para magkahangin naman ako sa lungs. Nakakasuffocate yung amoy nitong katabi ko eh. Don't get me wrong, di sya mabaho, sobra lang talaga sa cologne. At nawawala na rin yung ngimi ng paa ko kaya di ko kailangan ng ganung supporta. Tsaka, mas kinakabahan pati ako sa tanong nitong si Kuya Guard na to kaya focus muna. "Okay lang po ako." ngiti ko dito, pero mukha atang ngiwi yun. "Hindi po ba kayo sinaktan ng kasintahan niyo? Ma'am, pwede ko po kayong tulungan." seryosong tanong nito sa akin. Mas lalo tuloy akong kinabahan. Ang tingin ba nya ay sinasaktan ako dahi----- "Why would I ever do that?" giit naman nitong katabi ko. Feeling mo naman totoo. Kinapitan ko na siya at baka akalain ni Kuya Guard mainitin talaga ulo nya. 'Tong Hilaw na to. Well who knows, di ko naman talaga sya kilala. Pero grabe ha, naap-appreciate ko talaga si Kuya Guard, ang bait nya. Sayang nga lang at parang sinasangag nya ako ngayon dahil hindi ganun yung sitwasyon. Kung alam nyo lang Kuya Guard, yung tinutulungan mo ngayon yung hinahanap sa grocery section. "Sir, huminahon po kayo." sabay lingon nito sa akin. "Ma'am, sapilitang relasyon po ba kayo? Kung may ginawa po si Sir sa inyo, pwede ko po kayong tulungan." Grabe, pang Boy Abundang tanungan yan ah. Hahaha, natatawa na tuloy ako. Pero no Jade, seryoso dapat, okay!?! "Naku kuya, hindi, kapit ko lang talaga sya lagi kasi hindi sya nakakaintindi masyado ng Tagalog, tapos kung sino-sino pa lagi ang kinakausap. Alam nyo naman, hahahaha." biro ko dito. At ang mas matindi pa, hindi talaga tinigilan ni Kuya Guard ng tingin 'tong si Hilaw. "Pasalamat ka at Hilaw ka, kaya kung magta-Tagalog ka bigla dito, laglag tayo." bulong ko sa katabi ko. Baka mamaya kasi may laser beam palang bitbit 'tong si Kuya Guard, ang sama nya kasing makatingin. Pwede syang magpolice. "Pasyensya na po Sir, Ma'am, marami po kasing ganun ngayon sa panahong ito. Pwede po bang magtanong para lang po sa case na meron kami ngayon oras na to?" Ayan na nga po, lalaglag na talaga kami dyan for sure, para pala dun sa case eh. Ano kayang tanong yan? Bakit ba ang bagal nitong elevator na to? "San po kaya kayo nang galing kanina? Saang department po?" Hala! Di nagprocess utak ko dun! Dito na ba kami mahuhuli? Sabi ko na ba't dapat di na lang ako tumakbo. Edi sana hindi mas malaking g**o 'tong kinakaharap ko ngayon. Dahil kung sumuko ako kanina, baka si Papa na yung kausap nila ngayon at walang sabing tapos na ang usapan. Hindi sana ganito na ako yung nangangatal dahil sa mga tanong na ganto!!! At tsaka SUMUKO????!!! ANO NA JADE?!! Pakiramdam ko criminal na ako. "Ah-ah-eh." sinto-sinto kong sagot. "To the kid's section." simpleng sagot nitong Hilaw. Talagang wala na akong masasa---ano? Bakit dun?? Kid's section?!!!!!!! Walang kaluluwa 'tong lalaking to! Puro kasinungalingan ang nang gagaling sa bibig!!! Heto naman ako, pinapawisan sa kaloob-looban ko. Ako etong hindi nagsisinungaling pero bakit ako ang parang sinisilaban ngayon? Tapos sya, preskong presko lang. Amayzing! "Sir?" pagtataka nung guard na tinignan pa kung may kapit kami. Dahil ata sa pagtahimik namin ay mas naghinala sya. Pasimple ko na lang dinagil 'tong katabi ko. Bahala sya, sya 'tong nagsimula kaya panindigan na nya. Tsaka, for sure wala na syang konsensya kaya siya na lang ang sumagot. Malay nyo naman alam nya talagang may kid's section dito. "Totoo po bang magkasintahan kayo?" napansin siguro ni Kuya Guard yung pag-iwas ko ng tingin. "Sir, Ma'am, ano pong ginawa nyo sa kid's section?" Oh my gahd, imbestigador ba sya? Inintay kong sumagot 'tong katabi ko, pero bakit di na nasagot 'tong Hilaw na to??? Di ba nya naintindihan yung tanong? Ano, kailangan ng translator? Kuya