Jade's POV
Humigpit ang kapit ko sa listahang nasa kamay ko. Nakasulat dun ang mga pinabibili sa akin ni Papa. Inutusan kasi nya ako, kaya nasa grocery ako ngayon. Wala naman kasi akong ginagawa kaya pumayag na rin ako. May tatlong araw kaming off sa school ngayon para magreview. Syempre, ibig sabihin nun wala ring gala kaming magbabarkada.
Medyo strict din kasi ang parents nila kaya di basta-basta for sure ang mga dahilan nung mga yun kung gusto nilang lumabas. Examination namin ngayon at dahil graduating kami, puro pang pre-pressure yung mga sinasabi ng mga teachers. Mas mahirap tuloy magreview kaya eto, pumunta muna ako dito para makapagbreak ng kunti.
"Nasaan kaya yun?" kanina ko pa kasi hinahanap yung sesame seeds. Ang sabi nung sales lady naandito daw yun sa may baba ng aisle na to, kaso kanina pa ako naghahanap dito, wala naman akong makita.
Nangingimi na nga yung mga paa ko kakabent. Tsk', bawal pa nga to sa akin at ang laki ngayon ng pasa ko sa tuhod dahil dun sa nangyari. Remember, yung sa restaurant? Yung may batang nadulas.
Ilang araw na nga ata to, pero ang sakit pa rin. Pati yung likod ko damay na din. Ang sakit na nga tapos pagagantuhin pa ako ngayon. Bakit kasi nasa pinakaibaba nila nilagay? Di ko tuloy mahanap.
"Eto." mahinang pagbulong ko. Sa wakas na kita ko ri------ "Aray!"
Buong pwersa akong napaupo nang may biglang humara sa tabi ko. Nanginig pa yung buong binti ko dahil pilit kong binalanse ang sarili, pero naging useless yun.
Ahhhh! Yung paa ko! Bakit kasi bigla-biglang humahara 'tong isang to!? Gumulong tuloy yung bote ng sesame seeds! Pagkanga naman minamalas ako oh.
"Tsk." bulong ko habang nagpapagpag. Hinarap ko yung humara sa akin habang nakaupo pa rin.
Isa yung lalaki, matangkad at nakatalikod sa pwesto ko. Sobrang nakaharap na nakaharap sya sa mga tinitignan nyang products kaya hindi ko makita ang mukha nito.
Gusto ko sana syang kulbitin at ipakuha yung bote ng sesame seeds, tutal sya rin naman ang may dahilan nun at sa pwesto din nya medyo malapit na gumulong.
Equal lang kami kung uutusan ko sya, pero hindi ko na itutuloy. Pasalamat sya at hindi ko maigalaw yung binti ko dahil sa ngimi. Tsaka mukhang di pa rin nya ata alam yung nagawa nya sa akin, patuloy pa rin kasi syang seryosong naghahanap.
Wala ba syang pakiramdam at di man lang ba sya magsosorry?
"Ahem!" nilaksan ko talaga on purpose kaya nalingon sya sa akin. "Wala ka man lang bang balak magsorry?"
Pero kunot-noo lang ako nitong sinalubong ng tingin. Mistulang naghanap pa sya ng kausap nang wala syang makitang nakatayo sa harap ko. Ang tingin nya ata ay may iba pa akong kausap.
Ayos ah, ako pa yung pinagmukhang ewan dito. Grabe, sino pa ba ang kakausapin ko? Dadalawa lang kaya kami dito.
Hindi ko na tuloy napigilang taasan sya ng kilay habang bagsak na sinuklian ang tingin nya. Bumaba kasi yun sa akin at parang medyo sinuri ang pagkakaupo ko at pwesto.
Teka may napansin lang ako. Bakit sobra sya makalingon dyan sa iba? Malabo ba ang mata nya kung bakit hindi sya makatingin ng deretsyo sa akin?
May minsan kasing bumabalik ang tingin nya dahilan para magkasalubong ang mga tingin namin pero bigla 'tong lalayo ulit ng tingin, habang may ngiti sa labi.
So ano, alam nya? Tinatawanan nya ako, ganun? Kaya pala hindi makatingin, may ayaw ipahalata. Grabe, gusto ko sanang sabihin "Bro, di mo ba nakikitang nakaupo ako dito at ayos lang, okay lang. Hindi nakakawalang galang. Actually gustong gusto ko nga yung tinatabig ako at hinaharaan." with full sarcasm.
Tsk', ngiti-ngiti ka dyan. Napairap na lang ako sa hangin. Tutal mukhang wala akong mapapala sa kanya, hindi ko na lang papansinin.
May mga tao talaga sa mundong ayos lang manakit tapos sasabihin hindi daw sinasadya kahit yung totoo pinili din naman nilang makasakit.
"Hey Miss." saad nito at medyo napatungo sa kapit.
Napataas ang kilay ko. Tinawag ba nya ako?
"Where can I get this?" tsaka nya pinakita ang listahan sa kamay nya, pero di ko yun tinignan. At sahalip ay tinignan ko sya sa mata para malaman kung seryoso ba sya.
Ang tingin ba nya sa akin ay nag-aayos ng mga aisle products dito? Ano, pang sales lady lang ang beauty ko?
Napatingin tuloy ako sa paligid para sana tignan kung kamukha ko ba yung mga sales lady dito, dahil sa pagkakalam ko hindi sila nakapants at naka t-shirt. Common sense naman siguro na may unifrom sila. Pero sahalip na sales lady, lumanding sa dalawang boxes na malapit sa akin ang tingin ko.
Kaya pala! Ano ba yan???! Kung ganyan din naman pala eh hindi ko na nga kailangan ng uniform. Deretsyo trabaho na pala ako nito kahit hindi nag-aapply. Kumukulo ang dugo ko dito sa lalaking to.
"Excuse me?" asar kong sabi. Tunog na-offend yun. Mukha kasing no clue talaga sya sa paghu-humiliated nya sa akin. Kada taas ko kasi ng kilay, ganun ding tinataasan nya ako ng kilay. Pero mukha syang hindi nalilito, kundi mukhang nang-aasar. Anong feeling nya, cute main lead character sya ng mga Korean drama?
Tsk, pagkamalan ba naman akong sales lady.
Malamang Jade, ano pa ba iisipin nya? Bakit kasi nagkataon pang tumabi ka sa mga boxes na yan??!! Talagang magmumukha ka ngang tiga-ayos dito, tsk!
"Oh, I can't find this----"
"Sa iba ka na lang magtanong." binalewala ko yun. Pilit kong inabot yung bote ng sesame seeds na gumulong kanina, kahit nangingimi pa yung paa ko. Aksaya ng oras 'tong isang to. Pagnakuha ko talaga lahat ng kailangan ko uuwi na kaagad ako. Mukhang mapapahamak pa ako ngayong araw na to eh.
"Wait Miss, I need-----" kinapitan nya ako sa braso at biglang humara ulit sa harapan ko. At dahil sa pagkabigla at pangingimi ng paa, nawala ang balanse ko.
"Aisshhh!!!" buti nalang at napakapit ako sa pinakamalapit na makakapitan. Pero panandaliaan lang dahil nawala kaagad yun.
"Ugh!" mahinang impit ng boses ko. Yung binti ko!!!! Aray!
"BOGGSHH!!!"
Akala ko matutumba na ako, pero kaagad sumalubong ang mukha nung lalaki sa akin. Ngayon ko lang nakita ang mukha nya. Malabo kasi ang mata ko sa malayo.
Maputi sya at may kakapalan ang kilay. Nakakunot at mukhang very intimidating dahil sa lalim ng tingin nya sa akin. Pansin kong nagpabalik-balik din ang mga brown? Wow, ngayon lang ako nakakita ng super light brown na mga mata. Feeling ko tuloy kaya kong makita ang sarili ko dahil sa replikasyon dun.
Ngunit iba ang napansin ko, parehas palang kanina pa nagpapabakik-balik ang tingin nya sa mga mata ko. Ginagawa din nya siguro ang pagsusuri sa mukha ko katulad ng ginagawa ko ngayon sa kanya. Ngunit kahit ganun pa man ay gentle ang features ng mukha nya.
Buti pa ako ang ganda ng tinitignan, eh sya kaya? Luging-lugi na siguro ang tingin nya ngayon sa sarili dahil isang ordinaryong mukha lang ang tinitignan nya ngayon. Mapapatingin lang naman sya kasi ang weirdo-weirdo ko.
Oo nga naman, bakit ba naman kasi ako makikipagtitigan sa kanya?
Meron lang naman syang hindi pangkaraniwan na mukha. I mean hindi ordinaryo, kas-i medyo, medyo lang naman, may ahem, ma-y itsura sya.
"Are you okay?" titig na titig nitong tanong sa akin.
Aalisin ko na sana yung kapit nya nang mabilisang bumigay yung binti ko. Buti umalalay ulit sya.
Ugghh!!!!!! Ang sakit! Nakakatawa na sobrang nakakainis yung sakit ng mga binti ko! Ano ba yan, ngayon pa talaga nangyayari to?!
"Nangingimi yung mga paa ko, wag mo akong galawin." pagdiin ng kapit ko sa braso nya. Hindi ko alam kung saan ibabaling ang sakit at inis! Bwisit!! Baka magka-utang pa ako sa kanya dahil sa pagtulong nya sa akin ngayon. Grabe, hindi pwede to. Kanina lang sya yung may atraso sa akin tapos ngayon, ako naman?
In fairness naman sa kanya nakangiti pa rin sya kahit parang ang sakit na nung kapit ko sa braso nya. Ang weird naman ng isang to.
"Careful." mas inalalayan pa nya ako. "You don't want to lay down there, right?" pagturo nya sa likod ko. Nilinga ko yun ng konti pero halos lumuwa ang mga mata ko dahil sa mga kalat. Wala yan kanina ah!
Nagpapalit-palit tuloy ang tingin ko sa boxes na nakatumba ngayon. Dun siguro ako napakapit kanina kaya tumba. May gumugulong na mga bote ng sauces at mostly yung iba mga basag na. My gahd!!!! Gano karami to?
"Bakit mo kasi ako bigla-bigla na lang kinakapita----" naitulak ko tuloy sya, kaso nakalimutan ko yung paa ko. "Aray!!"
"Careful." di rin naman nya ako binitawan, kaya nakabawi ako. Di ko maiwasang mapataas ang boses.
Tinignan ko muli sya sa mukha kasunod ang kamay nyang nakaalalay sa akin. Hay, pano ko sya sisigawan kung tinutulungan nya ako? Tsk', ang bad mo Jade.
"Sir, bakit kasi—?" napatigil na lang ako nang masuri ang mukha nya, mas umagaw yun ng attensyon ko.
Wala sa mukha nya ang pag-aalala, at parang niloloko lang nya ako dahil meron syang pilit na expresyon——na parang iniintindi nya ako habang tunay na natatawa.
Loko-loko ba to?!!! Hindi ba nya alam ang sitwasyon namin ngayon?! Pwede kaya kaming magbayad ng malaki dahil sa dami ng mga nabasag na products dito!
"Oi, kayo dyan!!!" biglang sigaw sa amin ng isang sales lady na kakarating lang. Mukhang ineexamin pa nya ang nangyayari. Ayan na nga po! Lagot!!!
"Oi, oi, oi." pagtapik ko dun sa estranghero na nakaalalay sa akin. Mukhang nagpapanic na rin sya ng kaunti. "Bilisan mo na at umalis ka na. Bilis." madiin kong sabi.
"What about you?" sabay tingin nya sa paa ko.
Tsk', alam nang di nga ako makakaalis dito dahil sa ngimi ng paa ko, tapos magtatanong pa sya nan? Babagal lang kami nito. Grabe, sobrang kinakabahan na ako.
"Dyan lang kayo!!! Ma'am, Sir! Kailangan nyong bayaran ang mga damage!" nakinig ata nung sales lady yung sinabi ko. Buti at kailangan pa nyang umikot dahil nakahara yung mga kalat at bubog. Magkaka-time pa kami nito!
"Okay lang, bilisan mo. Baka makapagbayad ka pa. Go!" tulak ko ulit sa katabi ko.
"What about you?" pagbawi nya. Muli tuloy nagalaw ang paa ko. Ang sakit na ha.
Ang kulit naman nito. Nakakapuno tuloy. Ang sakit na ng paa ko lalo, kanina pa kasi kami tulak-kabig ng tulak-kabig dito! Okay lang ba sya?! Parang ang manhid naman neto!!!
"Ano ba!? Bulag ka ba o ano?!! Kitang hindi nga ako makakaalis dito!!! Buti nga pinapaalis ka na eh!!! UMALIS KA NA! AKO NA LANG MAGPAPALIWANAG SA KANILA! BILIS!!!! AT WAG KANG MAG-ALALA DI NAMAN KITA KILALA! WALANG LAGLAGANG MANGYAYARI!!!!!"
Sabing wag akong galawin! Kanina pa eh, ang sakit-sakit na ng paa ko!! Ngiming-ngimi na tapos puro galaw pa! Yan tuloy napasigaw na ako. Tsk! Konting konti na lang at ituturo ko talaga sya sa lahat ng damage cost dito. Tamo to.
"Ma'am, Sir!!!" tawag ulit sa amin nung sales lady. "Ayun po nila, Sir." sabi niya sa katabi nyang mukhang manager, na may mga gwardya pang kasama. Ate naman, parang ang oa mo naman ata. Susuko naman ako eh.
Eto namang katabi ko, lilingon-lingon pa, sabi na ngang tumakbo na eh. Kaya mabilis kong pinaharap yung ulo nya sa akin. Nasa likod nya kasi yung mga taong tumatawag ngayon sa amin, habang nasa likod ko naman yung mga nabasag na products. Mabuti na yung hindi sya nila makita kaya mabuting wag na syang lumingon.
Ngunit halos magtagpo ang kilay ko nang humarap sya sa akin ng may nakakalokong ngiti sa mga mata. Pilit din nyang tinitikom ang mga labi para itago ang kalokohang nasa isip.
Anong akala nya masaya to?! Kung sya kaya talaga ang sisihin ko sa mga kalat dito. Tutal di naman to mangyayari kung di sya nanghahara dyan eh!
"Anong nginingi-----" pero mas lumaki ang mata ko nang kinabig nya ako papalapit sa kanya. Nakita ko tuloy na medyo naalarma yung mga gwardya at bumilis ang mga lakad.
"Hey, what about we both run?" ngiting tingin nya sa akin na may maliwanag at desididong expresyon.
Ha? Kami tatakbo? Parehas? Ayos lang sya?
Di pa man ako nakakasagot ay umangat na sa lupa ang buong katawan ko! Ha?!
"Ugh!!! Tsk! Yung paa ko!" mahina na malakas kong daing, kung naiintidihan nyo lang yung sakit na nararamdaman ko sa binti. Di talaga to bagay sa takbuhan at sa sitwasyon ko ngayon. Ah basta!!
"KAYO!!! TUMIGIL KAYO!!! MA'AM! SIR! KAILANGAN NYONG BAYARAN ANG MGA DAMAGE!!!"
Bago pa man sila makahabol, nag-sprint na kaagad 'tong lalaking may buhat sa akin. Mabilis syang tumakbo at tinalon yung mga kalat mula sa boxes na nagkalat ang mga laman.
Teka, track and field runner ba sya? Parang daling dali kasi sya at medyo tumatawa pa nung medyo nawalan sya ng balanse bago umakto na parang medyo madudulas. Jucieko! Kung sya natutuwa, ako naman nagdadasal na dito at walang magawa kundi kumapit lang ng madiin. Sulitin na nya yang pagtakbo nya, wag na wag lang nya akong ilalaglag! Kundi naku sya ang ilalaglag ko. Double meaning, sa floor at sa mga damage cost.
Talagang ganun dapat, kung ano ang mararanasan ko dapat mararanasan din nya. Dapat equal lang kami. Parehas namang kasalanan namin yun eh.
"Wag kang magbiro ng ganun! Oi!" at mas hinigpitan ko pa ang kapit sa balikat nya para maramdam naman niya yung galit ko dito. Pero wala, mas tumawa pa sya -_-.
"It's fine." balewalang sagot nito. Ano, it's fine na malaglag ako?
Kuya ha, kung madulas ka dito at mahuli tayo, parang mas mabuti pa atang di na lang tayo tumakbo para mas less humiliation. Nakakahiya namang huli na tayo, bayad pa, may record na tapos baldado pa, diba?
"TUMIGIL KAYO!!" pigil ng medyo may kalayuang mga humahabol sa amin. Buti naman may distansya kami sa kanila. Ayos rin palang tumakbo 'tong si Kuyang may buhat sa akin. Ang galing ha. Partida dagdag pa ako sa pagtakbo nya.
"Hold it!" sigaw nya sa harap namin. Papasok kasi kami ng elevator.
Nakinig naman yun nung tao sa loob kaya binuksan nya ulit ang papasarang pinto, dahil dun nakapasok kaagad kami.
"Ugh! Aray naman! Dahan-dahan." mahinang daing ko sa kanya. Kakapit pa sana ako sa braso nya pero sya ang kumapit sa akin. Nawala tuloy ang pag-irap na gagawin ko sana sa kanya. Okay, gentleman sya.
"Sorry." binaba nya kasi ako sa may sulok nitong elevator. Buti at wala masyadong tao-----
["Roger, may dalawa bang kabataan na nagtungo sa gawi mo? Babae at lalaki, nakat-shirt at naka pants parehas. In-charge sila sa damage cost."]
Tumigil ang paghinga ko dahil sa nakinig. Pati yung si Kuyang di ko kakilala napatulala sa taas ng ulo ko. Magkaharap kasi kami ngayon. At katulad kanina, nakatalikod na naman sya dun sa nagsalita at ako naman ay natatakluban nya. Mas matangkad kasi sya sa akin.
"Anong itsura?" tanong nung guard.
O_O Lagot!!!