Guard naman eh, bakit ang bilis mong magtanong?!!! Naku, Hilaw! Bakit kasi kid's section pa pinili mo???? Kulang kulang ka ba talaga? Adult tayo eh!! Ang tanda mo na para sa kid's section!!! Ano bang meron sa kid's section na yan??? Wala tuloy akong maisip na dahilan. Hindi naman kasi ako pumupunta dun! "Ah--kuya, an--o po k-asi." necessary ba talagang sagutin yan? Napatigil ako dahil sa humigpit ang kapit nitong katabi ko sa kamay ko. Buti naman at may isasagot ka pala!! Napangiti tuloy ako. Go! Kaya mo yan!!! "Well, me and my wife were looking for some clothes for our son." Napatigil ako sa pagtango dahil sa mga sinasabi niya, napawi ang ngiti ko. Lumingon ako sa gawi nya at pinanlakihan sya ng mata. WHAT'S WRONG WITH THIS GUY!!!!!! Anong kinalaman ng batang, kung sino man yan, sa sinasabi mo????? Ano, akala nya papatol ako sa kanya porque may itsura sya?!!! Ginawa pa akong easy girl at pariwala!!! Ang bata ko pa kaya, graduating nga diba!??? Ang gago nito!!!!! Pagmay nakaalam nito, sisiguraduhin kong ibabaon ko 'tong Hilaw na to sa lupa!!!! Bwisit!!!! "But unfortunately, she didn't like any of them." sabay turo pa nya sa akin, HABANG NAKANGITI. "Ganun po ba." napangiti naman si Kuya Guard. Aba, kung di ka pa maniwala nan Kuya Guard, ikaw ang ibabaon ko sa lupa kasama ng pride ko. "Ilang taon na po anak nyo, Sir?" "He's three years old." simpleng bigkas nitong Hilaw sa tabi ko. Napailing ako. Flawless to, script writer ba sya? Hindi ata humihinga 'tong lalaking to at dere-deretsyo sa kasinungalingan. "Ang aga nyo po palang nanganak Misis." ngiti nito sa akin na tinanguan ko lang rin. Kahit papano may kaluluwa pa naman ako. He—he-he. ~_~. Pero malay mo, may anak pala talaga 'tong si Hilaw. At least safe ako, at walang kinalaman. "Yeah, I'm really proud of her, she's a brave one." nginitian pa ako nito at pinakitang talagang proud na proud sya sa akin. Ha-ha-ha, talaga ba? Hindi ko alam, pero I think kung naandito man yung mga barkada ko alam na nilang hilaw ang ngiti ko ngayon. Hindi lang pala mukha ang artistahin sa kanya. Itong Hilaw na to, talagang normal ata sa kanya ang pagsisinungaling. Aba boy, huminga ka naman at pwede sa ibang araw na yung iba, bibinggo ka na nan. Talagang dapat pagpapatong patungin mo kasinungalingan mo sa iisang araw, ganun? Ang dami mo namang free will. "TINGG!!!!" Buti naman at nagbukas na 'tong elevator. Mabilisan akong lumabas. Sumunod naman sa akin si Hilaw na medyo inintay ko rin at baka magtaka si Kuya Guard. "Sige, Sir, Ma'am, good luck po sa inyo!" sigaw pa nya. Napairap na lang ako. Good luck??? Baka, good luck sa iyo, Kuya, pagnalaman nilang napalagpas mo kami. Sana talaga at hindi ka matanggal sa trabaho, mabait ka pa naman. "Hahahahaha, that was funny." biglang bulaslas nitong katabi ko ng tawa nung nakasarado na yung elevator at nakalayo-layo na rin kami ng konti. "Hoy! Hindi nakakatawa yun, reputasyon ko kaya yung pinagbili mo!!!" inis na sabi ko sa kanya. "It's fine, it's not like it's real." Tamo, walang kaluluwa. Kung pwede ko lang sanang saktan 'tong isang to. Pero hindi eh, may kaso na nga ako sa mall na to, magkaka-assault pa ako. "Tsk', bahala ka dyan." at mas una na akong naglakad. "Hey," sabay kapit nito sa kamay ko. Binawi ko yun ngunit di nya binitawan. "Don't you think we should go together out of this place. You know, after all, they think we're a couple." Pinanliitan ko to ng mata dahil nakakaasar ang binibigay nyang tingin sa akin. Ang sasaya nya ha, akala mo naman nakakatuwa. "Come on." sabay hatak nito sa akin. Talaga naman! Kaya ayaw ko magboyfriend eh. Lahat sila mautos at demanding. Pano natitiis ng mga kabarkada ko ang gantong sitwasyon? Eh mautos din yung mga yun, mas malala pa nga eh. "Bitaw na!!!!" bulyaw ko sa kanya ng makalabas na kami ng mismong lugar. Katulad ng sinabi nya, matiwasay kaming nakalabas. At siguro dahil na rin sa pagiging paranoid, eh inaakala kong nakatingin sa amin yung guard sa may exit. Kailangan ko na talagang makalayo-layo dito. Aba, baka kung anong chismis pa ang kumalat. Ngayon lang ako makikitang may kasamang lalaki. Ang malupet pa dun, ang alam lang ng tatay ko, umalis ako dahil sa groceries na pinabibili nya. Pano na lang kapag nalaman nya na may possible chance akong mabanned dun dahil sa mga damage cost? Tapos naipit pa ako sa g**o kasama nitong Hilaw na to. Anong chismis na lang yun?!!!!!!! Kung ano-ano pang sinabi nito dun sa mga gwardya! Wag lang talagang aabot to sa Papa ko. "Geez." pag-iling nya dun sa paghawi ko. "Miss, you know I think you should be more thankful with my help." sabay sulyap nito sa akin. "Ano?! Eh kung hindi ka dyan pahara-hara, edi hindi sana tayo nagtatatakbo ngayon." "Yeah, but still, if you think about it, I didn't even touched those boxes." sabay ngiti nito sa akin. "So, it was supposedly all in you." Anong sinasabi nito?! AKO ang may kasalanan? "Well Mister," madiin na saad ko sa mas mahinahon na tono. "Hindi ko hiningi ang tulong mo, diba sinabi ko na sayong tumakbo at ako na ang kakausap sa kanila? Bakit di mo ginawa?" Sinuklian ako nito ng nakakalokong ngiti at tinuro ako. "Well Miss," paggaya nya sa akin. "For what I know, you could've easily point the blame on me." tinaasan pa ako nito ng kilay. Anong akala nito sa akin, hindi marunong tumayo sa sariling salita?! "Sir," kinalma ko ang boses ko. So di pala kami nagkakaintindihan. "Tama, aaminin ko, inisip ko yun pero as a joke, okay? At hindi dahil sa inisip ko yun ay gagawin ko na, may sense of righteous ako. Alam ko ang tama." pag-irap ko. Nakakainis to. "So don't you think we should just thank each other because we got out safely, hmm?" sabay tapik nito sa balikat ko. Ano to friends na tayo? Feeling close. "Hey, you don't need to be pissed off, and besides you're kinda heavy, you know----Ah, ah, ah!" pag-iwas nya sa pagpalo ko. Sumosobra na sya ah! "That's not what I mean!! Come on! What I mean to say is, I carried you, I numerously lie for our safety when actually I could've done my groceries right now. So can't we just be thankful for each other's presence?" sabay ngiti nito sa akin. Akala mo naman gumagawa sya ng pang toothpaste na commercial ngayon. Pero may point sya. Tsk'. "Ewan ko sayo, puro ka English." lumakad na ako patalikod. "Sige, salamat." "Hey!" sigaw nito sa akin nang humarap na ako sa daan. "Can we at least introduce ourselves to each other?!" "Ewan ko!!!" pagbabalewala ko sa kanya at tuluyan na syang tinalikuran. Nag-iisip ako ngayon kung pano ako uuwi. Wala akong ni isang binili tapos ang tagal tagal ko pa. Magtataka talaga si Papa nito. "You know, I just become your night in shining armor!!!! Can we at least know each other's name?! Maybe you'll need me again next time!" "Edi next time na lang!!! At tsaka, may araw ngayon!" sigaw ko pabalik, patukoy sa night thingy nyang sinasabi. Ay~ Okay lang pala kasi na sa akin pa naman lahat ng pera. Pano kung sabihin kong nakasalubong ko isa sa mga barkada? Tapos nagkwentuhan kami kaya napatagal? Pwede na siguro yun. "Hahahaha. Then next time?!" Pero papabalikin ako nun dito for sure. Hay! Sige na nga sa iba na lang ako mamimili!! "Geh!" pagsagot ko ng papatalikod. May kausap pa nga pala ako. Hay~ Kung magkikita pa tayo. Feeling nito. Dapat siguro magmadali na ako at baka may nagsusurvey dito, masayang pa pagtakbo ko kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD